“Grandpa! I promised you to take her in. But let me clear things up that I have I have no feelings for her, so you should not worry about this matter.” Madiin na sabi ni Pierre habang mababakas ang biglang pagdilim ng mukha.
“Anong ibig mong sabihin na wala kang gusto sa kaniya? Totoo ba ang sinasabi mo? O may kinalaman ba dito ang naririnig kong balita na palaging si Nico ang kasama mo at hindi babae ang nagugustuhan mo?” May bahid ng pagkabigla na tanong ni Arthur sa apo.
“Ack!” Naibuga ni Nico ang kanina lang na iniinom dahil sa narinig na sinabi ng matanda.
“Grandpa! I swear I’m innocent! Hindi po totoo ang mga narinig niyo. Those are baseless rumors and nonsense!” Pagdepensa pa ni Nico at nagtatampo sa paratang sa kaniya ng lolo ng matalik na kaibigan.
“Ayokong making sa mga paliwanag mo. Simula ngayon layuan mo na ang apo ko.” Hindi na nakaimik pa ulit si Nico.
Sa nakikitang sitwasyon nila ngayon, masasabi ni Pierre na mukhang seryoso at determinado ang kaniyang lolo na matuloy ang gusto nito sa kanila ni Astrid.
“Grandpa, hindi kami compatible ni Astrid.” Buntong hiningang sinabi ni Pierre para ipakita sa abuelo na hindi niya gusto ang plano nito.
“Bakit naman? Paano mo agad nasabi iyan?” Kunot-noong baling ng abuelo sa kaniya.
Tiningnan ni Pierre si Astrid at seryosong nagsalita, “Grandpa, palagi mong sinasabi na mayabang ako and I’m aware of that. I admit it but I also have the right to be an arrogant. Hindi ako mayabang dahil lang sa pamilyang pinagmulan ko, kundi dahil sa sarili kong abilidad. Simula ng mag-aral ako, I was accelerated and directly recommended to higher education institution in the Vista City. After becoming the company’s chief executive, I achieved remarkable result and lead the company and our entire family to success.”
Ang kaninang nakakunot-noo ng matanda ay mas lalo pang lumalim, “Ano ang ibig mong sabihin sa mga sinabi mo?”
Naningkit ang mga mata ni Pierre at tiningnang maigi muli si Astrid at malamig na sinabi, “She is not worthy of me. I only like to settle with a woman who is good enough.”
“Anong sinabi mo? Na hindi siya bagay sayo? Alam mo ba kung sino si Astrid? Sa totoo niyan, siya ay—“ Bago pa matapos ni Don Arthur ang kaniyang sasabihin ay nagmamadali siyang pinigilan ni Astrid sa pagtapak ng madiin sa paa nito.
“What are you talking about?” Napalitan ng paghihinala na tanong ni Pierre, puno ng pagtataka sa hindi natuloy na gustong sabihin ng abuelo. Maging si Nico ay naging interasado rin dahil sa mga narinig at palitan ng tingin nina Astrid at Grandpa Arthur.
Nais na sana ni Grandpa Arthur na sabihin sa apo ang tunay na katauhan ni Astrid ngunit hindi siya pinayagan ng dalaga. Sa mga sandali na iyon ay ramdam niya pa rin ang masamang tingin nito sa kaniya dahil sa padalos dalos na pagsasalita niya.
“Ahem!” Umubo nang bahagya si Don Arthur bago pinagpatuloy ang pagsasalita. “Ang totoo niyan ay—si Astrid ang future granddaughter-in-law ko. Siya lang ang nakikita kong babae na karapat-dapat ipakasal sayo pero nakukuha mo pang sabihin na hindi siya bagay sayo? Twenty-seven years old ka na, maswerte ka pa nga at ayos lang kay Astrid na sa matandang tulad mo siya i-engage! Ikaw pa ang may ganang magsabi ng mga iyan sa kaniya! Wala akong pakialam sa mga paliwanag mo, humingi ka ng dispensa kay Astrid!”
Itinikom ni Pierre and bibig at tumayo ng tuwid habang inilipat ang tingin kay Astrid. Aminado sa sarili na kahit na hindi niya gusto ang plano ng abuelo ay hindi maganda ang mga sinabi niya sa dalaga na hindi niya naman lubos pang nakikilala.
“I’m sorry, my words may have hurt you, but I was telling the truth.” Pero hindi ibig sabihin ay magiging mabait ang pakikitungo niya dito dahil ayaw niyang magkaroon ng pag-asa ang abuelo na papayag siyang ipakasal sa babaeng nasa harapan niya.
