Share

Chapter 4

Hanggang sa mananghalian na kami, hindi pa rin ako makapaniwala—hindi pa rin nags-sync in sa akin na nakita ko siya sa ganoong paraan. Like, what was that?! I have hated him for years now and I have never appreciated anything about him. Ngayon lang talaga, at isinusumpa kong hinding-hindi na ‘to mauulit.

Unfortunately, we are eating lunch together. I’m okay with Rico joining us, para naman may kausap si Kheena at hindi ako ang ginugulo. But when Rico’s around? Malamang sa malamang, hindi puwedeng hindi niya kasama si Aven. Being at the same place as him makes my blood boil up to 56.7 degrees celsius but I guess I ‘always’ have to suffer silently.

Although, I can do something about it. Puwedeng-puwede akong lumipat ng ibang table or hindi naman kaya’y bumalik sa classroom at do’n na lang kumain pero bakit ako pa ang gagawa ng paraan? Siya dapat ang mag-adjust dahil siya ang nakaka-perwisyo.

“You know what? I just realized that it would be nice to eat alone. Baka sa susunod hindi na ako sumabay sa inyo, Kheena.”

After I said that, as expected, Kheena dramatically dropped her utensils and gasped, and then harshly clutched her chest, “Ayaw mo na ba akong kasama kumain? I-Is that what you’re trying to say, Cinderella?” Tumalsik pa ang ilang butil ng kanin at laway niya sa braso ko nang ibulalas niya ‘yon.

Tamad akong ngumuya, “Ikaw lang ba ang kasama ko ngayon?”

I turned to Rico when he shifted in his seat.

“Oh? Baka ako na naman, ah? Hindi na nga kita kinakausap diyan para hindi ka mainis, e!” depensa agad nito kahit wala pa man akong sinasabi.

I chuckled, “Don’t worry, kaya pa naman kitang pagtiisan. But as much as I want to tell you that I’m fine with you being here, I cannot lie. Lalo na’t may dala kang masamang hangin. Nakakawalang gana.”

I gripped my water bottle when Aven butted in.

“Hmm? You can just say my name, you know.”

“Bakit ko naman gagawin ‘yon? Suwerte mo naman para sayangin ko laway ko sa pagbigkas ng pangalan mo. Hindi ka kasali sa usapan kaya huwag kang sumasabat,” anas ko ngunit na kay Rico pa rin ang tingin.

“Ah, hindi ba? Akala ko, ako ang tinutukoy mong masamang hangin, e.”

Bakit ba hindi na lang siya manahimik? His chill and sarcastic tone makes me want to strangle the sh*t out of him. I never questioned the existence of anything or anyone, but whenever I see him? Hindi ko mapigilang magtaka kung bakit ba siya ipinanganak ng nanay niya at kung ano pa ang iba niyang purpose sa mundo bukod sa pagiging peste sa buhay ko.

Marahas ko siyang nilingon, “Huwag kang mag-alala. Hindi ka nga nagkakamali.”

Bahagya nitong tinagilid ang kaniyang ulo at sinalubong ang tingin ko.

“Oh, akala ko ba hindi ako kasali sa usapan? Ang gulo mo naman, Prinsesa.”

“Shut up!”

He just smiled at me and mouthed, “Okay.” Then he shrugged and zipped his mouth mockingly.

Argh! Ang sarap niyang saksakin ng tinidor!

“Oookay! We should eat na. Nakakagutom talagang mag-aral, ‘no?” Kheena said, obviously just to interrupt the rising tension between me and Aven. Gusto ko pang magsalita para makabawi ngunit binaling ko na lang sa pagkain ang inis ko.

Natapos ang lunch break at kahit nasa klase na, hindi pa rin humuhupa ang init ng ulo ko. While the teacher is discussing in front, I’m also taking my time fighting the urge to choke Aven. May pinapakopya sa amin at kung minamalas nga naman ay hindi ko makita ang ballpen ko. Kinapa-kapa ko ang aking ponytail kung saan ko ito palaging isunusuksok pero wala akong nakapa. I checked the pockets of my blouse ngunit wala rin ‘yon do’n. P*cha naman!

“Sh*t, where is it?” I whispered.

Abala ako sa paghalukay-ube ng mga gamit sa loob ng bag ko nang biglang maglahad ng g-tec ‘tong katabi ko. I didn’t face him, patuloy lang ako sa paghahalungkat ng gamit ko.

“Hoy, oh.”

