“Yong props ready na ba lahat? ‘Yong mga background, Delo, Ian! Pakibilisan naman, ang kukupad niyo! ‘Yong mga kawayan dito, ano na?! Maglalakad ba ‘yang mga ‘yan papunta sa back stage?!”
Aakalain mong palengke ang classroom namin sa dami ng bibig na sabay-sabay na nagsasalita. Jusko, hindi ba sila naririndi? Ang titinis pa ng mga boses! Sobra silang nagmamadali, e may isa pa ngang section na magp-perform bago kami. “Boys, line up! Aayusin ni Hera ang mga bandana niyo! Bilis!”“Teka, nasira pa ‘yong props natin! Iba na lang muna utusan mo, Amie!”“Ano pa bang aayusin? Nakatali na nga sa leeg namin, ano pa bang gusto niyo? Minus five ba tayong lahat kapag hindi maayos ang pagkakatali ng bandana namin? Arte-arte, e.”Napahilot ako sa aking sentido ko. “Puwede bang kumalma kayong lahat? May oras pa naman tayo. Baka mamaya sa sobrang pagmamadali niyo ay lalo pa tayong may makalimutan.”I sighed. “Ako nang bahala sa bandana ng boys,” pagpresinta ko.Why does it have to be this chaotic? Ewan ko ba sa mga ito at tuwing may ganitong kaganapan ay nakakalimutan nilang maging mahinahon. Lahat ng sasabihin ay kailangan pang isigaw, na para bang hindi sila magkaka-intindihan or magkakarinigan kapag hindi naka-sigaw. Lahat sumisigaw, lahat nagmamadali. May mga bagay na masyadong ginagawang big deal, na hindi naman dapat. Minsan ‘yon pa nga ang nagiging dahilan ng pagpalpak ng buong section, e.‘Yong iba panay lang ang kuwentuhan sa gilid at meron ring mga parang walang pakialam. ‘Gaya na lang ni Aven na kakapasok lang ng classroom pagkatapos kong magkabit ng bandana nilang mga lalaki. Palinga-linga ito na animo’y batang nawawala, siya na lang ang walang bandana sa leeg ngunit hindi niya yata napapansin ‘yon at nakuha pang sumali sa harutan nilang magkakaibigan. Sa’n ba kasi siya galing? Kahit kailan talaga, hindi mapermi sa isang tabi ‘tong isang ‘to.Nagmartsa ako patungo sa kaniya at marahas na hinila siya sa braso. Hindi ito agad nakapagsalita sa gulat, hindi ko na rin hinintay pa at basta na lang iniyakap ang bandana sa kaniyang leeg na siyang dahilan ng bahagya niyang pagyuko. Mas matangkad siya sa akin kaya kinailangan niya talagang mag-adjust. Aba, dapat lang! Suwerte niya naman kung ako pa ang titingkayad para lang pantayan ang tangkad niya.“Aray, ha?”“Lahat nagkakanda-ugaga na dito tapos ikaw nagawa mo pang maglakwatsa?” angil ko.He stepped a bit closer, making it easier for me to tie the scarf on his neck. Inayos rin nito ang kaniyang salamin na bahagyang bumaba dahil nga siya ay nakayuko, “Ba’t ka galit? Miss mo naman ako agad. Nagbanyo lang, e. Sorry na, mapapatawad mo pa ba ako?”At talagang may lakas pa siya ng loob na mang-asar? E, kung sakalin ko kaya siya ngayon? Inirapan ko siya at mahigpit na itinali ang bandana sa kaniyang leeg, “Huwag na huwag ka talagang magkakamali na tapakan ang paa ko mamaya kung ayaw mong mag-sparring tayo habang sumasayaw.”Natawa siya sa sinabi ko ngunit hindi na muling nakahirit ng pang-aasar dahil kailangan na naming bumaba at kami na raw ang susunod na magp-perform.“Uy! Good luck, good luck!” hingal na bungad sa amin ni Kheena nang makasalubong namin ‘to sa may hagdanan. Tagaktak ang pawis nito dahil siguro sa init sa loob ng auditorium. Mukhang tapos na silang mag-perform dahil hulas na ang kaniyang make-up at hawak-hawak niya na rin ang DIY coat na costume nila.“Sa’n ka?” tanong ko.“Pagod ako kagagawa ng props namin kagabi! Magpapahinga na muna ‘ko sa classroom namin,” sagot niya at bumaling kay Rico. “Kape ko? Tinext kita kagabi, bogo."“Dumaan ka na lang sa classroom namin, nasa bag ko. Teka, hindi ka man lang ba manonood ng performance namin? Ang sama naman talaga ng ugali mo, oo. Hindi mo talaga ako papanoorin? Wow! Ramdam ko 'yong suporta, grabe. Nakaka-ulcer ng puso.”Wala rin namang patutunguhan ang usapan nilang dalawa kaya kaysa makinig ay nagpatuloy na lang ako sa paghakbang pababa. Habang papalapit kami ng papalapit sa pintuan ng auditorium, lumalakas ang pagkatok ng kaba sa aking puso—thinking that I might forgot some steps. Paano kung bigla akong magkamali? Most of my spots are in front. Hindi ko talaga matatanggap kapag nagkamali ako at tumayming pang nasa harapan ako.With just a blink of an eye, here we are, performing on stage. Mabuti na lang at malakas ang background music namin at hindi naririnig ang sigawan nila sa likod habang sumasayaw. Geez, hindi na natapos.