LOGIN
Third Person's Point of View
“Uy, ‘wag ngayon. Magiging ama ka na, pero hindi ka pa rin natatakot na hawakan ako sa pampublikong lugar, ah? Hindi ka ba nag-aalala na pagtawanan ka ng anak mo balang araw?”
Ang malambing na tinig na narinig niya mula sa ilang metro ay labis na pamilyar kay Evan. Natigilan siya sa paglalakad dahil doon. Mag-isa lang siya ngayon na pumunta sa ospital para sa kanyang prenatal check-up. Nang tingnan niya ang sulok ng pasilyo, nanlaki ang kanyang mga mata sa dalawang bulto ng tao na halos magdikit na ang mga katawan.
Isang hakbang na lang ang kailangang gawin ni Evan para tuluyang harapin ang katotohanan kung sino ang nakikita niya, ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon.
Tumalikod na lang siya sa mga ito pero agad ding napatigil ng isang mas pamilyar pang boses ang narinig niya, tila anino itong sumusunod sa kanya. Ang tinig ay puno ng lambing at bahagyang pagkawili. “Anak natin, babe. Paano naman ako pagtatawanan ng anak natin? Alam niyang mahal na mahal kita, at tiyak na matutuwa pa siya dahil doon.”
“Kenneth… sana nga anak natin ang sanggol na sasalubungin mo. Kasalanan ko ‘to, kung hindi lang sana mahina ang katawan ko...”
“Magkapatid kayo ni Evan, kaya ang anak na ipapanganak niya ay kalahating bahagi ng dugo mo rin. Isa lamang siyang kasangkapan para magbigay ng egg cell at magpahiram ng sinapupunan. Hindi ko siya kailanman ginalaw. Tayong tatlo ng sanggol ang tunay na pamilya.”
Napakagat si Evan sa kanyang ibabang labi habang nanginginig na napatukod ang kamay sa malamig na dingding.
Kung hindi lang sana siya sinasampal ng katotohanan ng sariling pandinig, hindi siya maniniwalang ang asawang palaging malamig at walang pakialam sa kaniya ay kaya naman palang maging ganito kaalaga at kalambing.
Napakaalaga niya na umabot sa puntong pinagplanuhan na nitong kunin sa kaniya ang sanggol sa kanyang sinapupunan upang maging isang ganap lang silang pamilya.
“Pero mahal ka ni Evan. Lagi akong nakokonsensya para sa kanya.”
Naputol ang usapan ng dalawa nang bahagya na ang mga itong makalapit sa kaniya.
Humarap si Evan sa papalapit, itinaas ang gilid ng kanyang labi, at binigyan ang kaniyang napakabuting kapatid ng isang ngiting puno ng pang-uuyam. Natigilan sa kanyang harapan si Ella. Nangilid ang mga mata ni Ella at agad itong napuno ng luha. Kahit sinong mapapatingin dito ngayon ay maaantig ang damdamin at makakaramdam ng awa.
Kasabay nito, narinig niya ang mabibigat na yapak ng isang lalaki. Ang malamig na tinig nitong umalingawngas sa pasilyo ay tila pumatay sa huling piraso ng pag-asa ni Evan.
“Kung nagmamahalan man kami, anong pakialam mo?”
Bago pa man matapos ang sinabi, isang hakbang na lang ang pagitan at lumitaw ang matangkad at matipunong pigura ni Kenneth sa likod ni Ella, na halos mabuwal na sa pagkakatayo.
Sa isang tingin lang, nakita agad ni Kenneth ang maputlang mukha ni Evan. Bahagyang nakakunot ang noo niya dito.
Kasabay nito ay maingat niyang niyakap si Ella, sinigurong ayos ito bago tumingin kay Evan nang malamig. “Did you heard everything?”
Hindi kumurap si Evan habang nakatitig sa harapan niya, isang tanawing puno ng pagmamahalan. Kasabay nito, mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao.
