Ang sikat ng araw ay dahan-dahang sumilip sa malalawak na bintana ng Fuentabella Estate na binabalot ng gintong sinag ang eleganteng hapag-kainan. Kumikinang ang mga crystal glasses habang humahalo ang matapang na aroma ng freshly brewed coffee sa malamyos na halimuyak ng buttered almond croissants at fresh strawberries. Lahat ay perpekto... sa panlabas kahit papaano.
Sa dulo ng mesa ay nakaupo si Colleen na parang isang reyna sa kanyang trono. Ang silk robe niya ay eleganteng nakalapat sa kanyang balikat habang hawak niya ang isang tasa ng espresso. Iniinom ito na may kagandahan na tila siya ang may hawak ng mundo. Habang nagbubuklat ng isang mamahaling fashion magazine. "Have you seen the news?" aniya na may bahid ng kaswal na pananadya sa boses. "Apparently, the most sought-after bachelor in the country was seen last night… kissing someone." Walang gaanong reaksyon si Cinderella. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin habang marahang pinapahiran ng butter ang kanyang toast. "Hmm. Yeah shocking," sagot niya nang walang emosyon bago tikman ang kanyang tinapay. Napangisi si Colleen na hindi natitinag. "Oh, but it is. The press is going crazy trying to figure out kung sino ang mystery woman." Lumapit siya nang bahagya na may kislap ng intriga sa kanyang mga mata. "Imagine if it were someone we know. Wouldn’t that be... interesting?" Cinderella looked up this time. Marahan niyang inangat ang kanyang teacup at ang kilos niya mabagal pero puno ng confidence. "Or exhausting," sagot niya na bahagyang ngumiti. Napataas ng bahagya ang kilay ni Colleen. “Only if you have something to hide,” aniya na nakasandal sa upuan na tila walang pakialam pero halata ang pagtaas ng boses. “But if it’s nothing, bakit ka mukhang defensive?” Hindi natinag si Cinderella bagkus ay mas lumamig pa ang kanyang ngiti. “I’m not defensive. I’m just wondering why you’re so invested. Baka naman ikaw ang may gustong itago?” Bahagyang bumagsak ang ekspresyon ni Colleen pero saglit lang iyon bago niya hinawi ang buhok at tumawa. “Please. Kung ako ‘yon, I’d own it. Unlike some people who prefer hiding behind their teacups.” Nagtagpo ang kanilang mga mata parehong hindi umatras. Cinderella took another sip, this time slower and more deadly. “I’d rather hide behind a teacup than behind gossip,” aniya bago dahan-dahang inilapag ang tasa. “At least ang akin, may class.” Tahimik na bumagsak ang tensyon sa pagitan nila. Bago pa makasagot si Colleen ay isang boses ang kanilang narinig. “Anong pinag-uusapan niyo?” Napalingon sila pareho sa bagong dating. Nakita nila si Valeria ang ina ni Colleen na nakatayo sa tabi ng mesa. Ang kanyang presensya ay parang isang malamig na hangin na biglang sumingit sa tensyonado nilang usapan. Mataas ang kilay niya habang nakatingin kay Cinderella bago ito nagpatuloy. “Sino itong pinag-uusapan niyo?” Bahagyang bumaling si Colleen sa ina na agad na ibinalik ang kanyang composure. “Just a little gossip, Mother,” sagot niya na may tamis sa tono pero may bahid ng inip sa mga mata. “Wala naman akong binabanggit na pangalan.” Valeria crossed her arms and obviously unimpressed. “Colleen?” Napatingin si Colleen kay Cinderella samantalang si Cinderella ay tahimik na pinagmamasdan ang palitan nilang mag-ina habang muling inaangat ang kanyang teacup na para bang nanonood lang ng isang palabas. “Hindi ko pa sigurado, Mother,” ani Colleen na nakangiti pero matalim ang tingin kay Cinderella. “Pero sabi ng iba, ang mystery woman daw ay may kaugnayan sa isang sikat na bachelor.” Tumawa ng mahina si Valeria. “At sino naman itong sikat na bachelor na tinutukoy mo?” Napangiti si Colleen na tila ba nag-eenjoy lalo na ngayong nakuha na rin niya ang atensyon ng kanyang ina. Si Valeria naman ay muling tumingin sa anak. “Colleen, I don’t like riddles.” Nagkunwaring nag-isip si Colleen. “Well, kung