Bata pa lang ay namulat na si Alie sa kahirapan ng buhay. Naiwan sa pangangalaga niya ang kapatid na may kapansanan dahil maagang nawala ang Tatay niya at iniwan naman sila ng Nanay niya para sumama sa mayamang lalaki. Hindi niya gustong lahatin pero ang tingin ng mga mayayaman lahat ay naaareglo ng pera. Kaya naman ng magdalaga at magka-isip ay galit na siya sa mga nakakaangat sa buhay at wala siyang balak makipagmabutihan sa mga ito. Pero dumating si Erwann Vallejo para ipamukha sa kanya na hindi lahat ng mayaman ay ganoon. Tanggap nito kung ano siya at ganoon rin ang kapatid niya. He has everything and he's willing to give it to her. But one unfortunate event will ruin her life and what they have.
Lihat lebih banyakFirst Encounter
"WOW, ako ba talaga 'to?" Usal ni Nathalie o Alie sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin na nakadikit sa dingding. Sinipat pa niyang mabuti ang sarili partikular ang mukha para siguruhing siya 'yon. Pagkatapos ay ngiting-ngiti na hinarap ang baklang kaibigan. Bumagay ang manipis na makeup na inilagay nito at para bang inalis no'n ang mga sama ng loob sa buhay na kinikimkim niya. Ang alon-alon at hanggang balikat niyang buhok ang isa sa laging napapansin. Pati na rin ang mapilantik na pilikmata at mapulang mga labi na kahit walang lipstick ay mukha pa ring nag-aanyaya ng halik. Hindi naman sa pagyayabang pero may ipagmamalaki rin naman siya kung pagandahan lang ang usapan. Sa kutis niyang morena at taas na five feet, seven inches ay papasa na siyang beauty queen. 'Yon nga lang sa hirap ng buhay ni ang pagbili ng skincare ay hindi niya magawa dahil imbes na gastusin sa ganoon ay inilalaan na lang niya sa mga mas importanteng bagay."Ang ganda mo talaga, girl. Pak na pak sa mga papables," palatak ni Mando na ngayon ay Mandy na. Paborito siya nitong ayusan sa maliit nitong salon na malapit lang din sa Dangwa kung nasaan ang maliit na tindahan niya ng bulaklak. Dating OFW sa Japan si Mandy na nang makaipon ng sapat na pera ay nagtayo na lang ng negosyo dito sa Pinas dahil diumano mas masaya pa rin sa sariling bayan. May pitong taon na silang magkakilala dahil ito ang tumulong sa kanya na mapanatili ang pwesto niya ng bulaklakan sa Dangwa na noong mga panahon na 'yon ay muntik ng mawala."Hindi ba masyadong OA itong make up ko? Magde-deliver lang ako ng bulaklak, Mandy," alangan niyang tanong at akmang hahawakan ang labi niya ng tapikin nito 'yon."Tama lamang 'yan. Malay mo may makabangga kang isang Vallejo at magustuhan ka? Ay, swerte mo, 'Day," kinikilig at nangangarap na wika ni Mandy. Galing sa VGC ang natanggap niyang tawag at nagpapa-deliver ng isang bouquet ng Tulips.Hindi niya pinansin ang sinabi nito at pinasadahan ng tingin ang suot niyang sneakers at jumper pants. Simple lang naman siyang manamit at walang gaanong arte sa katawan o mas tamang sabihin na hindi niya afford ang mamahaling mga damit at burloloy sa katawan. Tanging hikaw lang ang suot niyang aksesorya na binili pa sa bangketa na tig-sampung piso."Sa laki ng VGC malabong may makita akong isang Vallejo. Isa pa puro matatandang Vallejo na ang naroon no?" turan niya. Sa laki ng building na 'yon maliit pa sa isang porsiyento na makasalubong siya ng kahit isa sa mga bata at binatang Vallejo.Ang Vallejo Group of Companies ang isa sa leading construction company sa Pilipinas, at generation to generation ang pagpapasa ng legacy ng pamilya. Sa pagkakaalam niya hindi pa naipapasa ang pamamahala sa mga apo dahil buhay pa ang mismong nagtayo noon."Malay mo, malay ko, Malaysia! Charot! O siya umalis ka na. Ingat ka." Taboy nito.Nag-beso siya kay Mandy at umalis na sakay ng e-bike. Habang nasa daan