Bago pa man siya makapagsalita ng kahit ano, lumapit si Ella sa kaniya habang umiiyak at mariing hinawakan ang kanyang mga kamay. “Evan, kasalanan ko ito, sa akin ka magalit. ‘Wag kang gumawa ng kahit anong makakasakit sa'yo dahil baka kung anong mangyari sa bata.”
Labis ang kirot at galit sa puso ni Evan kaya naman nang hindi na nag-iisip nagawa niya itulak si Ella para lang mawala ang hawak nito sa kaniya.
Hinaplos niya ang kanyang pitong buwang tiyan, habang nakatingin kay Kenneth na malamig at walang pakialam sa kaniya. Dahan-dahan niyang binigkas ang mga sumbat dito na puno ng hinanakit.
“Dahil ba baog si Ella, kaya ka pumayag sa kasal ng alukin ka ni Lola? Para lang magamit mo ako, ang pinakamalapit na kadugo niya, at para magkaanak ka na medyo hawig pa rin sa kaniya, huh? Sumagot ka, Kenneth!”
Nang makita ang dati'y kalmadong si Evan na ngayo’y may mga matang namumula sa galit, lalong nadagdagan ang inis at paghamak ni Kenneth rito. “Alam mo ba kung nasaan tayo ngayon? Gagawa ka talaga ng eksena rito? Wala ka na bang kahihiyan, ha, Evan?”
“Bakit ako mahihiya? Kayong dalawa ang dapat mahiya! Bakit ako mahihiya kung ginagawa ko naman ito para ipaglaban ang sarili ko?” Nanginginig si Evan sa tindi ng galit para sa dalawa. Nang muling lumapit si Ella na may kaawa-awang anyo, pilit na hinihila ang kanyang damit, walang emosyon niyang itinaas ang kamay at isang malakas na sampal ang tumama sa mukha nito.
Walang sino man ang inasahan na ang isang tahimik at reserve na tao na tulad ni Evan ay may lakas ng loob na saktan ang kanyang kapatid, ang kapatid na minsan niyang minahal.
Sinubukan ni Kenneth na pigilan ito, ngunit huli na ang lahat. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang panoorin si Ella na hawakan ang namamaga niyang pisngi ng isang kamay, habang ang isa naman ay nakapatong sa kanyang dibdib na humihingal at hindi makahinga. Mahina itong lumuhod at halos ibulong na lang ang mga salitang nais sabihin.
“Evan, huwag mong sisihin si Kenneth, at huwag mo rin sana itong sabihin kay Lola.”
Habang nagsasalita, unti-unting humina ang kanyang boses at bumagsak ang kanyang payat na katawan sa sahig.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Kenneth. Ang init sa kanyang mga mata ay nawala at para siyang binuhusan ng malamig na yelo sa nasaksihan.
Tinulak niya si Evan palayo, dumalo kay Ella, at binuhat ito nang maingat, na parang hawak niya ang kaniyang pinakamahalagang kayamanan. "Doktor! Tumawag ka ng doktor! Alam mo namang may may congenital heart disease si Ella!"
Nakatitig si Evan sa tagpong nasa harapan niya, tulala at tila nawalan ng lakas. Inabot niya ang kanyang tiyan upang protektahan ito, ngunit natamaan siya nang pagkatuliro ni Kenneth habang buhat-buhat si Ella para humanap ng doktor. Malakas siyang nahampas sa dingding ng pagkakabundol sa kaniya nito.
Ramdam niya ang matinding sakit na dumaloy sa buong katawan niya, para itong alon ng sakit na lumalamon sa buo niyang pagkatao. Tumulo na ang malamig na pawis at luha sa sahig habang pinilit siyang humihingi ng tulong, ngunit walang salita ang lumabas sa kanyang bibig.
