Home / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 52 - Second Honeymoon

Share

Chapter 52 - Second Honeymoon

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-06-18 21:38:49

"This feels like our second honeymoon." puna ni Alexis.

“Naalala mo noong unang beses tayong nagpunta sa Tagaytay, para sa fake honeymoon natin?” tanong ni Ralph.

Napatawa si Alexis. “Oo. Awkward pa tayo. Para tayong artista na may script.”

“Ngayon, wala na tayong script,” sagot ni Ralph. “Totoo na ang lahat.”

"Di mo sure!" hirit ni Alexis.

Tumigil sila sa gilid ng dalampasigan, at walang babala, binuhat ni Ralph si Alexis sa kanyang braso. Napasigaw ito sa gulat at tuwa.

“Ralph!” natatawang sigaw ni Alexis. “Ibaba mo ako!”

“Gusto ko lang ipaalala sa’yo na kahit tumaba ka pagkatapos manganak, buhat-prinsesa ka pa rin sa akin,” wika ni Ralph na may nakakalokong ngiti.

“Gusto mo yatang magka-black eye,” banta ni Alexis pero nangingiti rin.

Pagkababa sa kanya, niyakap ni Ralph si Alexis mula sa likod habang sabay silang nakatingin sa malayo. Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Ang dagat ay tahimik, ang hangin ay malamig, at ang puso nila’y kapwa humuhugot ng lakas sa is
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 75- Ralph's Regrets

    Anong kailangan mo sa amin ni Ralph?” tanong ni Alexis nang walang paligoy.Naglabas ang babae ng maliit na envelope at inilapag sa mesa. “Hindi ako nandito para manggulo. Gusto ko lang malaman mo kung sino talaga ang pinakasalan mo.”Nagkibit-balikat si Alexis. “Alam ko kung sino siya.”Ngumiti si ang babae—hindi ng masaya kundi ng mapait at tila nang uuyam. “Sana nga.”Binuksan ni Alexis ang sobre. Mga lumang dokumento ng isang lumang kaso — kasong hindi niya kailanman narinig mula kay Ralph. May pangalan ng isang babaeng nagsampa ng reklamo laban sa dating kinakasama nito, ngunit sa huli ay na-dismiss ang kaso dahil sa “kulang sa ebidensya.” At isa sa mga abogado sa panig ng akusado… Ralph Santillan.“Nakita ko ang mga interview niya noon. Very sharp. Very persuasive. Napanalo nila ang kaso. Pero habang sila ay nagdiwang, ang kapatid ko—ang biktima—ay halos hindi na muling makabangon.”Nanigas ang katawan ni Alexis. Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa bigat ng kwento. “At ano ang

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 74 Anonymous Message

    Madaling araw. Tahimik na ang buong bahay, maliban sa mahinang ugong ng air purifier sa kwarto. Nakatulog na si Ralph at Ayesha. Si Alexis naman, nakahiga ngunit gising pa rin, pinagmamasdan ang kisame habang dinadama ang lamig ng hangin mula sa aircon. Hawak niya ang cellphone, nagbabasa ng ilang work emails para mapanatag ang isip. Subalit isang unknown number ang biglang nag-pop-up sa inbox niya.“Alam mo ba talaga ang buong nakaraan ng asawa mo?”Napataas ang kilay ni Alexis. Inisip niyang baka prank lang o scam message. Pero bago niya ito idelete, isa pang mensahe ang pumasok:“Kung ako sayo, magtanong-tanong ka. Hindi lahat ng tahimik, walang tinatago.”Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Umupo siya sa kama, bahagyang nilingon si Ralph na mahimbing pa rin ang tulog. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone. May ilang segundo siyang nanahimik, sinusubukang intindihin kung dapat ba niya itong pansinin o hindi.Lumipas ang ilang minuto. Muling nag-vibrate ang phone.“Alam mo ban

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 73 - Family Outing

    Sa wakas, matapos ang buwan-buwang pagkaubos ng oras sa trabaho, hearings, at deadlines, nakahanap na rin si Ralph ng pahinga. Napansin iyon agad ni Alexis. Iba ang tingin ni Ralph sa kanya habang pinagmamasdan siyang i-pack ang mga damit ni Ayesha. Wala iyong pagod na karaniwang nakikita sa mga mata nito na may kislap, parang batang sabik sa bakasyon.“Handa na ba ang mga beach outfits natin?” tanong ni Ralph habang tinutulungan si Alexis magsara ng isang maleta.“Syempre,” sagot ni Alexis, ngumiti, “Si Ayesha nga lang yata ang may sampung outfits kahit tatlong araw lang tayo doon.”Narinig nila ang maliliit na yabag sa hallway.“Mommy! Daddy! Let’s go na!” sigaw ni Ayesha na may suot nang salbabida habang nakasandals sa ibabaw ng pajamas.Nagtinginan ang mag-asawa at nagtawanan.Dumating sila sa isang private beach resort sa Batangas kinabukasan. Malayo sa ingay ng lungsod, tanging hampas ng alon at ihip ng hangin ang maririnig. May sariling villa silang inuupahan sa may porch na ma

