Share

Chapter 3

“So, kamusta naman? Mahirap ba? Friday pa kasi ang quiz namin kay Ma’am Zalnares, e. Ehem, baka lang gusto niyong mag-donate ng sagot diyan? Sige na, kahit pang-passing lang!”

I bit my lip for a second and stirred my fruit tea.

“Can we just talk about something else?”

I wanted to act calm and cool about what happened this morning, but I think that would be impossible. Umaalingasaw ang inis ko para kay Aven at alam kong hindi malabong napapansin rin ‘yon ni Kheena, ngunit pinili na lamang nitong manahimik.

How come he got the perfect score without having a trace of anxiety or just enthusiasm plastered on his face while answering? Nakuha pa niyang humikab habang ako ay namamawis na ang noo at tungki ng ilong sa pagdadalawang-isip kung tama ba ang mga sagot ko. How the heck…? It’s like an indirect act of mockery.

For some reason, hindi sila naki-table sa amin. Ngunit hindi nagtagal ay hindi rin nakatiis si Rico at walang-hiyang tumabi kay Kheena, which is sa tapat ko at iniwan na mag-isa ang kaibigan niyang bangungot na nagkatawang-tao. Mukhang wala naman itong pakialam na iniwan siya ng kasama niya at patuloy lang sa pagkain.

“Hi, mga marecakes!” Rico beamed.

Abala ako sa pag-torture kay Aven sa aking isipan, iniisip kung ano bang pandaraya ang ginawa niya. Alam kong matalino siya, oo na. Maaaring nag-aral talaga siya pero hindi rin malabong mandaya siya hindi ba? You know, the things we do out of desperation. Nangodigo ba siya? But if that’s the case, how come I didn’t notice? I mean, we’re literally sitting next to each other, nakikita’t napapansin ko lahat ng galaw niya kahit sa gilid lang ng aking mata.

“Ayos lang ‘yan, Prinsesa. Marami pa namang darating na quizzes at exams, e. Bawi na lang tayo,” ani pa ni Rico at bahagyang itinaas ang nakakuyom niyang kamao bilang pampalakas ng loob. Hindi agad ako naka-imik at blangko lang siyang tiningnan.

I heaved a sigh, “Hindi ako nakukuntento sa pabawi-bawi lang, Enrico. Huwag ka na lang magsalita kung wala ka ring magandang sasabihin. Okay?”

Napasipol ito sa naging tugon ko at itinaas na lamang ang magkabilang kamay. Easy for him to say that. Hindi niya pa kasi nararanasang sumubok ng napakaraming beses at paulit-ulit na mabigo. Wala akong pakialam kung nasaktan ko man siya sa sinabi ko, bilang paalala na rin na si Aven ang kaibigan niya at hindi ako kaya huwag niya akong pinagsasalitaan ng ganiyan. His words cannot change how disappointed I am in myself, so he better shut the f*ck up.

“Bakit?” takang tanong ni Kheena sa akin ngunit hindi ako umimik.

Mukhang nakuha naman niyang wala siyang maririnig na sagot mula sa akin at kay Rico na lang bumaling, “Mababa nakuha niyang score? Bago ‘yon ah? Mahirap ba talaga ‘yong quiz? Kinakabahan tuloy ako.”

“Hindi naman mababa. One mistake lang kaso si Aven pa rin ang nakakuha ng perfect score,” Rico pouted, at umiling ito sabay dampot sa fries ni Kheena.

And that’s my cue to get out of here. Bitbit ang inumin ko, tumayo na ako. Hindi naman sa pikon, pero ayoko na lang kasing pag-usapan pa ang tungkol do’n. Kahit na sanay na akong laging nalalamangan ni Aven, siyempre hindi pa rin maiaalis ‘yong bigat sa pagkadismaya ko sa aking sarili.

“Balik na ‘ko,” paalam ko.

I walked out on them, ngunit hindi agad ako bumalik sa classroom. Tumambay muna ako sa hallway malapit sa may hagdan patungong third floor. Sumandal ako sa railings habang pinanonood ang mga ibong naglalaro kasama ang mga ulap sa kalangitan.

I bit the straw of my drink, “’Tang*na.”

Is my best isn’t enough to surpass his’? Or… did I really do everything that I could? Napakatagal ko ng sinusubukan na lagpasan siya o pumantay man lang sa kaniya pero bakit kahit anong subok ko ay parang walang nagbabago? Parang walang nangyayari. I don’t wanna doubt myself but I don’t think it’s hard to surpass someone like him either.

