Chapter 113: Top Quality JadeNAPAKALAKAS AT NAPAKATALAS ng boses ni Olga kaya unti-unting nagtipon ang mga tao sa paligid niya.Naka-cross arms ang mga braso ni Skylar habang nakangiti at nakatingin kay Olga. “Bago pa maputol ang bato, kahit ang tatay ko hindi alam kung anong laman niyan. Paano ako nandaya? Pero teka, Miss Feliciano, hindi mo lang talaga matanggap ang pagkatalo, ‘di ba?”Namula at namutla ang mukha ni Olga habang masama ang tingin kay Skylar. “Sinong may sabi na hindi ko kaya matalo? Humph! Ang posibilidad na may laman o wala ang isang bato ay 50-50 lang. Ang makatama minsan ay hindi kahusayan, pero kung palaging tama ang napili mo, ‘yun ang kahanga-hanga!”Pagkasabi nun, bigla niyang inagaw ang isang bato mula sa ibang tao at inabot ito kay Skylar.“O siya, sige. Subukan mo ulit. Maniniwala lang ako kung tama ka na naman.”Tiningnan lang siya ni Skylar nang may pang-aasar at napangisi. “Naku, Olga, hindi mo lang talaga matanggap ang pagkatalo. Kahit tama ulit ang hu
Nakita ito ni Olga pero lalo lang itong natawa. “Skylar, ang tanga mo ba? Kahit sino na may konting karanasan alam na walang magandang laman ang ganyang kalaking bato.”Hindi pinansin ni Skylar ang panlalait niya at nakatutok lang sa kamay ng stone cutter. 'Diyos ko, sana palarin ako. Dito nakasalalay ang lahat, Lord.'Skreeeek, skreeeek!Kasabay ng tunog ng bato habang hinihiwa, tumingin ang lahat sa gupit na bahagi nito.“Bukas na, bukas na!” sigaw ng isang tao sa karamihan. “Mukhang kulay abo ang ibabaw.”Nanikip ang noo ni Skylar, at sinamantala ni Olga ang pagkakataon para mang-asar. “Skylar, huwag mo nang ituloy ‘yan. Aminin mo na lang na talo ka…”“Diyos ko! May berde!”Biglang may sumigaw sa crowd, at sunod-sunod ang mga hiyawan.“Imperial green! Imperial green!!!”“Pota—! Glass-bottomed ‘to!”“Glass-type imperial green!”Nanlaki ang mata ni Olga sa gulat. Itinulak niya ang mga tao para makalapit at sumubsob sa mesa ng stone cutter para makita nang mabuti.Matapos i-cut, kinu
Chapter 114: Ayoko ng anak na babae"SKYLAR, anong tinitingnan mo?"Biglang huminto si Skylar kaya nagtaka si Julia. Sinundan niya ang direksyon ng tingin nito at nakita sina Jaxon at Yorrick na nakatayo sa half round na sky sightseeing corridor. Nakangiti ang dalawa habang inaangat ang kanilang mga baso ng alak, na para bang binabati si Skylar sa kakaiba nilang paraan.Napahanga si Skylar sa nakikitang kagwapuhan ng dalawa. Hindi niya inalis ang tingin sa kanila hanggang sa mapagod at medyo manakit na ang kanyang mga mata, saka siya natauhan at nagbulong sa sarili."Ano'ng nangyayari? Hindi ba mortal na magkaaway sina Jaxon at Uncle Yorrick? Bakit ngayon parang magkasundo na silang mag-inuman?"Pagkatapos niyang bumulong, hindi na niya pinansin ang naguguluhang ekspresyon ni Julia at hinila ito paakyat ng hagdan."Sinadya mong ibigay kay Skylar ang glass-type imperial green jade, hindi ba?" tanong ni Jaxon habang sinusundan ng tingin ang papalapit na si Skylar. Dahan-dahan niyang tin
