Share

Chapter 2

Author: Shea.anne
last update Last Updated: 2024-11-29 17:42:23

"A-ano ang sinabi mo?"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Evan habang nakatingin kay Dr. Bernard na balot ng pawis. Paano mangyayaring hindi anak ni Kenneth ang bata?

"Patawarin mo ako, Evan," halos hindi makatingin si Dr. Bernard sa kanya dahil sa pag-usig sa kaniya ng konsensya. "Noong nagpunta ka sa akin para sa IVF, nakagawa ng malaking pagkakamali ang assistant doctor ko, ibang sperm test tube ang nagamit sa'yo Nang malaman ko ito, huli na ang lahat."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

"I'm sorry. I'm really sorry." Nagsimula nang lumuha si Dr. Bernard, nanginginig at hirap pang magsalita. "Alam mo ang sitwasyon ng pamilya ko, at ang ospital ay pag-aari ng pamilya Huete. Kung nalaman nilang nagkamali ako ng ganito kalaki, siguradong mawawalan ako ng trabaho. Baka pati pamilya ko ay madamay sa galit nila. Natakot lang ako, Evan. Patawad."

Napalunok si Evan, tila naubusan ng sasabihin. Napakabigat ng rebelasyong ito, parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gagawin.

Sa gitna ng kanilang katahimikan, dumating ang nurse na tila umiiwas ng tingin kay Evan. "Ang pamilya ng pasyente ay nasa ibang operating room at po hindi namin makontak."

Hindi napigilang sumiklab ang galit ni Dr. Bernard. "Wala ba siyang konsensya? Kung hindi niya tinulak si Evan dahil sa ibang babae, hindi sana siya mapapaanak ng maaga. Paano niya..."

"Huwag na," mahina ngunit mariing putol ni Evan.

"Iligtas niyo ang bata. Pinipili ko ang bata. Bernard, alang-alang sa pagkakaibigan natin, sundin mo sana ang desisyon ko."

"Evan..."

"Kahit hindi siya anak ni Kenneth ang batang ito, anak ko siya, anak ko, si Evan Mae Villaflor," matapang na wika niya. Sa kabila ng sakit, nagawa niya pa ring mapait na ngumiti, kasunod ang isang uri ng ngiting sumisigaw ng parehong galit at kasiyahan. "Alam mo bang kung nalaman ko ito dati, baka hindi ko matanggap. Pero ngayon, natutuwa akong walang kaugnayan si Kenneth sa anak kong ito."

Ang kanyang buhay na parang isang kasangkapan ng lahat sa paligid ay sapat ng trahedya. Kung hindi lang dahil sa desperasyon niya noon, hindi siya hahantong sa ganito. Kaya naman ngayon, hinding-hindi niya hahayaang gawing prop ang anak niya para sa kaligayahan ng iba.

Malalim ang buntong-hininga ni Dr. Bernard habang hinigpitan ang hawak sa kamay ni Evan. "Sige, pangako, ililigtas ko kayo ng anak mo."

"Naniniwala ako sa'yo. Kapag ligtas na ang bata, agad kong hihiwalayan si Kenneth at palalakihin ko ang anak ko nang maayos."

Tatlong oras ang mabilis na lumipas.

Habang hawak ang bagong silang na sanggol, halo ang emosyon ni Dr. Bernard habang nasa bisig niya ang bata. Agad niyang inilapit ang pink at napakacute na sanggol kay Evan na halos himatayin na sa pagod. "Evan, tingnan mo, ang lusog ng anak mong lalaki!"

Pinilit ni Evan na idilat ang kanyang mga mata kahit pa parang bibigay na siya sa kadiliman sa sakit at pagod. Pero nang marinig ang iyak ng anak, at nang tuluyan niya na itong makita, parang nawala lahat ang bigat na dala-dala ng puso niya.

Hindi pa man nagtatagal na kalapit niya ang kaniyang supling, nagulat ang lahat ng biglang bumukas nang marahas ang pintuan ng operating room. "Pasensya na pero kailan matatapos ang operasyon? Nakakuha kami ng reklamo tungkol sa intended physical harm. Kailangan naming arestuhin ang inirereklamo para sa pansamantalang detensyon."

Nanginginig ang braso ni Dr. Bernard sa pagkakabitbit sa bata habang nakatingin sa labas, gulat at di makapaniwala sa narinig. "Tinawag niya ang pulis para ipaaresto ka?"

Nanigas ang mahina ng ngiti sa mga labi ni Evan.