pagbabasehan ang mga balita… mukhang si Nero Vergara ang usap-usapan ngayon.” Saglit na katahimikan ang bumalot sa mesa. Si Cinderella naman na kanina pang walang emosyon ang mukha ay nanatiling kalmado. Dahan-dahan niyang inilapag ang kanyang teacup na hindi natitinag sa mga mapanuring tingin nina Colleen at Valeria. “Hmm,” tanging sagot ni Valeria ngunit puno ng pagsusuri ang kanyang mata habang tinitingnan si Cinderella. “So, si Nero Vergara ang pinag-uusapan niyo? Interesting.” Colleen leaned forward and enjoying every second. “The elusive bachelor himself. May mystery woman daw siyang kasama kamakailan. Hindi kaya may alam si Cinderella kung sino ito?” Napataas ang kilay ni Cinderella. “Why would I know?” at ngumiti siya ng makahulugan. Colleen tilted her head. “Oh, I don’t know… Baka lang naman may alam kang information.” Valeria hummed as her gaze never left Cinderella. “Kung si Nero nga ang tinutukoy mo, Colleen, then this conversation just became far more intriguing.” Kalmadong ngumiti si Cinderella. “Then maybe you should ask him.” Inilapag niya ang kutsarita sa platito ng walang pakialam. “I’m sure Mr. Vergara would love to clear up all your questions.” Sa pagkakataong ito ay si Colleen naman ang hindi agad nakasagot. Tahimik na bumagsak ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Pinagmasdan ni Valeria si Cinderella, ang mga mata nito punong-puno ng kalkulasyon. Samantalang si Colleen, bagaman may ngiti pa rin sa labi ay hindi na maitago ang pagka-irita sa tila walang pakialam na sagot ni Cinderella. “Hmm,” muling tugon ni Valeria habang marahang iniikot ang hawakan ng kanyang baso. “Kung si Nero Vergara nga ang pinag-uusapan natin… then I must say, that man has quite the reputation.” “Indeed,” sagot ni Colleen na agad na sumakay sa sinasabi ng ina. “Billionaire, heir ng Vergara Group, at napaka-elusive. Laging nasa headlines pero never nagkakaroon ng confirmed relationship. Kaya ang tanong…” Napangisi siya bago itinukod ang baba sa kamay. “Who is the mystery woman?” Nagtama ang tingin nila ni Cinderella na tila ba naghihintayan kung sino ang unang bibigay sa kanila. Pero sa halip na umamin o maapektuhan ay mas lumamig pa ang ngiti ni Cinderella. “I’m sure whoever she is, she has her reasons for staying hidden,” ani ni Cinderella bago muling tinungga ang tsaa na para bang wala siyang pakialam sa usapan. Si Valeria naman ay matagal nang sanay sa ganitong usapan ay alam niya na may nakikita siyang mas malalim dito. “At paano mo naman nasisiguro ‘yan, Cinderella?” tanong nito na puno nang makahulugan. Cinderella simply met her stare. “Because women like us always have reasons, don’t we?” Sandaling nanahimik si Valeria bago siya ngumiti nang bahagya na halatang may kahulugan ang sagot ni Cinderella.Samantalang si Colleen ay bagaman hindi pa rin makakuha ng diretsong sagot ay hindi pa rin sumusuko. “Well,” aniya na bahagyang sumandal sa upuan. “Kung sino man ang babaeng ‘yon, sigurado akong hindi siya basta-basta. Nero Vergara isn’t the type to settle for just anyone.”
Cinderella smirked as her grasp on her teacup tightened slightly. “Then she must be someone.” Napangiti si Colleen pero sa likod ng kanyang ngiti ay ang matalas na pag-iinspeksyon sa bawat kilos ni Cinderella. “Then she must be someone?” inulit niya na para bang iniinsulto ang sinabi ni Cinderella. “Napaka-interesting ng choice of words mo.” Cinderella met her gaze na hindi natitinag. “I choose my words carefully, Colleen. You should try it sometime.” Napasinghap si Colleen pero sa halip na magalit ay mas lumapad ang ngiti niya. “Oh, but I do. And I always make sure they cut just right.”Cinderella merely raised a brow… unimpressed. She lifted her teacup once more. "Then I hope," she said smoothly. Her voice calm yet laced with quiet steel. "You don’t end up cutting yourself in the process.”
