Kamalasan
NANUNUYO ang lalamunan ni Alie nang magising. Tumambad sa kanya ang maliwanag na ilaw sa loob ng silid na kinaroroonan. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata para sanayin iyon sa liwanag at ng maging maayos na ay saka naman tumambad ang mukha ng estranghero sa harapan niya. Abot tainga ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya at naramdaman niya na lang na hinahaplos nito ang pisngi niya. Gumanti siya ng ngiti at tinangka rin itong hawakan pero sa isang iglap ay nagbago ang senaryo. Nakita niya ang sarili na nakasubsob sa manibela. Saka niya napagtanto ang tunay na nangyari sa kanya.Sukat nang maisip ang nangyari ay napamulagat ang dalaga. Ramdam niya ang malamig na pawis na gumigiti sa noo niya. Inilibot niya ang paningin sa kulay puting silid na kinaroroonan at tumigil 'yon sa baklang kaibigan na abalang kinakalikot ang cellphone nito. Nananaginip pala siya."M-Mandy," tawag niya sa paos na tinig. Gulat itong napatingin at agad na tumalima para lapitan siya."Jusko, Nathalie, buti naman gising ka na! Tatawagin ko ang doktor," puno ng pag-aalalang wika nito at nagmamadaling lumabas ng silid.Sinubukan niyang bumangon pero hindi kinaya ng katawan niya at muling bumalik sa pagkakahiga. May brace ang leeg niya at naka-semento ang isang kamay at paa. Wala siyang maramdaman sa mga bahaging 'yon bukod sa ulo niya na kumikirot. Pero kahit na gano'n ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala lalo na nang mapagtanto ang kalagayan niya.Walang ano-ano ay naramdaman niya na lang ang pagtulo ng mga luha niya. Ano bang kamalasan ang nangyayari sa kanya? Paano na lang sila ni Tantan? Hindi siya pwedeng tumigil sa pagtitinda kahit isang araw dahil siguradong wala din silang kakainin. Aburido niyang ginulo ang buhok at marahas na pinunasan ang luha."Ano bang iniiyak-iyak mo, Nathalie?! Wala din naman mangyayari kung magmumukmok ka at kakaawaan ang sarili mo!" Kastigo ng isang bahagi ng isip niya.May hikbi na kumawala sa bibig niya na agad niyang pinigilan kasabay no'n ay ang pagsulpot ng doktor. Iniiwas niya ang mukha sa gawi ng mga ito at agad na tinuyo ang luha sa mata at pisngi niya. Pagkatapos ay saka ibinaling ang tingin sa mga ito.."Kumusta ang pakiramdam mo, hija?" anang doktor habang ini-eksamin siya. "M-maayos na ho ako, Dok. Pwede na ho akong lumabas at pakitanggal na ho itong nasa binti at braso ko," sabi niya at alanganing nginitian ang lalaking doktor. Sa tingin niya ay nasa late 50's na ito base sa dami ng mga puting buhok na visible sa ulo nito. "Sumasakit ba ang ulo mo?" tanong ng dokor na hindi inintindi ang sinabi niya.Napaisip siya sa isasagot. Kapag itinanggi niyang wala na siyang nararamdaman ay maaaring pumayag ito na lumabas na siya. Pero kapag sinabi niya naman ang totoo ay maaaring humaba pa ang pagtigil niya roon.Bahagya siyang ngumiti at marahang umiling. "H-hindi na po. Wala na 'kong nararamdamang kahit ano.""Alie, nagsisinungaling ka," sabi ni Mandy na nasa likuran ng doktor. Nanlaki ang mata ni Alie at pasimpleng sinamaan ng tingin ang kaibigan.Nang ibaling ng doktor sa mukha niya ang tingin ay bigla siyang ngumiti. "Huwag niyo pong pakinggan ang kaibigan ko," turan niya.Hindi ito nagsalita at seryoso siyang tinitigan pagkaraan ay inayos ang stethoscope at isinabit sa batok nito. "Bueno, hindi muna kita pwedeng payagan na lumabas dahil kailangan nating ulitin ang CT-scan mo at ang ibang lab tests. Sa nakikita ko may malaki kang bukol sa noo at kailangan nating makasiguro na hindi 'yan delikado,""H-ho? I-ilang araw naman ho akong mananatili rito? Wala ho akong pambayad sa lab tests at lalong-lalo na kailangan ko