Hindi kalayuan, isang nurse ang lumabas na may hawak na resulta ng kanyang prenatal examination. Nang makita ang dugo sa pagitan ng mga binti ni Evan, nagulat ito at agad siyang dinaluhan para tuluyang masuri. "Paano mo nagawang magpa-checkup nang mag-isa sa ganitong kalagayan, Misis? Tawagin mo ang iyong asawa o pamilya! You're in for an emergency labor! Kailangan nating may pumirma agad para sa operasyon!"
"Akin na 'yan."
Matapos masigurong naalagaan na ng mga doktor si Ella, binalikan ni Kenneth si Evan sa pinag-iwanan at narinig ang sinabi ng nurse. Kinuha na lang niya nang walang pag-aalinlangan ang form mula sa nurse. Agad niyang nilagdaan ito nang walang pag-iisip, basta na ito pumirma na hindi man lang iniisip ang kaseryosohan ng sitwasyon.
Sa gilid ng kanyang mata, napansin niya ang dugo sa sahig na tila sumisigaw ng pansin. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, ngunit nang maalala niya ang nangyari kay Ella, napalitan ito ng matinding galit sa may kasalanan. "Evan, ipagdasal mong walang mangyaring masama kay Ella, dahil kung hindi..."
Matapos ang huling stroke ng kanyang pirma, inihagis niya ang papel pabalik sa nurse at iniwan si Evan nang hindi man lang lumingon. Ang kanyang isip ay si Ella lang ang laman, ang babaeng kaniyang pinakamamahal.
Habang papalayo si Kenneth, habol siya ng tingin ni Evan sa huling pagkakataon, ang mga mata’y puno ng desperasyon at sakit.
Anuman ang nararamdaman niyang pisikal na kirot, wala itong sinabi kumpara sa saksak ng sakit sa kanyang puso dahil sa ginawa ng kaniyang asawa.
Tatlong taon silang magkakilala ni Kenneth, at isang taon namang mag-asawa.
Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili, ‘Ano bang mali ang nagawa ko? Bakit ganoon na lamang ang trato niya sa akin, daig ko pa ang isang basahan. Hindi niya ba naisip na dinadala ko ang anak niya?’
Nagsindi ang pulang ilaw ng operating room, hudyat na mayroong ooperahan sa loob ng silid. Hindi magsasampung minuto ang lumipas, lumabas ang doktor na si Dr. Bernard Paranal, basa ng pawis, at sumenyas sa nurse na tanungin sa mga kamag-anak ng pasyente kung sino ang dapat iligtas, ang ina o ang bata. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya, pero ang mailigtas niya ang parehong buhay ng pasyente niya ngayon ay isang milagro na sa pagka-imposible.
Sa gitna ng operasyon, unti-unting nagkamalay si Evan. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, at mahina niyang tinanong si Dr. Bernard, "Matagal na tayong magkakilala. Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung ano ang problema?"
Napakagat-labi si Dr. Bernard, halatang nag-aalinlangan kung sasabihin niya ba ang kinakaharap na sitwasyon.
Agad naintindihan ni Evan ang sagot. Tumingin siya sa bubog na kisame ng operating room, ang mga mata’y tila nawalan ng buhay.
Sa sandaling iyon, pumasok sa kanyang isipan ang ideya na tapusin na lang ang lahat kasama ang bata sa kanyang sinapupunan.
Mas gugustuhin niyang hindi na mabuhay kaysa ibigay ang anak niya sa kanyang asawa at kapatid.
Ngunit ang ideyang iyon ay naglaho rin agad dahil nanaig pa rin ang kanyang pagiging ina.
"Dr. Bernard, iligtas mo ang bata."
"Hindi!" Agad na lumapit si Dr. Bernard sa kanyang tabi bago pa bumalik ang nurse. “Nababaliw ka na ba? Dalawampung taong gulang ka pa lang! Marami ka pang pagkakataong magbuntis sa hinaharap! Bilang kaibigan at hindi doktor mo, hindi ako pumapayag diyan sa desisyon mo.”
Ngunit nanatiling matigas si Evan sa kanyang desisyon. Kita sa mga mata niya na buo na talaga ang kaniyang loob.
