“Ms. Trinidad, nakalimutan ko pa lang magpakilala sayo. Ako nga pala ang kababatang kaibigan ni Pierre. I’m Nico.” Pagpapakilala ng lalaki na may hawak ng manibela.
“Oh, hello Nico.” Magalang na pagsagot ni Astrid.
“Excuse me for asking. Narinig ko na twenty years-old ka na pero hindi ka pa rin graduate ng high school?” Puno ng kuryosidad na tanong ni Nico.
“Uhm.” Sa pagkabigla ay hindi alam ni Astrid kung ano ang kaniyang isasagot.
“Malapit na ang college entrance examination. Sigurado ka ba na makakapasa ka sa mga university? Kung hindi, pwede kitang tulungan na makapasok. My grandfather is a professor at a higher education institution in the Vista City…”
Sa kalagitnaan ng biyahe ay pagsasalita lamang ni Nico ang maririnig at sa dami ng sinabi nito ay isang salita lang ang sinagot sa kaniya pabalik ni Astrid, “Hmm.”
Hindi napigilang hindi mapansin ni Nico na may pagkakaparehas sa personalidad ni Astrid at ng kaniyang kaibigan na si Pierre. Dahil sa tipid at pilit na mga sagot na nakukuha kay Astrid ay tumigil na sa pagtatanong si Nico.
Biglang naputol ang katahimikan ng magsalita si Astrid.
“Itong kotse, si Grandpa Arthur ang unang may-ari nito, di ba?
“Oo, paano mo nalaman?” Nagtatakang tanong ni Nico.
Kaswal na sinagot naman ito ni Astrid, “Of course I just know it. Ako ang nagbigay nitong kotse kay Grandpa Arthur.”
Pagkarinig sa sinabi ng dalaga, ang kaninang abala sa pagtatrabaho na si Pierre ay biglang nagtaas ng tingin para linungin ang babae sa kaniyang tabi.
Napatingin siyang maigi sa maganda at maamong mukha nito. May kakaibang kinang na mapapansin sa mga mata nito sa kabila ng kalmado nitong ekspresyon.
Bumalik sa katinuan ng pag-iisip si Pierre ng marinig ang malakas na pagtawa ni Nico, “Hindi ko alam na magaling ka pa lang magbiro. Nakuha mo pa talaga kaming lokohin na binigay mo itong kotse kay Grandpa Arthur. Grabe, ito na yata ang pinaka nakakatawang biro na narinig ko. Hahaha!”
“Hindi ka naniniwala?” Hindi mahilig magpaliwanag si Astrid at sinabi niya lang naman ang totoo.
Inakala ni Nico na nagbibiro lang si Astrid ngunit nang makita ang seryosong mukha nito ay napatigil siya sa pagtawa.
“Alam mo ba kung anong uri ng kotse ito? Di ba sabi mo binigay mo ito kay Grandpa Arthur.”
Kaya mo bang bumili ng ganitong kotse? Hindi direktang sinabi ni Nico sa kaniya ito pero hindi siya pinanganak kahapon para hindi malaman na ito ang iniisip ng lalaki.
Tumango si Astrid. “Nirealease ang kotse na ito ng Mercedes three years ago at limited lang sa sampung units worldwide.” Naalala niya na iyon ang sinabi ng overseas tycoon sa kaniya noon.
Nanlaki ang mata ni Nico. Totoo bang alam niya? Hindi makapaniwala si Nico pero ang mas hindi niya maintindihan ay bakit ang matalinong lalaki na tulad ni Don Arthur Lorenzo ay pipiliing ipakasal ang pinamamahal nitong apo sa isang tao na may taglay na kayabangan?
Gusto niya ba talaga na ganitong klaseng babae ang maging asawa ng apo niya?
Sa huli, para sa kapakanan ng pamilya Lorenzo ay itinigil na ni Nico na magtanong pa kay Astrid.
Mayamaya pa ay huminto ang kotse sa tapat ng Lorenzo mansion.
“We’re here.” Walang ekspresyon na anunsiyo ni Pierre kay Astrid.
“Alright.” Itinulak ni Astrid pabukas ang pinto ng kotse at bumaba na dito.
