“Go ahead.” Ipinagpatuloy ni Astrid ang pag-inom ng kape habang pasimpleng tinataboy ng kaniyang kamay ang professor na nangangahulugang tapos na ang kanilang pag-uusap.
Buzz… buzz.. buzz..naramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cell phone na nasa loob ng kaniyang lab gown. Sinilip niya ito at nakita kung sino ang tumatawag sa kaniya ng mga oras na iyon.
Caller ID: Grandpa Arthur Lorenzo. Mabilis na sinagot ni Astrid ang tawag sa kaniya.
Bago pa siya magsimulang magsalita ay narinig niya na agad ang masigla at masayang boses mula sa kabilang linya.
“Totoo ba ang nabalitaan ko na hindi na itinuloy ng fiancé mo ang engagement niyo? Congratulations! Hahaha—“ Pagkarinig sa sinabi ng matanda ay hindi na nabigla si Astrid, tama ang hula niya na ito ang dahilan ng pagtawag sa kaniya nito.
Hindi siya sumagot at hinintay na magpatuloy ang matandang lalaki na sabihin ang iba pang dahilan ng biglang pagtawag nito.
“Astrid, kung natatandaan mo pa ang kasunduan natin, hangga’t hindi ka engaged sa ibang lalaki ay susubukan mong makipagkasundo sa apo ko. Ngayon na wala ka ng fiancé, oras na para tuparin mo ang kasunduan natin.”
Marahang itinaas ni Astrid ang kaniyang kilay. “Payag ako, pero payag po ba ang apo niyo? Sa pagkakaalam ko siya ang pinakakilalang bachelor sa Vista City at maraming magagandang babae ang nakapaligid sa kaniya. Sigurado po ba kayo na papayag siya?”
“Kailangan niyang pumayag kahit na ayaw niya pa. Oo nga pala, para maiwasan na maexpose ang identity mo, inutusan ko siya na sunduin ka sa mall malapit sa institute. He should be there soon. I also gave him your information, and he’ll notify you when he arrives.”
“Grandpa—“ Magpoprotesta pa lang sana si Astrid ng makatanggap ng text message.
Isang maikling salita lamang ang nakita niya sa loob ng text message: [Arrived.]
Sa kabilang linya ay hindi napalampas sa pandinig ng matandang lalaki ang notification tone at nagmamadaling nagsalita: “Mukhang nagtext na sayo ang apo ko. Replyan mo na siya kung nasaan ka at sabihin mo na sunduin ka na niya.”
“Oh, okay po.” Lumapit at nagpaalam na si Astrid sa mga professors sa kalagitnaan ng selebrasyon at umalis na sa institute.
Pagkalabas niya ay nakita niya agad ang isang itim na Mercedes-Benz.
“This car… looks familiar…”
Tatlong taon na ang nakalipas ng may isang mayamang overseas businessman ang nagligtas sa buhay ng kaniyang tatay. Isang limited edition Mercedes-Benz ang ipinadala nito bilang regalo sa kaniya. Hindi siya mahilig magmaneho ng sasakyan kaya ibinigay niya ito kay Grandpa Arthur bilang regalo sa kaarawan nito.
Mayamaya pa ay dahan-dahang bumaba ang driver’s window at iniluwa ang gwapong mukha ng isang lalaki.
“Hello, you are Astrid Trinidad, right?”
“Yes.” Tumango si Astrid at tumingin sa lalaking nasa loob ng kotse.
Nakasuot ito ng floral shirt at kakaibang kwintas sa leeg nito. Kung titingnang mabuti ay makikita agad na may marangyang pamumuhay ito.
Ito ba ang tinutukoy na apo ni Grandpa Arthur? What a surprise!
“Wow! I didn’t expect you to be so good-looking?” Matapos purihin ng lalaki si Astrid ay lumingon ito sa back seat ng kotse at kinausap ang taong nakaupo doon: “Pierre, how lucky you are bro! Grandpa Arthur has a good taste.” May kalakip na pang-aasar sa tono ng boses nito.
Matapos marinig ang usapan ng dalawa, doon napagtanto ni Astrid na hindi ang lalaking kausap niya kanina ang apo ni Grandpa Arthur.