"Tara na."Niyakap ni Jaxon si Skylar at sabay silang bumaba ng hagdan.Naiwan si Julia at pinanood lang silang lumayo. Nang paalis na siya para hanapin si Lito, napansin niya si Yorrick na nakatayo sa nakausling corridor sa ikatlong palapag. Tahimik nitong sinusundan ng tingin si Skylar.Napalunok si Julia at bahagyang kumunot ang noo. Pakiramdam niya ay nahuli siya ni Yorrick na nakatingin sa kanya. Pero bago pa siya makaiwas, bigla itong ngumiti sa kanya nang magiliw, parang hindi alintana na nahuli niya ito na nakatitig kay Skylar. Saglit si Julia natulala at naguluhan.---Pagkarating sa hotel, agad humilata si Skylar sa sofa."Hubby ko, gutom na ako. Pwedeng pakainin mo ako?""Sige." Tahimik na hinubad ni Jaxon ang kanyang coat at dumiretso sa kusina.Nang marinig ang pagbukas ng ref, biglang bumangon si Skylar at tumakbo papunta sa kanya."Hubby, ikaw ba mismo ang magluluto para sa akin?"Akala niya magpapadeliver lang ito ng pagkain, pero hindi niya inasahan na siya pa mismo
Chapter 115: Hindi mahirapNAGTAGPO ang mga mata ni Skylar at Jaxon—mga matang may halong pilyong pag-uusap gamit ang mga mata. Dahan-dahan niyang dinilaan ang kanyang labi at bahagyang kinabahan."Kung... sabihin kong ayoko talaga ng sausage?""Kung gano'n..."Bahagyang ngumiti si Jaxon at sa mababang at malamig niyang boses, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa paligid. Ang mainit niyang hininga ay dumaan sa ilong ni Skylar, parang libu-libong langgam na gumagapang sa puso niya. Para bang gusto na niyang sumuko at ibigay ang sarili, pero naisip niyang masyado iyong mahina. Ayaw niyang agad bumigay, kaya kahit hirap, pinigilan niya ang sarili."Kung gano'n, ano?"Lalo pang lumalim ang ngiti ni Jaxon. Dumikit ang mga daliri niya sa leeg ni Skylar, dahan-dahang dumudulas pababa. Napapikit si Skylar sa lamig ng kanyang haplos. Halatang gustong-gusto ni Jaxon na takutin at tuksuhin si Skylar dahil bumaba pa ang kamay sa ilalim ng kanyang collarbone."Hoy, Chef Jaxon! May nilulut
"Bossing, ayaw mo namang..."Humithit ng sigarilyo si Jaxon, saka bumuga ng usok. Saka niya pinutol ang sasabihin nito, "Tawagan mo ang kuya ko. Sabihin mong isakripisyo ang isang market, hayaang matanggap ni Abram ang mga gamit at pagkatapos, ipaalam sa pulisya ang lokasyon ng delivery."Tama ang hinala niya. Hindi na maipinta ang gulat sa mukha ni Wallace.Huminga ito nang malalim. "Boss amo, malaki ang magiging lugi dito. At kung magkamali, baka siya pa ang mapagbintangan ng mga pulis. Kapag napahamak siya dahil sa atin, siguradong mahihirapan ang master at ang madam na palampasin ito."Hawak pa rin ni Jaxon ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya. Ngumiti siya nang bahagya habang natatakpan ng puting usok ang kanyang mukha."Huwag mo nang alalahanin ‘yan. Ilang taon nang walang ginagawa ang kuya ko kundi gumala-gala sa Golden Triangle. Ayaw na sa kanya ng dalawang iyon, gusto na nilang sirain ang negosyo niya. Kung talagang mapilitan siyang bumalik dahil sa akin, sigurado akon
Chapter 116: Isang buwang palugitMASAMANG nagagalit si Skylar. Kapag nagalit siya, hindi niya alintana kung gaano kalakas ang kanyang mga kamay.Unti-unting dumilim ang mukha ni Jaxon, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa pagkakahawak sa kanya ni Skylar. Pakiramdam niya ay masakit ang magkabilang balikat pero hinayaan niyang ibuhos nito ang galit nang hindi lumalaban."Skylar, tama na 'yan, mukhang nasasaktan na 'yang siraulong ‘yan." Ang nagsalita ay si Audrey. Lumapit siya mula sa sofa at pinilit tanggalin ang kamay ni Skylar sa balikat ni Jaxon.Napangiwi si Jaxon at sinapo ang magkabilang balikat na nananakit. Namula ang mata ni Skylar sa sakit na naramdaman niya para kay Jaxon. Bahagya niyang tinadyakan ang sapatos nito. "Bakit hindi ka lumaban? Paano kung nabulag ako sa galit at nasaktan na kita?""Tapos ka na ba?" Tumingala si Jaxon at tinitigan siya.Huminga nang malalim si Skylar, saka bahagyang sumimangot. "Mahal mo ako nang ganito, paano naman ako hindi malulungkot?"Ngumi
