Share

Chapter 22- Viral Post

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-06-07 20:21:22

Pagkababa mula sa elevator ng opisina, sabay si Ralph at Alexis pero maingat sa distansya. Hindi nila inaasahan ang pagtanggap ng mundo sa “honeymoon” nila. Hinatid lamang ni Ralph si Alexis.

“Good morning, Mr. and Mrs. Viral! Kayo na talaga!” bati ng katrabaho ni Alexis.

Napahinto si Alexis at Ralph. Sabay silang napatingin sa isa’t isa, parehong may pilit na ngiti.

Bumulong si Ralph kay Alexis.“You need to post less next time.”

“Too late. You’re a celebrity husband now.” tila nang iinis na tugon ni Alexis.

Pagpasok pa lang nila sa kani-kanilang department, sinalubong agad sila ng mga tao.

Katrabaho ni Alexis:“Grabe, Alexis! Sobrang sweet n’yong dalawa sa video sa cliffside. ‘My forever’ daw, oh! Kinilig buong department!”

“Hi Alexis! And congrats, ha? You and Ralph are trending on my feed. Power couple!” ani ng kausap ni Alexis na kliyente sa telepono.

Napakagat-labi si Alexis, napatingin sa screen kung saan bukas pa ang isang tab—nagta-top trending ang hashtag na #Coupleoftheyear
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 242 - Siblings Bonding Through Art

    Hapon na at banayad ang sikat ng araw na pumapasok sa sala. Nakatambak sa mesa ang mga krayola, watercolor, at ilang pirasong colored paper na kinuha ni Ayesha mula sa school art kit niya. Tahimik siyang nakaupo, nakalabi at nakatingin sa blangkong papel, halatang nag-iisip ng ideya. Sa gilid ng sofa, si Ayanna ay nakahiga sa kanyang baby mat, nakatingala at abala sa pag-abot sa maliit na mobile toy na nakasabit sa itaas.Pumasok si Alexis mula sa kusina, may hawak na baso ng juice. “Ate, anong ginagawa mo?” tanong niya, lumapit at sumilip sa mesa.Napatingala si Ayesha at ngumiti. “Mommy, gusto kong gumawa ng art para kay Ayanna. Alam mo yung baby album? Gusto kong lagyan ng drawing ko. Para pag lumaki siya, makita niya na ginawa ko iyon para sa kanya.”Natigilan si Alexis sandali, naantig sa sinabi ng anak. Umupo siya sa tabi at hinaplos ang buhok nito. “Ang sweet naman ng Ate. Sure, gagawin natin iyon. I’m sure matutuwa si Ayanna pag nakita niya yun balang araw.”Dumating si Ralph

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 241- Family Garden

    Mainit ang sikat ng araw ngunit banayad ang hangin na dumadampi sa kanilang bakuran. Nakatayo si Ralph sa gitna ng maliit na garden plot na matagal na nilang plano ni Alexis na buhayin muli. Kasama nila ngayon si Ayesha na punung-puno ng energy, at si Ayanna na nakaupo lamang sa stroller, nakasuot ng payat na sombrero at nakangiti sa tuwing natatamaan ng liwanag.“Papa, dito natin ilalagay yung sunflower, di ba?” masiglang tanong ni Ayesha habang nakaluhod at may hawak na maliit na pala.Tumango si Ralph at ngumiti. “Yes, sweetheart. Sunflowers always face the sun, kaya magandang paalala na kahit anong mangyari, we should always look toward the light.”Si Alexis naman ay nakaupo sa isang maliit na bangko malapit kay Ayanna, nagbabantay habang abala rin sa pagtulong. May dala siyang basket ng mga binhi—sunflower, kamatis, basil, at ilang herbs. “We’ll plant vegetables too,” sabi niya. “Para makita ni Ayesha na hindi lang maganda, kundi may pakinabang din.”“Wow! So we’ll have flowers a