ay iniisip niya pa rin ang mga sinabi ni Mandy. Hindi naman siya nangangarap na makakilala ng isang Vallejo dahil alam niya kung anong lugar niya. Mayaman ang mga ito at siya? Isang hamak na tindera at ni wala pang tinapos.Sa murang edad ay namulat na siya sa hirap ng buhay dahil pagkamatay ng tatay niya ay sa kanya na nalipat ang responsibilidad sa pag-aalaga sa kapatid na may Down's syndrome. Oo nga pala, kahit nga pala noong buhay pa ang ama ay siya na ang nag-aalaga kay Tantan dahil iniwan sila ng Nanay nila. Ang kaibahan lang mas nadagdagan ang pasanin niya dahil pati ang pagtatrabaho ay responsibilidad na rin niya. Siya na ang naghahanap ng paraan para mabuhay sila.Kung hindi lang sana sumama sa ibang lalaki ang ina sana ay naipagpatuloy pa niya ang pag-aaral at hindi siya natigil sa ikatlong taon sa highschool. Baka sakali pang natupad niya ang pangarap na maging nars. Pero ano pa nga ba ang punto ng pagbalik sa nakaraan? Nangyari na ang lahat ng nangyari at ang dapat niya na lang gawin ngayon ay mag-move on.Huminga siya ng malalim para alisin ang paninikip ng dibdib. Pagdating sa destinasyon ay ipinarada ng dalaga ang e-bike sa lobby ng VGC at dahan-dahang binitbit ang bouquet ng bulaklak dahil doon nakasalalay ang kita niya ngayong araw."Ang laki talaga ng building na 'to," usal niya sa sarili habang nakatingala sa matayog na gusaling pag-aari ng mga Vallejo.Ilang beses na siyang nakalabas-pasok roon pero hindi pa rin niya maiwasang mamangha. Halos lahat ng naglalabas pasok doon ay mukhang kagalang-galang at nabibilang sa pinakamataas na antas ng lipunan. Hindi niya maiwasang isipin kung paano ang pamumuhay ng mga ito. A, siguro'y napakaginhawa. Walang problema dahil nasa kanila na ang lahat.Masuwerte ang kabilang sa pamilya na ipinanganak na ika nga'y may silver spoon sa bibig. Hindi na nila kailangan dumanas ng hirap.Matapos pagsawain ang mga mata ay pumasok na siya sa gusali dala ang mga bulaklak at tinahak ang daan papuntang elevator.Nasa 23rd floor ang pagdadalhan niya ng bulaklak sa nagngangalang, 'Kassandra Vallejo'. Wala pa siyang nakikilala ni isa sa mga Vallejo. Sa tuwing may order kasi ay sa sekretarya niya na lang iniiwan ang bulaklak at pagkatapos kunin ang bayad ay umaalis na siya.Habang hinihintay na bumukas ang elevator ay napansin niya na nakalas ang sintas ng sapatos niya. Naghanap siya ng pwedeng paglagyan ng bulaklak pero wala siyang makita kaya inilapag na lang niya 'yon sa sahig sa tabi niya saka dali-daling itinali ang sintas."I'll call you back, babe..." Naulinigan niya ang boses ng lalaki na may kausap sa telepono pero abala siya sa sapatos at hindi ito tinapunan ng tingin. Nang matapos ay tumayo na siya bitbit ang bulaklak. Sakto naman na bumukas na ang elevator kaya nagmamadali siyang naglakad pero hindi pa man tuluyang nakakapasok ay nabangga na siya ng lalaking kasabay dahilan para mahulog at magkalasog-lasog ang dala niyang bulaklak.Napanganga siya at animo slow motion ang pagtalsik ng mga petals sa madulas na sahig. "A-ang bulaklak ko," tanging nasabi niya habang puno ng panghihinayang na nakatingin sa sirang tulips. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Lumuhod siya para pulutin ang boquet na sana ay maghahatid ng pagkain sa hapagkainan nila mamayang hapunan. Pero wala na. Iilang stem na lang ang may bulaklak at hindi na 'yon presentableng tingnan. Tumayo siya at wala sa sariling napadako ang tingin sa lalaking nakabangga na ngayon ay nasa loob na ng lift at nakatingin sa kanya. Pero ang napansin niya ay ang kakaibang ngiti sa labi nito."Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Alam mo ba'ng halaga nito?" singhal niya habang tumatahip ang dibdib dahil sa kabila ng kasalanan ay nagawa pa nitong ngumiti.Tila napagtanto naman nito ang naging reaksyon at nawala ang ngiti sa labi. "Look, Miss, babayaran ko na lang," sinubukan nitong lumapit pero sinamaan niya ito ng tingin."Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Akala niyo lahat ay maa-areglo ng pera?" Mapakla siyang natawa ng mapagtanto ang mga salitang lumabas sa bibig niya. "Oo nga pala. Marami nga pala kayo no'n. Para sa inyo barya lang ang halaga nitong bulaklak na 'to. P'wes sa 'kin hindi!" Pinalis niya ang luha na dumaloy sa pisngi dahil nagmu-mukha siyang kawawa sa harapan ng Poncio Pilatong 'to.Hindi ito nakahuma at napatanga lang sa sinabi niya. Mayamaya ay may lumapit sa kanilang babae partikular sa lalaking kaharap niya."Are you okay, Sir?" humahangos na tanong nito habang hinahagod ng tingin ang lalaki samantalang siya ay hindi man lang tinapunan ng tingin. Sino nga ba naman siya para pag-aksayahan ng oras? Baka empleyado pa ang lalaking ito sa VGC kaya gano'n na lang ang pag-aalala dito ng receptionist.Hindi na siya nagsayang ng oras at nilisan ang lugar na 'yon. Wala namang mangyayari kung magngangangawa siya ro'n.Kabanata XXIIIPANAY ang paggalaw ng mga hita ni Uno indikasyon ng pagiging balisa niya at hindi 'yon nakaligtas sa paningin ng abuela na kaharap niyang nag-aalmusal sa veranda."Have you eaten already?" tanong nito nang mapansin na hindi niya ginagalaw ang pagkain na inilagay nito sa plato niya."I-I'm fine with coffee, Gran," aniya at dinampot ang tasa ng kape at bahagyang humigop doon. Bahagya pa siyang napaso at inilayo 'yon sa bibig niya. "Bwisit, ang pait!" bulalas ng isang bahagi ng isip niya. Nakalimutan niya palang maglagay ng asukal. Lalo pa tuloy siyang ninerbyos dahil sa tindi ng lasa niyon."What's wrong with you, hijo? It looks like something is bothering you? What happened to Alie? Does she need help?" Sunod-sunod na tanong nito.Sunod-sunod rin ang ginawa niyang pag-iling. "Gran, I don't know if you will believe me but I will say it anyway…" Huminga siya ng malalim at pinunasan ang pawis na gumiti sa noo niya. Ilang segundong katahimikan ang dumaan tila tinitimbang ni
NAPAPAILING NA lang si Alie habang nakangiting tinitingnan si Mandy. Paano ay sumasayaw-sayaw pa ito habang inaayos ang paninda nilang bulaklak. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa alok ni Erwann na kasal at daig pa nito ang naging reaksyon niya. Kung siya ay nagulat ito ay kinikilig pa."Anong naging sagot mo kay my loves?" tanong nito pagkaraang lumapit sa kanya.Imbes na magsalita ay nagkibit balikat lang siya."Anong ibig sabihin no'n?" Ginaya nito ang ginawa niya habang nakangiwi. Bahagya siyang natawa. "Wala! Kasi hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya, 'no? Ikaw kaya alukin ng kasal habang nag-e-emote makakasagot ka ba?" pakli niya."Ay, oo nga 'no?!" Pagsang-ayon na rin nito.Sa totoo lang hanggang sa mga oras na 'yon ay wala pa rin siyang sagot sa alok na iyon ng binata. Hindi niya alam kung oo o hindi ang sagot niya at kung alin man doon ang magiging sagot ay kailangan may paliwanag siya. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang ihatid siya nito at mula noon ay hin