Bago pa mabuksan ni Astrid ang pintuan ng kotse ay nakarinig siya ng isang mababa, malumanay, at malamig na boses na nanggaling sa back seat. “She has nothing to do with me.”
Pagkarinig sa sinabi nito ay nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Astrid. Pinagpatuloy niyang buksan ang pinto at sumakay na dito. Pagkaupo ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makita ang kabuuang hitsura ng apong lalaki ni Grandpa Arthur. Kasabay ng kaniyang paglingon ang pagtama ng kaniyang mata sa mukha ng lalaki.
Sa kabila ng pagiging dalawangpung taong gulang pa lamang na edad, nalibot na ni Astrid ang di mabilang na mga bansa. Nakita niya na rin ang iba’t-ibang klaseng uri ng nag gagwapuhang mukha ng mga lalaki pero kakaunti pa lamang sa mga ito ang talagang nagpahanga sa kaniya kagaya ng mukha ng lalaki na nasa harap niya ngayon.
Nagmamadali niyang binawi ang tingin dahil kagaya nga ng sinabi nito kanina ay wala itong kinalaman sa buhay niya.
Napansin niya rin na ang lalaki sa tabi niya ay abala sa pagtatrabaho sa laptop nito na hindi man lang siya makuhang lingunin kahit sandali para batiin o kausapin man lang. Masasabi ni Astrid na katulad niya ay pinilit lang din ito sa sitwasyon nila.
Hindi mapigilang mapaisip at mapatanong si Astrid kung bakit napakamapilit ng matandang Don na ipagkasundo siya sa apo nito kung halata naman sa unang pagkikita nila na hindi ito sang-ayon sa desisyon ng kaniyang lolo.
Dumating ang ika-25 na kaarawan ni Sheila. Pinareserve ng kaniyang boyfriend na si Paul ang pinakamahal na private room sa isang kilalang KTV bar. Hinatak ni Xiara ang kamay ni Astrid habang humihingi ng paumanhin. "Pasensya na talaga Astrid kung pinilit kitang sumama dito. Ikaw lang ang malapit sa akin sa klase at alam ko na mabo-bore lang ako kung wala ka." "It’s okay, Xiara. Magkaibigan tayo kaya hindi mo kailangan mag-sorry.” Pagkasabi nito ni Astrid ay biglang nagsalita si Mira. "Huwag ka na magpanggap, Astrid. Hindi bagay sayo.” Sarkastikong sabi ni Mira. “Anong silbi ng pagiging maganda kung hindi naman siya ang class president? Kaya ba niyang makapunta sa ganitong klaseng lugar?" Para magpakitang gilas kay Paul ay nakisali rin ang iba pa sa kanilang mga kaklase sa usapan. "Naalala niyo ba na may sumundo kay Astrid noong isang araw? Naka-limited edition model ng Mercedes pa iyon." Dagdag komento ng isa. Mapang-asar na tawa ang naging reaksyon ng lahat. "Really? Kung talaga
Ikadalawampu ng buwan, ilang araw bago sumapit ang ika-28. Sa mga panahong ito ay lahat ng pangunahing media outlet ay nag-uulat tungkol sa matagumpay na pananaliksik sa mga bagong nanomaterials. Ngayong gabi ay magkakasamang kumain ang pamilya Trinidad habang nanonood ng balita sa TV. “Sa simula ng buwang ito ang ang pangkat ng pananaliksik na pinamumunuan ni Academian T ng Vista City Research Institute. Matapos ang isang taon ng masusing pag-eeksperimento ay sa wakas matagumpay na nakabuo ng bagong uri ng nanomaterial. Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang nagdulot ng sensasyon sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo.” Maririnig ang pagbabalita ng isang kilala at nirerespetong newscaster sa isang malaking news channel. “Ang galing talaga! Sa loob lang ng isang taon ay nakabuo agad sila ng bagong uri ng nanomaterial. Narinig ko rin na ang pangunahing tao sa grupong researchers ay si Academian T. ay napakabata