Nang masiguro na nakababa na si Astrid, mabilis na lumingon si Nico at tiningnan ang kaibigan na si Pierre na pababa na rin ng kotse. “Bro, huwag mo sana akong sisihin sa pagiging pakialamero ko, pero sa tingin ko hindi makakabuti sayo ang babaeng iyan. Nagkamali si Grandpa Arthur sa pagpili sa kaniya.”
Inulit lang ni Pierre ang sinabi niya kanina. “Just like what I said, she has nothing to do with me.” Gumaan ang loob ni Nico pagkarinig sa sinabi ng kaibigan at nang masiguro na wala itong interes kay Astrid.
***
Maaga pa lang ay naghihintay na si Don Arthur sa pagdating nila. Kapag kakita niya kay Astrid ay nagmamadali niya itong sinalubong. Makikita ang biglang pag-aliwalas ng mukha at napalitan ng sigla ang mata ng matanda.
“Astrid, hija you're finally here. Hindi ka pa nakapunta dito sa mansion namin dati, kumusta naman? Ayos lang ba sayo?”
Inilibot ni Astrid ang tingin sa kabuuan ng mansion at nahagip ng kaniyang mata ang mga mamahaling chandeliers, leather sofas, at maging ang kabuuan ng mansion ay mapapansin na may maganda at mamamahaling materyales na ginamit.
“Yes, Grandpa. It looks really good.”
“Well then. Magmula ngayon pwede ka ng tumira dito, maging granddaughter-in-law ko at bigyan niyo ako ni Pierre ng malulusog na apo. Hindi pwedeng isa lang, bigyan niyo ako ng pitong apo.”
Pagkarinig sa sinabi ng matanda ay hindi na napigilan ni Nico ang tumawa ng malakas, “Grandpa, bakit kailangan mo ng ganoon karaming apo? Bubuo ka ba ng sports team? Hahaha!”
Nasa magandang kondisyon si Don Arthur kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Nico. Inabot ng matanda ang kamay ni Astrid at ipinatong ito sa kamay ni Pierre.
Nagdikit ang kamay ng dalawa at mabilis nilang hinila ito palayo sa isa’t-isa na para bang nais nilang ipakita na hindi nila parehas gusto ang mga plano ng kanilang abuelo.
Dumating ang ika-25 na kaarawan ni Sheila. Pinareserve ng kaniyang boyfriend na si Paul ang pinakamahal na private room sa isang kilalang KTV bar. Hinatak ni Xiara ang kamay ni Astrid habang humihingi ng paumanhin. "Pasensya na talaga Astrid kung pinilit kitang sumama dito. Ikaw lang ang malapit sa akin sa klase at alam ko na mabo-bore lang ako kung wala ka." "It’s okay, Xiara. Magkaibigan tayo kaya hindi mo kailangan mag-sorry.” Pagkasabi nito ni Astrid ay biglang nagsalita si Mira. "Huwag ka na magpanggap, Astrid. Hindi bagay sayo.” Sarkastikong sabi ni Mira. “Anong silbi ng pagiging maganda kung hindi naman siya ang class president? Kaya ba niyang makapunta sa ganitong klaseng lugar?" Para magpakitang gilas kay Paul ay nakisali rin ang iba pa sa kanilang mga kaklase sa usapan. "Naalala niyo ba na may sumundo kay Astrid noong isang araw? Naka-limited edition model ng Mercedes pa iyon." Dagdag komento ng isa. Mapang-asar na tawa ang naging reaksyon ng lahat. "Really? Kung talaga
Ikadalawampu ng buwan, ilang araw bago sumapit ang ika-28. Sa mga panahong ito ay lahat ng pangunahing media outlet ay nag-uulat tungkol sa matagumpay na pananaliksik sa mga bagong nanomaterials. Ngayong gabi ay magkakasamang kumain ang pamilya Trinidad habang nanonood ng balita sa TV. “Sa simula ng buwang ito ang ang pangkat ng pananaliksik na pinamumunuan ni Academian T ng Vista City Research Institute. Matapos ang isang taon ng masusing pag-eeksperimento ay sa wakas matagumpay na nakabuo ng bagong uri ng nanomaterial. Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang nagdulot ng sensasyon sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo.” Maririnig ang pagbabalita ng isang kilala at nirerespetong newscaster sa isang malaking news channel. “Ang galing talaga! Sa loob lang ng isang taon ay nakabuo agad sila ng bagong uri ng nanomaterial. Narinig ko rin na ang pangunahing tao sa grupong researchers ay si Academian T. ay napakabata
