Share

Kabanata 2

Secret

“Good morning, Ma’am Fiona...” 

“Morning,” I responded.

Nginitian ko ang mga empleyado sa Villaruz hotel nang makapasok ako sa lobby at sunod-sunod ang pagbati na natatanggap ko.

Diretso akong nagtungo sa opisina ni Trevious. Alam kong maaga siyang pumapasok kaya sigurado akong nandito na siya.

Napabuntong hininga ako nang nakapasok sa loob ng elevator. Sumara ang pinto nito kasabay nang dahan-dahan na pagpikit ng mga mata.

I forgot my phone at Liam’s penthouse and I didn’t bother to get it. After what happened last night, I didn’t try to talk to him anymore.

Hindi rin ako pumasok sa restaurant kung saan chef manager ako kaya wala akong balita kung anong nangyayari.

Napamulat ako ng mga mata at saktong bumukas ang pintuan ng elevator kaya diretso na akong humakbang palabas at nagmamadaling tinahak ang daan patungo sa opisina ni Trevious.

I took a deep breath before I knocked twice, and in just seconds when I heard my fiance's baritone voice.

“Come in,” he said calmly.

I calm myself first as soon as I slowly open the door. Nagpakawala agad ako nang malapad na ngiti sa labi pagkapasok, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang nakita ang taong kausap ni Trevious.

Malakas na kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba, takot at konsensiya. I blinked twice when they both coincide glanced at my direction.

“Hi, babe…” Trevious greeted as he smiled widely. 

Pilit akong ngumiti kay Trevious at diretso siyang tinignan sa kaniyang mga mata upang itago ang kabang nararamdaman.

Dahan-dahan kong sinarado ang pintuan at saktong dumako ang paningin ko kay Liam na mapungay ang mga mata na nakamasid sa akin.

“Hi, Fiona…” he greeted.

“H-Hello,” I stammered. Shit. 

Lihim akong napalunok at nang sumara na ang pinto ay mabilis akong humakbang palapit kay Trevious habang hawak-hawak ang dala kong nilutong pagkain.

“What brought you here, babe?” Trevious asked as he looked at the paper bag that I’m holding. 

Pilit akong ngumiti at nilapag sa kaniyang lamesa ang dalang pagkain. Hindi ko napigilan ang sariling tingnan si Liam na nahuli kong nakamasid sa akin kaya nataranta akong nag-iwas ng mata. 

Anong ginagawa niya rito? S-Sasabihin niya ba? Huwag naman sana.

“I cooked your favorite adobo, babe,” sambit ko at nilingon si Trevious na inalis ang salamin sa kaniyang mata. 

Sinarado niya rin ang kaniyang laptop bago ibinigay ang buong atensiyon sa akin.

“Tamang-tama, gutom na rin ako,” he laughed. “You didn’t text me, babe. Maybe the reason why you’re not answering my call is that you’re preparing my food,” tumatawang dagdag niya.

Ngumiti na lang ako at inaayos na ang kaniyang kakainin ngunit muli akong kinabahan sa sunod niyang mga sinabi.

“Anyway, dude, what brought you here? I almost forgot you,” said Trevious.

Saglit akong napahinto sa paghahanda ng pagkain at bumaling kay Liam na may dinukot sa kaniyang bulsa ng pantalon habang may ngiti sa kaniyang labi. 

Umiwas agad ang ulo ko dahil may kung ano sa kalooban ko ang nagwawala.

And after a few minutes, Liam laughed softly as he spoke. 

“Naiwan ni Fiona ang phone niya, kaya naisipan kong ihatid dito dahil sumadya rin ako sa shop ni Alex, nasiraan ako ng kotse,” aniya pero hindi ako naniniwala. 

Palihim akong bumaling sa kaniyai at sinamaan siya ng tingin nang magsalita si Trevious.

“Oh, where did she leave it?” Trevious asked curiously as he held my arms. Nanginig iyon.

“You’re shivering, babe. Are you okay? You should rest if you’re not feeling well,” ani Trevious. 

“I-I’m fine,” I smiled at him as soon as I gazed back at Liam while already holding my phone.

I swallowed hard in a massive trembling. I was hoping that he would lie where I left my phone but I’m wrong. Parang sasabog ang dibdib ko nang narinig ang kaniyang mga sinabi.

