LOGINNANG araw ding iyon, maagang nagpunta si Yumi sa opisina ng Monteverde Group, at dumiretso agad siya sa opisina ni Clyde. Ito ang perpektong pagkakataon. Wala ang lalaki. Maari niyang hanapin ang mga dokumentong kailangan niya. Ngunit kahit halughugin niya ang buong opisina, ay wala siyang nahanap. Kahit sa computer ni Clyde.
Habang nag-iisip siya kung saan pa maaaring hanapin ang mga iyon, may kumatok sa pintuan. “Secretary Yumi,” sabi ng staff. “Wala si Mr. Monteverde ngayon. May ilang contracts na kailangan ng signature.” Kinuha ni Yumi ang mga dokumento. Ang mga ito ay mga partnership agreements na siya mismo ang naghirap upang makuha. Kung maantala ang funding, malamang ay mabigo ang proyekto. “Na-contact niyo ba si Mr. Monteverde?” tanong niya. “Yes,” sagot nito. “Pero busy daw siya. Sinabi niya na kung may kailangan, ikaw na raw ang bahala.” Bahagyang ngumiti ng mapait si Yumi. Sa kumpanya ni Clyde, siya ang pinakamatrabaho. Kapag abala ang lalaki, siya ang gumagawa ng lahat ng desisyon. Ngunit sa papel, wala siyang kapangyarihan. Wala siyang shares. Kapag may mali sa desisyon, siya ang pinapagalitan ni Clyde sa meeting para ipakita sa shareholders na may accountability. Dati, sinabi ni Clyde na ginagawa niya iyon para hindi mahalata ang relasyon nila. “Leave it here,” sabi ni Yumi. “May pupuntahan lang ako. I’ll sign later.” Matapos umalis ang staff, iniwan niya ang kontrata sa mesa at lumabas ng opisina. Ngayong gabi, may dinner siya kasama si Adrian Villareal. Kaya kailangan niyang maghanda. Dumiretso si Yumi sa isang high-end beauty salon sa Makati. Halos alas-singko na nang matapos siya. Pagkatapos nito, pumasok siya sa isang luxury boutique sa loob ng mall. Isang light lavender evening dress ang agad na nakaagaw ng kanyang pansin. “Miss, bagay na bagay po sa inyo!” sabi ng saleslady. Tumingin si Yumi sa salamin. Ang kanyang maputing balat ay lalo pang lumitaw sa kulay ng damit. Ang strapless halter design nito ay elegante ngunit simple. Matagal na niyang hindi nakita ang sarili niyang ganito kaganda. Sa loob ng dalawang taon, puro trabaho lamang ang inatupag niya. “Okay,” sabi niya. “This one.” Ngunit pagdating niya sa cashier, may sinabi ang staff. “Miss, someone already paid for everything. Pati po ang matching bag, shoes, at jewelry set.” Napakunot ang noo ni Yumi. “Did they leave a name?” “Yes. Ang sabi po nila ay Villareal Group.” Napalingon si Yumi sa paligid. Tahimik ang mall entrance. Wala siyang nakitang pamilyar na mukha. Hindi ba sinabi ni Victor na malamig at mailap si Adrian Villareal? Matapos kunin ang mga pinamili, lumabas siya ng mall. At doon, isang itim na luxury sedan ang naghihintay. Pareho ito ng sasakyang nakita niya sa Zamora Mansion kahapon. Walang brand logo ngunit ang plaka nito ay napaka-imposibleng hindi mapansin. Bumaba mula roon ang isang lalaking naka-itim na suit. Ito rin ang parehong lalaking nagbigay sa kanya ng business card sa Zamora Mansion noong nakaraang araw. Ngunit ngayon ay hindi na ito naka-formal uniform. Naka simpleng itim na suit lamang ito at may suot na sunglasses, dahilan upang mas mukhang approachable. Magalang itong nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa kanya. Ngumiti nang bahagya si Yumi bago sumakay. Mukhang talagang ipinadala ito upang sunduin siya. Sa loob ng kotse, silang dalawa lamang ang naroon. Tahimik na umandar ang sasakyan palabas ng mall parking. “Excuse