pong balikan ang kapatid ko at ang shop ko," protesta niya pagkaraan ay binalingan si Mandy animo humihingi ng tulong dito. Pero nag-iwas lang ito ng tingin. Nagkaroon ng bikig sa lalamunan niya dahil pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya.Nang umalis ang doktor ay tinalikuran niya si Mandy. Naiinis siya rito. Akala pa naman niya ay kakampi niya ito pero hindi pala."Alie, may mga bisita ka," pagbibigay alam nito."Sabihin mo pagod ako," balewalang tugon niya."We are here to settle everything, Miss Gomez," sabi ng baritonong tinig.Hindi niya alam pero parang may pwersa na humatak sa kanya para lingunin ang pinanggalingan ng tinig na 'yon. Pero bago pa niya tuluyang makita ang mukha nito ay humarang na si Mandy para tulungan siyang bumangon at umupo.Parang sinisilihan ang puwet ng baklita sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Kumunot ang noo niya lalo na ng malandi siya nitong kindatan. Nang umalis ito sa harapan niya ay saka niya nakita ang dalawang lalaki na nakatayo sa may pintuan. Pakiramdam niya ay namamalikmata siya at nagdo-doble ang paningin dahil magkamukhang-magkamukha ang mga ito. Nang lumipas ang ilang segundo ay saka niya nasiguro na dalawang tao nga sila. Apologetic na ngumiti sa kanya ang isang lalaki samantalang ang isa ay seryoso lang na nakapamulsa."We will cover all the expenses while you are here, Miss Gomez, but in exchange you wil not sue us." Napalingon siya sa isang bahagi ng silid at saka niya nakita ang lalaking nakasandal sa dingding. Diretso itong nakatitig sa kanya. Ang maiitim nitong mata na matiim kung tumitig at binagayan ng may kakapalan na kilay."I-ikaw na naman?! Ikaw ba ang nakabangga sa 'kin?!" Singhal niya at akmang bababa sa kama ng bigla niyang maramdaman ang sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan niya kaya napatigil siya. Bumalik siya sa pagkakasandal sa unan habang mariing nakapikit at pilit iniinda ang sakit.Nang maka-recover ay muli niyang ibinalik ang tingin sa Poncio Pilatong nasa harapan niya. Pero wala na ang tapang doon kundi panghihina na lang. Sa kabila ng nararamdaman ay hindi pa rin mawala ang paninikip ng dibdib niya dahil sa inis dito. Sinusubukan na naman nitong gamitin ang kapangyarihan ng pera nito. Oo nga naman barya lang dito ang mga gastusin niya sa ospital."Umalis na kayo dito!" Bulyaw niya habang nakaturo sa pintuan. Nanlaki ang mata ng isa sa kambal habang ang isa ay ni hindi man lang natinag. Cool pa itong tumayo at inayos ang suot na suit pagkatapos ay lumabas."Pasensya na talaga, Miss. Pero baka naman pwede nating ayusin 'to?" sabi ng isa."Umalis na kayo. Lalo ka na..." Baling niya sa lalaki. Ilang segundo siya nitong tinitigan pagkaraan ay dire-diretsong lumabas ng pintuan.Nang makaalis ang mga ito ay impit na napatili si Mandy at niyugyog siya. Napangiwi siya sa sakit kaya tinigilan nito ang ginagawa. Pero hindi pa rin nawawala ang kilig sa mukha nito."Jusko, Alie, ang mga Vallejo ang nagdala sa 'yo dito sa hospital," namimilipit at animo bulate na wika nito. Hindi siya nagsalita at bumalik na sa pagkakahiga."Si Colton at Connore, baby ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan mo. At alam mo ba narinig ko sa mga nurse, si my loves Uno ang nag-buhat at nagsugod sa 'yo ditey," patuloy pa nito. So kilala na pala nito ang mga lalaking 'yon?"Kasalanan niya 'to," mahinang sabi niya at pasimpleng pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi niya. Bwisit na luha ang bilis tumulo. Kahit pigilan niya ay lumalabas pa rin."Oo, sila nga raw ang may kasalanan kung bakit ka naaksidente. Pero hindi siya ang nagmamaneho kundi si Colton. 