“Malalaglag na. Hold it, Prinsesa.” Aven said, arm wrapped around my waist while I am arching my back with one hand on his nape.Bahagya kong binaba ang kamay ko sa balikat niya upang pasimpleng kurutin siya at binalik rin agad ‘yon sa batok niya, “Puwede bang mamaya ka na mang-asar? We’re at the middle of performing our last performance task! D*mn it, stop distracting me!” I whispered harshly.“I was talking about your smile, it’s about to drop. Hold it, facial expressions are always part of the dance.”Pinigilan kong umirap at nilakihan na lang ang ngiti ko ‘gaya ng napuna niya. Unti-unti na ngang lumuwag ang pakiramdam ko nang malapit na kaming matapos. But, unfortunately, I didn’t land well after I jumped.I gasped when I felt a sudden stinging pain as soon as my foot touched the floor—I just twisted my ankle! F*ck! Napapikit ako ng mariin upang pigilang sumigaw sa sakit. Sa dami ba naman ng pagkakataon na matatapilok ako, ngayon pa talagang patapos na kaming mag-perform? Pambihira.Ang awkward ng puwesto ko dahil hindi ko maigalaw or more like, hindi ko kayang igalaw ang isang paa ko. Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ko sa sakit, and at the same, sa gulat nang bigla akong inikot ni Aven. Then he lifted me off the ground, he didn’t even let me complain and before I knew, he’s already carrying me like a princess as he faced the crowd with his charming smile. Wala ‘to sa pinagpraktisan namin!Naitawid naman namin ng matiwasay ang huling performance task sa aming junior high journey. Our classmates praised Aven for his wonderful ad-lib, which made our outro to be presentable despite what happened to me. Hindi ko alam kung ano bang mas nakakapanlumo. The fact that I didn’t graduate as the valedictorian or the fact that I was wearing an ankle brace in my moving-up ceremony pictures.* * *“HUMSS na lang kasi tayo. ‘To naman, ayaw mo ba akong kasama?” pangungumbinsi pa ni Kheena habang nakapila kami dito sa registrar's office. Last month niya pa yata ako pinipilit na HUMSS na lang daw ang kunin naming strand. E, ang kulit ng bungo, hanggang ngayon ba naman hindi na natigil sa kaka-alulong?The summer break ended so soon. I don’t know, or maybe it’s just me since I had to spend weeks straight being at home with my braced ankle. I didn’t even get to enjoy the simple celebration my parents prepared for me after our moving-up ceremony. Pakiramdam ko, pinagaling lang ‘yong pilay ko tapos heto na naman kami sa enrollment.“Kheena, I’ll be taking Architecture for college. Ano namang kinalaman ng HUMSS strand sa Architecture? Kung gusto mo talagang magkasama tayo sa isang classroom, ikaw ang gumawa ng paraan. Take STEM strand as well.”“Ayoko nga! Mahirap daw do’n, e.”Umiling ako. “Habang nag-aaral pa tayo ay talagang walang madali. At saka, ano bang meron kung hindi tayo mag-kaklase? Palagi naman tayong magka-iba ng section noon pa man. Parang hindi ka na nasanay.”“Final na talaga ‘yan? Baka puwede pang maidaan sa libre? Ano, ramen tayo after nito?”I sighed.“Just drop it, will you?”Sumimangot ito at pumadyak na lang, mukhang nas-sense na rin niyang hindi na mababago ang isip ko kahit ano pang isuhol niya sa akin. Gustong-gusto niya akong kasama pero wala naman siyang ginagawa kundi asarin ako kay Aven. Sino kayang matutuwa na ipinagkakanulo ka ng sarili mong pinsan, ibubugaw ka na nga lang ay sa kaaway mo pa? Gusto ‘ata akong mamatay sa konsumisyon.Maya-maya pa ay bigla na lang itong tumili at nagtatatakbo—arms wide open. Hindi na ako nagtaka nang namataang pasugod rin si Rico patungo sa kaniya, in a Naruto way. At ayon nga, nagyakapan sila sa gitna ng quadrangle. ‘Kala mo limang taong hindi nagkita kahit na nakita ko sa I* story ni Kheena kagabi na nag-arcade sila kahapon kasama ang iba pa nilang kaibigan. They always hug dramatically. Kung hindi ko lang sila kakilala ay iisipin ko talagang mag-jowa sila.“Oh, ba’t ganiyan ka makatingin? Miss mo ‘ko?” Nalukot ang mukha ko nang marinig ‘yon mula kay Aven na nasa harapan ko na pala’t malokong nakangisi. Ang bagal kasi maglakad no’ng dalawa, panay pa ang bulungan habang nakalingkis sa isa’t isa. Si Kheena dapat ang nasa likod ko ngunit si Aven na ang nakatayo rito ngayon dahil nga hindi na naman sila mapaghiwalay ni Rico.