“She left it in my penthouse last night,” he said.

Napaawang ang labi ko nang lumingon kay Trevious na magkasalubong na ang kilay. Nag-init ang bawat sulok ng mata ko habang nakatitig sa kaniya.

“B-Babe…”

“She left it last night after our meeting, and she didn’t have a chance to get it so I decided to bring it here since she didn’t also report in the restaurant,” dire-diretsong sinabi ni Liam kaya napalingon ako sa kaniya.

Tumaas ang isang kilay niya at hindi nakawala sa paningin ko ang kaniyang multong ngiti sa labi. Saglit na nagkatitigan ang mga mata namin na agad ko ring pinutol. 

I sighed in relief. “I’m sorry, I… I was not feeling well,” I reasoned. 

It’s true. After what happened last night, I got a mild fever and lasted for the whole day. My body ached, my pearl is still sore the reason why I didn’t go to work. Nakatulong na rin iyon dahil kahit paano ay naiwasan ko siya ng araw na ‘yon.

“Are you okay now? You can take a rest in my room,” Trevious offered.

Ngumiti ako sa kaniya at akmang tatango nang narinig ang malakas na pagtikhim ni Liam kaya inis akong lumingon sa kaniya.

“Buds, can we talk-”

I suddenly felt nervous.

“Hindi na pala, babe. K-Kailangan ko pa lang pumasok sa restaurant. May tatapusin pa ako,” agap ko at napatingin kay Liam na naiwang nakaawang ang labi.

“‘Di ba, Sir?” saad ko.

“Liam would understand about it, Fiona. No need to go-”

“I’m good now, Trevious…” I cut him without looking.

Nanatili ang titig ko kay Liam na ngayon ay unti-unting kumukurba ang ngiti sa kaniyang labi bago tumango.

“It’s fine, Miss Ronquillo. But it’s up to you,” aniya.

I smiled forcibly but deep I wanted to hiss him. “I will go to work, Sir…” 

“Babe? You sure?” Trevious asked again.

Nilapitan ko si Trevious at marahang umupo sa kaniyang kandungan. Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang kamay nang yakapin niya ang aking balakang.

Nakakailang. 

Ang tagal na namin, pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na umupo ako sa kaniyang kandungan.

Pumulupot ang braso ko sa leeg niya at sumubsob ang mukha sa kaniyang balikat. Namasa ang mga mata ko. I’m sorry, Trevious. 

“You okay?” he whispered. 

Napatango lamang ako at hinayaan ang sarili ko sa ganoong posisyon. 

"I have to go," boses ni Liam.

Hindi na ako nag-abalang tumingin sa kaniya hanggang sa narinig ko na lamang ang pagbubukas-sara ng pintuan ng opisina ni Trevious. 

Suminghap ako at mariin na pumikit ang magta bago kumalas ng yakap sa kaniya at bahagyang humilamos sa mukha. 

"You look pale, Fiona. You don't have to go to work if you're not feeling well. I'll talk to Liam," ani Trevious. 

Tuluyan nang bumagsak ang luha sa aking mga mata. Trevious is a good guy. He doesn’t deserved what I’ve done.

We've been together for years and he never does something wrong. Maybe he has a lack of time with me because of his work. Aside from it, nothing more.

Aminado akong masiyado siyang busy kaya hindi kami masiyadong nagkakausap o nagkakasama pero naiintindihan ko dahil daan-daan ang bilang ng hinahawakan niyang resorts lalo na't mag-isa lang siya. 

Nagkulang man siya ng oras sa akin pero ni minsan hindi siya nagloko. He respects me so much but despite his kindness… nagawa ko parin sa kaniya ang bagay na 'yon!

"I'm sorry if I don't have much time with you. My father is in the hospital together with my mother. My grandparents need me-"

"I understand, Trevious…" I trembled as I sobbed silently.

"What happened? You're crying?" tanong niya at sinubukan pang tingnan ang mukha ko ngunit muli ko lang siyang niyakap. 

"Na m-miss lang kita, Ken," sambit ko.

Nakokonsensiya ako. Ikakasal na kami pero nakagawa pa ako ng kasalanan at… hindi ko kayang aminin. Natatakot ako.

