Share

Chapter Seventeen (Part Two)

Hindi mo ba talaga alam kumatok?" May bahid inis ang boses ko na tanong bago ko ulit itinuloy ang paglalagay ng foundation sa mukha ko.

Hindi siya sumagot. Nakita ko ang reflection niya sa salamin na susuray-suray na naglakad patungo sa higaan ko kaya minadali ko ang paglalagay ng make-up sa mukha ko.

Nang matapos ako ay tumayo ako at hinarap siya. Nanlaki ang mga mata ko ng basta na lang niyang ihagis ang katawan sa kama ko kaya nagmadali agad akong lumapit sa kanya.

Tinapik ko siya sa balikat."Alexander, sino ang may sabi sa'yo na pwede kang humiga sa higaan ko?"

Hindi sumagot ang bruho. Umungol lang siya. Ang sarap niyang tadyakan sa mukha.

"Alexander!" Malakas ko siyang niyugyog, pero hindi man lang tuminag.

Nakapikit na siya. Hindi pa siya nagpapalit ng damit at amoy alak pa siya. Impit akong napatili sa sobrang gigil.

"Kapag hindi ka pa bumangon diyan tatawagin ko si Alwar para kunin ka dito." Pagbabanta ko sa kanya.

Hindi siya kumilos kaya naman tinalikuran ko siya at maglalakad
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status