me… sino ka nga ulit?” mahinahon niyang tanong. Ngumiti ang lalaki. “Ako po ang personal assistant ni Mr. Villareal,” sagot nito. “You can call me Axel.” “Axel,” muli niyang sabi, “bakit ako ang pinili ng boss mo para sa marriage alliance? Hindi naman kami magkakilala, right?” Ngumiti lang si Axel. “Hindi ko po alam ang mga personal na desisyon ng boss ko,” sagot nito. “Pero kakauwi lang niya sa Pilipinas ilang linggo ang nakalipas. Most likely, hindi rin po niya kayo kilala bago ito.” Napaisip si Yumi. Kung ganoon, bakit siya? Saglit siyang tumahimik bago muling nagsalita. “Then, what does he look like?” Bahagya siyang natawa sa sarili. Napakahiwaga ng lalaking ito. Halos walang litrato sa media at bihirang lumabas sa public events. Sa isip ni Yumi, may isang kakaibang tanong. “Paano kung… pangit pala ito?” Kahit arranged marriage lang iyon, kailangan pa rin niyang maging handa. Napahagalpak ng tawa si Axel sa tanong. Matagal na siyang kasama ni Adrian Villareal, at sa lahat ng babaeng nakilala niya, wala pang nagtanong kung guwapo ba ang boss niya. Ngunit agad din siyang naging seryoso. “Hindi ako ang tamang taong mag-comment tungkol sa itsura ng boss ko,” sabi niya. “Malalaman niyo rin po kapag nagkita na kayo.” Tahimik na napabuntong-hininga si Yumi. “Mukhang hindi nga kaguwapuhan,” isip-isip niya. Tinanggap na lang niya ang posibilidad. Hindi nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa exclusive village sa Makati. Sa loob nito ay isang eleganteng villa na tila hiwalay sa ingay ng siyudad. Tahimik ang paligid at napakataas ng privacy. Ipinaliwanag ni Axel na ito ay isang private restaurant na bukas lamang sa mga miyembro. At para sa gabing iyon, ni-reserve ni Adrian Villareal ang buong lugar. Pagpasok ni Yumi sa loob ng restaurant, umatras na si Axel kasama ang mga bodyguard na nagbabantay sa labas at isang waiter ang naghatid sa kanya sa isang tahimik na private dining room. Huminto siya sa pintuan. “Mr. Villareal?” maingat niyang tawag. Sa loob ng silid, ang liwanag mula sa napakalaking crystal chandelier ay bumagsak sa isang matangkad na pigura na nakaupo sa dining table. Dahan-dahan itong lumingon. Sa sandaling iyon, ay napahinto si Yumi. Kay lalim ng mga mata ng lalaki kung tumitig, matangos ang ilong, at ang manipis ngunit perpektong hugis ng labi ay tila inukit nang maingat. Ang aura nito ay malamig at dominante. Ilang segundo siyang natulala habang pinagmamasdan ang lalaki. Hanggang sa marinig niya ang malamig na boses ng nit “Miss Zamora, please sit.” “O—Okay, thanks.” Agad na umiwas ng tingin si Yumi at mabilis na kumilos. Nalimutan pa nga niyang magpanggap na eleganteng babae at basta na lang siyang naupo sa single chair. “Hindi ba dapat… ordinary lang ang itsura nito?” tanong ni Yumi sa isipan habang nakatingin sa lalaki. Kaagad naman itong nahalata ni Adrian kaya kunot-noo siyang nagtanong. “Am I ugly?” Napalingon si Yumi sa lalaki at agad siyang umiling. “No! Not at all. You’re very handsome,” aniya na muntik pang mautal dahil sa kaba. “Actually, you're extremely handsome, Mr. Villareal.” Hindi iyon exaggeration. Sa buong buhay niya, wala pa siyang nakitang lalaking kasing guwapo ni Adrian Villareal. Si Clyde ay dating campus heartthrob noong college, isang lalaking halos kapantay ng mga celebrity ang itsura. Ngunit kumpara sa lalaking nasa harap niya ngayon, ibang level ito. Kung ang mga lalaki sa mundo ay obra ng