Share

CHAPTER 15

"Kung papalakarin mo ang kalabaw, iangat mo lang ang mga paa mo at dahan-dahang ipalo iyon sa tagiliran nito sabay sabi ng, "hing tsk tsk!" Ibig sabihin no'n aabante na. Kung pakanan, hilain mo ang taling ito sa kanan ganun din kung pakaliwa. Kung gusto mong pahintuin ang kalabaw, hilain mo ang taling ito sa gitna. Sabay sabi ng Ho." Paalala niya kay Irish.

Sana hindi magluko ang kapatid ni Damulag. Alam kasi niyang may kalokohan din ang kalabaw na ito lalo na kung hindi tama ang paraan ni Irish sa pagbibigay ng kaniyang direksiyon.

"Magkaangkas na lang kaya tayo at baka..." kasisimula pa lang sabihin iyon ni Daniel ay sunud-sunod nang ipinalo ni Irish ang kaniyang paa sabay ng malakas niyang pagsabi ng "Hing Tsk Tsk!"

Bumilis ang lakad ng kalabaw, dumiretso ito sa putikan at dahil doon, ninerbiyos si Irish. Hindi na niya alam ang gagawin. Ang kanina'y mabilis na paghakbang ng kalabaw ay naging pagtakbo. Sa mismong putikan na sila at nawala sa isip niya ang mga itunuro sa kaniya ni Da
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status