Napakasama ni Kenneth. Buo na talaga ang plano nitong alisin sa buhay nila si Evan at ipadala sa kulungan  para makuha ang anak niya. Nang sa ganoon ay maging masaya na sila kasama si Ella.

Hindi pa siya patay, pero kung malaman ni Kenneth na hindi kanya ang bata, hindi niya alam kung ano ang mga kayang gawin nito sa bata.

Sa tawag ng sitwasyon, nagawang mag-desisyon agad ni Evan para sa ikabubuti ng anak niya. Nakasalalay na ngayon sa doktor ang buhay nilang mag-ina.

"Dr. Bernard, maaari ka bang humanap ng paraan para maibigay ang bata sa tunay na ama niya?"

Ang pag-freeze ng lalaki sa kaniyang sperm ay nangangahulugang gusto rin ng lalaking iyon magka-anak.

Napakagat-labi si Dr. Bernard, litong-lito at natatakot. Tumingin siya sa mahina nang mag-ina sa harap niya, pinigilan ang sariling umiyak, at tumango nang mariin. "Pangako, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."

Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Evan habang minamasdan si Dr. Bernard na marahang inilapag ang kanyang anak sa kama at tinakpan ito ng puting tela.

"Huwag mo nang pansinin ang mga pulis sa labas, ako na ang bahala sa kanila. Hanapin mo ang lalaking iyon at sabihin mong ipinanganak na ang bata."

Saglit na nag-alinlangan ang nurse na kanina pa nilang kasama. Muli nitong tiningnan si Evan nang may awa bago tumalikod at lumabas, sumunod sa utos ng babae

Hindi rin nagtagal ay lumitaw na si Kenneth sa operating room.

"Pasensya na, pero matindi ang naging paghihirap ng ina habang nanganganak, at natamaan mo ang tiyan niya nang bumagsak siya. Patay na ang bata nang isinilang." Natural ang kilos at boses ni Dr. Bernard habang malamig na tinitingnan ang reaksyon ni Kenneth. "Gusto mo bang tingnan ang bata?"

Bahagyang natigilan ang lalaki. Napatingin siya kay Evan, na tahimik lamang sa operating table, walang emosyon, ni lungkot o galak ay hindi makikita sa mukha nito.

Sa alaala niya, palaging malakas at walang kibo si Evan, ibang-iba kay Ella na laging kaawa-awa.

Ilang taon na ang nakalilipas, nang mag-donate si Evan ng bone marrow para sa lolo ni Kenneth, tahimik din siyang nakahiga sa operating table noon sa pagkaka-alaala niya. Ngunit noon, ang kanyang mga mata ay puno ng liwanag, laging nakatitig sa kanya nang may paghanga at tamis.

Ngayon, wala nang bakas ng ngiti sa kanyang mga mata. Tila nawalan na ng halaga ang presensya ni Kenneth sa buhay ng isang Evan. Tumalikod siya dito, malamig at walang pakialam ang namamayani sa kaniya ngayon, para bang tuluyan ng nawalan ng lugar ang lalaki sa kaniyang puso.

Lumalim ang kunot sa noo ni Kenneth. Hindi niya maipaliwanag ang biglang iritasyon at pagkainis sa kanyang dibdib.

Huminga siya nang malalim at tumango kay Dr. Bernard. "Sige."

Kahit ano pa ang mangyari, anak niya iyon.

Sa di kalayuan, tumindi ang kaba sa dibdib ni Evan habang nakikinig, halos hindi na makahinga.

Hinawakan ni Dr. Bernard ang bata, nakabalot sa puting tela, at marahang iniabot ito kay Kenneth.

Pinakawalan niya ang kanyang hininga. Ang malalim na mga mata ni Kenneth ay nakatuon sa bata, habang unti-unting lumalapit ang kanyang kamay.

Ngunit biglang pumasok ang isang nurse, habol ang hininga nito. "Sir, kritikal ang lagay ni Miss Ella! Ayon sa mga doktor..."

Nanigas ang braso ni Kenneth na nakaabot na sana sa swaddle ng bata. Wala siyang inaksayang segundo, tumalikod siya at mabilis na lumabas.

Malakas na sumara ang pintuan sa likuran niya.

Itinaas ni Evan ang kamay niya para takpan ang kanyang mga mata. Sa katahimikan ng silid, tumawa siya nang mapait. Napuno ng kawalan ang kanyang puso.

Ganito lang pala kadali magwawakas ang pagmamahal niya para kay Kenneth.

Tama nga ang kasabihan na kapag nagmahal ka ng lubos, hindi naiiwasang nawawala rin ang kontrol mo sa sarili mong buhay.

