Share

3: Warning

Author: Yvhessirae
last update publish date: 2026-09-18 13:07:46

“Wife...”

Mabilis na nanlabo ang mga mata ko. Bumalik ang lahat ng masasayang alaala ko sa kanya, nag-echo ang pagtawag niya sa akin ng ‘wife’ kahit hindi pa man kami noon kasal, at ang matinding sakit na iniwan niya.

All those years, pinangako kong hindi ako iiyak sa harap niya kapag nagkita kami ulit, pero hindi ko mapigilan ang sarili. Sobrang sakit.

Atras ako nang atras habang patuloy siyang naglalakad papalapit. Sa huling atras ko, naramdaman kong wala na akong tatapakan. Nasa dulo na pala ako ng hagdanan.

Nanlaki ang mga mata ko at inaasahang magpapagulong-gulong ako pero mabilis niya akong inabot sabay hila papalapit sa kanya. Niyakap niya ako.

“Got you. It’s been a long time, wife,” bulong niya.

Wife? Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong asawa kahit siya naman itong nakipaghiwalay!

Tinulak ko siya at malakas na sinampal. Suminghap ang lahat. Tumakbo naman ako nang hindi lumilingon. Pumasok ako sa banyo ng staff room at agad na naghilamos. Gusto kong sumigaw at umiyak, pero pilit kong pinigilan ang sarili.

‘Nangako kang iyon ang huling beses na iiyakan mo siya Yasmin. Hindi siya deserving sa mga luha mo.’

Ang malakas na kalabog sa pint* ang pumutol sa paghinga ko.

“Yasmin!” boses iyon ni Ma’am Layla. Lagot ako nito. “Lumabas ka riyan!”

Binuksan ang pint* at yumuko.

“Ano 'tong nalaman kong kagagahan mo sa VIP?” Hinila niya ang buhok ko para iangat ang tingin ko sa kanya. “Nakabasag ka ng mga bote? At sumampal ka pa talaga ng VIP customer?”

“Pasensya—”

“Pasensya? Lumabas ka ngayon at humingi ng tawad kung ayaw mong 5 times na ikakaltas ko sa sweldo mo ang nabasag mo.”

5 times? Tapos isang case pa. 12 bottles din yun. Wala na akong matitira sa sweldo ko.

Mabilis nya akong tinulak palabas at halos madapa ako. Tuwid akong tumayo nang makita si Sebastian sa counter, katabi ng pint* nitong stock room at hinihintay ako.

Pwinersa ako ni Ma’am Layla na yumuko. “Pasensya na po...” hingi ko ng tawad habang nakatitig sa sapatos niya.

“I don’t easily forgive. I want her all night. Name your price.”

Kumuyom ang kamao ko. Ang sama talaga ng ugali niya. Sulitin mo na ‘to Sebastian dahil planado na ang paghihiganti ko.

“Fifty thousand ang two hours namin, sir.” Nakangiti na ngayon si Maam Layla. Mukhang pera talaga.

“One million for the whole night.”

Suminghap ko at nanlumo. Kailangan ko pang balikan si Yana sa hospital. Pero si Ma’am Layla, halos maglumpasay sa tuwa. Kinikilig pa nya akong hinampas.

“Paldong-paldo tayo, Yasmin. Iba talaga ang alindog mo!” Kapagkuwan ay bumulong siya, nagbanta. “Huwag mong subukang humindi dahil tatanggalin talaga kita sa trabaho. Tandaan mong nasa hospital ang anak mo ngayon.”

Napalunok ako. Isang buong gabi niya akong aangkinin? He’s huge and rough. Halos limang taon din nung huli akong nakipag-sex at siya ang huli. Bahala na, siya naman ang kumuha ng virginity ko. Mas okay na siya kaysa sa matatandang customer.

Dinala ako ni Sebastian sa isang luxury hotel. Pagkapasok namin sa kwarto, walang pag-aalinlangan kong hinubad ang damit. Para saan pa para mag-alinlangan ako, ilang beses ng akong inangkin niyan.

“Stop.”

Awtomatiko akong natigilan.

Sumasalampak siya sa malaking kama. “I don't want your body. I want your massage.”

Bumagsak ang balikat ko sa relief. Nawala ang panginginig ng mga kamay ko. Tahimik akong pumwesto sa uluhan niya at hinayaang gawin niyang unan ang hita ko. Sinimulan ko ang pagmamasahe sa kanyang ulo.

“Bayarang babae ka na pala ngayon,” pang-iinsulto nya habang nakapikit.

“Sinira mo ako. Kasalanan mo,” bulong ko.

I was graduating when we married and he got me pregnant. Ang plano ko ay pagkatapos ng graduation ko kami magpakasal pero hindi siya makapaghintay. Marami kasing nanliligaw sa akin noon kahit boyfriend ko na siya, natatakot siyang baka maagaw ako kaya gusto na niya kaming magpakasal. Hindi naman ako nakahindi. Mahal ko eh. Ang mas malala, nagpabuntis pa. Masyado akong naniwala na mahal niya ako at papanagutan.