“Ahchoo!” Malakas na napabahing si Astrid habang naglalakad pauwi mula sa eskuwela. Sino kaya ang kanina pa nag-uusap tungkol sa kaniya? Habang iniisip ito ng dalaga ay biglang may dumaan na magarang sports car palapit sa kanila. Agaw pansin ang lumiliwanag at puno ng pulang rosas na likod ng sasakyan. Mayamaya pa ay huminto ang kotse sa harapan niya at bumaba ang driver nito. Naglakaad papalapit ang lalaki sa kaniya at inabot ang isang malaking bouquet ng rosas. “Astrid, let's go have a meal together?” Puno ng yabang na tanong nito. Habang sinasabi ito ni Paul ay itinaas nito ang kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang noo. Tumingin si Astrid sa rosas na hawak ng binata at dahan-dahang nagsalita, “Nanliligaw ka ba?” “Oh, you’re smart! Ang pinakagusto ko iyong matatalinong babae.” Sagot naman ni Paul at ngumisi. “Ikaw ang boyfriend ng Class President namin. Sigurado ka ba sa sinasab
“Hindi ko na talaga kaya! Pierre, naaawa ako sayo ngayon. Kahit na one month engagement lang ang napagkasunduan niyo, naaawa pa rin ako dahil napakasobrang yabang ng fiancée mo.” Tinitigan ni Nico ang papalayong dalaga sa gate at lalo siyang nakaradamdam ng pagkainis. Inalis na ni Pierre ang tingin niya kay Astrid. “Let’s not talk about that. Kumusta ang naging appointment mo kay Sam Torres?” Ininom muna ni Nico ang tea para kumalma. “The time has been set. We will meet at a suitable time after the launch event of the new research to see who is better.” “Bakit kailanga pa nating maghintay pagkatapos ng press conference?” Nagtatakang tanong ni Pierre. Napaisip din si Nico bago sumagot, “Sa tingin mo ba aattend din si Sam Torres sa press conference ng bagong research project? Or should I say, that she also wants to compete for the authorization of the new nanomaterials?” Sa tingin ni
Pagkarinig sa sinabi ni Astrid ay sabay na napabaling ng tingin sina Pierre at Nico sa kaniya. “You know?” tanong ni Pierre habang nakakunot ang noo kay Astrid. “Yes,” tipid na sagot naman sa kaniya ng dalaga. Kaninang umaga ay ininform siya ng isa sa professor mula sa research institute para ipaalam na nakapili na ng petsa para sa press conference. Sa ika-28 ng buwang ito. Tinawagan siya nito upang tanungin kung ayos lang ang ba oras nito sa kaniya at kung hindi ay maghahanap sila ng iba. “Oh? How did you know?" balik tanong ni Pierre na may bahid ng pagtataka sa mata. Bahagyang kumunot ang noo ni Astrid. “Hindi ko maibibigay ang buong detalye pero masasabi kong sa ika-28 ang sinet na date.” Hinila ni Nico si Pierre sa isang tabi at bumulong para masiguro na silang dalawa lang ang makakarinig, “I really can’t stand her! Kung hindi lang siya maganda ay baka matagal na akong sumuka sa ugali niya. Marami
Nasabi ni Astrid sa kaniya noon na hindi siya karapat-dapat para dito. Mukhang ang sinabi ng dalaga sa kaniya ay hindi basta pagmamayabang lang dahil may sarili itong malalim na dahilan. Ang kakayahan nitong mag-ayos ng mga robot ay hindi sapat para maging kapantay niya, lalo nang hindi siya karapat-dapat para sa dalaga. Tiningnan ni Astrid si Lucian na nakaluhod sa harap niya at biglang naalala si Yuna na kaninang umaga ay nagpupumilit din na turuan niya at gawin siyang master nito. Anong bang mayroon sa araw na ito? Bakit sila nag-uunahan na gawin akong teacher nila? “Pagbigyan mo na po ako, Ate. Pangako, hindi ka magsisisi!” Patuloy na pangungulit ni Lucian kay Astrid para tanggapin ang alok niya dito. Napahawak na si Astrid sa kaniyang sentido. “Hindi sa ayaw kitang tanggapin, pero ayaw ko lang talagang tumanggap ng tuturuan. I’m busy everyday at maraming mahahalagang bagay na kailangan kong gawin. Wala na akong oras para magt