kalikasan, si Adrian Villareal ay parang masterpiece. “Thank you,” kalmadong sagot ng lalaki. “Miss Zamora is also very beautiful. And that dress suits you.” Ngumiti si Yumi sa narinig. Bahagyang nag-init ang pisngi. “I should be the one thanking you for the gift.” “Just a small gesture,” sagot naman ni Adrian. “If you like it… I can give you more next time.” Magalang ang tono nito ngunit halatang may distansya pa rin. Matapos ang ilang sandaling usapan, nagsensya na si Adrian upang ihain ang pagkain. Isa-isang dumating ang mga putahe. Maliit lamang ang bawat serving ngunit napaka-elegante ng plating. Bawat kagat ay may kakaibang kombinasyon ng lasa. Para kay Yumi, napakabagal ng pagkain sa ganitong klaseng restaurant. At hindi rin siya madaling mabusog. Sa buong hapunan, tahimik lamang siyang pinapanood ni Adrian. Halos wala itong sinasabi. Hindi sila pamilyar sa isa’t isa kaya hindi maiiwasan ang awkward na katahimikan. Naalala pa nga ni Yumi ang sinabi ng Uncle Victor niya na mahirap pakisamahan ang lalaking ito. Kaya hindi rin siya naglakas-loob na magsalita. Matapos maubos ang main course at dumating ang dessert, saka lamang nagsalita si Adrian. “Do you like the food here?” “Yeah… it’s good,” sagot ni Yumi habang kumakain ng dessert. Pero agad niyang ibinaba ang kutsara. Napansin niya kasing parang masyadong simple ang sagot niya. Kaya naman nag-isip siya sandali, at dinagdagan niya ito. “The dishes are very unique. The flavors are layered and balanced.” Napayuko naman si Adrian, tila iniisip ang sinabi niya. Sandaling kinabahan si Yumi.nBaka mali ang sinabi niya at hindi nagustuhan ng lalaki. Hindi naman siya food critic. “If Miss Zamora doesn’t like it,” sabi ng lalaki matapos ang ilang sandali, “we can go to another restaurant next time. You can choose.” Nang marinig iyon ay mabilis siyang umiling. “No, I really like it. Actually, first time ko lang kumain sa ganitong klaseng restaurant. At medyo kinakabahan ako.”bBahagyang ngumiti si Yumi matapos sabihin iyon. “Maybe next time we can meet somewhere more relaxed. Mas madali siguro tayong makakapag-usap,” dagdag pa niya sa lalaki. “Alright,” sagot naman ni Adrian. Nanatiling seryoso ang mukha nito. “I’m just not very talkative. And I don’t know what to talk about.” “I noticed,” natatawang sagot naman ni Yumi. Mayamaya pa'y biglang sumandal ang lalaki sa kanyang upuan. Ang itim na polo nito ay bahagyang humapit sa katawan nito, na lalo pang nagpalabas ng maskuladong katawan. “I heard from Grandpa Zamora,” sabi ni Adrian, “that you already agreed to the marriage alliance.” Tumango naman si Yumi. “Yes.” “Traditional ang pamilya namin,” dagdag naman ni Adrian. “From engagement to marriage registration, everything must be done properly. I’m busy these days, so it might take some time. If you have any requests… let me know.” “No problem,” sagot ni Yumi. “I’ll leave everything to you.” Pagkuway tumingin si Adrian sa wristwatch na suot. “It’s getting late. We should end here.” Bago sila tuluyang tumayo, nagsalita pa si Yumi. “Mr. Villareal.” You already know my situation, right? May I ask… why did you choose me?” Nang marinig iyon ay diretsong tumingin si Adrian sa mga mata ng kausap. “I have no interest in your inheritance, or the Zamora family. I’m just at the age where I need to get married. And the Zamora family is a suitable choice.” Naintindihan naman agad ni Yumi ang ibig nitong sabihin. Bago siya