Takot na takot na siya para sa magiging kinabukasan ng anak niya. Wala na siyang natitirang pagmamahal sa lalaki dahil napunta na ito lahat sa sandaling nailuwal niya ang pinakamamahal niyang anak. Sa wakas, natitiyak ni Evan na hindi na niya mahal si Kenneth.

Sa labas ng operating room, pumasok ang mga pulis na matagal nang naghihintay. Agad nilang pinosasan si Evan na malamig at walang emosyon.

ISANG linggo ang lumipas.

Sa detention center, naghihintay si Evan ng resulta ng kanyang paglilitis.

"Intentional injury. Ang biktima ay nalagay sa peligro ng buhay. Hatol: limang taon sa kulungan. To be executed immediately."

MAKALIPAS ang limang taon...

Dahan-dahang bumukas ang mabigat na bakal na pinto ng Women's Correctional.

Lumabas ang isang payat na pigura. Ang suot niyang luma at kupas na maternity dress ay parang hindi nababagay sa modernong mundo sa labas.

Hindi tulad ng karamihan ng mga preso na nagmamadaling makalayo sa pinanggalingan, tumigil siya at tumingin pabalik sa mataas na pader ng bilangguan.

Mula dalawampung taong gulang hanggang dalawampu’t lima, ang pinakamagandang taon ng kanyang buhay ay nailibing sa loob ng lugar na iyon, dahil lamang nagmahal siya ng maling tao.

"Evan."

Biglang narinig niya ang isang pamilyar ngunit tila banyagang boses mula sa malayo.

Nanikip ang kanyang dibdib, at parang nag-alon ang kanyang mga mata sa kaba.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   112

    Sa una, nakahinga nang maluwag si Evann, pero hindi nagtagal, muling kumabog ang dibdib niya sa kaba.Tulad ng sinabi ni Crow, dumaan pa talaga ito sa kung anu-anong paraan para lang makita siya—ibig sabihin, may itinatagong motibo ang lalaki. At ngayong nasa kamay na siya nito, wala pa rin siyang alam kung ano ang pakay nito.Napansin agad ni Crow ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Evann. Pero kahit pa gano'n, nanatiling matino’t kalmado ang dalaga—kaya hindi niya napigilang hangaan ito.Iba talaga ang dating. Hindi siya tulad ng ibang mayayaman na babae na nakilala niya noon.“Kaya pala espesyal ang trato sa’yo ni Master. May ibubuga ka nga,” ani Crow, walang tinatago ang paghanga sa boses.“Salamat,” sagot ni Evann nang walang pag-aalinlangan. Hindi siya magpapakumbaba sa harap ng isang kriminal na nanakit sa kanya. Tahimik pero matalim ang mga mata niyang nakatitig kay Crow, “Sige, sabihin mo na. Bakit mo ako hinanap?”Napailing si Crow, kunwa’y nabibighani. “Ang talino mo pa

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 211

    Tuloy-tuloy ang pag-flash ng mga camera sa kamay ng mga reporter, kuha nang kuha ng larawan ng guwapong lalaki sa entablado mula sa iba’t ibang anggulo.Kung ikukumpara sa mga hiyas na dumaan pa sa artificial na proseso, si Christopher mismo ay parang perpektong obra ng Diyos.Tahimik lang na nakatingala si Evann mula sa audience. At doon niya biglang naintindihan kung bakit kahit ilang piraso lang ng mga simpleng litrato sa official website, nagawa nang magkaroon ng milyon-milyong tagahanga si Christopher.Sa mga oras na ‘yon, bawat kilos niya ay puno ng kumpiyansa at pagiging composed—eksaktong aura ng isang lalaking ganap na. Ang hitsura niyang walang kapintasan ay parang makinang na diyamante. At kahit sinong babae na may matinong panlasa, imposible siyang hindi ma-attract.Kung hindi lang dahil sa itsura nitong pamangkin ng kanyang tiyuhin, imposibleng magkrus pa ang landas nila ng isang katulad niyang ordinaryo.Sa madaling salita, wala talagang saysay ang kahit anong iniisip ni

