Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling sinubukang maglakad ng diretso at maayos. Masyado pang nanghihina ang mga binti ko na para bang babagsak ako agad, ngunit pinilit kong subukan. Hindi ko maaaring hayaan na manatili lang ako sa aking kwarto ng buong araw. Hindi maaring mahiga ;amang ako at hintayin na kusang bumalik ang lakas ko. Ensayo. Kailangan kong mag-ensayo ng aking kakayahan sa pakikipaglaban upang mapabalik ang lakas ko.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang parte ng aking kwarto kung saan matatagpuan ang walk-in closet ko. Kailangan kong magpalit ng damit upang mas maging komportable.
Kahit na hirap ay binigay ko ang buong lakas ko upang maisagawa ng maayos ang pagpapalit ng damit. Wala rito si Danie at Dan dahil hinayaan ko na muna silang makapagpahinga dahil buong magdamag silang nakabantay sa akin, at si Dyke naman ay bumalik at umuwi na sa kanilang mundo. Sobrang laki na ng naitulong nila sa akin kaya nararapat lang na magpahinga na muna sila.
Pagtapos kong makapagbihis ay nagpatawag ako sa ilang naninilbihan at nagpadala ng isang boteng dugo. Bilang isang bampira maharlika ay isa sa kailangan namin upang lumakas ay dugo ng mga mortal.
Ang pagkauhaw at pangangailangan sa dugo ng mga mortal ay isa sa maituturing naming sumpa, ngunit wala kaming magagawa dahil iyon na talaga ang nakaukit sa buhay namin. Lubos na malakas ang pangangatawan at kapangyarihan namin kaysa sa mga normal na bampira kung kaya’t ang simpleng dugo ng mga hayop ay hindi sasapat. Lalo na sa kalagayan ko ngayon ay kailangan ko iyon upang lumakas ang pangangatawan.
Ngunit wala namang dapat ikabahala sa pangangailangan namin sa dugo ng mga mortal dahil ang pagtugis at pagpatay sa kanilang lahi ay natuldukan na, ilang daang taon na rin. Ilan sa pinagkakatiwalaan tauhan ay isinugal ang kanilang buhay upang makarating sa mundo ng mga mortal upang humanap ng paraan kung paano kami makakakuha ng kanilang dugo nang hindi sila kinakailangang patayin at para na rin kumuha ng mga kaalaman mula sa kanila upang mas mapabuti ang pamumuhay namin.
Tumagal ng ilang taon ang pananaliksik na ito ngunit naging matagumpay. Palagi na kaming may sapat at imbak na dugo mula sa kanila at marami pa kaming naging kaalaman na aming ginamit sa aming mundo.
Lumipas ang ilang minuto at ipinasok na ng mga tagapagsilbi ang hiningi ko sa kanila. Hindi ako gumamit ng baso at basta na lamang tinungga ang bote. Hindi tulad ng palagi kong iniinom na alak na may dugo ay ang hiningi ko ngayon ay puro. Kailangan ko ng sapat na dugo upang lumakas dahil sa binabalak kong page-ensayo.
Nang maubos ko ang isang bote ay itinabi ko ‘yon sa may mesa sa gilid ng kama ko at sa isang iglap ay sumama sa paghalo sa hangin.
Pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng kwartong pinag-eensayuhan ko. Saglit na pumikit ako nang mariin dahil pakiramdam ko ay babagsak ako anumang segundo. Oo, bahagyang nakatulong ang dugong ininom ko ngunit hindi sobra dahil hindi naman no’n mapapanumbalik ang buong lakas ko.
Kagabi lamang nangyari ang pagtangka sa buhay ko kung kaya’t hindi pa sobrang nanunumbalik ang lakas ko. Nakapagpahinga lang ako ng ilang oras matapos umalis ng mga lapastangang bumisita sa akin, at ngayong pagkagising ko ay ito na agad ang naisip kong gawin.
Pinili ko na lamang mag-ensayo sa pagpana dahil baka kapag sinubukan ko ang mabibigat na ensayo ay bumagsak na lamang ako dahil sa panghihina. Hindi ko rin naman gustong pilitin ang sarili ko at isagad ang kakayahan ng katawan ko. Ginagawa ko lang ang bagay na ito upang makatulong sa mabilis na panunumbalik ng lakas ko at hindi para alamin kung hanggang saan ang limitasyon ng nanghihina kong katawan.