Sa una, gusto lang talagang turuan ng leksyon ni Jeandric ang bibig ni Audrey na napakatalas, pero sa huli, parang droga ang pakiramdam—isang hindi maipaliwanag na sarap na nagpasiklab sa dugo niya.Sa loob-loob ni Audrey, tutol siya nang buong-buo. Pilit siyang nagpumiglas, pero sa sobrang panghihina, hindi niya nagawang lumaban.Naubusan siya ng lakas at wala siyang nagawa kundi mamula ang mukha at tiisin ang pag-angkin ni Jeandric habang bumibilis ang tibok ng puso niya.DING! Sa wakas, bumukas ang pinto ng elevator at may taong pumasok. Binitiwan siya ni Jeandric, mahigpit na hinawakan ang kamay niya, at diretsong lumabas na parang walang nangyari.Hingal na hingal si Audrey, galit na tinitigan ang likod ng ulo ni Jeandric, parang gusto niyang titigan ito hanggang magkabutas-butas sa galit."Bitiwan mo ako!" Malakas niyang hinawi ang kamay nito, tapos ay biglang sinampal si Jeandric sa mukha.Isang malakas at malinaw na "slap!" ang umalingawngaw, at lumingon sa kabilang direksyon
Ngumiti lang si Yssavel at hindi sumagot. Naging sensitibo si Xenara at hindi na nagtanong pa. Tahimik lang siyang nanood habang sumusulat si Yssavel. Maya-maya, naalala niya ang isang bagay. Hindi niya napigilan ang kuryosidad niya kaya maingat siyang nagtanong.“Ninang, pwede po ba akong magtanong?”“Sige, magtanong ka.”“Hindi na si Zeyn at ang tatay niyang si Juan ang namumuno sa Leeds Group ng pamilya Lacson-Leeds. Bakit sila pa rin ang pinili ninyong kakampi, hindi sina Yorrick at Clifford na sila na ang may kapangyarihan?”Pakiramdam ni Xenara, natural lang na makipag-alyado sa mas malakas. Kaya mas logical kung sila ang pinili.Medyo nag-iba ang expression ni Yssavel sa tanong na ito.Kung siya lang ang masusunod, gusto rin niya na sina Yorrick at Clifford ang kakampi. Pero ewan niya ba kung anong problema ng magtiyuhing 'yon. Noong nasa Amerika pa siya, ilang ulit siyang nag-try na makipag-ugnayan sa kanila, pero iniiwasan talaga siya. Kahit noong nagkita na sila sa public eve
Chapter 223: Little fairyMAGANDA at mainit ang sikat ng araw. Nasa balcony si Xenara habang sumasagot ng tawag sa phone. Pagkarinig niya ng balita mula sa spy niya, hindi napigilan ng kanyang mapulang labi ang ngumiti sa tuwa.“Sige, naiintindihan ko na. Ituloy mo lang ang pagmamanman. Tawagan mo agad ako pag may bago.”Masayang pinatay ni Xenara ang tawag, tumingala sa maganda at maaliwalas na tanawin sa hardin sa baba ng balcony, huminga ng malalim at masaya, tapos bumalik sa loob ng bahay.Ito ay ang study room ni Yssavel. Mahilig si Yssavel sa calligraphy. Sa ngayon, nakatayo siya sa harap ng mesa, ginagaya ang calligraphy work ng isang sikat na tao. Dahil sa seryoso at focus niyang itsura, tapos may dating pa siya na parang reyna ng bahay, sa unang tingin, mukha talaga siyang isang malaking artist na bihasa.Pagbalik ni Xenara mula sa balcony, halos paubos na ang tinta sa inkstone ni Yssavel. Agad siyang lumapit at nagsimulang gilingin ang tinta habang nagrereport.“Ninang, sak