Bahagyang bumagsak ang temperatura sa pagitan nila, hindi dahil sa lamig kundi sa tensyon ng bangayang na nagaganap.
Si Valeria na matagal nang nanonood sa palitan nilang dalawa ay nag-angat ng kilay. “It’s amusing how invested you both are in this.” Colleen flipped her hair. “I just like solving mysteries, Mother.” Cinderella let out a small chuckle pero puno ito ng hamon. “Then maybe you should try crossword puzzles. Mas bagay sa’yo! You know… less drama, more results.” Napanganga si Colleen sa sagot na iyon pero agad niyang tinakpan ito ng isang pekeng tawa. “You always have something clever to say, don’t you?” Cinderella leaned in and resting her chin on her hand. “And yet, here you are… still waiting for an answer I won’t give.” Valeria took a sip of her wine. “My, my… This is far more entertaining than I expected.” Colleen crossed her arms. “Keep your secrets, Cinderella. But just so you know, the press always finds out the truth. And when they do, let’s see if you can still sip your tea so calmly.” Cinderella simply smirked before lifting her cup one more. "Then I'll make sure it's a good brew." “Tama na ang mga walang kwentang usapan sa hapag-kainan,” ani ni Valeria na mababa ang boses pero puno ng awtoridad ito. Napilitang tumahimik si Colleen. Pero si Valeria ay hindi pa tapos. “Cinderella, bakit parang iba ang aura mo ngayon. Gabi ka na namang umuwi?” Tumitig si Cinderella sa kanya at isang matamis pero mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “Oh, alam mo naman ako, Valeria,” may diin na sambit niya sa pangalan nito. “Mahilig akong gumawa ng mga bagay na… unpredictable.” Nakita ni Cinderella ang gulat sa mga mata ni Valeria pero bago pa ito makapagtanong ulit ay maingat na inilapag ni Cinderella ang kanyang tinidor at tumayo. “Kung wala nang ibang mahalagang pag-uusapan ay aalis na ako. Mas marami pa akong kailangang gawin kaysa sa makinig sa mga pangarap ng babaeng hindi kayang abutin ang gusto nila.” Nanlilisik ang mga mata ni Colleen. “You think you’re better than me, don’t you?” Lumapit si Cinderella na bahagyang yumuko para bumulong. “I don’t think so, Colleen. Pero sigurado ako.”At walang lingon-likod siyang umalis, ang tunog ng kanyang matataas na takong ay nag-iwan ng echo sa katahimikan na kasabay ng tensyon na naiwan sa mesa.
Gustong masuka ni Cinderella sa dalawa. Ang paplastik. Puro matatamis na ngiti sa mga labi nila pero lason ang bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig.Cinderella breathed slowly and steadily. Kung hindi lang siya sanay sa larong ito ay malamang kanina pa siya napa-roll ng eyes o hindi kaya’y iniwan na lang niya ang hapagkainan na puno ng panlilinlang.
Pero hindi. Kung gusto nila ng laban, ibibigay niya dahil kung may isang bagay na sigurado siya ay hindi siya matatalo.
Pagdating ni Cinderella sa harap ng opisina ng kanyang ama ay hindi na siya nag-abala pang kumatok. Dire-diretso siyang pumasok, tinawid ang malawak na silid, at tumigil sa harap ng mesa ng kanyang ama na si Don Alejandro Fuentabella. Nakakunot ang noo ng ama niya habang inaayos ang mga dokumento sa harapan niya. Hindi man lang ito nag-angat ng tingin. “What do you think you’re doing, Cinderella?” Malamig siyang ngumiti. “Asking for honesty, Dad.” Sa wakas ay tumingala ito at tinitigan siya nang mariin. “You don’t just barge into my office like this.”“And you don’t get to keep secrets from me.” Lumapit siya paunti-unti na hindi pinalampas ang kahit isang reaksyon sa mukha ng kanyang ama. “Bakit hindi alam nina Valeria at Colleen ang tungkol sa engagement ko? Kailan mo balak sabihin sa kanila?”
