LOGINBAHAGYANG tumigas ang ekspresyon ni Victor. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang naubos ang kanyang pasensya. Ang dating kalmadong tindig ay napalitan ng malamig na presensya na tila kayang magpabigat ng buong paligid.Ngunit si Lexie ay nanatiling matatag.“Uncle Victor,” direkta niyang sabi, walang pag-aalinlangan sa boses, “I know nothing about Gabriel’s situation. At lalong wala akong balak makialam. If that’s the reason you came here… then I think it’s best for you to leave.”Ilang segundo ang lumipas bago bahagyang tumango si Victor. Wala na siyang sinabi pa. Marahan siyang tumayo, inayos ang kanyang amerikana, at walang lingon na naglakad palabas ng mansyon. Ngunit bago siya tuluyang makalayo, isang huling tingin ang ibinigay niya kay Lexie. Ngunit sapat para magdulot ng hindi maipaliwanag na pangamba.Nanatiling nakatayo si Lexie, hindi gumagalaw. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang bahagyang panginginig na pilit niyang pinipigilan.“The Zamora family…” mahina niyang bulon
SAMANTALA, kinabukasan ay maagang dumating ang balita kay Victor.Agad siyang tinawagan ng isa sa kanyang mga tao sa abroad. Ayon sa ulat, si Gabriel ay na-detain sa California bago pa man ito makabalik ng Pilipinas matapos ang isang business trip.Ang dahilan ay mabigat. Pinaghihinalaan umano itong sangkot sa paglabas ng confidential trade data at kasalukuyang iniimbestigahan.Nanigas ang ekspresyon ni Victor. Hindi niya kailanman inisip na magagawa ng anak niya ang ganoong bagay.“Impossible,” mariin niyang saad, malamig ang tono. “Gabriel wouldn’t do that.”Agad siyang kumilos. Nakipag-ugnayan siya sa kanyang mga contact sa California upang alamin ang buong detalye. Lumipas ang ilang oras bago tuluyang lumabas ang mas malinaw na impormasyon.Hindi raw aksidente ang nangyari. May nasagasaan si Gabriel at hindi basta-basta. Isang mataas na opisyal sa isang international trade regulatory body.Pumikit si Victor, dahan-dahang huminga.“How did that even happen?” mababa niyang tanong, h
“WITHOUT you… nothing tastes quite right.”Ang mga salitang iyon ay tumama kay Adrian nang mas malalim kaysa sa kahit anong diretsahang pag-amin. Para bang may kamay na marahang dumampi sa puso niya, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, pero sapat para guluhin ang kanyang isipan.At ang may gawa niyon ay walang iba kundi si Yumi.Isang babaeng kahit magkatabi sila sa iisang kama noon, hindi niya magawang hawakan nang basta-basta. Ngunit sa bawat ngiti nito, sa bawat simpleng galaw, may kakaibang hatak na hindi niya kayang iwasan. Isang tingin lang mula rito ay sapat na para magdulot ng init sa kanyang dibdib.“Soon,” mahina niyang sabi, bahagyang paos ang boses, tila natutuyo ang kanyang lalamunan. “I’ll be back as soon as I finish things here.”Sa kabilang linya, marahang hinalo ni Yumi ang natitirang noodles sa kanyang mangkok.“Okay,” sagot niya, kalmado ngunit may lambing. “Work is important, pero don’t overwork yourself.” Bahagya siyang ngumiti. “I’ll wait for you.”Ang h
“I'M really happy...”Simpleng salita lamang iyon, ngunit hindi napigilan ni Yumi na ibahagi ang detalye kay Adrian. Para sa iba, maliit na bagay lang iyon. Ngunit para sa kanya, hindi. Hindi pa niya kailanman naranasan ang ganitong uri ng pagtanggap mula sa kanyang pamilya.Napagtanto niya na kahit simpleng bagay lang ang ginawa niya, nagdulot iyon ng labis na papuri. Naalala niya ang itsura ni Lola Chandria nang iabot niya ang regalo. Nanlabo pa ang mga mata nito sa luha.Ang mga salitang iyon, kahit tila ordinaryo at pang-araw-araw lamang, ay unti-unting nagpapalambot sa puso ni Adrian.Gustong-gusto niyang makinig sa ganitong klase ng kwento mula kay Yumi. Gusto niyang makita kung paano ito unti-unting nagbubukas sa kanya. Pati ang maliliit na detalye ng buhay nito, pinapahalagahan niya.Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Yumi ay tila nagpapainit sa kanyang katawan, na matagal nang nasanay sa katahimikan.“It’s because you’re good,” mahinang sabi ni Adrian. “Kaya ka nila nagustu
