Everybody thinks that Astrid Trinidad doesn't take everything seriously—immature, carefree, and seemingly unbothered by life’s demands. But behind her lighthearted façade lies her little secret. Pierre Lorenzo is everything she’s not: disciplined, enigmatic, and one of the youngest, most sought-after zillionaire in town. He’s the epitome of control, a man every woman desires but no one truly knows. Hindi nila gusto ang isa't isa, ngunit dahil sa isang kasunduan, napilitan silang ma-engage sa loob ng isang buwan. But as sparks fly and walls come down, will this one-month trial progress to something better, and will this hot zillionaire truly fall for Astrid? Could this forced engagement lead them to the love story they never saw coming?
Voir plusSa Hacienda Trinidad—tahimik na ngumunguya ng bubble gum habang bagot na nakaupo sa mamahaling sofa si Astrid. Sa unang tingin ay mapapansin agad ang kaniyang maputi at makinis na balat na kumikinang sa sinag ng araw.
Magandang pares ng kilay, maamong mukha at balinkinitang pangangatawan. Ang dalaga ay may taglay na agaw pansin at natatanging ganda na madalas lamang makikita sa mga obra at likhang sining.
Binuksan ni Astrid ng bahagya ang kaniyang mapulang labi, at pinutok ang lobo ng bubble gum na mas malaki pa sa kaniyang mukha.
“I don’t want a good for nothing woman like Astrid. I want to cancel this engagement!” Madiin na pagkakasabi at puno ng pagkasuklam na tingin ng lalaki sa walang emosyong reaksyon ni Astrid.
Nang marinig ni Amara ang sinabi ng binata sa kaniyang anak, di niya napigilan na magsalita at subukang kausapin ito.
“Mr. Madrigal, alam ko na hindi ikaw ang may kasalanan nito. Lahat ng ito ay kasalanan ng anak kong si Astrid. She’s been immature all her life. Pero ang kasal na ito ay kasunduan sa pagitan ng inyong mga lolo. Hindi natin basta pwedeng ipawalang bisa na lang ito ayon sa iyong kagustuhan.” Mahabang litanya ni Amara habang masamang tinititigan si Astrid.
“Ano pang ginagawa mo diyan? Bakit di ka lumapit dito at humingi ng tawad kay Mr. Madrigal. Mangako ka na di ka na magpapasaway at hindi mo na siya ipapahiya pang muli!”
“Pero…” Dahan-dahang nginuya ni Astrid ang bubble gum at itinaas ang kaniyang tingin. Mababakas ang pagrerebelde sa mga mata ng dalaga.
“Ako, hihingi ng tawad sa kaniya? Hindi ba’t dapat siya ang humingi ng pasensya sa akin? Hindi niya tinupad ang pangako niya. Hindi niya muna hiningi ang permiso ko bago siya magdesisyon sa engagement namin.” Nanginginig sa pinaghalong galit at pagkapahiya ang namumulang mukha ni Amara dahil sa mga narinig na sinabi ni Astrid.
Hindi na hinintay pa ni Astrid na makapagsalita ang ina at pinagpatuloy ang kaniyang sasabihin, “At paano ko siya pinahiya kung hindi naman ako nagloloko at nagpapasaway? Siya ang mahilig makipagkita sa iba’t ibang babae at wala man lang respeto sa sarili niya? At sa tingin ko ay dapat na talagang hindi ituloy ang kasal na ito para matigil na ako sa pagkakapahiya dahil sa kaniya!”
“Astrid Trinidad!” Nag-iigting ang panga at puno ng galit na sita ni Amara sa anak.
“Sa tingin ko ay kailangan na natin kalimutan ang kasunduan na ito,” putol ni Conrad, “Aaminin ko na maganda si Astrid pero hindi lamang sa panlabas na anyo ako dapat magbase sa babaeng pakakasalan ko. Kahit na lumuhod pa siya at magmakaawa sa akin, hindi ako magpapakasal sa katulad niya. Besides, I am already in love with someone else and my heart only belongs to her—“ kasabay nito ay ang pagtingala ni Conrad sa babaeng pababa ng hagdan.
Sa isang iglap, ang mata ng binata na puno kanina ng pagkasuklam ay napalitan ng maamo at puno ng pagmamahal na tingin.
“Mimi…”
“Conrad!” Nagmamadaling humango pababa sa hagdan si Mira, di maikakaila ang bakas ng kasiyahan sa mukha ng dalaga.
