LOGINHINDI na nagsalita si Adrian, at bahagya lamang siyang tumango na para bang mayroon silang isang lihim na kasunduan.
Paglabas nila ng restaurant, lumapit kaagad kay Adrian ang assistant nitong si Axel at may ibinulong. Nahalata naman kaagad niyang tila may importante pang lakad ang lalaki kaya hindi na siya nang-abala pa. “No need to send me home,” ani Yumi. “I’ll just take a taxi.” Hindi siya sinagot ng lalaki, ngunit sinamahan pa rin siya nito hanggang sa sasakyang naghihintay sa labas. Pagkasakay niya, nagpalitan pauna sila mg marahang pagtango sa isa't-isa, at saka lamang ito umalis. --- HABANG nasa biyahe pauwi, tumawag ang kanyang Uncle Victor. Nais nitong malaman kung kumusta ang unang pagkikita nila ni Adrian Villareal. Sinabi ni Yumi ang totoo na maayos naman ang usapan nila. At kung may problema man, iyon ay ang napakalakas na presensya ni Adrian Villareal. Hindi maiwasang kabahan kapag malapit ito sa kanya. Pag-uwi sa kabibili lang niyang condo, kaagad na naligo si Yumi. Subalit paglabas niya ng banyo habang pinupunasan ang basang buhok ay napansin niyang paulit-ulit na umiilaw ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino iyon, ay si Clyde ang tumatawag at naka-ilang miscalls na ang lalaki sa kanya. Doon, naisipan ni Yumi na tumawag pabalik, na kaagad naman nitong sinagot. “Honey, it’s so late. Why aren’t you home yet? Did something happen? Why aren’t you answering my calls?” sunod-sunod na tanong ng lalaki mula sa kabilang linya. Tahimik lamang si Yumi habang nakatingin sa city lights sa labas ng kanyang floor-to-ceiling window. Napakaganda ng tanawin. Hindi niya maiwasang isipin na maganda talaga ang napili niyang bahay. “Mayumi?” muli nitong tawag, this time ay gamit na ang buo niyang pangalan. Napapikit nang mariin si Yumi, at napangiti nang mapait matapos marinig sa lalaki ang pagbanggit nito sa buo niyang pangalan na matagal na niyang hindi naririnig dito. “Oh,” sagot niya, “may meeting ako with a client today. Medyo malayo ang location. So nag-check in na lang ako sa hotel.” Akala niya alam na ni Clyde na umalis na siya sa bahay. Pero mukhang abala pa rin ito kay Bianca. “Are you comfortable there? I’ll pick you up. Send me the address.” “No need. Pagod lang ako.nGusto ko nang matulog.” Napilitan na lamang si Clyde na sumang-ayon. “Okay. See you tomorrow at the office.” “Mmm.” Ibababa na sana ni Yumi ang tawag nang muling magsalita ang lalaki. “Honey… I miss you. Did you miss me?” Nanahimik siya nang matagal dahil pakiramdam niya ay tinutusok ng libo-libong karayom ang kanyang dibdib. Dahil alam ni Yumi na sa kabila nang matatamis na salita na iyon ay nagtatago ang isang kasinungalingan. “Honey?” untag nito nang hindi siya sumagot. “I’m sleepy, Clyde…” mahina niyang sagot, na parang inaantok. “Okay then. Sleep well,” sagot naman ni Clyde. Kaagad niyang pinutol ang tawag, pero kabilang linya, napatingin si Clyde sa cellphone.bHindi niya maipaliwanag kung bakit, pero nitong mga nakaraang araw ay parang may kakaibang pakiramdam sa dibdib niya. Sanay na siya sa lambing at pag-aalaga ni Yumi. Pero ngayon, parang may kulang. “Clyde, do you love me?” Biglang may dalawang braso ang yumakap sa kanya mula sa likod. Si Bianca. Malamyos at malambing ang boses nito nang magsalita. Agad na ngumiti si Clyde at hinawakan ang kamay ng babae. “Is that even a question? You’re the woman I love the most in this life. I’d do anything for you.” Totoo iyon. Simula nang iligtas siya ni Bianca noong labing-anim na taong gulang pa lamang siya, nangako na siya na poprotektahan