Kinuha ko ang pana at ang mga palaso sa may gilid at pumwesto sa may gitna. Nasa sampu hanggang labinlimang pulgada ang layo ng mga tudlaan. Palayo nang palayo, at paliit nang paliit. Sa ganitong ensayo ay malalaman ko ang bilis ng pagpana ko at kawastuhan ng pagtama nito sa mga tudlaan.
Hindi ko na ako nag-aksaya pa ng oras at itinuon ang pansin sa mga tudlaan sa may kalayuan. Sa mabilis na pagkilos ay sunod-sunod kong pinakawalan ang mga palaso ko hanggang sa maubos iyon. Gamit ang talas ng paningin ay inaninag ko kung umeksakto ba ito sa mga tudlaan at napangiti nang makita na lahat ng iyon ay eksakto sa may pulang marka.
Sa lahat ng itinuro sa akin ni ama tungkol sa pakikipaglaban ay ang pagpana at ang pakikipaglaban gamit ang espada ang aking pinakagusto at doon ako pinakamahusay. Ang aking amang hari ang personal na nagturo sa akin ng lahat ng kaalaman niya at ipinagmamalaki kong marami akong natutunan mula sa kanya.
Mangilang ulit akong nag-ensayo sa pagpana at sa palagay ko ay nakaubos na ako ng hihigit sa singkwentang palaso bago ako nasiyahan. Mula sa mga nakapirming tudlaan, hanggang sa mas malalayo at gumagalaw ay eksakto sa pulang marka ag lahat ng pag-atake ko.
Saglit na umupo ako upang makapagpahinga dahil nakakaramdam ako ng panghihingal mula sa ginawa ko. Paunti-unti ng bumubuti ang pakiramdam ko at hindi na rin nanghihina ang mga binti ko kaya siguro ay makakaya ko nang mag-ensayo sa paggamit naman ng espada.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago muling tumayo at ibinalik ang palaso sa may mesa bago humalo sa hangin at bumalik sa aking kwarto kung saan nandito nakatago ang bagay ka kailangan kong kunin at balak kong gamitin.
Ibinaba ko ang malaking larawan ko sa kwarto at bumungad sa akin ang malaking kahon na taguan. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang espadang pagmamay-ari pa ng ama ng aking amang hari na ipinama sa kaniya at ngayon ay nasa akin na. Isa ito sa pinakaiingatan ko dahil ang isang ito ay walang katulad. Hindi katulad ng normal na espada ay ako lamang ay may kakayahang makahawak nito. Sa oras na may sumubok na iba ay paniguradong pagkasunog sa kanilang kamay ang aabutin.
Ang espada na ito ay iisa lamang ang kinikilala kung kaya’t ako lamang ang may kakayahan na gamitin ito, ngunit pinili ko pa ring itago dahil mahirap ng alamin ang mga posibilidad na mangyari.
Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko rito ngunit napatigil nang makarinig ako ng katok mula sa aking pinto.
“Mahal na reyna, gising ka na ba?” Boses iyon ni Danie. Mabilis na isinara ko ang takip ng kahon at ibinalik sa dati ang malaking litrato bago dumiretso sa aking kama at doon pumwesto.
“Oo. Maaari ka ng pumasok.” Dahil sa sagot kong iyon ay wala pang ilang segundo ay bumukas ang pinto ay pumasok si Danie sa aking kwarto, bitbit ang isang bandeha ng pagkain. Doon ko lang naalala na wala pa pala akong kinakain simula kagabi. Mukhang napatid naman ang gutom ko dahil sa isang bote ng dugo na ininom ko kanina.
Naglakad si Danie papunta sa akin ngunit saglit na natigilan nang makita ang itsura ko. Napailing na lang siya at ibinaba ang hawak sa may mesa sa gilid.
“Hindi pa sobrang ayos ng lagay mo. Bakit nag-ensayo at kumilos ka na agad? Makakasama sa iyo ‘yan,” pangaral niya. Naupo siya sa tabi ko at inabot ang kamay ko.