HINDI PA natatapos ang araw nang tuluyang matapos ni Yumi Zamora ang mahabang meeting sa Monteverde Group.Matapos niyang ipaalis sina Clyde at Chairman Ricardo, agad niyang sinimulan ang reorganisasyon ng core team ng kumpanya.Hindi niya minadali ang proseso. Alam niya kung sino ang dapat manatili. Sa loob ng Monteverde Group, marami pa ring beteranong empleyado. Mga taong may solid na kakayahan, malinis ang reputasyon, at tapat sa trabaho. Mga taong matagal nang nagsisilbi sa kumpanya hindi dahil sa pangalan ng pamilya, kundi dahil sa propesyonalismo.Ngunit sa kabila nito, hindi maikakaila ang katotohanan. Isa itong family-run business. Karamihan sa senior executives ay may direktang koneksyon sa pamilya Monteverde. Mga kamag-anak. Mga matagal nang kaibigan. Mga taong personal na hinubog ni Chairman Ricardo. At iyon ang kailangan niyang putulin.Sa isang iglap, malinaw niyang inalis ang impluwensya ng pamilya sa loob ng kumpanya. Isang hakbang na walang pag-aatubili. Pagkatapos ni
SA KABILANG panig, tila naubos ang lakas ni Clyde Monteverde.Nakatitig siya kay Yumi, ngunit kahit anong pilit niyang magalit, ang nangingibabaw ay ang mga alaala nilang dalawa. Mabigat ang kanyang dibdib, at bawat paghinga ay parang may kirot na sumasabay.Paano siya nagawang talikuran nang ganoon kadali?Noong sila pa, malinaw sa kanya ang mga pangako ni Yumi. She said she would stay. She said she would never leave. Ngunit ngayon, kahit isang sulyap, hindi na niya maibigay.Biglang bumagsak ang lahat nang mawala sa kanila ang kontrol sa kumpanya. Halos hindi pa nakakabawi si Clyde nang biglang nanghina si Chairman Ricardo sa kanyang tabi.“Lolo!”Agad siyang sumalo sa katawan ng matanda bago tuluyang bumagsak. Pero walang tugon. Tanging mabigat na paghinga at mabilis na galaw ng mga tao ang sumunod.---MAKALIPAS ang ilang oras, natapos ang emergency procedure. Inilipat si Chairman Ricardo sa ICU. Ayon sa doktor, matagal na itong may hypertension. Ngunit sa sobrang stress at galit,
BAHAGYANG natigilan ang saleslady sa mga inabot sa kanya ni Yumi. Halata sa mukha nito ang pagkagulat habang nakatitig sa mga mamahaling paper bag.“Ma’am, masyado pong mahal ito. Hindi ko po matatanggap,” alanganing sabi nito.Ngunit ngumiti lamang si Yumi, kalmado at walang bahid ng pag-aalinlang
“HELLO.”Malamig at mababa ang boses ni Adrian nang sagutin niya ang tawag.Sa kabilang linya, agad na sumambulat ang boses ni Clyde, puno ng inis at pagod. Ni hindi napansin ang boses ng lalaking sumagot “Yumi? Tama na ‘to. Ilang araw na. Hanggang kailan ka mag-iinarte ng ganyan? Hindi ka na ba t
UMISMID at napangisi si Helena sa narinig mula kay Bianca kanina. Sa loob lamang ng ilang araw sa Monteverde residence, tila nakalimutan na nito ang lugar nito. Para bang inaangkin na nito ang posisyon na hindi naman kailanman nito pagmamay-ari, kasama na doon ang adopted grandson niyang si Mico.P
NANATILING nakaupo si Yumi, kalmado ang ekspresyon na para bang wala siyang nararamdamang pressure sa sitwasyon. Ngunit habang tumatagal ang katahimikan niya, lalong nagiging tensyonado ang mga tao sa paligid.Halatang kinakabahan ang event manager. Halos pakiusap na ang tono nito nang muling magsa