niya ito habang buhay. “But I’m scared,” sa halip ay sagot ni Bianca. “Ano’ng kinakatakutan mo?” Dahan-dahang humarap si Clyde kay Bianca at marahang niyakap ang babae. Ang boses niya ay napakalambing, halos kayang tunawin ang lamig ng gabi. Ibinaba ni Bianca ang tingin. Bahagyang nanginginig ang boses niya. “Natatakot ako na balang araw paghiwalayin tayo ng pamilya Monteverde.nNatatakot akong manatiling walang pangalan habang buhay, kasama lang si Mico. At natatakot ako na kapag tumanda ako, baka magbago ang isip mo.” Bahagyang napahigpit ang yakap ni Clyde sa kanya. “No,” agad niyang sagot. Marahan niyang hinawakan niya ang mukha ni Bianca at pinunasan ang mga luha sa gilid ng mata nito gamit ang hinlalaki. “I already told you. I will protect you. No one can stop me from being with you. And I will never change my mind.” “Clyde…” mahina niyang bulong. Punong-puno ng emosyon ang boses ni Bianca habang ipinikit niya ang mga mata at dahan-dahang hinalikan ang labi ng lalaki.nKahit nasa kritikal na yugto ang IPO preparation ng Monteverde Group, sinunod pa rin ni Clyde ang gusto ni Bianca at hinatid ito pauwi. Pero sa totoo lang, ramdam ni Bianca na malaki ang ipinagbago ng lalaki sa nakalipas na dalawang taon. Hindi na ito kasing init ng dati kapag kasama siya. At mas madalas na nitong banggitin si Yumi sa harap niya. Natural sa babae ang pagiging sensitibo. Kahit gaano pa siya ka-kumpiyansa sa pagmamahal ni Clyde, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Habang naghahalikan sila sa loob ng silid, unti-unting umakyat ang kamay ni Clyde sa likod ng leeg ni Bianca. Lumipat sila sa kama.nNgunit sa gitna ng init ng sandali, biglang pumasok sa isip ni Clyde ang mukha ni Yumi. Parang kidlat na dumaan sa utak niya. Sa mismong sandali na iyon, bigla siyang tumigil. “Ano’ng nangyari?” nagulat na tanong ni Bianca. Mabilis niyang hinawakan ang braso ng lalaki. Pero hindi siya pinansin ni Clyde. Diretso itong pumasok sa banyo at binuksan ang malamig na shower. Nalilito ang isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit, ang simpleng pag-alala kay Yumi ay agad pumapatay sa lahat ng gana niya. Syempre, hindi niya iyon pwedeng sabihin kay Bianca. Paglabas niya ng banyo, muling niyakap ni Clyde ang babae at paulit-ulit na humingi ng tawad. “Siguro may nakain akong masama. Bigla akong nahilo.” Kahit hindi masaya si Bianca, hindi na siya nagreklamo. Sa nakalipas na dalawang araw, sobrang mapagbigay si Clyde sa lahat ng gusto niya. Kaya sapat na iyon para sa kanya. Isa pa, bagaman may kaunting pag-aalinlangan, alam niyang mahal siya si Clyde... --- KINABUKASAN ng umaga, maagang nagtungo si Clyde sa opisina dahil hbang nasa sasakyan siya, ay may tumawag. Pagkarinig niya ng balita, biglang sumabog ang galit niya. “Ano’ng ibig sabihin nito?!” Halos umalingawngaw ang sigaw niya sa buong conference room. Tahimik ang lahat ng empleyado. “Mr. Monteverde…” nanginginig na sagot ng staff. “Na-cancel po ang cooperation dahil na-delay ang funding.” “Delayed? Paano nangyari ‘yon?!” “Hindi po kasi na-sign kahapon…” Napahinto si Clyde. Doon niya naalala, may tumawag nga kahapon tungkol doon. Pero sinabi niyang kay Yumi na lang ipagawa. “Nasaan si Secretary Yumi kahapon?” galit niyang tanong. Pero bigla din siyang natigil. Naalala niyang wala palang authority si Yumi na pumirma sa ganung dokumento. “Useless!” sigaw niya. “Lahat kayo lumabas!” Matapos magwala, ipinatawag naman niya si Yumi. Sa labas ng opisina, narinig na ni Yumi ang balita tungkol sa nawalang partnership. Lumapit ang isang kasamahan sa