“Hinahanap ko ang ballpen ‘ko, okay? Huwag mo ‘kong ginugulo kung ayaw mong it*rak ko sa leeg mo ‘yang hawak mo,” pabulong kong anas.

Mangha siyang tumawa, “Chill ka lang. Ito na nga ‘yong ballpen mo, e.”

Nang sipatin ko ang hawak niyang g-tec, may electrical tape rin ang dulo no’n kagaya ng sa akin. Hinablot ko ito mula sa kaniya nang makumpirmang akin nga ang hawak niyang ballpen.

“Ba’t nasa ‘yo ‘to?” I glared.

“Nahulog mo kanina nang mag-walk out ka no’ng recess.” He shrugged and grinned, “You’re welcome.”

Imbes na sumagot, inirapan ko lang siya. He thinks I would thank him? ‘You’re welcome’ my a**. Why would he say that if I didn’t even say ‘thank you’? Ako? Magpapasalamat sa kaniya? Haha! Never.

* * *

I woke up at the right side of the bed. Although, it’s a bit sad since umalis na naman sina Mom for their two-day business trip in Singapore. But at least, I get to say goodbye before they left. Nakangiti pa akong bumaba ng sasakyan matapos maihatid ni ‘Tay Nelson pero nang makasabay kong pumasok sa main gate si Aven? Wala na. Everything got f*cked up and my smile literally dropped like a hot potato. Puwede naman siyang mauna sa akin sa paglalakad ngunit mas pinili niyang bagalan ang paghakbang kaya talagang nagkasabay kami.

“Wow, I know that’s your resting face, but still—good morning!” bati niya at lalo pang tumabi sa akin.

I aggressively shrugged my left shoulder to shoo him away without glancing at him, “F*ck off.”

Bahagya naman siyang lumayo, “Uy, masamang nagmumura. Wala talagang preno ‘yang bibig mo, ‘no? Nag-good morning lang, e,” he chuckled.

He’s talking to me like we are the extremely close friends in the entire universe when disgust and bitterness are obviously glued on my face!

“So? Do I need to return the favor? Leave me alone. I’m on the f*cking edge of my scant patience for you, Alessandro. Hindi malabong bigla na lang kitang masakal sa pagka-imbyerna!” I glared at him ngunit imbes na masindak ay nakipag-titigan pa nga ito habang nakangisi.

“Hindi ka ba talaga titigil?” I added.

“Alessandro pa nga. Okay, okay!” Itinaas nito ang magkabilang kamay at binilisan ang paglalakad para mas mauna, ngunit nanatili pa ring nakaharap sa akin habang patalikod ang hakbang.

“But I can’t promise that I’ll leave you alone. I’m sorry to break this to you but you’re stuck with me until the end of our high school journey, Prinsesa. Although, it depends on you kung gusto mo pa rin akong makasama hanggang college. If that’s the case, don’t hesitate to tell me.” As he slid his hands into his pockets and then he winked!

I almost threw up seeing how disgusting his face was but I let that slide since he did leave me alone somehow. Lunch had passed and after the conversation we had this morning, hindi na kami muling nagka-usap. We still had to make interactions ‘tho since we were sitting next to each other, at madalas ay nagpapa-exchange paper lang naman kaysa magpa-clockwise kapag may quiz or activity.

For some reason, hindi niya ako binibuwiset. Kahit sina Rico ay nagtataka rin na wala kaming fliptop battle ni Aven ngayong araw. They literally waited, ngunit wala talagang nangyaring ganoon. Hmm, ano naman kayang binabalak ng ugok na ‘yon?

Masayang pumasok ng classroom sina Migz at nakasakay pa sa likod nito si Rico.

“Guys! Sabi ni Talanza, hindi na raw muna siya magka-klase ngayon. Puwede na raw tayong umakyat sa ComLab since E-Tech naman daw ang next subject natin,” excited na balita ni Rico.

“Saka, magka-klase agad si Sir Canlas. Siya na lang daw gagamit ng time ni Sir Talanza,” Migz added.

“Weh, totoo ba? ‘Pag ako, napagalitan na naman sa kalokohan niyo, ha,” banta ni Angelou ngunit handa naman ng lumabas ng classroom dala-dala ang kaniyang binder notebook.

“Oo nga! Kunwari pa ‘tong si President, handa ka na ngang umakyat, oh? Sabik sa aircon yarn?”