“Ahchoo!” Malakas na napabahing si Astrid habang naglalakad pauwi mula sa eskuwela. Sino kaya ang kanina pa nag-uusap tungkol sa kaniya? Habang iniisip ito ng dalaga ay biglang may dumaan na magarang sports car palapit sa kanila. Agaw pansin ang lumiliwanag at puno ng pulang rosas na likod ng sasakyan. Mayamaya pa ay huminto ang kotse sa harapan niya at bumaba ang driver nito. Naglakaad papalapit ang lalaki sa kaniya at inabot ang isang malaking bouquet ng rosas. “Astrid, let's go have a meal together?” Puno ng yabang na tanong nito. Habang sinasabi ito ni Paul ay itinaas nito ang kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang noo. Tumingin si Astrid sa rosas na hawak ng binata at dahan-dahang nagsalita, “Nanliligaw ka ba?” “Oh, you’re smart! Ang pinakagusto ko iyong matatalinong babae.” Sagot naman ni Paul at ngumisi. “Ikaw ang boyfriend ng Class President namin. Sigurado ka ba sa sinasab
“Hindi ko na talaga kaya! Pierre, naaawa ako sayo ngayon. Kahit na one month engagement lang ang napagkasunduan niyo, naaawa pa rin ako dahil napakasobrang yabang ng fiancée mo.” Tinitigan ni Nico ang papalayong dalaga sa gate at lalo siyang nakaradamdam ng pagkainis. Inalis na ni Pierre ang tingin niya kay Astrid. “Let’s not talk about that. Kumusta ang naging appointment mo kay Sam Torres?” Ininom muna ni Nico ang tea para kumalma. “The time has been set. We will meet at a suitable time after the launch event of the new research to see who is better.” “Bakit kailanga pa nating maghintay pagkatapos ng press conference?” Nagtatakang tanong ni Pierre. Napaisip din si Nico bago sumagot, “Sa tingin mo ba aattend din si Sam Torres sa press conference ng bagong research project? Or should I say, that she also wants to compete for the authorization of the new nanomaterials?” Sa tingin ni
Pagkarinig sa sinabi ni Astrid ay sabay na napabaling ng tingin sina Pierre at Nico sa kaniya. “You know?” tanong ni Pierre habang nakakunot ang noo kay Astrid. “Yes,” tipid na sagot naman sa kaniya ng dalaga. Kaninang umaga ay ininform siya ng isa sa professor mula sa research institute para ipaalam na nakapili na ng petsa para sa press conference. Sa ika-28 ng buwang ito. Tinawagan siya nito upang tanungin kung ayos lang ang ba oras nito sa kaniya at kung hindi ay maghahanap sila ng iba. “Oh? How did you know?" balik tanong ni Pierre na may bahid ng pagtataka sa mata. Bahagyang kumunot ang noo ni Astrid. “Hindi ko maibibigay ang buong detalye pero masasabi kong sa ika-28 ang sinet na date.” Hinila ni Nico si Pierre sa isang tabi at bumulong para masiguro na silang dalawa lang ang makakarinig, “I really can’t stand her! Kung hindi lang siya maganda ay baka matagal na akong sumuka sa ugali niya. Marami
Nasabi ni Astrid sa kaniya noon na hindi siya karapat-dapat para dito. Mukhang ang sinabi ng dalaga sa kaniya ay hindi basta pagmamayabang lang dahil may sarili itong malalim na dahilan. Ang kakayahan nitong mag-ayos ng mga robot ay hindi sapat para maging kapantay niya, lalo nang hindi siya karapat-dapat para sa dalaga. Tiningnan ni Astrid si Lucian na nakaluhod sa harap niya at biglang naalala si Yuna na kaninang umaga ay nagpupumilit din na turuan niya at gawin siyang master nito. Anong bang mayroon sa araw na ito? Bakit sila nag-uunahan na gawin akong teacher nila? “Pagbigyan mo na po ako, Ate. Pangako, hindi ka magsisisi!” Patuloy na pangungulit ni Lucian kay Astrid para tanggapin ang alok niya dito. Napahawak na si Astrid sa kaniyang sentido. “Hindi sa ayaw kitang tanggapin, pero ayaw ko lang talagang tumanggap ng tuturuan. I’m busy everyday at maraming mahahalagang bagay na kailangan kong gawin. Wala na akong oras para magt