Hindi siya sumagot at wala man lang bakas ng guilt sa mukha niya.

Ilang oras ko siyang minasahe bago niya pinatigil ang mga kamay ko. Umalis siya sa kama at nagsalita ng hindi ako hinaharap.

“Sleep. You're a mess, wife”

Alam kong hindi niya ako papauwiin ngayong gabi, kaya hindi na ako nag-abalang kausapin pa siya tungkol doon. Tinext ko rin si Lola Nena na bukas ng umaga ko na ako makakabalik sa hospital. Nag-imbento na lang ako ng dahilan na may late event sa bar at kulang sa staff.

Naligo ako, kinuskos nang maigi ang buong katawan at isinuot ang bathrobe.

Nagising ako sa tirik ng araw na tumatama sa aking mukha. Unang bumungad sa akin ang anyo ni Sebastian sa sofa, kunot ang noong may kinakalikot sa cellphone.

Kumurap ako para linawin ang paningin at tuluyang nakita ng malinaw ang phone na hawak niya. Bumalikwas ako.

Phone ko 'yun!

Natataranta akong bumangon at mabilis na hinablot iyon.

“Sino ang nagsabi sa ‘yong pwede mong pakialaman ang gamit ko?” Matindi ang kabog sa dibdi* ko. Natataranta ang isip ko. Nakita ba niya?

Seryoso ang tingin sa akin ni Sebastian. “May anak ka.”

Lumunok ako, pilit na pinapakalma ang mukha. “Ano naman ngayon?”

“Is she mine?”

Tumawa ako nang pilit para itago ang takot, tsaka siya tinitigan nang masama. “She’s not.”

“Talaga? How old is she?”

“Wala ka nang pakialam dun!”

“Of course I have. We look similar.”

“Guni-guni mo lang 'yan! Akin na ang pera at aalis na ako.” Nilahad ko ang palad sa harap nya.

“I already sent it to your boss.”

“Ganun? Edi thank you!”

Tinalikuran ko siya pero mabilis niya akong hinila pabalik. Bumagsak ang katawan ko sa dibdi* nya at niyakap para hindi ako makawala.

“Ano ba? Let go!!”

“Uulitin ko... anak ko ba ang bata?” nakakatakot niyang tanong.

“Hindi nga! Bitaw!”

Pilit niya akong pinatitig sa malalim niyang mga mata.

“Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling... dahil sa oras na malaman kong akin siya, kukunin ko ang dapat na akin, Yasmin.”

Ilang oras na ang lumipas, nanginginig pa rin ako sa kaba habang hawak ang kamay ng anak ko sa hospital. Pwede na siyang lumabas dahil nakapagbayad na ako sa bill.

“Talaga, Mommy? Kakain tayo sa Jollibee?” Excited na tanong ni Yana.

“Oo, baby. Treat ko kasi naging napaka-brave mo.”

Malaki ang ibinigay sa akin Maam Layla. 40% din ang naging share ko mula sa binayad ni Sebastian.

“Yey! Tara na, My!” Si Yana pa mismo ang humila sa akin patungo sa pint*.

Natatawa kaming sumunod ni Lola Nena sa kanya.

Habang naglalakad kami sa kahabaan ng corridor at panay ang daldal ni Yana sa mga gusto niyang kainin, biglang natulos ang mga paa ko sa semento.

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkaputla habang nakapako ang mga mata sa dalawang taong naglalakad papalapit sa amin. Malakas ang kabog ng dibdib habang sinasalubong ang matalim na titig ni Sebastian. Kasama niya ang doctor ni Yana.

Don't tell me…

“Mommy?” Yana tugged my shirt.

Mula sa akin ay bumaba ang mga mata ni Sebastian sa bata. Mabilis ko itong itinago.

Ipina-DNA test niya ba ang anak ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   5: Ruin Sebastian

    Umatras si Yana nang makita ang tindig ni Sebastian sa pint*. Tatakbo sana sa akin ang bata pero mabilis siyang hinarang ng lalake at agad na binuhat.Nagwala ito at mas lalong umiyak. “Bitaw! Mommy! Mommy!”“Bitawan mo siya, Sebastian!” sigaw ko habang pilit nagpupumiglas sa mga guard.Malamig lang siyang nakatingin sa akin habang mahigpit na hawak si Yana.“Binalaan na kitang ayoko ng nagsisinungaling. Ang akin ay akin, Yasmin.” “Alam mong buntis ako nung nakipaghiwalay ka sa akin!” Bawa't salita ko ay may kasamang luhang umaagos. “Bakit ngayon... bakit ngayon gusto mo pa ring kunin ang anak ko?”Lumabas ang isang madiin at walang emosyong ngisi sa labi niya. “I need her to get my inheritance."Umawang ang labi ko. Akala ko kaya niya kukunin ang bata dahil mahalaga sa kanya ang dugo't pawis niya, pero gagamitin lang pala niya si Yana. Katulad ng kung paano niya ako ginamit at itinapon noon.Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang lumabas si Sebastian kasama ang anak ko. Narinig ko