'Yong humingi ng pasensya sa 'yo kanina, si Colton 'yon. Si Connore, 'yong isa at si Erwann, 'yong isa o Uno kung tawagin ng iba," kagat-kagat ang daliri na paliwanag nito.Buo na sa isip niya na ito ang may kasalanan at dapat sisihin. Dahil sa tuwing magku-krus ang landas nila ay minamalas siya. Kapwa sila napalingon ng may kumatok sa pintuan. Agad na lumapit si Mandy at binuksan 'yon."B-bakit kayo bumalik? May kailangan pa ba kayo?" Narinig niyang tanong ng kaibigan. Hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay bumalik na ang mga ito."Ano pang ginagawa niyo dito?" tanong niya sa mga ito partikular kay Erwann o Uno kung ano man ang pangalan nito."Miss Gomez, we want to talk to you. We are here to settle everything. It's not Uno's fault," wika ng isa sa kambal. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Colton."Dapat lang na sagutin niyo lahat dahil kung hindi ide-demanda ko kayo. Lalo ka na," baling niya kay Erwann Vallejo."Look, Miss, hindi ako ang may kasalanan sa nangyari---""Kahit na! Bakit kapag nagkikita tayo minamalas ako? May kamalasan ka yatang dala," sarkastikong turan niya."Magkakilala kayo?" sabay-sabay na tanong no'ng tatlo at tiningnan sila ng may pagtataka.Tumawa si Erwann pero para bang insulto ang dating ng boses nito sa pandinig niya. "Miss Gomez, baka naman ikaw ang may dalang KAMALASAN? Kasi sa pagkakatanda ko wala pa 'kong nakakasama na minamalas. Sa katunayan, sinuswerte pa nga sila," puno ng kumpiyansa na turan nito na agad ikinainit ng ulo niya. Pero pinigil niya na ang sarili dahil baka kung ano pang masabi niya rito."Let's go, Uno," anang kambal at inakbayan ito. May ilang segundo pa nitong sinalubong ang titig niya at nang makita nitong wala siyang balak magpatinag ay saka ito lumabas ng silid. Alanganin siyang tiningnan ni Mandy pagkatapos ay sumunod sa magpi-pinsang Vallejo.Kabanata XXIIIPANAY ang paggalaw ng mga hita ni Uno indikasyon ng pagiging balisa niya at hindi 'yon nakaligtas sa paningin ng abuela na kaharap niyang nag-aalmusal sa veranda."Have you eaten already?" tanong nito nang mapansin na hindi niya ginagalaw ang pagkain na inilagay nito sa plato niya."I-I'm fine with coffee, Gran," aniya at dinampot ang tasa ng kape at bahagyang humigop doon. Bahagya pa siyang napaso at inilayo 'yon sa bibig niya. "Bwisit, ang pait!" bulalas ng isang bahagi ng isip niya. Nakalimutan niya palang maglagay ng asukal. Lalo pa tuloy siyang ninerbyos dahil sa tindi ng lasa niyon."What's wrong with you, hijo? It looks like something is bothering you? What happened to Alie? Does she need help?" Sunod-sunod na tanong nito.Sunod-sunod rin ang ginawa niyang pag-iling. "Gran, I don't know if you will believe me but I will say it anyway…" Huminga siya ng malalim at pinunasan ang pawis na gumiti sa noo niya. Ilang segundong katahimikan ang dumaan tila tinitimbang ni
NAPAPAILING NA lang si Alie habang nakangiting tinitingnan si Mandy. Paano ay sumasayaw-sayaw pa ito habang inaayos ang paninda nilang bulaklak. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa alok ni Erwann na kasal at daig pa nito ang naging reaksyon niya. Kung siya ay nagulat ito ay kinikilig pa."Anong naging sagot mo kay my loves?" tanong nito pagkaraang lumapit sa kanya.Imbes na magsalita ay nagkibit balikat lang siya."Anong ibig sabihin no'n?" Ginaya nito ang ginawa niya habang nakangiwi. Bahagya siyang natawa. "Wala! Kasi hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya, 'no? Ikaw kaya alukin ng kasal habang nag-e-emote makakasagot ka ba?" pakli niya."Ay, oo nga 'no?!" Pagsang-ayon na rin nito.Sa totoo lang hanggang sa mga oras na 'yon ay wala pa rin siyang sagot sa alok na iyon ng binata. Hindi niya alam kung oo o hindi ang sagot niya at kung alin man doon ang magiging sagot ay kailangan may paliwanag siya. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang ihatid siya nito at mula noon ay hin