"I miss you," he chuckled and hugged me back. 

"Anyway, how’re your parents? we'll be meeting our wedding designer by next week," aniya. 

Napakagat labi ako at hindi agad nakaimik. Next week na. Ang bilis.

"We should prepare our wedding-" 

His words got cut when a loud phone ring interrupted. Mabilis akong lumayo kay Trevious at nilingon ang tumutunog na cellphone na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa. 

Inabot iyon ni Trevious kaya nakita ko kung sino ang caller. It's Liam.

Lumingon sa akin si Trevious bago sinagot ang tawag. Inabala ko na lamang ang sarili sa pag-aayos ng iba niyang magulong gamit ngunit napahinto na naman ako at napuno ng takot ang sistema ko nang narinig ang boses ni Liam sa kabilang linya.

"Buds, can we talk in private?"

Nagtiim-bagang ako. Ano bang sasabihin niya? Balak niya ba talagang guluhin kami? Balak niya bang sabihin ang totoo? Napakuyom ang kamao ko dahil sa sobrang iritasyon. 

"Sure, buds. But my schedule is so hectic. I couldn't cancel any of them. I'll just find some free time maybe by next week. I also need to meet my client out of town," Trevious said, I immediately glance at him. 

Nakatingin din siya sa akin. 

Aalis na naman siya? Dahil sa narinig ay napaiwas ako ng mata sa kaniya.

"It's fine if we can talk in phone," ani Liam sa kabilang linya. 

Tumalikod ako at mariing pumikit. Mukhang balak niya talaga sabihin ang nangyari dahil wala naman ibang importanteng sasabihin iyon maliban sa pagkakamali na nagawa namin.

Humakbang ako upang lumabas saglit ng opisina ngunit hindi sinasadyang natapilok ako.

"Fiona!"

Akala ko babagsak na ako sahig ngunit mabilis na nahapit ni Trevious ang baywang ko at nahulog naman ang kaniyang cellphone sa sahig.

"Shit. Are you really okay?" 

I could feel his worry in his voice. At mas lalo akong nakokonsensiya. Hindi ko na alam ang gagawin.

Inalalayan niya akong makatayo ng maayos ngunit agad akong lumayo sa kaniya habang pigil ang mapahikbi. 

"P-Papasok na ako sa restaurant. Malilate na pala ako," saad ko at hindi makatingin sa kaniya. 

"No. You're not feeling good. You'll stay here and rest," seryoso niyang sinabi. 

“Okay lang ako, Ken. I really need to fix something in my office. I have to go," sabi ko at mabilis na yumakap sa kaniya bago dali-daling lumabas ng kaniyang opisina.

"Fiona-"

"See you tomorrow, babe. I love you!" pahabol kong sigaw hanggang sa tuluyan makalabas. 

Pinalis ko ang namuong luha sa bawat sulok ng aking mga mata at nagmamadaling lumabas ng Villaruz building patungo sa Ishikawa restaurant kung saan chef manager ako. 

I stay calm outside despite the rage feeling inside of me. Muling namumuo ang galit sa dibdib ko nang nakita ang harapan ng restaurant. 

No! I won’t let Liam ruin us! I love Trevious and we’re now getting married!

Dire-diretso akong pumasok sa loob at walang alinlangan na dumiretsong pumasok sa opisina ni Liam. Wala akong pakialam kung magalit pa siya kahit na siya ang boss ko.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla itong bumukas at iniluwal nito ang sexy na babae. Napalunok ako at mas dumoble ang inis na nararamdaman sa kalooban sa hindi malamang dahilan. 

Inirapan ako ng babae bago ito tuluyang lumabas habang inaayos pa ang magulong buhok. Pumasok ako sa loob at pabagsak na sinarado ang pintuan. 

"You back, Fiel…" he stated as he gazed in my direction.

"What brought you here? I thought you were not feeling well. You should rest," malumanay niyang sinabi. 

Napatiim-bagang ako at pabagsak na pinatong ang bag sa kaniyang lamesa na puno ng mga papeles.

"Ano bang balak mo ha?!" singhal ko bigla. 

Tumaas ang isa niyang kilay na wari'y nagtataka. "What are you talking about?"

I clenched my fist. "Don't you dare to tell my fiance what happened to us! don't ruin us!" I hissed in delusion. 