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 210

    “Aba, paano mo ‘ko gagalawin?” taas-kilay na sagot ni Christopher, sabay ngising nakakaasar. “Kung si Kevin ka mismo, baka kinabahan pa ako. Malamang tumakbo na ‘ko pauwi para umiwas sa gulo. Pero ang totoo, isa ka lang na batang amo ng pamilyang Huete. Sa totoo lang, halos magkapantay lang tayo sa estado. Kung matapang ka, sige nga—subukan mong kagatin ako.”Nakakainis ‘yung ngiting ‘yon. Kahit ang bodyguards ni Kenneth ay ilang ulit napatingin, at halatang nanggigigil na hampasin ang nakakapang-asar na ngiti ni Christopher.Kaya bilang tinamaan sa ego, bigla na lang nagpakawala ng suntok si Kenneth at nakipagbuno sa mga bodyguard nang walang pasabi.Kahit maingat ang mga bantay, hindi pa rin nakaligtas ang gwapong mukha ni Kenneth sa mga pasa’t gasgas. Pero imbes na umatras, lalo lang siyang naging mabangis. Hindi na siya halos makahinga habang nakatitig sa papalayong anyo ni Evann.Hindi na niya alam kung ano pa ang puwede niyang sabihin para pigilan ito. Pakiramdam niya, mula pa n

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 209

    Napahinto si Kenneth na parang tuliro, at tulad ng lahat ng reporter na sabik marinig ang sagot ni Evann, nakatingin siya sa payat at maliit na babae.Hindi naman talaga mabigat ‘yung tanong, lalo na’t naipaliwanag na ni Evann ang panig niya.Buti na lang at handa na si Evann sa isasagot niya."Mula sa legal na pananaw, kasal pa rin kami." Bahagyang ibinaba niya ang tingin, at matapos sabihin ‘yon, dahan-dahan niyang binuksan ang handbag niya at inilabas ang pulang sertipiko ng kasal na sumisimbolo ng saya at kasiyahan.Sa gitna ng field, walang kaide-ideya ang mga reporter kung ano ang balak gawin ni Evann. Nagkatinginan sila, pigil ang hininga, at halatang may inaasahan.Walang mas masakit pa sa pusong nawalan na ng damdamin. Hinaplos ni Evann ang pulang takip ng marriage certificate na parang may pangungulila, at hindi na niya napigilan ang luha. Umagos ito mula sa sulok ng mata niya at dahan-dahang bumagsak sa sertipiko.Hindi dahil ayaw pa niyang iwan si Kenneth. Ang totoo, nami

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 208

    Isang bagong paalala ang naka-pin sa itaas ng opisyal na website ng Jewelry store—at sa loob lamang ng ilang minuto, nag-viral ito sa lahat ng social media platforms.Tatlong araw mula ngayon, si Miss Evann, isa sa mga pangunahing designer ng Jewelry store, ay gaganap ng isang press conference sa unang palapag ng Hotel. Si Mrs. Huete, ang opisyal na katauhan niya matapos ang kasal, ang siyang haharap sa media. Lahat ng inimbitahang press ay hinihimok na dumalo sa takdang oras.Sa sandaling iyon, na-excite ang buong media circle. Dahil perpekto ang timing, lokasyon, at personalidad ng bida, nag-uunahan ang mga outlet para makakuha ng spot sa press con.Habang palapit nang palapit ang araw ng event, abala ang mga reporter mula sa malalaking pahayagan—pinag-iisipan ang bawat tanong, sinisiguradong matalim, walang palya, at kayang i-expose si Evann para masakyan ang kasikatan nito.Pero isang araw bago ang press conference, habang pawis-pawis sa paghahanda ang mga core reporters, biglang

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 207

    Habang nagsasalita pa si Kenneth, bigla na lang nanliit ang mga mata niya, sabay ngiti na parang walang buhay at puno ng pait.Buong puso, iniisip nito ang ibang lalaki. Gaano kababa ang sarili niya para manatili sa isang babaeng gaya nito?Di sinasadyang napatitig si Evann kay Kenneth at nasilayan niya ang malamig at malungkot nitong mga mata.Doon niya nakita — totoong nasasaktan si Kenneth. Nakakatawa... at medyo masakit din.Sobrang makasarili ni Kenneth. Akala niya, iikot ang mundo ng lahat ng babae sa kanya. Na konting pakumbaba lang niya, dapat agad siyang patawarin at iabot muli ang puso nilang winasak niya, para lang ulit masaktan. Parang natural lang na, kahit ilang ulit silang iniwan at sinaktan, dapat ay handa pa rin silang magsimulang muli... na parang walang dangal.Ang naaalala lang niya ay mga pagkukulang ni Evann — ni minsan, di niya inisip kung sino ba talaga ang nagtulak sa kanya sa puntong ‘to. Baka nga ni hindi niya kinilalang tao si Evann. ‘Yung tipong nasasaktan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status