Kinabukasan Mainit-init pa ang gabi. Ang mga ilaw ng MOA Arena ay tila mga bituing nagkukumpul-kumpulan, habang ang hanay ng mga taong naghihintay sa VIP lane ay umaabot hanggang sa kanto. Kumakaway ang mga ilaw ng camera ng mga paparazzi, vloggers, at casual fans na lahat umaasang masulyapan ang kahit sinong kilalang personalidad na naroon upang manood ng concert ng pinakamainit na artist sa bansa na si Storm. Ngunit sa gitna ng kaguluhan ay isang pigura ang tahimik. Si Cinderella na nakasuot ng eleganteng black satin dress na may mataas na slit sa tagiliran. Ang buhok niya ay naka-ponytail na walang isang hiblang palaboy. Ang mukha niya ay walang emosyon, pero ang mga mata… may lalim. “Are you sure you’re okay?” tanong ni Angie, na naka-coord na white blazer at mini skirt. Stylish, pero hindi kasing composed ng kaibigan niya. Pinipilit niyang gawing magaan ang gabi. “You don’t even look like you’re breathing.” Cinderella didn’t answer. Sa halip ay tinanaw lang niya ang main ent
Sa paglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, bumungad ang maiinit at alinsangang hangin ng Maynila. Walang emosyon na humakbang si Cinderella palabas ng arrival gate, suot ang itim na oversized sunglasses at simpleng nakasuot ng jacket na may hoodie na bagay sa kanyang understated elegance.Sa gitna ng abalang paliparan ay mabilis siyang nakilala ni Angie. Isang mahigpit ngunit maingat na yakap ang agad na isinukli nito na may pagsabik at may pag-aalala.“C…” mahina ngunit puno ng emosyon ang tinig ni Angie. “Finally, you’re home. Namiss kita."Ngunit walang tugon. Hindi ngumiti si Cinderella at hindi rin sumagot. Tumango lang ito nang bahagya at muling ibinaling ang tingin sa malayo.Tahimik ang buong biyahe nila palabas ng airport. Sa loob ng sasakyan ay tanging tunog ng makina at mahinang instrumental na musika mula sa car stereo ang nagsilbing background ng kanilang katahimikan. Paminsan-minsan ay sumulyap si Angie kay Cinderella. Gusto niyang magtanong, gusto ni
Tahimik ang buong 35th executive floor ng Vergara Corporation. Pero hindi ito ang klaseng katahimikan na nagpapakalma. Tahimik… kasi may bagyong namumuo sa loob ng opisina ng CEO.Sa gitna ng modernong silid at sa likod ng glass desk ay nakaupo si Nero na tahimik pero sa likod ng mga malamig na mata ay nagliliyab ang galit.Nasa harap niya ang tablet at makikita roon ang isang larawan. Si Cinderella ay nasa airport na nakasuot ng hoodie at shades. Mag-isang papasok sa departure gate na walang bodyguard at... walang paalam.Dahan-dahang umiling si Nero habang nakatitig sa screen. Mahigpit ang hawak niya sa tablet na halos mabasag. “She ran…” madiing bulong niya. “She f*cking ran.”Biglang bumukas ang pinto at pumasok si VeraSanay na siya sa mood swings ng kanyang boss. Pero ngayon ay iba. Hindi ito iyong galit na sumisigaw o naninira ng gamit... isa itong tahimik na galit na mas nakakakilabot. Iyong klase ng katahimikan na mas malakas pa sa sigawan na nakakatakot.“Sir,” maingat ang
Tahimik ang buong kwarto.Tahimik pero hindi matahimik ang puso ni Cinderella.Nakaupo siya sa gilid ng kama na tuwid ang likod pero bagsak ang balikat. Ang liwanag mula sa city lights sa labas ay tumatama sa kanyang mukha, pero wala siyang pakialam. Hindi niya namamalayang matagal na pala siyang nakatitig sa kawalan... hindi sa painting na mamahalin, hindi sa kurtinang imported at hindi sa mabangong kandilang sinindihan ni Vera bago siya umalis.Hindi sa kahit anong bagay na nandito...Dahil wala na siyang nararamdaman sa lugar na ito. Sa tahanang pansamantala na hindi kailanman naging kanya.Mapait ang ngiting pilit gumuhit sa kanyang labi...Alam niya kung ano ang pinasok niya. Hindi siya inosente.Isang kontrata.Isang taon.Pero hindi niya inasahan na ganito kasakit kapag totoo palang hindi siya kailanman naging bahagi ng buhay ni Nero kundi bahagi lang ng kanyang plano.Muli siyang huminga nang malalim para pawiin ang bigat na nararamdaman.Sa buong buhay niya ay pinilit niyang
Nagising si Cinderella sa sunod-sunod na pag-vibrate ng phone niya. Mahinang ungol lang ang naisagot niya habang inabot ang cellphone sa tabi ng kama. Nang makita kung sino ang tumatawag ay napa-roll siya ng mata. Si Angie, her best friend at certified socialite-slash-informant lang naman ang nangigising sa kanya.Sinagot niya ang tawag.Pagka-slide pa lang ng video call ay bumulaga agad ang naka-glow-up na itsura ni Angie na freshly blow-dried hair, signature latte in hand, at ang mapang-asar na ngiti.“Look who finally remembered she has a best friend!” sarkastikong bati nito. “Well, well.. You better have an explanation, Mrs. Vergara…”"Wait--- How the hell did you even know I got married?" Angie rolled her eyes like a true queen of sarcasm. "Who else?? Sino pa ba eh 'di ang galamay ni Colleen."Napairap na lamang si Cinderella."So, it's true? My God! I had to find out from Colleen's pawn of all people that you are already married to your fiance?" Angie's brows were raised in