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   4: Betrayal

    “Mommy! Jollibee!”Pagpupumilit ni Yana habang mabilis kong isinisiksik ang mga damit niya sa maleta. Matapos kong makita si Sebastian, hindi na kami tumuloy pang kumain dahil nagmamadali na akong umuwi. Sumusunod siya sa bawat galaw ko. Hindi ko siya binibigyan ng pansin at nakatuon lang sa pag-immpake. Biglang yumakap ang bata sa binti ko bago humagulgol nang husto, tsaka humiga sa semento at nagwala.Umayos ako ng tayo at sumabog sa inis. “Sinabing bukas na!”Natigilan siya. “Hindi ka ba marunong umintindi? Nagmamadali nga tayo!”Huminto ang pagpedal ng maliliit niyang paa. Humihikbi siyang bumangon at patakbong lumabas ng kwarto. Inayos ko ang zipper ng maleta. Halos lahat ng gamit ni Yana ang inimpake ko. Ilang pares lang ng damit at importanteng dokumento ang dinala ko para sa sarili ko.Isang maleta at dalawang bag ang bitbit ko nang lumabas kami ng bahay. Tahimik ang anak ko sa loob ng traysikel, nakatitig lang sa daan para magtampo. Bumuntong hininga ako at inutusan ang d

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   3: Warning

    “Wife...” Mabilis na nanlabo ang mga mata ko. Bumalik ang lahat ng masasayang alaala ko sa kanya, nag-echo ang pagtawag niya sa akin ng ‘wife’ kahit hindi pa man kami noon kasal, at ang matinding sakit na iniwan niya. All those years, pinangako kong hindi ako iiyak sa harap niya kapag nagkita kami ulit, pero hindi ko mapigilan ang sarili. Sobrang sakit. Atras ako nang atras habang patuloy siyang naglalakad papalapit. Sa huling atras ko, naramdaman kong wala na akong tatapakan. Nasa dulo na pala ako ng hagdanan. Nanlaki ang mga mata ko at inaasahang magpapagulong-gulong ako pero mabilis niya akong inabot sabay hila papalapit sa kanya. Niyakap niya ako. “Got you. It’s been a long time, wife,” bulong niya. Wife? Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong asawa kahit siya naman itong nakipaghiwalay! Tinulak ko siya at malakas na sinampal. Suminghap ang lahat. Tumakbo naman ako nang hindi lumilingon. Pumasok ako sa banyo ng staff room at agad na naghilamos. Gusto kong sumigaw at

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   2: The VIP Customer

    “Ilang beses ko bang sasabihin sayo Yasmin na the customer is always right?” sigaw sa akin ni Ma’am Layla dito sa loob ng staff room. May isang matandang customer na naman kasi ang niyaya akong uminom pero tumanggi ako. Alam kong hihipuan lang ako nun. “Kahit katawan ko na ang habol? Waitress ako sa bar na ’to, Ma'am, hindi bayarang babae.” Sa kabila ng galit ko ay pinilit kong huwag tumaas ang boses ko. Boss ko pa rin siya at baka patanggalin niya ako. Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon, kahit dishwasher, kailangan college graduate. “Hindi ko na kasalanan kung bakit sobrang ganda mo at bet na bet ka ng mga customer! Pabor nga dapat sayo yan dahil mas malaki ang perang maiiuwi mo. Nangangailangan ka ng pera, ’di ba?” Oo, malaki ang problema ko sa pera, pero gusto ko na ang perang ibubuhay ko sa anak ko ay galing sa marangal na paraan. Mahirap man ako, pero hindi ko ibebenta ang dignidad. “Naku, umayos ka! Isa pang reklamo mula sa customer, tatanggalin na kita!” Nan

  • The Ex-Wife's Wicked Retribution   1: Ang Simula

    “One more round, wife. Please.” Ang boses niyang paos ay nagsusumamo. Hinila niya ako sa balakang papalit sa kanya nang sinubukan kong lumayo at patuloy siyang umuulos sa likuran ko. “Last round na,” hingal ko. Hindi ko na talaga kaya pero ang hirap niyang tanggihan. “Malalaman natin.”“Sebastian,” ungol at sita ko. Tumawa lang siya sa tenga ko at hinalikan ang aking likod. Nakatuwad ako, ang mukha ay nakabaon sa unan at pinaghahampas ang kutson sa panggigigil. Ang bawat baon niya ay malakas, mabilis, at napakalalim. Ramdam ko ang pag-untog ng kanyang titi sa pinakamalalim na bahagi ng aking cervix. Ibang-iba siya ngayon. Marahas siya, ang bawat ulos ay demanding at needy. Akala mo naman huli na ‘to. “Fuck, wife. Ang sikip mo aahh!” Sarap na sarap siyang kumakadyot. Ilang saglit lang, muli akong nilabasan. Ika-anim ko na ‘tong orgasamo ngayong tanghali. Ang katawan ko ay nangangatog, ang mga kalamnan ay hindi ko makontrol sa sobrang pagod at sarap. Pinatihaya niya ako, at mab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status