“Mimi!” Sinalubong ni Conrad ang pababang dalaga at mahigpit na niyakap ito. Mayamaya pa ay masasaksihan ang pagyayakap ng dalawa.
“Pwede na tayong magpakasal!” masayang sinabi ni Mira sa pagitan ng kanyang paghikbi.
"Sorry, Mimi. I came here to call off the engagement. I didn’t mean to keep you waiting."
"It’s alright, Conrad. I understand it’s been a hard decision..."
Muli ay mahigpit na nagyakap ang dalawa, hindi alintana ang paligid sa kabila ng gulo na dinulot ni Conrad dahil sa pag-aanunsiyo nito ng pag-atras sa kanilang engagement.
Habang tahimik na pinapanood ni Astrid ang di inaasahang deklarasyon ng pag-iibigan ng dalawa ay nakatanggap siya ng isang text message.
[Ms. Trinidad, the research has reached the final stage. To protect your safety, the superiors have specially sent security to protect you. We have arrived at your doorstep. When will you come out?]
Tahimik na binasa ni Astrid ang natanggap na message at nagreply: “I’ll be right there.”
Matapos itapon ang kaninang nginunguya niyang bubble gum ay nagmamadaling tumayo si Astrid at naglakad papuntang pintuan. Palihim na inoobserbahan ni Mira ang kinilos ng kapatid. Nang mapansin niya na tila aalis na ito ay di niya mapigilang hindi maisip na maaring nakaramdam ito ng pagkapahiya na manatili pa sa kanilang bahay matapos ang lahat ng pangyayari. Hindi ko pa nga siya tuluyang napapahiya, bakit siya aalis agad?
Hinabol ni Mira si Astrid at hinawakan ang braso nito. “Ate, don’t leave. I’m sorry, we shouldn’t have done this. Alam ko na dapat parang kuya lang ang turing ko sa kaniya pero wala na akong magagawa. Mahal namin ang isa’t-isa at di namin kaya pang kontrolin ang nararamdaman namin. Kung may gusto kang sisihin sa lahat ng ito, ako lang ang sisihin mo. Huwag mo sanang idamay si Conrad.”
Dahan-dahang nilingon ni Astrid si Mira at tinaasan ito ng kilay, “Have you lost your mind? Umalis ka sa harap ko,” walang emosyon na sinabi niya sa kapatid.
“Ate, hindi mo pa rin ba ako pinapatawad? Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ko? ‘Wag ka namang ganyan sa akin, sampalin mo ako kung gusto mo! Gawin mo kung anong gusto mo sa akin kung sobrang galit ka sa ginawa ko!” Mabilis na kinuha ni Mira ang kamay ni Astrid at madiing hinawakan ito at ipinuwesto na akmang sasampalin siya sa kaniyang mukha.
“Astrid, anong ginagawa mo? Subukan mo lang na saktan si Mimi!” Humahangos na pumagitna si Amara at hinampas palayo ang kamay ni Astrid.
Maririnig ang malakas na tunog ng paghampas sa kamay ni Astrid sa tahimik na hallway ng kanilang bahay.