Chapter 222: Hindi sinasabiTUMALIKOD si Jaxon at tumingin sa labas ng bintanang salamin sa sala. Nakita niyang nakaupo si Skylar sa sahig, hawak ang ulo, at nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Biglang nanlaki ang mata niya at dali-daling tumakbo papunta sa sala. Pero ilang hakbang pa lang siya, nakita na niya si Jeandric na buhat si Audrey habang papalapit mula sa sala.Masama ang itsura ni Jeandric. Para bang may may utang sa kanya ng daang bilyon na hindi pa nababayaran.Nakapulupot ang mga braso ni Audrey sa leeg niya at nakabaon ang mukha sa dibdib nito. Natatakpan ng buhok niya ang mukha kaya hindi makita ni Jaxon ang itsura niya.Habang palapit si Jeandric sa kanya, napansin ni Jaxon na nanginginig din ang katawan ni Audrey tulad ni Skylar.Doon niya naisip na siguro ay nag-away sina Skylar at Audrey. Pero matalino siya at hindi na nagtatanong kung bakit. Tahimik siyang dumaan sa tabi ni Jeandric na pareho ring seryoso ang mukha.Nang magtagpo sila ni Jeandric, bahagy
Chapter 221: Friendship overNARAMDAMAN ni Audrey ang matinding sakit sa puso niya.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Skylar, "Kasi, ang mahal niya, hindi ikaw. Ako iyon."Parang kutsilyo ang bawat salita, mas masakit pa kaysa sa sampal na tinanggap niya mula kay Skylar.Matagal na niyang hindi kayang maglakas-loob na umamin kay Jaxon dahil alam niya sa sarili niya na ang mahal talaga ni Jaxon ay si Skylar. Takot siyang mabigo, takot siyang tanggihan, at higit sa lahat, takot siyang tuluyang mawala si Jaxon.Tama si Skylar, isa siyang duwag. Mas duwag pa kina Xenara at Barbara.Pag-isip niya nang ganito, namasa ang mga mata ni Audrey. Tapos, ngumiti siya nang pakunwari at tumingin kay Skylar na parang may hamon."Hindi ka naman si Jaxon, paano mong nasabing hindi niya ako gusto?"Tumingin si Skylar sa kanya, walang emosyon, pero may bahid ng pagmamayabang."Sinabi niya sa akin mismo. Noong birthday ni Yssavel, nung sinabi ni Barbara sa harap ng lahat na gusto mo si J
Chapter 220: Simula't sapulMADALAS sinasabi ng mga tao na dapat maging tapat at prangka tayo, lalo na sa pamilya at mga kaibigan. Kasi, bawat pagkakataon na magsisinungaling ka, kahit pa puting kasinungalingan lang, kailangan mo ng maraming kasinungalingan para maitago ito. Sa proseso ng pagtatakip, makakaranas ka ng sobrang hirap at sakit na mahirap maintindihan ng ibang tao.Ganoon si Audrey. Para maitago ang sikreto na matagal na niyang gusto si Jaxon, araw-araw siyang umaarte. Parang siyang spy araw-araw, laging tense ang utak, natatakot na baka hindi niya sinasadyang maipakita ang sikreto niya.Gaya ngayon, hindi siya naging maingat at nahalata siya ni Skylar.Maganda na rin ito.Simula ngayon, hindi na niya kailangang magpanggap araw-araw.Naalala niya ito kaya napabuntong-hininga si Audrey, saka hinarap si Skylar nang kalmado ang mukha. Parang nag-iba siya bigla, tumindi ang dating niya, bahagyang ngumiti at tumingin kay Skylar."Fair competition? Ang ganda naman pakinggan. Hal
Chapter 219: PagtatagoSHE'S jealous of Skylar's husband. Gustong gusto ni Audrey si Jaxon.Alam niyang si Jaxon, si Skylar lang ang nasa puso, pero hindi pa rin siya nagdalawang-isip na magnasa sa kaibigan. Tama, limang taon na ang nakalipas, si Audrey, katulad ni Barbara, nakita rin ang eksena kung saan itinulak si Skylar para maaksidente sa kotse.Nang magsinungaling si Barbara kay Jaxon at sinabi nitong sinadya ni Skylar ang aksidente, doon lumabas ang demonyo sa puso niya.May boses sa loob niya na nagsusumigaw, huwag niyang ibunyag ang kasinungalingan ni Barbara. Mahal na mahal ni Jaxon si Jelly beans. Kapag nalaman ni Jaxon na si Skylar ang dahilan ng aksidente, kaiinisan niya si Skylar at makikipaghiwalay dito. Sa ganoon, magkakaroon siya ng pagkakataon.Kaya nagsinungaling siya, binago ang konsensya niya at umayon kay Barbara. Sinabi niyang nakita rin niya si Skylar na sinadya ang pagbangga ng kotse.Nagalit si Jaxon. Sumugod siya sa kwarto ni Skylar sa ospital, sinumbatan s