If I know, na-uto na naman nila ang matandang guro. Ugali pa man din nilang alaskahin ito sa kadahilanang nakakabagot itong magturo at madalas pang magkuwento tungkol sa buhay niya. Well, sometimes, it kinda helps. I’d be lying kung sasabihin kong never akong na-bored sa klase ni Sir Talanza.

Palabas pa lang ako ng classroom nang biglang sumunggab sa akin si Kheena na siyang ikina-atras ko. Anak ng tinapa, wala ba silang klase at dito na naman siya nanggugulo? Sa pag-atras ko na ‘yon ay may nabangga ako sa likod ko. I looked back and was about to apologize when I saw Aven’s annoying face.

Kunot-noo ko siyang sinipat. “Sorry,” labas sa ilong na paghingi ko ng tawad. “Nakikita mong mababangga ka na, bakit hindi ka na lang umiwas? Are you that stupid?”

I know it’s my fault that I bumped into him but puwede naman siyang umiwas, ‘di ba? Isa pa, hindi ko naman sinadya at kung sinadya ko man, sisiguraduhin kong tatalbog siya hanggang sa pinakadulo ng Milky Way.

“Nakatingin ako. But since ikaw naman ang babangga sa akin—syer! Why nort?” maarte niyang sabi, tipong tumatabingi pa ang nguso niya at bahagyang iniling ang kaniyang ulo.

“Mukha ba akong nakikipag-biruan sa ‘yo, ha?”

He was about to say something again nang biglang sumingit sa pagitan namin si Kheena. At dahil nga malaki ang height difference nila, bahagya siyang napayuko nang sabay kaming akbayan nito.

“Balita ko, vacant niyo rin daw? Tara! Canteen muna,” Kheena said as she wiggled her eyebrows.

Rico nodded.

“Vacant namin kaso gagamitin ni Sir Canlas ‘yong time ni Sir Talanza, bale two hours ngayon ang klase namin sa E-Tech. So, hindi na rin siya vacant.”

Hinawakan ko ang braso ni Kheena at inalis ‘yon sa balikat ko, “Ano na naman bang kailangan mo?”

Sumimangot naman siya at bumitaw na rin kay Aven.

“Ano ba ‘yan, bakit naman kayo magka-klase agad? KJ talaga ni Kalbo, plano ko pa sanang tumambay sa canteen, e!”

Hindi ako sumagot at tuluyan na silang iniwan para umakyat sa third floor. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng ComLab, sumalubong na agad sa akin ang lamig. Do’n ko lang napagtanto na nakalimutan ko pa lang dalhin ang sweater ko. Sa dinami-dami ba naman ng puwede kong maiwan, ‘yon pa talaga? Ang galing mo talaga, Cinderella.

Nang maka-upo na lahat, nagsimula na rin agad mag-discuss si Sir. Medyo hindi ko lang makita ‘yong presentation niya, pero good thing binabasa niya muna ito bago ipaliwanag. Mataimtim akong nakikinig habang pasimpleng nilalabanan ang lamig at panginginig. Dahil nga sa walang kamatayang alphabetical order, nasa bandang likod ang puwesto ko. Kung hindi ba naman minamalas, halos katabi ko lang ang aircon at katabi ko pa si Aven. Paano ko kinakaya ang ganitong sitwasyon palagi? I don’t know either.

Abala ako sa pakikinig nang biglang ipatong ng walang-hiya ang kaniyang hoodie sa hita ko. Really? Ngayon pa talaga na nasa kalagitnaan kami ng klase? Ayokong mapagalitan kaya imbes na singhalan siya ay pasimple ko na lang tinapon sa kaniya ang hoodie. Sinadya kong lakasan ang pagkakabato para madama niya ang pagka-irita ko. But then he did place it again on my lap! Do’n na ako napalingon sa kaniya.

“Ano ba? Mukha ba akong patungan ng gamit mo, ha?” pabulyaw kong bulong.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin, humalumbaba lang ito at inayos ang kaniyang salamin.

“Nanginginig ka.”

“Oh, tapos? Anong pakialam mo?”

I admit, it feels warm pero mas pipiliin ko pang manginig sa ginaw kaysa manghiram ng jacket sa kaniya. Tinapon ko itong muli pabalik sa kaniya but the hoodie end up landing on my lap again!

I was ready to kick his leg when he yawned and whispered, “Your skirt seems shorter than usual. Takpan mo, nakikita ko hita mo.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lyn Tegan
sows nairita ko d kay girl nga batasan grr denial pa ugot ko ah feeling si heasung lang?............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status