Dumating ang ika-25 na kaarawan ni Sheila. Pinareserve ng kaniyang boyfriend na si Paul ang pinakamahal na private room sa isang kilalang KTV bar. Hinatak ni Xiara ang kamay ni Astrid habang humihingi ng paumanhin. "Pasensya na talaga Astrid kung pinilit kitang sumama dito. Ikaw lang ang malapit sa akin sa klase at alam ko na mabo-bore lang ako kung wala ka." "It’s okay, Xiara. Magkaibigan tayo kaya hindi mo kailangan mag-sorry.” Pagkasabi nito ni Astrid ay biglang nagsalita si Mira. "Huwag ka na magpanggap, Astrid. Hindi bagay sayo.” Sarkastikong sabi ni Mira. “Anong silbi ng pagiging maganda kung hindi naman siya ang class president? Kaya ba niyang makapunta sa ganitong klaseng lugar?" Para magpakitang gilas kay Paul ay nakisali rin ang iba pa sa kanilang mga kaklase sa usapan. "Naalala niyo ba na may sumundo kay Astrid noong isang araw? Naka-limited edition model ng Mercedes pa iyon." Dagdag komento ng isa. Mapang-asar na tawa ang naging reaksyon ng lahat. "Really? Kung talaga
Ikadalawampu ng buwan, ilang araw bago sumapit ang ika-28. Sa mga panahong ito ay lahat ng pangunahing media outlet ay nag-uulat tungkol sa matagumpay na pananaliksik sa mga bagong nanomaterials. Ngayong gabi ay magkakasamang kumain ang pamilya Trinidad habang nanonood ng balita sa TV. “Sa simula ng buwang ito ang ang pangkat ng pananaliksik na pinamumunuan ni Academian T ng Vista City Research Institute. Matapos ang isang taon ng masusing pag-eeksperimento ay sa wakas matagumpay na nakabuo ng bagong uri ng nanomaterial. Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang nagdulot ng sensasyon sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo.” Maririnig ang pagbabalita ng isang kilala at nirerespetong newscaster sa isang malaking news channel. “Ang galing talaga! Sa loob lang ng isang taon ay nakabuo agad sila ng bagong uri ng nanomaterial. Narinig ko rin na ang pangunahing tao sa grupong researchers ay si Academian T. ay napakabata
“Ahchoo!” Malakas na napabahing si Astrid habang naglalakad pauwi mula sa eskuwela. Sino kaya ang kanina pa nag-uusap tungkol sa kaniya? Habang iniisip ito ng dalaga ay biglang may dumaan na magarang sports car palapit sa kanila. Agaw pansin ang lumiliwanag at puno ng pulang rosas na likod ng sasakyan. Mayamaya pa ay huminto ang kotse sa harapan niya at bumaba ang driver nito. Naglakaad papalapit ang lalaki sa kaniya at inabot ang isang malaking bouquet ng rosas. “Astrid, let's go have a meal together?” Puno ng yabang na tanong nito. Habang sinasabi ito ni Paul ay itinaas nito ang kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang noo. Tumingin si Astrid sa rosas na hawak ng binata at dahan-dahang nagsalita, “Nanliligaw ka ba?” “Oh, you’re smart! Ang pinakagusto ko iyong matatalinong babae.” Sagot naman ni Paul at ngumisi. “Ikaw ang boyfriend ng Class President namin. Sigurado ka ba sa sinasab
“Hindi ko na talaga kaya! Pierre, naaawa ako sayo ngayon. Kahit na one month engagement lang ang napagkasunduan niyo, naaawa pa rin ako dahil napakasobrang yabang ng fiancée mo.” Tinitigan ni Nico ang papalayong dalaga sa gate at lalo siyang nakaradamdam ng pagkainis. Inalis na ni Pierre ang tingin niya kay Astrid. “Let’s not talk about that. Kumusta ang naging appointment mo kay Sam Torres?” Ininom muna ni Nico ang tea para kumalma. “The time has been set. We will meet at a suitable time after the launch event of the new research to see who is better.” “Bakit kailanga pa nating maghintay pagkatapos ng press conference?” Nagtatakang tanong ni Pierre. Napaisip din si Nico bago sumagot, “Sa tingin mo ba aattend din si Sam Torres sa press conference ng bagong research project? Or should I say, that she also wants to compete for the authorization of the new nanomaterials?” Sa tingin ni
Pagkarinig sa sinabi ni Astrid ay sabay na napabaling ng tingin sina Pierre at Nico sa kaniya. “You know?” tanong ni Pierre habang nakakunot ang noo kay Astrid. “Yes,” tipid na sagot naman sa kaniya ng dalaga. Kaninang umaga ay ininform siya ng isa sa professor mula sa research institute para ipaalam na nakapili na ng petsa para sa press conference. Sa ika-28 ng buwang ito. Tinawagan siya nito upang tanungin kung ayos lang ang ba oras nito sa kaniya at kung hindi ay maghahanap sila ng iba. “Oh? How did you know?" balik tanong ni Pierre na may bahid ng pagtataka sa mata. Bahagyang kumunot ang noo ni Astrid. “Hindi ko maibibigay ang buong detalye pero masasabi kong sa ika-28 ang sinet na date.” Hinila ni Nico si Pierre sa isang tabi at bumulong para masiguro na silang dalawa lang ang makakarinig, “I really can’t stand her! Kung hindi lang siya maganda ay baka matagal na akong sumuka sa ugali niya. Marami
