Share

CHAPTER 17

Kinagabihan ay masaya ang lahat sa salu-salo. Nagugutom siya ngunit hindi siya sanay makigulo dahil lang sa pagkain. Parang ang lahat ay gutum na gutom. Nagtatawanan sa mga bagay na para sa kaniya hindi naman nakakatawa. Hindi siya maka-relate. Hindi niya naiintindihan ang kanilang mga sinasabi. Ilokano.

Pinagmasdana niya ang paligid.. Madaming kulisap at lamok. Tahimik na tahimik. Madilim ang paligid. Malayo sa liwanag ng Malakanyang. Tanging ilaw mula sa gasera ang nagsasabog ng liwanag sa mga kubo. Walang TV, walang ibang puwedeng pagkaabalahan sa gabi. Paano siya makakatagal sa ganito kalungkot at kahirap na lugar?

"Tara na, sumabay kang kumain sa amin doon.”

“Mamaya na, hindi pa ako gutom.”

“Makipagkuwentuhan ka naman sa kanila. Kanina ka pa lumayo e, kanina pa kita gustong makisalamuha sa lahat. Kung nahihiya ka, mas lalo na sila sa'yo."

"Bakit kailangan ako ang mahiya sa kanila? Ilokano ang salita ninyo. Hindi nila maiintindihan ang kuwento ko. Iba ang kuwento nila sa kuwento k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status