I gripped my drink.

Hindi puwedeng palagi ka na lang nasa itaas, Alessandro. Just wait and watch me cat-walking on my way to oust you from the throne I should have been sitting on for a long time.

* * *

Pagkapasok ko pa lang ng classroom ay napansin na agad ni Migz ang pagdating ko. Nakahilera silang mga lalaki sa likod, nakaupo sa ibabaw ng kabinet naming malapit nang bumigay sa kau-upo nila.

“Prinsesa! Sina Aven? ‘Di mo kasabay?” tanong ni Migz at niyakap ang kaniyang gitara.

Isa pa ‘to sa kinaiinisan ko, e. Kapag nawawala si Aven sa kanilang paningin ay sa akin nila ito hinahanap. The heck, who am I? His mother? Yes, we’re seatmates but it doesn’t mean I have to know his whereabouts! They also started calling me that “Prinsesa” nickname, when they first heard it from Aven. Hindi ko rin alam kung anong pangkukulam ba ang isinagawa niya para sumunod ang mga kaklase namin sa ganoong kakornihan. Why can’t anyone understand that I hate him from the bottom of my hypothalamus?

I raised a brow, “Mukha ba akong hanapan ng mga taong hindi mo makita? Nakita mo ‘kong pumasok mag-isa, ‘di ba? Ano, may nakikita ka bang hindi namin nakikita, Miguel?” sabi ko, na naging dahilan ng pangkantiyaw ng mga kaibigan niya sa kaniya.

Migz pouted. “Ang sungit talaga. ‘Tatanong lang, e. Sige, salamat na lang sa lahat.”

Hindi na ako sumagot at naupo na sa aking silya. Ilang sandali pa ay dumating na sina Aven kasabay ng balitang hindi raw papasok ang subject teacher namin ngayon, which means another chaotic hour for this section.

Akmang tatayo na ako upang lumabas nang biglang may idagdag ang class president naman na si Angelou, “At wala raw puwedeng lumabas. Sorry, Cindy.” And then, she gave me an apologetic smile.

Sa dalas kong magpaalam sa kaniya, malamang, alam na alam niyang tatambay na naman ako sa library dahil nga wala namang teacher at walang binilin na gawain. Napatango na lang ako at umayos ng upo.

Now, what? Halos isang oras pa ang hihintayin ko bago mag-bell para sa lunch break, puwedeng maging dalawa kung sakaling hindi rin pumasok ‘yong isa pa naming subject teacher. Half of the class are busy playing UNO cards and mobile games, ‘yong iba sumasabay kila Migz na nag-eenjoy sa pagj-jamming, and me? I just wanna go home, throw myself on my bed and sleep all day.

Napalingon ako sa bandang likod nang marinig kong parang nag-eeskandalo na naman si Rico. Binibigay nito ang gitara ni Migz kay Aven ngunit ayaw naman nitong tanggapin.

“Sige na kasi, ‘tol. Parang ewan, isang kanta lang, e.”

Aven chuckled and crossed his arms, “Isang kanta lang pala, bakit kailangang ako pa? Marunong ka rin namang tumugtog, ano na naman ba? Ang dami mong pakulo, g*go.”

Agad rin naman akong umiwas ng tingin at dumukdok sa aking desk. I feel sleepy but cannot sleep. Although, I stayed in that position and closed my eyes, nagbabaka sakali na mapa-idlip pa. Kasabay ng hiyawan nila Rico, bukod sa gulat ay nakaramdam ako ng kakaibang kuryente na panandaliang dumaloy sa aking katawan. Muli akong napalingon sa gawi nila nang magsimulang tumugtog at kumanta si Aven.

Eventually, I regret looking back when I saw him—playing the guitar, gently bobbing his head as he sings. I don’t know but he looks dashing all of the sudden. The sight of him right now is enchanting, that it feels like everything in this four-cornered room slowed down. His voice sounds like a lullaby, singing me to sleep. Gosh, how can someone be so captivating?

“Wait, what? Did I just—What the f*ck…?” I out-mindedly mumbled.

Mabilis akong umiwas ng tingin at inilabas ang earphones ko. I plugged it in, played a random song, and turned the volume up until I can’t hear him anymore. This isn’t the first time I heard him sing, so what in the world is happening to me? Pambihirang pagkamuhi ‘to, nakakabaliw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status