“That is none of their concern,” mariing na sabi niya. “None of their concern?” Tumawa siya nang sarkastiko. “At bakit, Dad? Hindi ba dapat buong pamilya ang nakakaalam? O baka naman dahil may ibang plano ka na naman para sa akin?” Hindi kumibo ang kanyang ama. Pinagmasdan lang siya nito, ang mga mata’y puno ng bigat at awtoridad. Pero hindi siya natitinag.“You are playing a dangerous game, Cinderella,” mahina ngunit matalim na banta nito.
Lumapit pa siya at inilagay ang dalawang kamay sa mesa na halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. “And you taught me how to play it well, Dad.”Matagal ang kanilang titigan na parehong walang gustong umurong.
“You made a deal with Nero Vergara,” sabi ng kanyang ama, “but don’t forget, he is not a man you can control.” Napangisi si Cinderella. “Then it’s a good thing, Dad.” Matalim ang tingin niya habang bumubulong. “Because neither am I.” Tumayo siya nang diretso, inayos ang kanyang coat at humakbang paatras. “You wanted a daughter who can survive in this world, right?” Nagtagal muna si Cinderella sa kinatatayuan niya at pinagmamasdan ang lalaking minsang naging pundasyon ng kanyang mundo. Noon, ang kanyang ama ang tanging proteksyon niya laban sa kalupitan nina Valeria at Colleen. Noon, siya ang tinatawag niyang tagapagligtas.Pero ngayon? Ngayon ay isa na lang siyang estranghero sa buhay nito.
Huminga siya nang malalim bago tumawa nang mapakla. Isang tunog na puno ng pait at panlilinlang. “Well, congratulations, Dad. You raised a monster.”
Alam niyang tumama ang mga salita niya nang makita niyang bahagyang pagbago ng ekspresyon sa kanyang mukha pero hindi ito nagsalita. Hindi ito nagtangkang magpaliwanag.
Wala na siyang hinintay pang sagot. Tumalikod siya nang walang alinlangan, ang bawat hakbang niya ay matigas at determinado. Sa likuran niya ay nanatiling tahimik ang kanyang ama pero sa katahimikang iyon ay ramdam niya ang tensyon… ramdam niya ang bigat ng lahat ng hindi nito pagsasalita.
Pero huli na dahil hindi na niya kailangang marinig pa.
At tuluyan na siyang lumabas sa opisina ng kanyang ama. Pagkasara ng pinto, napasandal siya rito. Pilit na pinipigilan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. Sa puntong ito ay hindi niya maintindihan kung bakit may kirot sa kanyang dibdib. Dapat ay matagal na niya itong kinasusuklaman. Dapat ay wala na siyang pakialam.
Pero bakit pakiramdam niya… siya ang natalo?
Isang tawag ang gumising sa diwa ni Cinderella, si Angie, ang nag-iisang matalik niyang kaibigan.
“Hey, beshy! Where are you?” Masiglang bati nito.
“Home,” maikli niyang sagot.
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila. “Are you okay?” tanong ni Angie, ngayon ay mas banayad na ang tono.
Napakagat-labi si Cinderella, pilit na pinipigil ang namumuong emosyon. “Y-Yeah,” ang tanging sagot niya.
“Hmmm… gusto mo mag-spa? Food trip? Shopping?” Sunod-sunod na tanong ng kaibigan, pilit pinapagaan ang usapan.
Napailing si Cinderella sa kakulitan nito. “Spa.”
“Ok! See you at our favorite spa. Mwah!”
Pagkababa ng tawag kay Angie ay muling nag-ring ang cellphone ni Cinderella. Nang makita ang pangalan sa screen ay agad na bumilis ang tibok ng puso niya.
Nero Vergara.
She should ignore him. She should.
Pero alam niyang hindi siya titigilan nito.
Saglit niyang tinitigan ang kanyang cellphone bago tuluyang sinagot.
"What?" walang ganang sagot niya.
"That’s not how you greet your fiancé, Cinderella," malamig ngunit may halong panunuksong sabi ni Nero.