Nasabi ni Astrid sa kaniya noon na hindi siya karapat-dapat para dito. Mukhang ang sinabi ng dalaga sa kaniya ay hindi basta pagmamayabang lang dahil may sarili itong malalim na dahilan. Ang kakayahan nitong mag-ayos ng mga robot ay hindi sapat para maging kapantay niya, lalo nang hindi siya karapat-dapat para sa dalaga. Tiningnan ni Astrid si Lucian na nakaluhod sa harap niya at biglang naalala si Yuna na kaninang umaga ay nagpupumilit din na turuan niya at gawin siyang master nito. Anong bang mayroon sa araw na ito? Bakit sila nag-uunahan na gawin akong teacher nila? “Pagbigyan mo na po ako, Ate. Pangako, hindi ka magsisisi!” Patuloy na pangungulit ni Lucian kay Astrid para tanggapin ang alok niya dito. Napahawak na si Astrid sa kaniyang sentido. “Hindi sa ayaw kitang tanggapin, pero ayaw ko lang talagang tumanggap ng tuturuan. I’m busy everyday at maraming mahahalagang bagay na kailangan kong gawin. Wala na akong oras para magt
“Here, you can have this.” Tinitigan ni Lucian si Astrid. Gusto niyang makita kung kaya ba talaga nitong ayusin ang robot niya. “Kailangan ko pa ng ilang mga tools.” Sabi ni Astrid habang tinitingnan ang hawak na robot. “I have some in my room, let me get it for you.” Mabilis na tugon ni Lucian sa dalaga. “Good.” Hindi nagtagal ay nakuha na ni Astrid ang mga tools at sinimulan na ang pag-rerepair sa robot. Mabilis ang bawat galaw niya, sa loob lamang ng ilang segundo ay binaklas niya ang robot, inayos ito, at muling binuo gamit ang malinis na mga galaw. “She really knows how to do it!” Komento ni Nico na mababakas ang paghanga sa boses. Nakatuon naman ang mga mata ni Pierre kay Astrid. Bigla niyang napagtanto na ang babaeng ito ay talagang kakaiba at kahanga-hanga. Maliwanag na sa mga ipinakita ng dalaga sa mga oras na iyon ay hindi kayang gawin ng pangkaraniwang tao lamang. She's indeed really something else
Sa mga sandaling iyon ay inabot ng dalaga ang nasa likuran niya at sa isang malakas na tunog ay mabilis niyang nakuha ang lumilipad na bagay. Hindi inaasahan ng mga nasa living room ang mabilis niyang ginawa. Napatayo mula sa sofa si Nico habang natulala naman si Pierre. Nakita niya na hindi man lang kumurap si Astrid at nanatiling kalmado sa ano mang pwedeng mangyari. “Oh, no! My BuzzDisk No. 2!" Isang batang lalaki na nasa edad walo o siyam na taong gulang ang nagmamadaling tumakbo papunta kay Astrid. Mababakas ang pag-aalala sa mukha nito. Tiningnan ni Astrid ang kaninang lumilipad na bagay na ngayon ay nasa kamay niya. Isa itong maliit na robot na hugis disc na mayroong vibration sound. "Hey! Watch out! I spent a whole month putting this together. If you break it, I swear, it's a war!" Namumula ang mukha ng batang lalaki sa sobrang pag-aalala at galit. Pumagitna si Nico upang ipakilala ang batang lalaki, “Astrid,
Ang mga tao sa paligid ay ay parang tinamaan ng kidlat sa pagkagulat. Nakatulala lamang silang lahat habang pinapanood ang binata na lumapit kay Astrid habang ang payong na hawak niyo ay bahagyang nakahilig para maproteksyunan ang dalaga mula sa pagkabasa sa ulan. “Let’s go.” Tipid na sinabi ni Pierre habang tahimik naman na tumango si Astrid. Anong nangyayari? Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nakikita. Ang sobrang gwapong lalaking ito ay pumunta sa kanilang school para sunduin si Astrid! Sinundan lahat ng tingin sina Astrid at Pierre at muli ay napanganga nang makita na sumakay sa isang Maybach na nakapark sa labas. “Limited edition ang Maybach na iyon. Siguradong aabutin ng milyon-milyon ang presyo nito. The thing is you can't buy that particular car just by having money.” Komento ng isang lalaking kaklase nila na nakilala ang brand at unit ng sasakyan. Sa mga narinig ay biglang napatingin a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Commentaires