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 240 - The Lost Teddy Bear

    Maalinsangan ang hapon nang mapansin ni Alexis ang kakaibang katahimikan sa sala. Karaniwan, rinig ang halakhak at ingay ni Ayesha na abala sa paglalaro, pero sa pagkakataong iyon, nakaupo siya sa sahig, tila may hinahanap at naiiyak. Lumapit agad si Alexis. “Anak, bakit umiiyak ka?” mahinahon niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ng anak.“Mommy… hindi ko makita si Teddy,” humikbi si Ayesha, sabay punas sa mata.Nabahala agad si Alexis. Alam niyang si “Teddy” ang stuffed bear na ibinigay kay Ayesha noong bata pa si Anjo, ang kapatid nitong pumanaw. Mula noon, naging simbolo iyon ng koneksyon ni Ayesha sa nakababatang kapatid na hindi na niya makakasama. “Baka naiwan mo lang sa kwarto mo?” suhestiyon ni Alexis, pilit na pinapakalma ang bata.Umiling si Ayesha. “Nilabas ko siya kanina para ipakita kay Ayanna… tapos… wala na siya!” At tuluyan nang bumuhos ang luha niya.Agad na tinawag ni Alexis si Ralph na noon ay nag-aayos ng gamit sa veranda. Pagkarinig ng sitwasyon, kumunot ang

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 239 - Hands that Hold Us Together

    Sa mga sumunod na linggo matapos bumalik sa normal ang kanilang takbo ng buhay, mas lalong naging malinaw kay Ralph kung gaano kahalaga ang balanse—hindi lamang sa trabaho at pamilya, kundi sa oras na ibinibigay niya sa bawat miyembro ng tahanan. Naging mas maingat siya sa pagpili ng mga kasong tinatanggap at mas madalas niyang inaayos ang kanyang iskedyul para makauwi nang mas maaga. Para kay Ralph, bawat sandaling kasama sina Alexis, Ayesha, at Ayanna ay parang kayamanang hindi matutumbasan ng anumang tagumpay sa korte. Isa itong desisyon na hindi niya pinagsisisihan, dahil sa bawat pag-uwi niya, sinalubong siya ng init at pagmamahal na walang katulad. Tuwing gabi, bago matulog, laging sabay-sabay silang nagtitipon sa kuwarto ng mga bata. Si Alexis ang madalas na nagkukuwento ng mga fairy tales at kwentong may aral, habang si Ayesha ay mahilig ding magbasa at sumingit ng ilang bahagi para tulungan ang ina. Hindi naman mapigilan ni Ralph na ngumiti habang nakikita ang dalawang pinak

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 238 - Echoes of Lullabies

    Isang gabi, nakahiga na si Ayanna sa crib niya habang si Alexis ay nakaupo sa rocking chair, marahang hinihimas ang tiyan na dati’y pinagmulan ng kanilang takot at pag-aalala, ngunit ngayo’y nagbibigay na ng buhay at tuwa. Si Ayesha naman ay nakahiga sa tabi ng ina, hawak-hawak ang isang lumang storybook na minana pa ni Alexis mula sa kanilang tahanan. “Mommy, can I read the story for tonight?” tanong ng bata, puno ng excitement sa mga mata.Ngumiti si Alexis at tumango. “Of course, sweetheart. Your baby sister would love to hear your voice.”Binuksan ni Ayesha ang libro at nagsimulang bumasa, medyo pautal-utal pa dahil sa mga mahahabang salita, pero ang bawat bigkas niya ay punong-puno ng sincerity. Habang nagkukwento siya tungkol sa isang prinsesang naglakbay para hanapin ang kanyang tahanan, biglang gumalaw si Ayanna at tila nakikinig. Nang marinig ng sanggol ang tawa ng ate niya, biglang kumislot ang bibig nito, at kasunod ang isang munting hagikgik.“Mommy! Did you hear that? She

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 237 - The Brightest Constellation

    Muling nagising si Alexis sa mahinang iyak ni Ayanna sa crib sa tabi ng kanilang kama. Alas-singko pa lang ng umaga, ngunit agad niyang inabot ang anak. “Good morning, my little blossom,” bulong niya, saka marahang niyakap at inumpisahang patahanin. Sa kabila ng puyat, ramdam niya ang kakaibang tuwa—iyon ang klase ng pagod na handa niyang tiisin para sa kanyang mga anak. Si Ralph, na kagabi pa ay halos hindi natulog dahil tinapos ang isang urgent na kaso, ay agad ding bumangon. “Ako na, love. Tulog ka muna.” Ngunit umiling si Alexis. “No, okay lang. I actually miss moments like this. Remember, kay Ayesha din, ganito tayo lagi.” Napangiti si Ralph, sabay lapit para halikan ang ulo ng asawa. “You’re amazing, you know that? Lagi kang nauuna.” Habang pinapadede ni Alexis si Ayanna, tahimik lang si Ralph na nakatingin, tila iniipon sa alaala ang eksenang iyon. Sa mga sandaling iyon, muling sumagi sa isip niya ang pinangako niya noon—na gagawin ang lahat upang maging buo at masaya ang k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status