Umirap si Cinderella kahit hindi siya nakikita ng kausap. "Get to the point, Mr. Vergara. Ano na naman?"
"Hmm… Gusto lang kitang kumustahin," sabi niya na puno ng paglalandi. "Did you sleep well? O masyado kang nag-iisip tungkol sa akin?"
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. "In your dreams."
Narinig niya ang bahagyang pagtawa nito sa kabilang linya. "Oh, sweetheart… you have no idea what I dream about."
Muntik niyang mabitawan ang kanyang cellphone. Lihim niyang isinumpa ang epekto ng boses ni Nero sa kanya.
Bago pa siya makasagot ay biglang nagbago ang tono nito mas naging seryoso. "Come to my office. Seven o’clock. "
Naningkit ang mga mata ni Cinderella. "And if I don’t?"
"Then I’ll come get you myself."
Napasinghap siya pero hindi siya nagpadala. "Ang kapal mo. You can't just order me around—"
"We need to finalize our contract, Cinderella." Madiin ang bawat salitang binitiwan ni Nero na puno ng babala. "You don’t get to run away from this."
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito dahil alam niyang tama ito na kailangan niyang pumunta at i-finalize ang contract nila.
Pero ang pinakainis sa lahat?
Ang katotohanang hindi lang iyon ang dahilan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. At mas lalo pang lumala nang marinig niya ang mabagal at tiyak na pagsambit ni Nero ng mga salitang sumunod.
"Unless, of course... mas gugustuhin mong pag-usapan natin ang huling halik natin sa mas pribadong lugar."
Shit! Parang biglang sumabog ang init sa kanyang mukha. "Mr. Vergara—"
"See you later, don’t make me wait too long," mapanuksong sambit niya.
At bago pa siya makapagsalita ay ibinaba na nito ang tawag.
Naiwang nakatitig si Cinderella sa kanyang cellphone… gulat, inis, at lubos na naiinis sa sarili.
Dahil kahit anong pilit niyang itanggi at kahit anong pagpapaalala niya sa sarili na dapat niyang kamuhian ang lalaking iyon… Damn! She was blushing.
“See? Gusto mo talaga,” Nero leaned in slowly, his dark eyes playful and a hint of a dangerous smile spreading across his lips, the kind that always made her heart race.Cinderella didn’t back down. Instead, she shot him a fierce look. “You really have some nerve, don’t you?”He let out a low chuckle that felt like a promise. “Only when you give me that look.”She raised an eyebrow and crossed her arms in mock irritation. “What look are you talking about?”His smile grew wider, his eyes narrowing slightly. “The kind that makes it seem like you’re about to leap at me like a hunter ready to strike.Her heart raced against her will, and she sighed in frustration. “Ugh!” She turned away from him, forcing herself to concentrate on the food before her. Each bite was a struggle to maintain her calm and suppress the heat that Nero’s words always sparked. Yet, even while eating, she could feel his intense gaze on her back—a wordless challenge, a quiet invitation.And honestly, part of her wan
Malamig ang tingin ni Cinderella kay Nero habang pababa ang elevator. Wala siyang sinasabi pero halatang pinipigil ang kanyang sarili. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang hawak sa clutch bag na nasa gilid niya. Nang bumukas ang elevator sa 1st floor ay hindi siya tumingin sa lalaki na nasa likod niya. She stepped out poised, calm, yet filled with suppressed rage.Naramdaman iyon ni Nero. Hindi man siya sinigawan ay ramdam niya ang init ng galit ng asawa. Pero imbes na mapikon ay napangisi lang siya.Sinundan niya ito palabas ng elevator na hindi inaalis ang tingin sa malambot pero matigas na lakad ni Cinderella. Damn, she was so beautiful when she was mad.Paglapit nila sa cafeteria ay agad silang sinalubong ng malamig na hangin ng centralized AC at masarap na amoy ng iba’t ibang pagkain. The area was huge, with high ceilings, glass walls that let in sunshine, and clean, minimalist decor. Ang modern design ng lugar ay aakalain mo na nasa isang five-star hotel restaurant ka, hindi s