Chapter 218: Ano nga bang ginawa"SECOND Young Madam?"Nakita ng kasambahay na nakaupo lang si Skylar, hindi gumagalaw at tila nag-iisip nang malalim kaya tinawag niya ulit ito, may halong pag-aalangan sa boses."Ah, nasaan siya?" Inilapag ni Skylar ang baso niya at tumingala sa kasambahay."Nasa hardin po sila ng Second Young Master. Pinapapunta po ako ng Second Young Master para sabihing ganoon."Naintindihan ni Skylar na sinadya ni Jaxon ito para bigyan siya ng oras na pag-isipan kung paano niya haharapin si Audrey bago ito pumasok. Dapat ba na ihinto na nila ang pagkakaibigan o makinig muna sa paliwanag ni Audrey?"Okay, naiintindihan ko na. Pwede ka nang bumalik."Pinauwi na ni Skylar ang kasambahay at hindi niya naiwasang tumingin sa may malaking bintana.Yung malaking bintana sa hall ay nakaharap sa direksyon ng hardin.Pag-angat niya ng tingin, nakita niya agad sina Audrey at Jaxon na nakatayo sa hardin. Nakikita niya kung paano gumagalaw ang labi ni Audrey habang nagsasalita
Chapter 217: AbortionNAMUMUO ang luha sa maliwanag at madilim na mga mata ni Audrey. Talagang malungkot siya at labis ang pagkadismaya niya kay Harvey.Ayaw niyang makasamaan ng loob si Skylar. Kung magkaaway sila ni Skylar, mawawala rin sa kanya si Jaxon.Lumaki si Audrey sa ilalim ng mata ni Harvey. Sa buong mundo, siya ang nakakakilala kay Audrey nang pinakabuti. Kaya paano niya hindi malalaman ang iniisip ni Audrey ngayon? Matagal niyang tinitigan ang basang mga mata ni Audrey at lalo siyang nainis."Drey, hindi mo naman talaga iniintindi si Skylar. Ang iniintindi mo, si Jaxon. Natatakot kang mawala si Jaxon kapag nasira ang relasyon niyo ni Skylar."Walang pakundangang sinabi ni Harvey ang tunay na iniisip ni Audrey."Kung mabuhay o mamatay si Skylar, hindi mo naman talaga iniintindi. Noong kinidnap siya ni Zeyn, may tinig sa puso mo na sumisigaw na 'Wag mo siyang iligtas, pabayaan mo siyang mamatay sa kamay ni Zeyn.' Sa totoo lang, hindi ka naiiba kina Xenara at Barbara. Gusto m
Chapter 216: Castration"JAXON, huwag mo siyang barilin!"Bumaba si Skylar mula sa itaas kasama ang special assistant ni Clifford, hingal na hingal.Nang marinig ni Jaxon ang mahina at halos walang lakas ni Skylar na boses, agad siyang lumingon. Nakita niyang namumutla si Skylar at kailangan pang alalayan para makababa ng hagdan. Biglang nagbago ang itsura niya, mabilis na ibinaba ang baril at nagmadaling lumapit."Anong nangyari?"Kinuha ni Jaxon si Skylar mula sa special assistant ni Clifford, tapos ay binuhat niya ito sa bewang.Yumakap si Skylar sa leeg niya at isinandal ang ulo sa balikat nito habang sumasagot."Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nang magising ako, bigla na lang akong nanlambot. Siguro pinainom ako ni Zeyn ng gamot, pero hindi ko alam kung ano yung pinainom niya sa akin at kung makakaapekto ba ito sa baby."Nang marinig ito ni Clifford, biglang sumiklab ang galit sa mga mata niya. Pero para hindi mahalata ni Zeyn na may espesyal siyang pakialam kay Skylar