Sumeryoso ang kaniyang mukha at dahan-dahang tumayo. Bumuga siya ng hangin at niluwagan ang pagkakatali sa kaniyang neck tie bago tumingin sa akin at unti-unting lumalapit. 

"So, are you saying that we should keep it a secret?" 

I swallowed. "Yes."

"Do you think I will do that-"

"Oo! Dahil malaking pagkakamali iyon, Liam! kasalanan!" mariin kong sinabi.

"Kasalanang ginusto natin," aniya. 

Napailing ako. "Ginusto mo! Hindi ako!"

He laughed in amusement. "Stop denying, Fiel-"

"I'm drunk! You take advantage of me!" I gritted my teeth in irritation.

"I am not, Fiona! Yes, I'm not perfect. I'm not a saint not to be tempted since you asked for it! You begged me for more!" he asserted in a serious tone as soon as my tears rolled down my cheeks.

Napailing-iling ako sa kaniya. Humakbang ako paatras ngunit mabilis niyang nakabig ang balakang ko palapit sa kaniya.

"Let me go!" angil ko. 

"No! Do you want us to talk right? Then let’s talk!" he stated.

"Ano ba Liam-"

"I'm going… to tell the truth. I have our video as a piece of evidence that we both like what happened to us, Fiel..." bulong niya na nagpatahimik sa akin. "Try me."

Napakuyom ang kamao ko at sinamaan siya ng tingin. "Gago ka! Gago ka! Ang sama mo!" 

"Yeah, I am. That's why I set a meeting for my best friend," he smirked.

Sunod-sunod na bumagsak ng luha ko at mabilis na umiling sa kaniya.

"No, don't tell him! Don't ruin us! Magkaibigan kayo ‘di ba? It… It was a mistake. Hindi ko ginusto iyon, naiintindihan mo ba?!” 

Pumalag ako sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo lang humigpit iyon.

"You do like it, Fiel. You even ask for more-"

"Hindi!" I scream.

He laughed. "Oh, it doesn't matter. It’s already happened. You can’t deny the truth that I got you, first, Fiel… Absolutely pure and clean…” He pointed out while smirking. 

"Stop! That was a mistake, Liam!” I yelled.

"Yeah, pleasurable mistake…" he whispered sensually, and there some voltage of electricity run all over my spine. 

Napasinghap ako. "Liam…"

I sobbed. 

"Yes?" he then gently fixed my messy hair.

"P-Please don't tell. My parents would be disappointed in me. Trevious will be hurt-"

"I'm also in pain," aniya ngunit hindi ko na pinansin.

"Please, I'm pleading with you. I'll do e-everything just don't tell anyone…" I begged again and again as another fresh tear streamed down.

He snickered. "Everything?"

I nodded. "Oo."

Yumuko ako at pumikit. Hinayaan ko ang kaniyang mga kamay na nakayakap sa akin. Ramdam ko rin ang pagtama ng mainit niyang hininga sa aking leeg. 

"I can do that…" he whispered. 

"Talaga?" I tried to remove his hands but he didn't let me.

He gasped. "Yes, but…"

My brows furrowed as I stared at him eagerly. "But what?"

He exhaled. "Make me your little dirty secret, Fiel..." 

"Huh? What do you mean?" naguguluhan kong tanong. 

"Let's keep in touch, Fiel,” sambit na nagpatiim-bagang sa akin.

"Sa tingin mo pagkatapos nang nangyari sa atin, mananatili pa ako rito?!” sikmat ko.

"That's it, Fiona. That's why I'm asking you to let’s keep in touch in exchange, I'll shut my mouth…" he deals me.

"What?! This is another mistake Liam! Mali na ang lahat dinadagdagan mo pa ang kasalanang nagawa-"

"I don't fucking care. Kasalanan na kung kasalanan," mataman niyang sinabi kaya napalayo ako sa kaniya ngunit muli niya ang akong kinabig payakap. 

"You don't know what you are saying!" I buzzed. 

"I know what I'm saying, Fiel,” he said and gasped. “And I’m sure about it.”

I looked at him terribly.

“And If it's the only way to have you, then so be it. I'm willing to be your little dirty secret just don't stay away from me, Fiona Elysse…" he whispered beggingly.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status