Nilunok muna ni Astrid ang kinakaing orange at hindi nakatingin na sinagot ito: “You don’t have to apologize, because you said exactly want I wanted to say. Siguro nga magaling ka, but you are far worse than me. Just like you, I can say the same thing to you… you are not worthy of me.” Diretsong pahayag niya.
Ang kanina lang na mahinahong mga mata ni Pierre ay hindi napigilang mapilitan ng mas mapanuring tingin kay Astrid.
Tahimik lamang na pinapanood ni Nico ang mga nangyayari ngunit hindi rin inakala na sasabihin iyon ng dalaga. Maging siya ay nabigla sa mga sinabi ni Astrid sa kaibigan.
“Ano bang problema sa inyong dalawa? Parang wala talaga kayong pakialam sa nararamdaman ko!” Mababakas ang pag-aalala at galit sa mukha ng Don.
“Astrid, wag mong kalimutan na ikaw mismo ang nagsabi sa akin noong iniligtas ko kayo ng pamilya mo na papayag ka sa kahit anong kondisyon na ibigay ko. Kaya ako ang masusunod sa usaping ito!” Bahagyang kumunot ang noo ni Astrid at hindi na nagsalita pa.
“At ikaw.” Tiningnan ni Don Arthur ang apo, “Noong nag-aaral ka pa lang at pinipilit ka ng magulang mo na mag-aral araw-araw at nagbabakasali na ikaw ang makakatulong sa kumpanya, kung hindi kita sinuportahan sa paglalaro mo ng chess, sa tingin mo ba ay magagawa mong makapaglaro at makasali sa mga kompetisyon ng walang pag-aalala sa sasabihin nila? Nangako ka sa akin sa simula pa lang na kapag tinulungan kitang kumbinsihin ang magulang mo na maglaro ka ng chess, makikinig ka sa akin sa oras na may ipakiusap ako sayo. Binabawi mo na ba lahat ng sinabi mo noon?” Katulad ni Astrid ay hindi na rin nakapagsalita at hindi na alam ni Pierre ang sasabihin.
Isang mahabang katahimikan ang maririnig sa buong mansyon. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita muli si Don Arthur.
"Alam ko rin na ang pinilit na bunga ay hindi matamis, kaya hindi ko kayo pipilitin. Kaya magkompromiso tayo. Magpa-engaged muna kayo at subukang magkasundo. Kung hindi talaga maging maayos, saka tayo mag-usap ulit."
Saglit na nag-isip si Astrid at sumagot, "Hindi naman imposible, pero kailangan natin mag-set ng deadline."
"Sige, gawin nating sampung taon. Kung pagkatapos ng sampung taon ay pakiramdam niyo pa rin na hindi kayo bagay sa isa't isa, kalimutan na natin ang kasunduan. Hindi ko na kayo pipilitin," sabi ni Don Arthur.
Dumating ang ika-25 na kaarawan ni Sheila. Pinareserve ng kaniyang boyfriend na si Paul ang pinakamahal na private room sa isang kilalang KTV bar. Hinatak ni Xiara ang kamay ni Astrid habang humihingi ng paumanhin. "Pasensya na talaga Astrid kung pinilit kitang sumama dito. Ikaw lang ang malapit sa akin sa klase at alam ko na mabo-bore lang ako kung wala ka." "It’s okay, Xiara. Magkaibigan tayo kaya hindi mo kailangan mag-sorry.” Pagkasabi nito ni Astrid ay biglang nagsalita si Mira. "Huwag ka na magpanggap, Astrid. Hindi bagay sayo.” Sarkastikong sabi ni Mira. “Anong silbi ng pagiging maganda kung hindi naman siya ang class president? Kaya ba niyang makapunta sa ganitong klaseng lugar?" Para magpakitang gilas kay Paul ay nakisali rin ang iba pa sa kanilang mga kaklase sa usapan. "Naalala niyo ba na may sumundo kay Astrid noong isang araw? Naka-limited edition model ng Mercedes pa iyon." Dagdag komento ng isa. Mapang-asar na tawa ang naging reaksyon ng lahat. "Really? Kung talaga
Ikadalawampu ng buwan, ilang araw bago sumapit ang ika-28. Sa mga panahong ito ay lahat ng pangunahing media outlet ay nag-uulat tungkol sa matagumpay na pananaliksik sa mga bagong nanomaterials. Ngayong gabi ay magkakasamang kumain ang pamilya Trinidad habang nanonood ng balita sa TV. “Sa simula ng buwang ito ang ang pangkat ng pananaliksik na pinamumunuan ni Academian T ng Vista City Research Institute. Matapos ang isang taon ng masusing pag-eeksperimento ay sa wakas matagumpay na nakabuo ng bagong uri ng nanomaterial. Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang nagdulot ng sensasyon sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo.” Maririnig ang pagbabalita ng isang kilala at nirerespetong newscaster sa isang malaking news channel. “Ang galing talaga! Sa loob lang ng isang taon ay nakabuo agad sila ng bagong uri ng nanomaterial. Narinig ko rin na ang pangunahing tao sa grupong researchers ay si Academian T. ay napakabata