Nanigas ang panga ng babaeng presenter. “Excuse me, but I’ve worked on this deal for months. We’ve done extensive R&D, and I—”“Extensive?” Umangat ang kilay ni Cinderella na puno ng sarkastiko ang boses. "Then you'd know your own figures are two quarters behind. The Q1 analytics report from Vergara Innovations alone destroys your ROI prediction."Naputol ang hangin sa loob ng boardroomNamutla ang babae na parang napako sa kinatatayuan.“I read the full report this morning,” dagdag ni Cinderella na banayad ang tono pero matalim. May munting tawa mula sa isang senior executive sa dulo ng lamesa na mabilis nitong itinago sa likod ng kunwaring pag-ubo.“And let’s not forget,” patuloy ni Cinderella habang bahagyang yumuko na lalong tumalim ang tingin. “Vergara Innovations isn’t just supplying tech, we’re giving you dominance disguised as a partnership. So unless you’re bringing something that can match that weight... Don’t waste our time.”Napatingin si Cinderella sa babae nang mabagal
Pagmulat ng mga mata ni Cinderella, hindi niya alam kung saan siya naroroon. Malambot ang unan sa ilalim ng kanyang ulo, pero kakaiba ang pakiramdam dahil hindi niya naramdaman ang presensya ni Nero sa tabi niya. Naguluhan siya sandali habang sinulyapan ang paligid.Hindi ito ang pamilyar na silid tulad sa penthouse ni Nero sa New York. Malaki, malinis at moderno pero malamig ang aura. Wala ang mga personal na bagay ni Nero dito at wala ang kanyang signature scent na palaging nakakasabay niya. Para siyang nasa ibang mundo.Nanginginig ang mga daliri ni Cinderella habang iniangat ang katawan. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa malamlam na bedside table.Pagtingin niya sa cellphone ay isang notification ang kumislap sa screen—isang mensahe mula kay Nero. Nasa opisina na siguro ito, ang naisip ni Cinderella habang pinindot ang inbox.“Good morning, C. Sorry, I had to leave early today. Emergency board meeting. We’ll have lunch together here. Don’t be late.”Saglit siyang
Tahimik ang kalsadang binabaybay ng itim na sasakyan sa kalagitnaan ng Maynila. Sa bawat liwanag ng poste at kisap ng mga ilaw mula sa mga dumadaang sasakyan, kitang-kita ang aninong nanatiling gising na si Nero na nasa manibela. Nilingon niya ang kanyang katabi na mahimbing na natutulog na si Cinderella. At sa unang pagkakataon ay dadalhin niya na ito sa bahay niya. Sa bahay nila. Hindi siya kailanman sanay sa ganitong klaseng presensya. Usually, the women in his life knew their place, flaunted their gree or disguised it with painted smiles. But Cinderella… she was different. She burned with quiet fire. She defied him when no one else dared. And that made her dangerously addictive. Tumingin siya muli sa katabi niya. Half of her face was buried by her long, flowing hair. Her lips are delicate and barely parted. Her skin was perfect, almost shining beneath the mild light of the dashboard. Her curves were modest, beautiful, and dangerous. She was not the type of beauty that men
Tahimik silang naglalakad pabalik sa sasakyan. Wala na ang ingay ng night market, wala na ang mga ilaw, at ang tanging kasama nila ay ang malalim na katahimikan ng lungsod sa dis-oras ng gabi. Ngunit sa pagitan nila ay may ibang katahimikan. Hindi ito tahimik na mapayapa. Ito ay katahimikang bumubulong ng mga tanong na hindi masambit... ng mga alaala na humihinga kahit matagal nang nilibing. Pagkaupo sa loob ng sasakyan ay ipinikit ni Cinderella ang mga mata at sumandal. Pero hindi siya mukhang pagod... mukha siyang isang sundalong pinipiling tumigil sandali bago muling sumugod. Nagmaneho si Nero sa dahan-dahang bilis. Hindi pa sila nalalayo pero ramdam niya ang bigat ng hangin sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magsalita o kung may karapatan pa siyang tanungin ang isang bagay na sa simula pa lang ay hindi niya kailanman pinilit. “Thank you,” mahina ngunit buo ang tinig ni Cinderella. Lumingon si Nero, bahagyang nagtaka. “For what?” “For tonight,” sagot ni C