Mainit na tanghali sa siyudad ngunit malamig sa loob ng opisina ni Alexis, abala siya sa pag-aayos ng mga mock-ups, presentation boards, at campaign proposals para sa bagong kliyente nilang celebrity.Isang A-list actress at beauty ambassadress na kilala sa pagiging metikulosa, perfectionist, at bihira raw ma-impress.Pero si Alexis? Mukhang ibang usapan.Wow. This is precise, clean, and elegant. Hindi ko inaasahan ‘to. You’re good—no, scratch that. You’re excellent.”Magalang na ngumiti naman si Alexis. “Thank you po. I just wanted the visuals to reflect your brand—sophisticated but fierce.”
Inabutan ni Ralph na tahimik ang buong lugar maliban sa mahinang tunog ng TV na bukas sa isang late-night documentary. Madilim sa paligid, at ang tanging ilaw ay mula sa screen. Sa mahabang sofa, nakahiga si Alexis, nakapikit, payapang natutulog—ngunit halatang pagod. Namumugto ang kanyang mga mata, at may bakas pa ng tuyong luha sa gilid ng pisngi.Pagbukas ng pinto, dahan-dahang pumasok si Ralph, tangan ang isang maliit na brown bag. Napahinto siya nang makita ang itsura ni Alexis—hindi niya inasahan na ganito kabigat ang naging epekto ng nangyari.Lumapit siya. Tahimik. Maingat. Umupo sa gilid ng sofa at ilang sandaling tinitigan si Alexis, parang nagdadalawang-isip kung gigisingin o hahayaang magpahinga.Ngunit hindi niya napigilang dahan-dahang pawiin ang luha sa pisngi ng babae. “Alexis…”Dumilat ng bahagya si Alexis, naguguluhan, at saglit na natigilan nang makita si Ralph na nakaupo sa tabi niya.“Sorry… Ginising kita. Tulog ka na pala.” “Okay lang… Anong oras na?” “Late na
Kakapasok pa lang ni Ralph mula sa isang client meeting nang biglang bumungad si Mica sa labas ng glass door ng kanyang opisina. May dalang coffee, may suot na mas formal kaysa karaniwan, at mga matang puno ng pag-asa. Nabalitaan pala nitong nakabalik na siya mula sa honeymoon.“Pwede ba kitang makausap, Ralph? Five minutes lang.”Hindi na tumanggi si Ralph. Tumango siya at tinuro ang upuan sa tapat ng mesa niya. Tahimik ang unang ilang segundo, tanging galaw lang ng orasan ang maririnig. Hanggang si Mica na ang unang nagsalita.“Hindi ako tumuloy sa Tokyo offer. Hindi ko kaya. Hindi kita kayang iwan.”Napakunot ang noo ni Ralph, hindi pa rin kumikibo.“Hindi pa ako nakaka-move on, Ralph. Sayo pa rin ako babalik… if you’d let me.”patuloy ni Mica.Hindi pa rin sumagot si Ralph. Ngunit halata sa mukha ang pagkabigla at tensyon.“So… si Alexis na talaga? Mahal mo na ba siya?”Tahimik. Walang sagot. Isang mahabang segundo ang lumipas. Maging si Ralph ay tila hindi rin alam ang isasagot.S
Pagkababa mula sa elevator ng opisina, sabay si Ralph at Alexis pero maingat sa distansya. Hindi nila inaasahan ang pagtanggap ng mundo sa “honeymoon” nila. Hinatid lamang ni Ralph si Alexis. “Good morning, Mr. and Mrs. Viral! Kayo na talaga!” bati ng katrabaho ni Alexis.Napahinto si Alexis at Ralph. Sabay silang napatingin sa isa’t isa, parehong may pilit na ngiti.Bumulong si Ralph kay Alexis.“You need to post less next time.”“Too late. You’re a celebrity husband now.” tila nang iinis na tugon ni Alexis.Pagpasok pa lang nila sa kani-kanilang department, sinalubong agad sila ng mga tao.Katrabaho ni Alexis:“Grabe, Alexis! Sobrang sweet n’yong dalawa sa video sa cliffside. ‘My forever’ daw, oh! Kinilig buong department!”“Hi Alexis! And congrats, ha? You and Ralph are trending on my feed. Power couple!” ani ng kausap ni Alexis na kliyente sa telepono.Napakagat-labi si Alexis, napatingin sa screen kung saan bukas pa ang isang tab—nagta-top trending ang hashtag na #Coupleoftheyear
Tapos ang ilang araw ng honeymoon nila Alexis at Ralph. Maagang umalis ang dalawa mula sa villa. Habang binabaybay ng SUV ang palusong na kalsada ng Tagaytay, binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Wala sa kanilang nagsasalita, ngunit parehong abala ang isip sa mga nangyaring matamis at masalimuot sa loob ng ilang araw nilang pagpapanggap bilang mag-asawa.Sa front passenger seat, tahimik si Alexis habang pinagmamasdan ang mga ulap na tila dumarampi sa mga bundok. Naka-jacket siya, bahagyang yakap ang sarili, at minsan-minsan ay palihim na sumusulyap kay Ralph.Si Ralph naman ay nakapokus sa kalsada, pero sa bawat salubong ng malamig na hangin sa kanyang mukha, hindi niya maiwasang maalala ang halik, ang ngiti, ang tawa ni Alexis. Lalo na ang mga gabing halos hindi siya makatulog dahil sa damdaming pilit niyang nilalabanan."Parang ayoko pang umuwi." ani Alexis na lumabi pa. "Masyado ka namang nag enjoy kasama ako." biro ni Ralph."Oo nga eh. More than I should." ani Alexis na
Maaga pa lang ay gising na si Ralph. Suot ang kanyang gray cotton shirt at navy pajama pants, agad silang nagtakbo para magjogging at umaasang kakalma. Nang hindi pa rin siya kumalma ay dumerecho siya sa shower.Pagkatapos ay inabala niya ang sarili sa paggawa ng kape. Subalit hindi niya mapigilan ang panakaw na pagsulyap sa orasan… at sa hallway kung saan lalabas si Alexis.Iniiling-iling niya ang sarili. Kalokohan. Panaginip lang ‘yon. Kalma ka lang, Ralph.Pero hindi kalma ang puso niya. Bawat galaw ng orasan ay tila paalala ng halik na muntik mangyari—doon sa panaginip… at sa aktwal na villa noong nakaraang gabi.Biglang—May marahang yabag. Lumingon si Ralph. At gaya ng inaasahan… naroon si Alexis.Naka-oversized white shirt ito na halatang sa kanya, at shorts na barely visible. Gulo pa ang buhok, pero parang modelong bagong gising. At ang ngiti nito—maaliwalas, parang walang bakas ng mga halik at tensyon kagabi."Good morning, mister. Ikaw pala ang masipag ngayon.""Nagising lan