Tahimik ang elevator habang paakyat sila. Wala nang muling sinabi si Cinderella, at kahit pilit niyang pinanatiling composed ang sarili ay hindi niya maikubli ang paminsan-minsang panginginig ng kanyang katawan dulot ng kirot sa tiyan. Nakayakap ang isang braso niya sa tiyan pero hindi sapat ang init ng palad niya para pahupain ang sakit.Pagbukas ng elevator ay tumambad sa kanya ang isang napakagandang suite na malawak, minimalistic, at hindi basta-basta ginagalaw ng iba. May presensiyang tahimik na tulad ni Nero. Pero hindi niya inaasahang may ganitong espasyo sa loob ng kumpanya na isang lugar na parang hiwalay sa lahat... parang lihim na para lang sa iisang tao.“I didn’t realize you had a place like this,” mahinang sabi niya habang sinusundan si Nero papasok.Hindi sumagot si Nero. Sa halip ay tahimik niyang ini-scan ang kanyang fingerprint sa discreet panel, at marahang bumukas ang pinto ng master bedroom. Walang pagmamadali ang kilos pero halatang may kasanayan na parang ito an
Habang ang buong boardroom ay nababalot ng isang malagim na katahimikan, ang tensiyon ay hindi na lang basta nararamdaman dahil umabot na ito sa sukdulan. Lahat ay nakatingin kay Nero. Wala ni isa ang humihinga nang normal. At si Ashley na dati ay may hawak na kapangyarihan at tiwala sa sarili ay dahan-dahang nawawala sa kanyang dating posisyon sa harap ng mga mata ng mga board members. Nakatayo pa rin na pilit nilalabanan ang nanginginig na tuhod pero halata sa mga mata niya ang pagguho ng mundong matagal niyang inakyat. Si Nero ay hindi na nag-aaksaya ng panahon ay nagsalita ng mapanganib at mas malamig na tinig. “Ashley,” tinawag ni Nero ang pangalan niya nang walang kahit anong patunay ng emosyong nararamdaman. “Effective immediately, you are fired.” Walang paliwanag at walang pagbibigay-linaw. Wala ring pakiusap o awa. Parang may humigop ng hangin sa buong silid dahiil walang nagsalita at lahat ay natigilan. Pero si Ashley ay nagpumilit lumaban. Umangat ang baba na pilit in
Ashley was frozen. Nakatigil ang kamay niya sa ere, hawak pa rin ang clicker na tila naging sandatang hindi na niya alam kung paano gamitin. Ang perpekto niyang tikas at ang kumpiyansa sa sarili ay unti-unting nabasag sa bawat segundong lumilipas sa gitna ng katahimikan.Hindi lang tahimik ang boardroom parang huminto ang oras. Lahat ay nakatingin sa kaniya at naghihintay kung lalaban siya o tuluyang lulubog. Si Cinderella? Hindi kumurap, hindi gumalaw at wala siyang kailangang gawin. Ang babaeng kanina lang ay abalang naglalaro ng Mobile Legends ay ngayon ay pinipira-piraso ang buong Milan expansion ni Ashley na parang simpleng assignment lang sa high school. At ang pinaka-nakakatakot? Ginagawa niya ito nang may kalmadong ekspresyon parang alam niyang siya ang tama simula’t simula pa lang. “Your freight estimate from Zurich to Milan…” Kalmado ang boses ni Cinderella pero matalim parang salamin na pumuputol ng balat. “…didn’t factor in the revised customs tariffs. They were updated
Tahimik pero mabigat ang buong boardroom. Parang bawat paghinga ng mga board directors ay tinitimbang muna bago ilabas. Sa dulo ng mahabang black glass table ay nakaupo na si Nero. The typical sharp demeanor of the CEO was now unsettling. His jaw was clenched and his knuckles turned white from holding the report tightly in front of him. At sa tabi niya ay si Cinderella na tahimik lang na kalmado pero halatang wala sa loob ang isipan. Ang focus naman ni Nero ay nasa gitna na ng room, where Ashley Vergara was confidently presenting the Milan expansion report. Halatang ready si Ashley to defend her numbers. “So tell me again, Ashley,” tanong ni Nero, his tone was sharp. “How exactly did you miss this?” Hindi natinag si Ashley. She turned to the next slide and responded in a calm and concise manner."With all due respect, Mr. Vergara, the figures for the Milan expansion are accurate. We have factored in delays and reorganized logistics with the Montero Group, and our predictions