MATAAS NA ang araw sa labas pero tila wala sa plano ni Nathalie ang kumilos. Nakauwi na siya sa bahay nila kaninang madaling araw lang. Inihatid siya ni Erwann. Sinubukan pa niya itong imbitahan para makapagkape pero tumanggi na ito dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin. Pero bago umalis ay may sinabi ito sa kanya."Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa 'yo, Alie. Lalo na ang iniaalok ko. Alam kong nagugulat ka pa sa mga sinabi ko pero seryoso ako at hindi ako nabibigla lang. Maghihintay ako sa magiging sagot at desisyon mo…" Pagkatapos no'n kinintalan nito ng halik ang noo niya.Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ipinahayag ng binata sa kanya pati na rin ang ginawa nitong paghalik sa noo niya. Sumama lang naman siya rito dahil ayaw niyang mag-krus ang landas nila ng ina at nasabi niya rin dito ang mga pinagdaanan niya. Nais lang niyang may mapagsabihan ng sama ng loob na kinikimkim niya. Pero hindi niya inaasahan ang naging reaksyon nito.Inaalok lang naman siya ng isang Erwann
"N-NASAAN tayo?" Tanong ni Alie habang inililibot ang tingin sa paligid. Nakaparada ang sasakyan ng binata sa tapat ng isang matayog na gusali na sa paningin niya ay animo hotel."We are in front of my condo building. I'm sorry this is the first place that I thought. Sa tingin ko kasi hindi mo gugustuhing makita ka ni Tantan na ganyan," anito. Nakita niya ang mukha mula sa side mirror. Namumugto ang mga mata niya na animo pinapak siya ng bubuyog.Nagpakawala siya ng malalim na hininga. May punto ito. Isa pa, hindi niya kayang harapin ang mga tanong ni Mandy kung sakali. Para bang natangay ng pag-iyak ang kakayahan niyang magsalita. Sa tuwing naiisip niya ang nangyari hiindi niya lubos maisip na iiyak siya ng gano'n sa muling pagkakita niya sa ina."Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwi. Ihahatid kita," wika nito.Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "H-hindi pwedeng makita nila akong ganito,""Gusto mo bang umakyat sa unit ko? Pwede kang magpalipas ng gabi roon," prisinta nito. N
"ANG LAKI naman pala talaga ng venue na 'to, 'no?" Hindi na alam ni Nathalie kung pang-ilang beses na 'yong sinabi ni Mandy sa buong durasyon ng pag-aayos nila. Kahit siya ay namamangha at may konting inggit na naramdaman sa birthday celebrant. Hindi niya kasi naranasan ang mag-celebrate ng kaarawan."Pakibilisan mo na para matapos na tayo at makapaghanda sa outing natin mamaya," wika niya. Stage na lang ang ginagawa niya at tapos na ang nasa paligid. Mukhang mahilig sa bulaklak ang mother ng celebrant dahil halos buong lugar ang pinalagyan nito."Ay, oo nga pala, pinaghihintay tayo ng event coordinator dahil gusto raw tayong makausap ng mommy ni debutant. Baka bigyan tayo ng malaki-laking tip dahil balita ko nagustuhan raw ang setup mo," anito."O, sige sayang din 'yon saka maaga pa naman." Nang mailagay ang huling stem ng fresh carnation ay nakangiti niya 'yong pinagmasdan.Ni sa hinagap hindi niya na-imagine na magkakaroon siya ng mga ganitong proyekto. Unti-unti na ring lumalago a