“Bakit kita mam-miss? Ano ako, hibang?” ismid ko at muli nang humarap sa likod ng taong nauna sa akin sa pila. “Lumayo-layo ka nga sa akin at naaalibadbaran ako sa mukha mo.”“Naaalibadbaran ka sa mga pogi? Ay sige, sorry.”The audacity of this jerk to talk to me after what he did. Hindi niya ba alam na mas lalong lumala ‘yong pilay ko dahil sa kaartehan niya no’n? Hindi man lang nag-sorry. Although, diniretso niya ako sa clinic after our performance but still, hindi na sana kinailangang i-brace ang bukong-bukong ko kung hindi niya ako inikot para magpakitang gilas. Sh*ta siya.“I’m taking ABM—““Tinanong ko ba?”“Just want to inform you, kasi baka hindi ka pa tapos sa pakikipag-kompetensiya.”I glanced at him.“It’s good to know that I won’t be in the same classroom as you. At last, after a decade and almost a half of sitting next to you, ay natapos rin ang pagtitiis ko,” I sarcastically chuckled.He’s taking a different strand… Does it mean, huling pagkakataon ko na sana no’ng nakaraang school year na lamangan siya? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi na kami magkaklase at ni isang beses ay hindi man lang ako nanalo sa kaniya. Akala ko makakabawi pa ako sa kaniya sa huling dalawang taon namin sa high school.He shrugged then his gaze went down to my feet. What the? Did he just look at me from head to toe? How dare he! I was about to yell at him because I felt insulted by the way he looked at me when he spoke again.“How’s your ankle? How long did it take to heal?”I blinked, taken aback by what he asked. Tama ba ang narinig ko? Kinakamusta niya ang pilay ko? Bakit niya tinatanong? Plano niya bang pilayin ako ulit? Ang awkward lang na tinatanong niya ako tungkol sa pilay ko, like we’re good closefriends. Ah, kadiri.“You don’t have to know,” I said and just turn my back on him. Sakto namang pagharap ko ay ako na ang susunod sa pila. Hindi naman masyadong matagal since hindi daldalera ang registrar namin, you just have to answer her questions for clarifications after you gave the form you have filled out. The registrar said it’s required to avail new books dahil magkaiba talaga ‘yon sa mga libro noong nakaraang taon, then handed me the receipt. I got confused when I saw the “ABM/STEM” on the right side of the paper.“Is that all, Miss?”I raised my hand, “Wait po. Ma’am, what’s this ABM slash STEM all about? Do we have to encircle our chosen strand?”“Ah, no. Napansin kasi ni Sir Veneracion na konti lang ang mga Grade 11 students na kumuha ng ABM at STEM strands. Compare sa ibang strands, mas kailangan daw ng ibang section ang classroom na dapat ay para sa inyo kaya napag-desisyunang pagsamahin na lang ang mga estudyante ng dalawang strands.”I didn’t mean to raise my hand that day—the first time I caught her glaring at me with her beautiful brown-ish eyes. I was just yawning, stretching my arms, and about to go back to my seat when the teacher called my name to answer that Math flashcard. I can’t buy sweets for my sister because Mama doesn’t want us to talk with her or even go near her, so I was kind of happy and excited about that cheap chocolate. It was supposedly for Nish but when I saw her crying, I impulsively asked our teacher to give it to her.The fact that she’s a girl, I can’t help but panic and unconsciously put Nish in her shoes. What if she was my sister, would they have the same reaction? I don’t know why she hated me since that day but I didn’t bother to know the reason. I don’t care. At first, I don’t give a d*mn about it.Kahit palaging galit at nakasimangot sa tuwing magkasama o magkatabi kami, ang ganda pa rin talaga niya. Matalino pa! Masungit nga lang. Gusto ko talagang makipagkaibigan sa kaniya kaso a
Sa kabila ng lahat ng mga nangyari—simula noon hanggang ngayon na bumalik siya matapos mawala ng maraming taon, bakit nga ba ako umasa na hindi nagbago ang pagtingin niya sa akin? Bakit hindi ako nagtaka, na kahit hindi maayos ang paghingi ko ng tawad sa kaniya ay umakto lang siyang maayos na ang lahat sa amin, na para bang noon pa man ay malapit na ang loob namin sa isa’t-isa? How come he didn’t pushed me away when I tried to reach out to him? Everything went too fast, pero hindi ko agad naisip ang mga ‘yun dahil masyado akong nalunod sa bugso ng damdamin ko; Masyado akong nagpadala sa kat*ngahan ko.Dire-diretso akong pumasok sa bahay niya upang kunin lahat ng naiwan kong mga gamit. Wala na rin naman akong dahilan para bumalik pa dito. Wala na kaming dapat pang pag-usapan dahil sapat na ang nadatnan ko ngayong gabi para magising sa kahibangan kong ‘to. Kung ganito lang rin naman, mas mabuti nang lumaki ang anak ko nang walang kinikilalang ama. I’m going to keep the baby with or witho
