Share

Chapter 2

Basically, we’re still classmates. May mga major subjects lang na kinakailangan nilang lumipat ng room, pero kapag wala naman kaming klase ay kaming STEM students ang nag-aadjust para sa kanila. Walang masyadong bago, naka-alphabetical order pa rin ang seating arrangement at magkatabi pa rin kami ni Aven. Sa Research at cleaners lang yata kami hindi magkasama. Hindi ko man siya malalamangan sa honor roll dahil nga magka-iba kami ng strand, we still have a few core subjects. Hopefully, kahit do’n na lang ay mabawian ko siya sa quizzes at exams.

“… tapos sabi ko, bakit naman kita pagbibigyan? Close ba tayo? Pahiya si t*nga, nilayasan lang ako. Ang kapal ng mukha! Hindi ako gano’n katalino pero nagsunog ako ng kilay sa pag-aaral para makakuha ng mataas na score, tapos pakokopyahin ko lang siya? Ano siya, gold? Eight lang score ko over twenty, pero at least pinaghirapan ko lahat ng sagot ko do’n!”

“Ano ba kasing pangalan? Kuwento ka ng kuwento, kanina ko pa tinatanong kung anong pangalan, ‘di mo naman binabanggit.”

Huminga ako ng malalim at hinalo ang aking inumin, “Tone down your voices, magkaharap lang kayo oh?” saway ko kayna Kheena.

Ang lakas kasi ng mga boses nila, halos lahat tuloy ng dumadaan ay napapatingin sa table namin. It’s not like I’m not used to it, minsan masyado na kasing nakakahiya. Hininaan naman nila ang kanilang boses at tuloy ang chikahan.

Hinihintay ko na lang na tumunog ang bell nang bigla kaming magkatinginan ni Aven. Mabagal siyang ngumunguya at hindi man lang nag-abalang umiwas nang mahuli ko siyang nakatingin. Imbes na singhalan siya at ulanin na naman ng pang-aasar nila Kheena, tinaasan ko lang siya ng isang kilay. Ganado yata ‘tong mang-inis ngayon, ah? Tapos tatawan-tawanan lang ako kapag sinungitan ko. Siraulo.

“Namiss kong makipagtalo sa ‘yo tuwing pagkatapos ng quiz. Lipat ka kaya sa ABM? ‘Rinig ko, puwede pa raw hanggat hindi pa nagm-midterms,” aniya.

“Lilipat ako ng strand para saan? Sa ‘yo? Excuse me, sino ka?” maanghang kong buwelta.

The corner of his lips rose, “Ako? Ako lang naman ang paborito mong katabi. Sabagay, sino pa bang ‘lagi mong nakakatabi kundi ako lang naman? Suwerte mo, Prinsesa.”

His hideous smirk makes me want to rip his face off. Can’t he keep his opinions to himself? I don’t think telling me things that don't concern me is necessary. Talking to me when I obviously despise him became his habit over the years. That’s the worst part because he can’t last a day without pissing me off. Ano raw? Suwerte? Kung ganito lang rin pala ang tinatawag na suwerte ay mas mabuti ng malasin na lang ako. Baka sakaling sa malas ay manahimik ang buhay ko. He’s literally the boy version of ‘Anastasia’ in my life. Anastacio.

* * *

I woke up on my study table with a mild headache. Hilot-hilot ang nangangalay kong leeg, bahagya akong napa-iling nang makitang napaka-kalat ng workspace ko ngayon—few emptied cups of coffee, lots of crumpled papers, and a bunch of highlighters scattered on top of my table.

I was so exhausted that I didn’t even bother to walk to my bed and get some rest. Halos mag-a-alas dos na rin kasi ng umaga nang matapos ako sa pags-study cram. Pipikit lang sana ako bilang saglit na pahinga ngunit hindi ko naman inakalang makakatulog talaga ako. Geez, this is why I can’t have a little break while having a late night study. I’m annoyingly too greedy for sleep. Hindi ko na nga nabilang kung ilang beses ba akong humikab bago pa man ako tuluyang nilamon ng antok. Hindi na ba talaga ako tatablan ng kape?

After clearing up my workspace, I sat on the edge of my bed as I rubbed my eyes and then stared blankly outside my window. The sight of the morning blue sky welcomed me, with a slight shade of autumn gold as if the sun’s trying to peek from behind. Hays, umaga na nga talaga.

“Good morning, Darling! How’s your morning? Maayos ba ang tulog mo?” malambing na bungad ni Mommy, kahihila ko pa lang ng upuan. Tumayo ito para ipagsandok ako ng kanin. “I hope you’re not overworking yourself, anak. ‘Lagi naman naming pinapa-alala sa ‘yo ng Daddy mo na kuntento naman kami sa kung ano lang ang kaya mong ibigay, as long as you did your best, ‘di ba?”

Still reading something on his iPad while sipping on his black coffee. Dad just nodded, “Awards are just temporary, Princess. Huwag mong hayaang masira ang mental health mo dahil sa pag-aaral. Balance rin dapat, ha? Grades are just numbers, your mental health matters more.”