TAHIMIK lang na umiinom si Erwann sa sulok ng high-end club na kinaroroonan. Nagpunta siya roon kasama ang mga bagong business partner para i-celebrate ang partnership nila. Naiwan siya sa lounge dahil nagkakasayahan na ang mga ito sa dance floor. Kasama niya ang pinsang si Colton kanina pero bigla na lang itong nawala at sigurado siyang may pinopormahan na itong babae.Hindi niya alam kung pang-ilang baso na niya ng alak 'yon. Wala siyang planong magpakalasing pero ayaw naman niyang manood at tumanga lang sa mga taong naroon."Can I sit here?" Tanong ng babae. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Carrie.Hindi siya nagsalita at nagkibit lang ng balikat. Tumalima naman ito at naupo sa katapat niya. Iniiwas niya ang tingin dito at tahimik na ipinagpatuloy ang pag-inom. He's still giving her the cold shoulder because she doesn't want to give her false hopes. Pero sa ilang araw nila sa Singapore ay napansin niyang tila nagbago na ito. She's not pushing herself to him like she
"ALIE, NAKALUTO ka na ba— my God! My virgin eyes!" Tili ni Mandy pagpasok ng bahay at tumambad dito si Erwann na walang saplot pang-itaas. Nagpupunas ito ng buhok gamit ang towel at ang pang-ibabang suot nito ay shorts ni Tantan.Nagkatinginan silang dalawa ng binata at napapailing niya itong nginitian. Sino ba naman ang hindi mae-eskandalo sa tiyan nito na may anim na pandesal at ang dibdib nito na halos may perpektong hubog. Kahit nga siya ay kanina pa ito hindi tinitingnan lalo na't sila lang dalawa ang naroon. Pero ngayong may kasama na sila ay makakahinga na siya ng maluwag."Anong nangyayari dito ha? 'Wag niyong sabihing— oh my God, Uno! Panagutan mo si Alie. Pakasalan mo siya!" Bulalas ni Mandy na ngayon ay nakatakip pa ng bibig animo nanggigilalas sa kung ano mang nasa isip nito."If what you're thinking is true I will gladly marry her right here, right now," wika ni Erwann na dinampot ang puting tshirt na binili lang niya sa palengke at isinuot na nito 'yon.Lihim siyang kini
"SIGURADO ka ba sa ipapagawa mo kay Uno?" Usisa ni Mandy habang tinutulungan siya sa pag-aayos ng mga paninda. Kagabi pa niya naikwento rito ang plano niyang subukin so Erwann pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito maka-move on."Ilang beses ko bang sasabihin na sigurado ako. Doon ko lang malalaman kung talagang seryoso siya o hindi niya kaya ng wala ang pera niya," tugon niya."E, tingin mo darating pa ba 'yon? Tirik na ang araw, o?" Kahit nakatalikod ay alam niyang nakataas ang kilay ni Mandy."Hindi ba dapat ang tanong ay kung sasakay siya ng tricycle? Hindi na 'ko magtataka kung darating 'yon dito na naka-kot—""Alie!... Jusko, Alie tingnan mo!" Tili ni Mandy. Kulang na lang ay mabingi siya sa tinis ng boses nito."Ano ba 'yon?" Nakasimangot na tanong niya at hinarap ito. Pero agad ring nagbago ang reaksyon niya nang makita kung sino ang bumaba sa tricycle ni Emong. Parang slow motion ang pagbaba ni Erwann at ang paglalakad nito palapit sa kinaroroonan niya. Nakasuot ito ng puti
NATIGIL si Alie sa pagsasara ng roll up door ng shop nang may matanawan siyang pamilyar na bulto sa kabilang bahagi ng kalsada. Hapon na 'yon at magsasara na siya para umuwi sa bahay nila."Erwann?" Hindi siguradong tanong niya. Pinaliit pa niya ang mata para aninagin ito."Alie!" Tawag nito at kumaway. Pagkaraan ay tumakbo ito palapit. Hindi niya alam pero parang sinisilihan siya ngayong nasa harapan niya ito. "P-pwede ba kitang kausapin?" tanong nito nang tuluyang makalapit.Imbes na magsalita ay tango lang ang naging tugon niya. Hindi niya inaasahan ang presensya nito. Kaninang umaga lang ay ito ang paksa ng usapan nila ni Mandy at ngayon ay nasa harapan niya ito."Magsasara ka na? Tutulungan na kita," anito at ito na ang humila sa roll up door. Hindi siya nakahuma ng kunin nito ang susi at ito na rin ang mag-lock no'n."S-salamat," kiming turan niya.Nang matapos ay tumayo ito at pinagpag ang nagusot na puting polo shirt. Pero imbes na tumuwid ay nabahiran pa ng dumi ang suot nito