Basically, we’re still classmates. May mga major subjects lang na kinakailangan nilang lumipat ng room, pero kapag wala naman kaming klase ay kaming STEM students ang nag-aadjust para sa kanila. Walang masyadong bago, naka-alphabetical order pa rin ang seating arrangement at magkatabi pa rin kami ni Aven. Sa Research at cleaners lang yata kami hindi magkasama. Hindi ko man siya malalamangan sa honor roll dahil nga magka-iba kami ng strand, we still have a few core subjects. Hopefully, kahit do’n na lang ay mabawian ko siya sa quizzes at exams.“… tapos sabi ko, bakit naman kita pagbibigyan? Close ba tayo? Pahiya si t*nga, nilayasan lang ako. Ang kapal ng mukha! Hindi ako gano’n katalino pero nagsunog ako ng kilay sa pag-aaral para makakuha ng mataas na score, tapos pakokopyahin ko lang siya? Ano siya, gold? Eight lang score ko over twenty, pero at least pinaghirapan ko lahat ng sagot ko do’n!”“Ano ba kasing pangalan? Kuwento ka ng kuwento, kanina ko pa tinatanong kung anong pangalan,
Read more