I smiled.

“Yes po.”

Honestly, I don’t know what I did to deserve my parents. They appreciate my efforts more than my achievements. They’re not pressuring me to achieve anything either. Sa sobrang thankful ko na sila ang naging mga magulang ko, pakiramdam ko ay hindi sapat na hanggang pangalawa lang ako palagi sa honor roll. Kaya naman nangako ako sa sarili kong hindi ako puwedeng grumaduate ng hindi ako ang valedictorian ng klase namin. I’m gonna be the first, and I will make it happen no matter what.

I have my textbook on my right hand, my reviewer on my left, and dark under eyes as I walk on the SHS building ground floor. Paakyat pa lang ng hagdanan, ay maririnig mo na agad ang umaaligawgaw na boses nila Kheena. Nasa dulo pa lang ako ng corridor, namataan ko na agad silang dalawa na nagdadaldalan sa mismong pintuan ng classroom namin. ‘Apaka-aga, ah?

Marahas na lang akong napabuga ng hangin, at hinanda ang sarili sa pambubulabog nila.

“Good mor—Oh? You look… tired,” bungad ni Kheena matapos niya akong sipatin. Their classroom is three rooms away from ours, she’s not supposed to be here but she just can’t afford a day without chit-chatting with her beloved Enrico in the morning.

Mapang-asar namang humalakhak si Rico at umakbay kay Kheena, “Nagtaka ka pa sa pinsan mong ‘yan? Balitaan kita mamaya, pustahan tayo, baka lumagpas pa sa total items ang score niyan. Sipag, e! Sana ikaw rin ‘no?”

Nawala ang malokong ngisi nito at malakas na napadaing nang makatanggap ng sabunot mula sa katabi. Napakamot ako sa kilay ko at tamad silang pinanood mag-asaran sa harapan ko. Seriously, dito pa talaga sila naghahamagan sa pintuan, ha?

“Tabi,” I commanded.

But of course instead of getting out of the way, lalo pa talaga silang humarang. They ignored what I said and even had the guts to asked me some nonsense questions! Itong si Rico, kung makipag-lokohan, akala mo ay exempted siya sa long quiz namin at ni wala man lang hawak na libro or notebook.

I lazily glared at them. “Stop wasting my time, kids. I still have to review, so get the f*ck out of my way kung ayaw niyong pagbuhulin ko kayo—“

“Padaanin niyo na kasi si Prinsesa. Kahit kailan talaga pampagulo kayo.”

Hindi ko na kinailangan pang lingunin kung sino ang nagsalita dahil kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan ang boses ng lalaking mahigit isang dekada ko ng kinamumuhian. Naamoy ko agad ang pabango niyang masakit sa ilong. Pinanliligo niya ba ang pabango niya? Ang tapang masyado.

“Ayan, dumating na nga ang prince charming. Good morning, Aven!” Kheena beamed.

“Good morning.”

Napairap na lang ako dahil nanunuot sa mga buto ko ang pagka-imbyerna nang marinig ang boses ni Aven. This isn’t the first time but I guess I will never get used to it. Ayaw tumabi nila Rico kaya imbes na magsayang ng laway sa pagtaboy sa kanila ay marahas ko silang pinaghiwalay para makadaan sa pagitan nila. Narinig ko pang nagreklamo si Kheena dahil nauntog ‘ata siya sa door frame ngunit hindi ko na sila nilingon at dire-diretsong pumasok sa classroom.

Padabog akong naupo sa aking silya. I plugged my earphones in and faced the wall beside my seat. This wall is a great help for me to calm down whenever I have the urge to choke someone for quite a while now. Sinubukan ko pang bumalik sa pagr-review ngunit masyado ng kumalat ang inis sa utak ko at wala na akong maintindihan sa mga binabasa ko. Lalo pa akong natataranta dahil hindi man lang nag-abalang mag-skim ng notes or libro ‘tong si Aven. Nakikipag-kuwentuhan lang ito kay Rico imbes na mag-review. He’s that confident? Hindi man lang ba siya nababahala na baka may makalimutan siya?

Hanggang sa dumating na ang subject teacher namin ay hindi na sila nag-aral ni Rico. The moment Ms. Zalnares started distributing the test papers, I knew I’m not ready to take the quiz. Knowing Aven’s capacity, alam kong dapat talaga akong maghanap ng epektibong paraan para mag-excel at malamangan siya. I hate him but I can’t deny the fact that he’s really an academic beast.

Halos manginig ako sa pagkairita nang marinig ko ang walang tigil na pagkiskis ng ballpen sa papel niya. His strokes sound so precise, mukhang alam na alam niya talaga ang mga inaral niya. It’s not even surprising that he finished answering the 200-item quiz within 30 minutes. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nag-abala pang matulog. I should’ve studied harder.

“Hmm...” Ma’am Zalnares nodded while looking at the papers. “Mr. Villantura got the perfect score, and Ms. Velasquez got the second highest. You really are the aces of your curriculum. Good job!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status