kanya. “Miss Yumi, sobrang galit ni Sir Clyde. Ipinatatawag ka.” Kalmado lang siyang tumango. “I know.” Mabilis na kumilos si Yumi at nagmamadaling nagtungo sa private office ni Clyde. Pagdating doon, kumatok lang siya at diretsong pumasok. Pagpasok niya sa opisina, agad na humupa ang galit ni Clyde nang makita siya. “You’re here.” Lumapit si Yumi sa mesa. “Kahapon,” mahinahon niyang sabi, “nung pinapapirma ang contracts, may important meeting ako with a client. Kailangan kong umalis agad.” Huminga siya nang bahagya. “You know naman, wala akong formal authority. Signing documents is very sensitive. Kapag may mali, ako ang sasalo ng responsibility. At baka madamay ka pa. Hindi ko rin akalaing ganun ka-impatient ang partners natin. Isang araw lang na delay, umatras agad sila.” Walang bahid ng paninisi ang boses niya. Pero malinaw na ipinaliwanag niya ang problema, ang kakulangan ng authority na ibinigay sa kanya. Napatingin si Clyde sa kanya. Unti-unting nawala ang hinala niya na sinadya iyon ni Yumi. Kilalang kilala niya ang babae. Para sa kumpanya, ibinuhos nito ang buong buhay nito. Kung kahapon man ay nakipag-meeting ito sa client, natural lamang iyon. Mas lalo pang nakaramdam ng guilt si Clyde sa narinig. Sa kritikal na panahon ng IPO, nagpaka-busy siya sa pag-aalaga kay Bianca at Mico. “Clyde,” mahinahong sabi ni Yumi. “Since critical ang situation ngayon…Why don’t you grant me some company authority? Para kung may emergency, kaya kong magdesisyon agad.” Nagulat si Clyde. Hindi niya inaasahan na hihingi si Yumi ng power. Sa loob ng dalawang taon, halos hindi ito humawak ng kahit anong company authority. Kahit kapag kailangan niyang i-check ang data, ginagawa niya iyon sa harap ni Clyde. “What?” “Nahihirapan ka bang ibigay?” tanong ni Yumi. “If you’re worried then—” “Of course not,” agad na putol ni Clyde. “I trust you.” Natakot siyang mahalata ni Yumi ang pag-aalinlangan niya. “But granting full authority needs board approval. So I’ll give you partial access first.” Ngumiti si Yumi. “That’s fine.” Alam niyang hindi siya papayagan ng lalaki nang ganun kadali. Pero sapat na ang partial authority para magawa niya ang plano. --- ILANG oras lamang matapos makuha ang access, na-copy na niya ang core data ng Monteverde Group sa nakalipas na dalawang taon. Gamit ang data na iyon, magkakaroon siya ng kontrol sa paparating na IPO at bidding projects ng kumpanya. Hindi siya pwedeng magmadali. Para tuluyang pabagsakin ang kumpanya ni Clyde, kailangan niya ng tamang timing...TAHIMIK na natigilan si Yumi sa mismong bungad ng silid. Madilim, walang ilaw, at masyadong tahimik.Tanging ang malamlam na liwanag mula sa mga gusali sa labas ang pumapasok sa malalawak na glass windows ng villa, sapat lamang upang bahagyang luminaw ang anyo ng mga kasangkapan sa loob.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi niya inaasahang ganoon ang sasalubong sa kanya, na para bang walang tao sa loob ng kuwarto."Adrian?” pagtawag niya sa lalaki.Dahan-dahan siyang naglakad papasok. Ngunit nang makarating siya sa bandang living area ng master suite, doon niya nakita ang lalaking hinahanap.Nakahiga si Adrian sa mahabang sofa sa tabi ng bintana. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito at may manipis na kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan habang natutulog.Sa isang iglap, parang may mabigat na bagay na naalis sa dibdib ni Yumi."Adrian..."Agad niyang ibinaba ang handbag sa gilid at mabilis na lumapit. Lumuhod siya sa tabi ng sofa at marahan niyang hinaplos ang noo ng lalaki.