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 72 - Love and Lawsuits

    Sunod-sunod ang kaso. Halos araw-araw ay may hearing, meeting, o consultation si Atty. Ralph Santillan. Sa kalendaryo ng linggong iyon, wala ni isang araw na walang naka-book. Isang malaking domestic violence case ang hinahawakan niya ngayon, isa sa pinaka-komplikado at emotionally draining na naranasan niya.Kaya nitong mga nakaraang gabi, madalas ay tulog na si Ayesha kapag nakauwi siya. At si Alexis? Gising pa nga, pero tahimik na lang na nakaupo sa sofa, minsang may laptop, minsang may hawak na libro, pero laging may naghihintay na tanong sa mata.“Pagod ka na naman,” madalas na sambit ni Alexis sa tuwing uuwi si Ralph. At bagaman may halik at yakap, alam niyang may puwang sa pagitan nila na dahan-dahang bumubuka. Hindi dahil sa pagkukulang, kundi dahil sa pagod. Pero sa pag-ibig, hindi sapat ang dahilan — kailangang may aksyon.Kaya isang hapon, habang nag-aayos ng mga papel sa opisina, tinanong niya ang sarili: “Kailan nga ba huling beses kong nakasama ng matagal ang dalawang ma

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 71- Baby Brother

    Mommy, Daddy,” sabay na tawag ni Ayesha habang naka-indian sit sa carpet ng sala, may hawak na drawing ng isang batang lalaki na may hawig sa kanya. “Pwede na po ba akong magkaroon ng baby brother?”Natawa si Alexis, natapik ang noo, at napatitig kay Ralph na kasalukuyang nagliligpit ng mga plato mula sa mesa. Si Ralph naman, bahagyang napatigil at agad na lumapit sa mag-ina.“Bakit gusto mo ng baby brother, anak?” tanong ni Ralph habang umuupo sa tabi ni Ayesha at kinikiliti ito sa tagiliran.“Para may kalaro ako! Lagi niyo akong sinasabing ‘antok na si mommy’ o ‘si daddy may tawag sa client’… Wala akong makalaro!” reklamo ni Ayesha, sabay pout at tingin sa kanilang dalawa.Hindi na napigilan ni Alexis ang mapatawa. “Eh ‘di ba may mga kaibigan ka sa school?”“Iba po yung may kapatid! Yung pwede kong kurutin ng konti,” aniyang may inosenteng ngiti, “pero mahal ko pa rin!”Ralph glanced at Alexis, at para silang nagkausap ng mata. Alam nilang isang simpleng tanong lang ito para kay Aye

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 70- Biking lessons

    Noong Linggo ng umaga, sa likod-bahay ay kitang-kita ang sigla ni Ayesha habang hawak ang maliit niyang bisikleta. “Ready ka na matutong magbalanse, anak?” tanong niya. “Opo!” sagot ng bata, sabik pero halatang may konting kaba. Hinawakan ni Ralph ang likod ng bike habang tinuturuan si Ayesha. “Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo sinasabi na kaya mo na, ha?” “Promise?” “Pinky swear,” sabay ngiti ni Ralph na humawak sa maliit na daliri ng anak. “Pinky swear,” ulit naman ni Ayesha. Habang nagsasanay sila, lumapit si Alexis, may dalang juice at tuwalya. “Naku, magpapawis na naman ‘tong mag-ama ko,” sabi niya, pero hindi maitago ang saya sa tono. “Daddy, kaya ko na ‘to! Tingnan mo ‘ko!” sigaw ni Ayesha, punung-puno ng excitement. “Slow down muna, anak. Remember, balance muna bago speed,” nakangiting paalala ni Ralph habang nakatalikod, nag-aayos ng helmet ni Ayesha. Matapos isuot ang helmet, lumuhod si Ralph sa tabi ng anak. “Alam mo ba, noong una akong matutong mag-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status