The following days went well although, going back to my old routine—my life before Alessandro and I decided to live together doesn’t feel the same as before anymore. Like what we have compromised, we settle for texts and calls. But it makes me miss him more, it makes me want to see him and feel him so I keep making excuses to shorten the duration of our talks. Ayos lang naman no’ng una, pero no’ng napapansin kong palagi na siyang matamlay tuwing nagtatawagan kami at hindi niya na rin halos binabalik ang mga texts ko ay nalulungkot na ako. He’s obviously making time for me, pero anong ginagawa ko? Sinasayang ko ang oras niya imbes na ipagpahinga niya na lang ‘to.Getting up to get ready for work wasn't as refreshing as my usual weekday mornings with him. It feels like something’s missing doing things even if I’m used to doing them alone. It’s just been a few days yet I’m already longing for Alessandro’s warmth; I miss him.Unlike before, nagluluto na ako sa umaga upang makapag-almusal
Since none of us dared to start a conversation on our way home, the whole ride was painfully quiet; Both of us had our eyes on the road although, I was the only one who was watching the cars ahead of us like a fool. I couldn't stand how awkward it was, but I tried my very best to keep my mouth shut. I don't even have the right to at least lighten up the mood because in the first place, I was and I still am the reason why the atmosphere between us is uncomfy.I didn't refuse his proposal but my response was neither of "yes" and "no"—it was a "sorry", it turned out to be an apology when it wasn't suppose to be like that. Ang nonsense pero mabuti na ring wala akong naging matinong tugon. Magulo pa ang isip ko ngayon at ayokong pagsisihan kung anumang maging sagot ko kung sakali."That's alright, you don't need to be sorry. I understand." That's exactly what he said as he downheartedly nod his head and just pulled me close for a hug. I doubted that but then he genuinely looked like he wasn
We already dine like this before but right now, the atmosphere is way different than the last time. Something’s up, I can feel it. Naguguluhan man sa kung anong nangyayari ay isinantabi ko na lang muna ang pagtatanong at nagsimula na kaming kumain.Halos mapapikit pa ako sa sobrang sarap ng pagkaing nakahain sa harapan ko. I dramatically point a finger on my food as I chew. Siya ‘lagi ang nagluluto ng pagkain namin sa bahay niya kaya hindi ko na kailangan pang mag-isip, siguradong siya ang nagluto nito. Hindi ko alam kung sadyang talento niya lang ‘to o talagang ipinanganak siya para sa ganitong purpose, e. Jusko, ang sarap!I heard him let out some soft little giggles.“You like it? That’s one of my specialties.”I slowly nodded. “God, Alessandro… Please cook for me for the rest of my life,” I muttered in awe.I’m not good and I don’t usually give comments about what I eat since I often drink coffee the whole day instead of having an actual meal but every time I taste his dishes, I a
“Kung alam ko lang na iiyak ka ng ganito, hindi na sana ako nagkuwento. That’s why you were so mad at me when I tried to avoid the Migz question, wasn’t it?” He pecked on my forehead and then pulled me into a hug, letting me lean on his chest as he caressed my back as if it was his way of calming me down. “Alright, apology accepted. But all of that… It’s already in the past now, okay? Tapos na ‘yun. Let’s just focus on what we have today, hmm? Tahan na.”Okay, maybe it’s all already in the past but it won’t ever change the fact that it happened. How narcissistic of me to think that he was a threat to me when it’s actually the other way around; I was the one who was a threat to him. Siguradong nakadagdag lang ako sa sakit ng ulo niya—dumagdag lang ako sa pinagdaanan niya. At sa kabila ng lahat, ni isang beses ay hindi ko siya narinig na nagreklamo. Hindi niya ako sinisi at sinumbatan ‘gaya ng ginawa ko sa kaniya noon at nagawa niya pa akong patawarin ng basta-basta. Hindi naman sa ayaw