Sa wakas ay nagawa na muling magsalita ng doktor sa kaniyang tabi. Bahagya pang nanginig ang boses ni Dr. Bernard habang bumubulong,.
“The truth is... ang bata sa sinapupunan mo… hindi siya anak ng asawa mo."
May punto rin naman sa sinabi nito.Biglang dumilat si Evann, pilit inaalala ang bawat detalye ng nangyari.Naalala niyang una niyang narinig ang malamig at madilim na boses ni Rat Eyes, at sa galit, sinunggaban niya ito sa leeg — hanggang sa biglang tumigil ang boses nito.Sa buong pangyayari, alam niyang kamay lang ang iniunat niya — hindi man lang siya yumuko. Kung pagbabasehan ang taas nila, imposibleng siya ang nagtulak kay Cheska pababa ng hagdan.“Alam mo na,” ani Tata Guyo, bahagyang umayos ng upo habang nagsalita sa kalmadong tono. “Kaso nga lang, hindi ‘yan sapat bilang ebidensya sa korte. Kailangan ko munang makausap ‘yong mga kasambahay bago tayo makagalaw.”Nakaramdam ng ginhawa si Evann, sabay lingon sa labas ng bintana kung saan unti-unting dumidilim ang langit.Kanina, hindi niya gaanong ramdam — pero ngayong dapit-hapon na, may kung anong lungkot at kawalang-laman siyang naramdaman.Gusto rin sana niyang makaharap ang mga kasambahay, pero kailangan niyang hintayin ang
Napansin ni Bambie na tila hindi siya ikinatutuwa ni Evann. Napatigil ang kilos niya at dumilim ang maliwanag niyang mukha sa anyo ng sama ng loob. Maingat niyang ibinulong, “Young Madam, alam kong galit ka dahil hindi ko natupad ang pangako natin. Kasalanan ko talaga, pero hinding-hindi ko intensyong saktan ka. Kung hindi ka naniniwala, pwede mong tanungin si Kevin. Totoo talagang nawalan ako ng malay.”Lahat ng nangyari noong gabing iyon—kabilang na ang pagdating nang huli ni Kevin—ay nananatiling tinik sa puso ni Evann.Ayaw niyang magmukhang apektado kaya pinipilit niyang kalimutan. Kung hindi lang paulit-ulit na pinaaalala ni Bambie, iisipin na niyang tuluyan na siyang naka-move on.Sa gilid, nakakunot ang magandang kilay ni Kevin habang lihim na nakatingin kay Bambie, walang sinasabi.“Miss Bai, hindi ko sinasabing hindi kita pinaniniwalaan.” Matagal bago nagsalita si Evann; bahagya niyang iginilid ang labi, biglang nakaramdam ng pagod. “Salamat sa pagpunta mo, pero pagod na pag
Pagkakita pa lang ni Katelyn sa laman ng dokumento, hindi niya napigilan ang tuwa. Totoong masaya siya para kay Evann.Para sa kanya, sa sobrang sama ng ugali ni Kenneth, bagay na bagay siya kay Ella—ang babaeng ‘yon. Ang tanging meron lang si Kenneth ay magandang pamilya at maayos na itsura. Bukod doon, isa lang siyang mamahaling unan na bulok ang loob, hindi man lang karapat-dapat kay Evann.Nakaiga sa kama ng ospital, bahagyang nanlaki ang mga mata ni Evann. Sa pandinig niya ay umaalingawngaw pa ang malakas na pagsara ng pinto ni Kenneth nang umalis ito. Matagal niyang tinitigan ang dokumento, hindi maialis ang tingin.Walang duda, ito ang bagay na matagal na niyang gustong makuha pero hindi niya nakuha. Pero sa ganitong paraan niya ito nakuha, hindi ito ang orihinal niyang nais.“Evann, pumayag na rin sa wakas ang demonyong ‘yon na palayain ka. Blessing in disguise ito para sa atin. Ang kailangan na lang ay linisin ang pangalan natin.” Nalito si Katelyn kung bakit tahimik lang si