pumunta sa dinner na iyon, nagpa-imbestiga din siya tungkol sa pamilyang Villareal. Ang yaman at impluwensiya ng pamilya ay hindi kailangang umasa sa mana niya. “Is your family pressuring you?” tanong muli ni Yumi. “More or less,” honest na sagot naman ni Adrian. “But I only need one thing... An obedient wife. Someone who will cooperate with everything.” Agad na naintindihan ni Yumi ang ibig sabihin nito. Ganito rin siya pinili ni Clyde noon, dahil madali siyang kontrolin. “I’m the heir of the Zamora Group. If the Villareal family wants to expand in Metro Manila, I can help. At ako naman…” Huminga siya nang malalim. “kung lalaban ako mag-isa sa pamilya Zamora, siguradong kakainin nila ako. Our marriage gives power to both sides. It’s fair trade.”TAHIMIK na natigilan si Yumi sa mismong bungad ng silid. Madilim, walang ilaw, at masyadong tahimik.Tanging ang malamlam na liwanag mula sa mga gusali sa labas ang pumapasok sa malalawak na glass windows ng villa, sapat lamang upang bahagyang luminaw ang anyo ng mga kasangkapan sa loob.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi niya inaasahang ganoon ang sasalubong sa kanya, na para bang walang tao sa loob ng kuwarto."Adrian?” pagtawag niya sa lalaki.Dahan-dahan siyang naglakad papasok. Ngunit nang makarating siya sa bandang living area ng master suite, doon niya nakita ang lalaking hinahanap.Nakahiga si Adrian sa mahabang sofa sa tabi ng bintana. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito at may manipis na kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan habang natutulog.Sa isang iglap, parang may mabigat na bagay na naalis sa dibdib ni Yumi."Adrian..."Agad niyang ibinaba ang handbag sa gilid at mabilis na lumapit. Lumuhod siya sa tabi ng sofa at marahan niyang hinaplos ang noo ng lalaki.
SAMANTALA, mas maaga nang dumating si Yumi sa pribadong silid ng isang upscale restaurant sa BGC na nireserba ni Uncle Victor.Bago siya umalis ng bahay, sinabi niya kay Adrian na magdi-dinner siya kasama ang kanyang tiyuhin at si Gabriel. Bagama't walang sinabi ang lalaki, malinaw niyang nakita ang bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata nito.Kung hindi lamang dahil hindi pa ganap na nakakapagpahinga si Adrian mula sa kamakailang pagkakasakit, gusto sana niya itong isama pero pinili niyang huwag na. Kailangan lang niyang tapusin ang dinner at makauwi agad.Habang nasa biyahe, ilang beses siyang nagpadala ng message kay Adrian. Ipinapaalam niya rito kung nasaan siya at kung anong oras siya nakarating. Ngunit wala pa ring reply.Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. Pagkatapos ng ilang sandali, habang pansamantalang lumabas sina Uncle Victor at Gabriel upang sagutin ang isang tawag, agad niyang dinial ang numero ni Adrian.Ilang ring din ang lumipas bago ito sumagot."Hello?"Agad na lumam
KINABUKASAN ng umaga, matapos umalis si Yumi upang bisitahin sina Uncle Victor at Gabriel, isang mensahe mula sa hindi kilalang numero ang natanggap ni Adrian.Abala siya buong umaga kaya hindi niya agad iyon nabuksan. Nang magka-oras siya bandang tanghali at silipin ang cellphone, saka lamang niya nakita kung sino ang nagpadala.Si Mikaela. Matagal na niyang hindi nakikita ang pangalang iyon sa screen. Marahan niyang binuksan ang mensahe."How are you? I heard you weren't feeling well recently. Aalis ako ng bansa bukas. Can we meet tonight?"Tahimik na napatitig si Adrian sa mensahe. Hindi siya agad sumagot.Makalipas ang ilang minuto, isa pang notification ang lumitaw. Mula pa rin kay Mikaela."You once said you would never forget the help my family gave you. I just want a proper goodbye. Otherwise, there are things I could tell Yumi myself. But I don't want to do that."Bahagyang tumalim ang tingin ni Adrian, saka tahimik niyang ibinaba ang cellphone. At kasabay niyon ay unti-untin