SAMANTALA, mas maaga nang dumating si Yumi sa pribadong silid ng isang upscale restaurant sa BGC na nireserba ni Uncle Victor.Bago siya umalis ng bahay, sinabi niya kay Adrian na magdi-dinner siya kasama ang kanyang tiyuhin at si Gabriel. Bagama't walang sinabi ang lalaki, malinaw niyang nakita ang bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata nito.Kung hindi lamang dahil hindi pa ganap na nakakapagpahinga si Adrian mula sa kamakailang pagkakasakit, gusto sana niya itong isama pero pinili niyang huwag na. Kailangan lang niyang tapusin ang dinner at makauwi agad.Habang nasa biyahe, ilang beses siyang nagpadala ng message kay Adrian. Ipinapaalam niya rito kung nasaan siya at kung anong oras siya nakarating. Ngunit wala pa ring reply.Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. Pagkatapos ng ilang sandali, habang pansamantalang lumabas sina Uncle Victor at Gabriel upang sagutin ang isang tawag, agad niyang dinial ang numero ni Adrian.Ilang ring din ang lumipas bago ito sumagot."Hello?"Agad na lumam
KINABUKASAN ng umaga, matapos umalis si Yumi upang bisitahin sina Uncle Victor at Gabriel, isang mensahe mula sa hindi kilalang numero ang natanggap ni Adrian.Abala siya buong umaga kaya hindi niya agad iyon nabuksan. Nang magka-oras siya bandang tanghali at silipin ang cellphone, saka lamang niya nakita kung sino ang nagpadala.Si Mikaela. Matagal na niyang hindi nakikita ang pangalang iyon sa screen. Marahan niyang binuksan ang mensahe."How are you? I heard you weren't feeling well recently. Aalis ako ng bansa bukas. Can we meet tonight?"Tahimik na napatitig si Adrian sa mensahe. Hindi siya agad sumagot.Makalipas ang ilang minuto, isa pang notification ang lumitaw. Mula pa rin kay Mikaela."You once said you would never forget the help my family gave you. I just want a proper goodbye. Otherwise, there are things I could tell Yumi myself. But I don't want to do that."Bahagyang tumalim ang tingin ni Adrian, saka tahimik niyang ibinaba ang cellphone. At kasabay niyon ay unti-untin
TAHIMIK na nakatingin si Adrian sa asawa matapos marinig ang pag-amin nito. Bahagyang gumaan ang ekspresyon ng lalaki, ngunit kasabay no’n ay may lumitaw ding guilt sa mga mata nito.“I’m sorry,” mahina nitong saad.Agad namang napakunot-noo si Yumi.Mukhang may gusto pang sabihin si Adrian, ngunit bago pa ito makapagsalita ay marahan nang inilapat ni Yumi ang daliri sa labi nito upang pigilan siya.“Axel already explained everything to me,” mahinahon nitong saad. “Nando’n ka para sa trabaho. At hindi mo kontrolado kung may biglang lalapit o gagawa ng issue.” Bahagya siyang huminto bago marahang ngumiti. “Nobody can be perfect all the time, Adrian.”Tahimik lamang na nakatingin sa kaniya ang lalaki.“Stop apologizing,” dugtong ni Yumi habang diretso itong nakatitig sa mga mata nito. “Hindi ba sapat na naiintindihan kita?”Bahagyang napaangat ang kilay ni Adrian bago tuluyang natawa nang mahina.“The most understanding woman in the world…” mababa nitong saad habang marahang hinahaplos
BAHAGYANG nanginig ang balikat ni Yumi habang mahigpit pa rin ang yakap kay Adrian. Mainit ang paghinga niya laban sa balikat ng lalaki at ramdam na ramdam ni Adrian ang takot sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.“I was really terrified…” mahina nitong bulong. “Noong nakita kitang walang malay sa hospital… pakiramdam ko mawawala ka na talaga.”Tahimik lamang na natigilan si Adrian. Unti-unting bumigat ang ekspresyon nito habang nakatingin sa babaeng nasa mga bisig niya. Sa unang pagkakataon matapos ang aksidente, malinaw niyang naramdaman kung gaano katindi ang takot na pinagdaanan ni Yumi.Dahan-dahan nitong iniangat ang kamay upang punasan sana ang luha nito, ngunit nanatiling nakayakap si Yumi at ayaw bumitaw.“When you were unconscious…” nanginginig pa rin ang boses nitong saad, “gusto ko lang manatili sa tabi mo. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag iniwan mo ako.”Tahimik na napapikit si Adrian. Kahit noong mga panahong mahal na mahal ni Yumi si Clyde, bihira niya itong
MARIING napapikit si Yumi habang mahigpit ang hawak sa cellphone.“Hindi ka talaga marunong makinig,” mababa nitong saad habang pinipigilan ang inis at pag-aalala sa boses. “Nandiyan sina Lola Chandria, Mang Lito, at private nurses para bantayan ka. Hindi mo kailangang gumala.”Mahina namang natawa si Adrian mula sa kabilang linya.“They’re too noisy,” kalmado nitong sagot. “At gusto kitang makasama nang tahimik.”Bahagyang natigilan si Yumi matapos marinig iyon.“You really are…” mahina nitong bulong habang napapailing.Kanina lamang ay galit at sermon ang gusto niyang ibigay sa lalaki. Ngunit matapos marinig ang simpleng dahilan nito, unti-unting nawala ang inis niya.Ano pa bang magagawa niya kung ganoon ang sinabi ni Adrian?Tahimik siyang napabuntong-hininga bago muling nagsalita.“Anong sabi ng doctor?” diretsahan nitong tanong. “Nagpalit ba ulit ng dressing today? Uminom ka ba ng gamot?”“Yes,” maikling sagot ni Adrian. “Axel handled everything.”Bahagyang gumaan ang pakiramdam