“Mahal na reyna, kailangan mo munang magpahinga at nakikiusap ako sa’yo na ito ang gawin mo. Alam kong gusto mo na agad maging maayos at bumalik ang dating lakas ngunit kailangan mo ng oras. Hindi natin masasabi na baka mapasama sa iyo ang ginagawa mo. Ikaw lamang ang iniintindi ko. Katulad mo ay gusto ko ring mapabilis ang paggaling mo dahil hindi natin alam kung kailan at ano ang magiging sunod na hakbang o galaw ng kalaban kaya kailangan ay palaging handa,” dagdag niya. Hinawakan ko pabalik ang kamay niya at bahagya iyong pinisil.
“Huwag kang mag-alala. Ang pag-eensayo sa pagpana lamang ang ginawa ko at uminom na ako ng dugo upang maging tulong sa katawan ko. Naiintindihan kita at pasensya na, masyadong matigas ang ulo ng alaga mo,” sagot ko at sinabayan ng ngiti. Napailing na lamang si Danie at sinuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri.
Si Danie ang tumayong aking ina simula nang mamatay ang totoo kong inang reyna. Siya ang palaging nakabatay sa akin at nakasubaybay, at siya na ang kinamulatan ko. Sobra akong nagpapasalamat sa kaniya dahil sa matiyaga niyang pag-aalaga sa akin sa kabila ng katigasan ng ulo ko at sa pagkakaroon ng maikling pasensya.
“Hindi na bago sa akin ang katigasan ng ulo mo, ng katigasan ng ulo ninyo ni Dan. Hayan at bakas na nga sa aking itsura na mayroon akong mga pasaway na alaga.” Bahagya akong natawa sa sinabi niyang iyong ngunit naudlot nang may kumatok na naman sa pinto. Nagkatinginan kami ni Danie. Tumayo siya mula sa pwesto niya at lumapit doon.
“Sino iyan?” tanong niya.
“Ako ito, si Adam. Nais ko sanang bisitahin at kumustahin ang mahal na reynang Fajra. Gising na ba siya?” Agad na napaarko ang kilay ko nang marinig ang boses na iyon.
Adam. Ang akala ba niya ay sa simpleng pagpunta niya rito ay makukuha na niya ang loob ko? At halata namang isa iyon sa utos ng kaniyang ama na wala siyang magagawa kung hindi ang sundin.
Tumingin sa akin si Danie na para bang nagtatanong kung ano ang isasagot niya kung kaya’t mangilang beses akong umiling indikasyon na hindi ko gustong harapin si Adam.
“Pasensya ka na, Ginoong Adam. Namamahinga pa ang mahal na reyna hanggang ngayon kaya kung inyong mamarapatin ay hindi kita mapagbubuksan,” ani ni Danie.
“Ganoon ba? Naiintindihan ko. Babalik na lamang ako bukas. Maraming salamat.” Nang masigurado ni Danie na wala na si Adam sa may likod ng pintuan ay muli siyang bumalik sa tabi ko.
“Kanina pa siya pabalik-balik dito at inaalam ang kalagayan mo.” Muling napaarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
“Sigurado akong gusto niya lang malaman kung humihinga pa ba ako o kung mas lalong lumala ang lagay,” kibit-balikat na sagot ko.
“Pero kung iyong iisipin, tunay nga kayang kontrolado lang siya ng kaniyang ama? Nakitaan ko siya ng pagkabahala noong mga oras na bumagsak ka sa selebrasyon at kung hindi nga siya naunahan ni Dan ay siya ang isang lumapit sa’yo upang tumulong. Tapos ngayon ay pabalik-balik siya upang kumustahin ka. Hindi kaya’t tunay ang pagtingin sa iyo ni Ginoong Adam?” Awtomatikong napangiwi ako dahil sa sinabing iyon ni Danie. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pang kumalaban ng ilang batalyong kaaway o uminom ng lason at labanan ang kamatay kaysa makasama siya. Kinamumuhian ko ang dugong nananalaytay sa kaniya.
“Mangyayari lamang ang bagay na iyon sa panaginip,” sagot ko sa sinabi ni Danie na nakapagpatawa sa kaniya.
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,