Napasinghap si Evann sa sakit, hindi makaalis sa pagkakaupo at wala ring oras para sagutin ang mga tanong ni Kenneth.“Kenneth, kulang na lang na pinagbibintangan mo si Evann nang walang basehan, pati ba naman pananakit nasikmura mong gawin?” Nangilid ang luha sa mga mata ni Katelyn. Mabilis siyang lumapit para alalayan si Evann at hinarap ang mga bodyguard na nanonood lang sa may pinto. “Hindi kayo sinugo ni Sir Huete para manood lang. Kapag may nangyari kay Evann, kayo rin ang haharap sa galit ni Sir Huete!”Sa gitna ng tensyon, lalo pang bumigat ang tatlong salitang “Kevin.”Kahit pa nagwawala si Kenneth, pinigilan pa rin siya ng mga bodyguard at pinaupo sa sofa sa kanto, bawal nang lumapit kay Evann.“Kenneth, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko naaalala? Bakit ka nagkakaganyan?”Pigilang-pigil ang sakit habang bumalik si Evann sa kama. Itinaas niya ang suot at ipinakita ang kulay-ubeng pasa na patunay kung gaano kalakas ang tama ni Kenneth.Alam niyang kahit basura si Kenne
Pagpasok ni Kenneth sa ICU na parang may sariling entourage, hindi pa gising si Evann.“Master Kenneth, utos ni sir Kevin na maghintay po kayo sa labas hangga’t hindi pa pumapayag ang Young Madam na papasukin kayo.” Maingat na binabantayan ng mga bodyguard ang pinto. Kita ang bagsik sa mukha ni Kenneth habang pinipilit pumasok, kaya mabilis at magalang nila itong hinarang, nakikiusap pa: “Kalma lang po kayo, hindi talaga puwede. Hindi namin kayang ipaliwanag ’to sa Sir Kevin kung papasukin namin kayo.”Nanindigan si Kenneth, malamig ang tingin sa mga guwardiya: “Gusto kong makita ang asawa ko, tapos gagamitin n’yo pa ang pangalan ng tito ko para pigilan ako?”“Master Kenneth, huwag n’yo kaming pahirapan.” Nagkatinginan ang mga bodyguard. Isa sa kanila, kilala sa tiwala ni Albert, ang lumapit at walang simpatiyang nagsabi: “Ayon sa doktor, hindi naman malala ang lagay ng Young Madam at malapit na siyang magkamalay. Kaunting hintay na lang po.”“Ha!” Mapait ang ngiti ni Kenneth sabay ta
“Master…”Mariing napakunot ang noo ni Albert. Naiintindihan niya ang sikip at gulo sa lumang bahay at ang hindi tiyak na sitwasyon, pero hindi rin niya alam kung hanggang kailan maitatago ang insidenteng ito.Isa pang bugso ng online bullying at tuluyan nang madudurog si Evann.Kahit gano’n pa man, ibang klaseng halaga ang meron sa Jewelry kay Evann; pero kay Kevin, isa lang siya sa napakaraming investment.Ibig sabihin, handa si Kevin isugal ang buhay niya para protektahan ang mga pangarap at pinaghirapan ni Evann.Kalmado lang na kumumpas si Kevin habang hinihintay umepekto ang gamot.Naaantig si Albert at gusto nang tumakbo kay Evann para sabihin: “Kung alam lang ni Miss Evann ang mga pinaggagawa mo para sa kanya…”“Tumahimik ka.” Matalim ang tingin ni Kevin, walang ekspresyon, bago iniabot ang hiringilya sa kamay ni Albert. “Ito, sigurado ako. Pero ‘yung iba, hindi ko pa mapapatunayan.”Kabisado niya si Evann — may kaunting obsessive-compulsive disorder ito. Kapag may maayos na