TAHIMIK na nakatingin si Adrian sa asawa matapos marinig ang pag-amin nito. Bahagyang gumaan ang ekspresyon ng lalaki, ngunit kasabay no’n ay may lumitaw ding guilt sa mga mata nito.“I’m sorry,” mahina nitong saad.Agad namang napakunot-noo si Yumi.Mukhang may gusto pang sabihin si Adrian, ngunit bago pa ito makapagsalita ay marahan nang inilapat ni Yumi ang daliri sa labi nito upang pigilan siya.“Axel already explained everything to me,” mahinahon nitong saad. “Nando’n ka para sa trabaho. At hindi mo kontrolado kung may biglang lalapit o gagawa ng issue.” Bahagya siyang huminto bago marahang ngumiti. “Nobody can be perfect all the time, Adrian.”Tahimik lamang na nakatingin sa kaniya ang lalaki.“Stop apologizing,” dugtong ni Yumi habang diretso itong nakatitig sa mga mata nito. “Hindi ba sapat na naiintindihan kita?”Bahagyang napaangat ang kilay ni Adrian bago tuluyang natawa nang mahina.“The most understanding woman in the world…” mababa nitong saad habang marahang hinahaplos
BAHAGYANG nanginig ang balikat ni Yumi habang mahigpit pa rin ang yakap kay Adrian. Mainit ang paghinga niya laban sa balikat ng lalaki at ramdam na ramdam ni Adrian ang takot sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.“I was really terrified…” mahina nitong bulong. “Noong nakita kitang walang malay sa hospital… pakiramdam ko mawawala ka na talaga.”Tahimik lamang na natigilan si Adrian. Unti-unting bumigat ang ekspresyon nito habang nakatingin sa babaeng nasa mga bisig niya. Sa unang pagkakataon matapos ang aksidente, malinaw niyang naramdaman kung gaano katindi ang takot na pinagdaanan ni Yumi.Dahan-dahan nitong iniangat ang kamay upang punasan sana ang luha nito, ngunit nanatiling nakayakap si Yumi at ayaw bumitaw.“When you were unconscious…” nanginginig pa rin ang boses nitong saad, “gusto ko lang manatili sa tabi mo. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag iniwan mo ako.”Tahimik na napapikit si Adrian. Kahit noong mga panahong mahal na mahal ni Yumi si Clyde, bihira niya itong
MARIING napapikit si Yumi habang mahigpit ang hawak sa cellphone.“Hindi ka talaga marunong makinig,” mababa nitong saad habang pinipigilan ang inis at pag-aalala sa boses. “Nandiyan sina Lola Chandria, Mang Lito, at private nurses para bantayan ka. Hindi mo kailangang gumala.”Mahina namang natawa si Adrian mula sa kabilang linya.“They’re too noisy,” kalmado nitong sagot. “At gusto kitang makasama nang tahimik.”Bahagyang natigilan si Yumi matapos marinig iyon.“You really are…” mahina nitong bulong habang napapailing.Kanina lamang ay galit at sermon ang gusto niyang ibigay sa lalaki. Ngunit matapos marinig ang simpleng dahilan nito, unti-unting nawala ang inis niya.Ano pa bang magagawa niya kung ganoon ang sinabi ni Adrian?Tahimik siyang napabuntong-hininga bago muling nagsalita.“Anong sabi ng doctor?” diretsahan nitong tanong. “Nagpalit ba ulit ng dressing today? Uminom ka ba ng gamot?”“Yes,” maikling sagot ni Adrian. “Axel handled everything.”Bahagyang gumaan ang pakiramdam