“Ahchoo!” Malakas na napabahing si Astrid habang naglalakad pauwi mula sa eskuwela. Sino kaya ang kanina pa nag-uusap tungkol sa kaniya? Habang iniisip ito ng dalaga ay biglang may dumaan na magarang sports car palapit sa kanila. Agaw pansin ang lumiliwanag at puno ng pulang rosas na likod ng sasakyan. Mayamaya pa ay huminto ang kotse sa harapan niya at bumaba ang driver nito. Naglakaad papalapit ang lalaki sa kaniya at inabot ang isang malaking bouquet ng rosas. “Astrid, let's go have a meal together?” Puno ng yabang na tanong nito. Habang sinasabi ito ni Paul ay itinaas nito ang kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang noo. Tumingin si Astrid sa rosas na hawak ng binata at dahan-dahang nagsalita, “Nanliligaw ka ba?” “Oh, you’re smart! Ang pinakagusto ko iyong matatalinong babae.” Sagot naman ni Paul at ngumisi. “Ikaw ang boyfriend ng Class President namin. Sigurado ka ba sa sinasab
“Hindi ko na talaga kaya! Pierre, naaawa ako sayo ngayon. Kahit na one month engagement lang ang napagkasunduan niyo, naaawa pa rin ako dahil napakasobrang yabang ng fiancée mo.” Tinitigan ni Nico ang papalayong dalaga sa gate at lalo siyang nakaradamdam ng pagkainis. Inalis na ni Pierre ang tingin niya kay Astrid. “Let’s not talk about that. Kumusta ang naging appointment mo kay Sam Torres?” Ininom muna ni Nico ang tea para kumalma. “The time has been set. We will meet at a suitable time after the launch event of the new research to see who is better.” “Bakit kailanga pa nating maghintay pagkatapos ng press conference?” Nagtatakang tanong ni Pierre. Napaisip din si Nico bago sumagot, “Sa tingin mo ba aattend din si Sam Torres sa press conference ng bagong research project? Or should I say, that she also wants to compete for the authorization of the new nanomaterials?” Sa tingin ni
Pagkarinig sa sinabi ni Astrid ay sabay na napabaling ng tingin sina Pierre at Nico sa kaniya. “You know?” tanong ni Pierre habang nakakunot ang noo kay Astrid. “Yes,” tipid na sagot naman sa kaniya ng dalaga. Kaninang umaga ay ininform siya ng isa sa professor mula sa research institute para ipaalam na nakapili na ng petsa para sa press conference. Sa ika-28 ng buwang ito. Tinawagan siya nito upang tanungin kung ayos lang ang ba oras nito sa kaniya at kung hindi ay maghahanap sila ng iba. “Oh? How did you know?" balik tanong ni Pierre na may bahid ng pagtataka sa mata. Bahagyang kumunot ang noo ni Astrid. “Hindi ko maibibigay ang buong detalye pero masasabi kong sa ika-28 ang sinet na date.” Hinila ni Nico si Pierre sa isang tabi at bumulong para masiguro na silang dalawa lang ang makakarinig, “I really can’t stand her! Kung hindi lang siya maganda ay baka matagal na akong sumuka sa ugali niya. Marami
Nasabi ni Astrid sa kaniya noon na hindi siya karapat-dapat para dito. Mukhang ang sinabi ng dalaga sa kaniya ay hindi basta pagmamayabang lang dahil may sarili itong malalim na dahilan. Ang kakayahan nitong mag-ayos ng mga robot ay hindi sapat para maging kapantay niya, lalo nang hindi siya karapat-dapat para sa dalaga. Tiningnan ni Astrid si Lucian na nakaluhod sa harap niya at biglang naalala si Yuna na kaninang umaga ay nagpupumilit din na turuan niya at gawin siyang master nito. Anong bang mayroon sa araw na ito? Bakit sila nag-uunahan na gawin akong teacher nila? “Pagbigyan mo na po ako, Ate. Pangako, hindi ka magsisisi!” Patuloy na pangungulit ni Lucian kay Astrid para tanggapin ang alok niya dito. Napahawak na si Astrid sa kaniyang sentido. “Hindi sa ayaw kitang tanggapin, pero ayaw ko lang talagang tumanggap ng tuturuan. I’m busy everyday at maraming mahahalagang bagay na kailangan kong gawin. Wala na akong oras para magt