MATAAS NA ang araw sa labas pero tila wala sa plano ni Nathalie ang kumilos. Nakauwi na siya sa bahay nila kaninang madaling araw lang. Inihatid siya ni Erwann. Sinubukan pa niya itong imbitahan para makapagkape pero tumanggi na ito dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin. Pero bago umalis ay may sinabi ito sa kanya."Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa 'yo, Alie. Lalo na ang iniaalok ko. Alam kong nagugulat ka pa sa mga sinabi ko pero seryoso ako at hindi ako nabibigla lang. Maghihintay ako sa magiging sagot at desisyon mo…" Pagkatapos no'n kinintalan nito ng halik ang noo niya.Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ipinahayag ng binata sa kanya pati na rin ang ginawa nitong paghalik sa noo niya. Sumama lang naman siya rito dahil ayaw niyang mag-krus ang landas nila ng ina at nasabi niya rin dito ang mga pinagdaanan niya. Nais lang niyang may mapagsabihan ng sama ng loob na kinikimkim niya. Pero hindi niya inaasahan ang naging reaksyon nito.Inaalok lang naman siya ng isang Erwann
"N-NASAAN tayo?" Tanong ni Alie habang inililibot ang tingin sa paligid. Nakaparada ang sasakyan ng binata sa tapat ng isang matayog na gusali na sa paningin niya ay animo hotel."We are in front of my condo building. I'm sorry this is the first place that I thought. Sa tingin ko kasi hindi mo gugustuhing makita ka ni Tantan na ganyan," anito. Nakita niya ang mukha mula sa side mirror. Namumugto ang mga mata niya na animo pinapak siya ng bubuyog.Nagpakawala siya ng malalim na hininga. May punto ito. Isa pa, hindi niya kayang harapin ang mga tanong ni Mandy kung sakali. Para bang natangay ng pag-iyak ang kakayahan niyang magsalita. Sa tuwing naiisip niya ang nangyari hiindi niya lubos maisip na iiyak siya ng gano'n sa muling pagkakita niya sa ina."Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwi. Ihahatid kita," wika nito.Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "H-hindi pwedeng makita nila akong ganito,""Gusto mo bang umakyat sa unit ko? Pwede kang magpalipas ng gabi roon," prisinta nito. N
"ANG LAKI naman pala talaga ng venue na 'to, 'no?" Hindi na alam ni Nathalie kung pang-ilang beses na 'yong sinabi ni Mandy sa buong durasyon ng pag-aayos nila. Kahit siya ay namamangha at may konting inggit na naramdaman sa birthday celebrant. Hindi niya kasi naranasan ang mag-celebrate ng kaarawan."Pakibilisan mo na para matapos na tayo at makapaghanda sa outing natin mamaya," wika niya. Stage na lang ang ginagawa niya at tapos na ang nasa paligid. Mukhang mahilig sa bulaklak ang mother ng celebrant dahil halos buong lugar ang pinalagyan nito."Ay, oo nga pala, pinaghihintay tayo ng event coordinator dahil gusto raw tayong makausap ng mommy ni debutant. Baka bigyan tayo ng malaki-laking tip dahil balita ko nagustuhan raw ang setup mo," anito."O, sige sayang din 'yon saka maaga pa naman." Nang mailagay ang huling stem ng fresh carnation ay nakangiti niya 'yong pinagmasdan.Ni sa hinagap hindi niya na-imagine na magkakaroon siya ng mga ganitong proyekto. Unti-unti na ring lumalago a
TAHIMIK lang na umiinom si Erwann sa sulok ng high-end club na kinaroroonan. Nagpunta siya roon kasama ang mga bagong business partner para i-celebrate ang partnership nila. Naiwan siya sa lounge dahil nagkakasayahan na ang mga ito sa dance floor. Kasama niya ang pinsang si Colton kanina pero bigla na lang itong nawala at sigurado siyang may pinopormahan na itong babae.Hindi niya alam kung pang-ilang baso na niya ng alak 'yon. Wala siyang planong magpakalasing pero ayaw naman niyang manood at tumanga lang sa mga taong naroon."Can I sit here?" Tanong ng babae. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Carrie.Hindi siya nagsalita at nagkibit lang ng balikat. Tumalima naman ito at naupo sa katapat niya. Iniiwas niya ang tingin dito at tahimik na ipinagpatuloy ang pag-inom. He's still giving her the cold shoulder because she doesn't want to give her false hopes. Pero sa ilang araw nila sa Singapore ay napansin niyang tila nagbago na ito. She's not pushing herself to him like she
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen