Pagkaalis ni Jeandric, agad na umakyat si Audrey sa taas at tiningnan ang silid ng kanyang ina. Nang makita niyang mahimbing itong natutulog, lumabas siya sa open-air balcony. Mula roon, kitang-kita niya ang sasakyan ni Jeandric sa ibaba.Hindi pa ito umaalis at malakas pa rin ang ulan. Hindi sarado ang bintana ng kanyang sasakyan, at sa loob, bahagyang naaaninag ni Audrey ang puting usok ng sigarilyo mula roon. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso. Ayaw naman talaga niyang magkaroon ng alitan kay Jeandric. Dati silang matalik na magkaibigan na parang magkapatid, pero ngayon, parang kailangan nilang lumayo sa isa't isa at magpanggap na strangers. Napakasakit ng pakiramdam na ito. Bigla niyang naramdaman ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, may narinig siyang pamilyar na tunog ng mga yapak mula sa likuran niya."Kuya..." Mahina niyang tawag at lumingon siya kay Harvey.Lumapit ito sa kanya, may dalang dalawang baso ng alak. Napansin nito ang bahagyang pamum
Chapter 119: Bawal at lihim na pag-ibigNGAYON ang araw ng pagbabalik ni Jaxon sa Metro mula sa Vigan. Ang ampon niyang kapatid na si Xenara ay abala sa pagbabantay sa mga katulong upang linisin ang bahay at maghanda ng masasarap na pagkain sa ancestral house ng pamilya Larrazabal mula pa kaninang umaga.Malapit na magtanghali, tinaas niya ang kamay upang tingnan ang kanyang relo. Alas-onse y media na, isa't kalahating oras na lang at lalapag na ang eroplano ni Jaxon.Ibinaba niya ang hawak na tasa ng kape, tumayo mula sa sofa sa sala, kinuha ang susi ng sasakyan mula sa kanyang bag at naglakad palabas habang inuutusan ang mayordomo."Uncle, pupunta ako sa airport para sunduin si Kuya Jaxon. Nakasalang pa sa stove ang paborito niyang pork rib soup. Pakibantayan na lang po.""Sige, Miss Xenara, mag-ingat ka sa pagmamaneho."Lumabas si Xenara sa bahay. Hindi pa siya nakakarating sa garahe nang dumating ang sikat na jewelry designer na si Darcey, kasama ang isang katulong na gumabay sa l
"Xen, hindi ako tumututol na ipaglaban mo ang kaligayahan mo. Karapatan mo ‘yan, at wala akong karapatang pigilan ka. Pero gusto ko lang sabihin sa’yo na si Jaxon... nag-propose na kay Skylar at malapit na silang ikasal. Wala ka nang pag-asa, Xenara. Tigilan mo na ‘to, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo.""Nag-propose?"Parang tinamaan ng matinding dagok si Xenara. Ang kamay niyang nakahawak sa handle ng pinto ay biglang bumagsak, parang isang tao na nawala ang lakas. Kung wala lang ang kotse sa likod niya, baka bumagsak na siya sa lupa sa sobrang panghihina."Isa pa, tungkol sa nakunan si Skylar limang taon na ang nakakaraan, pinaghihinalaan ni Jaxon na hindi ito aksidente. Kaya nagpahanap siya ng mga taong palihim na magsisiyasat tungkol dito." May bahagyang pag-aalala sa mata ni Darcey. "Hindi ko alam kung may kinalaman ka rito pero sana wala."Limang taon na ang nakalipas nang maaksidente si Skylar. Nandoon nga si Xenara sa lugar na ‘yon noong panahong iyon. Bagamat isa pa siya
Chapter 120: Siya ba ang batang iyon? NAPAKUNOT NG ulo si Skylar, yumuko ng bahagya at mabilis na tinamaan ng sipa ang tiyan ng tao. Hindi nito inaasahan ang mabilis na pag-atake ni Skylar, kaya napayuko ito, umatras ng ilang hakbang at napaupo sa sahig nang wala sa ayos."Araay! Ang pwet ko!"Isang dalagang naka-branded accessories mula ulo hanggang paa ang nakaupo sa sahig, nakangiwi sa sakit."Zandra?!" Namulat nang malaki ang mata ni Skylar sa gulat. "Bakit ikaw?"Si Zandra ay half-sister ni Kris at mas bata ng ilang buwan kay Skylar. Noong bata pa sila, magkaklase sila sa kindergarten. Isang beses, sinira ni Zandra ang paboritong laruan ni Skylar, kaya bugbog ang inabot nito sa kamay ni Skylar. Simula noon, hindi na sila magkasundo. Pero hindi naman hanggang sa puntong bigla na lang mananakit.Galit na galit si Zandra. Hindi na niya inisip na parang mababasag na ang pwet niya sa sakit. Tumayo siya mula sa sahig at masamang tiningnan si Skylar."Skylar, ilang taon tayong hindi na
Pagkatapos nilang kumain, tinawagan ni Skylar si Jaxon para yayaing manood ng sine. Sinabi nitong hintayin si Skylar sa kumpanya dahil pupunta sila pagkatapos ng trabaho.Pagdating niya sa kumpanya, nasa meeting pa si Jaxon kaya naglaro muna siya sa computer nito sa opisina.KNOCK! May kumatok sa pinto. Umikot siya sa swivel chair. "Pasok.""Madam, narito na ang kape mo." Pumasok si Wallace dala ang isang tasang kape at inilapag ito sa mesa."Salamat." Tumingin si Skylar sa ilalim ng kili-kili ni Wallace, na parang may nakasuksok doon. "Ano ‘yang dala mo?""Ang mahalagang game console ni Bossing. Nasira ito ni Miss Audrey last time at pinaayos niya. Ngayon, naayos na ito ng technician at ibinalik na."Mahalagang game console?Bahagyang nanliit ang mga mata ni Skylar, iniabot ang kamay at sinenyasan ito. "Patingin nga."Mahilig talaga si Skylar sa mga game console dati. Iniabot ni Wallace ang game console sa kanya at nagpaalala nang maingat."Madam, dahan-dahan lang sa paglalaro niyan
Chapter 121: Hindi kayo nababagay sa isa't isaSI XENARA ang dumating.Saktong noong huhubàrin pa lang ni Jaxon ang pang-itaas ni Skylar at handa nang umaksyon, bigla si Xenara dumating at sinira ang plano nila.Siya ang ampon na anak ng nanay ni Jaxon. Kilala si Xenara ng mga empleyado ng Larrazabal Group kaya wala siyang naging sagabal sa pag-akyat sa palapag kung saan naroon ang opisina ni Jaxon.Nakita siya ni Wallace at agad siyang hinarang. "Miss Xenara, may bisita si President Larrazabal sa opisina. Mukhang hindi siya pwedeng makaistorbo ngayon.""Bisita?" Tinaas ni Xenara ang kilay, pinagkrus ang mga braso at tiningnan si Wallace mula sa gilid ng mata. "Tanghalian na ngayon, anong klaseng bisita meron siya?"Pagkasabi nun, mabilis niyang binuksan ang pinto ng opisina at pumasok nang galit habang tumutunog ang high heels.Narinig ni Skylar ang pagbukas ng pinto kaya itinulak niya si Jaxon palayo, bumaba mula sa desk at inayos ang damit niya nang nakatalikod sa pinto. Sa malas,
Ang kwintas na ibinigay ni Skylar kay Xenara ngayong araw ay may kabuuang 168 diamonds ng iba’t ibang laki at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit walong digit.Medyo nagulat si Xenara. Hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Skylar ng isang napakamahal na regalo. Pero naisip niya rin na pera ni Jaxon ang ginastos nito, kaya wala siyang dahilan para maantig."Salamat, Ate Skylar. Ang ganda ng kwintas, gustong-gusto ko ito," nakangiting sabi ni Xenara, saka binago ang usapan. "Pero Ate Skylar, sa susunod, huwag mo na akong bilhan ng ganito kamahal na regalo. Tutal, ikaw naman ang magiging future daughter in law ng Larrazabal family sa hinaharap. Kung ganyan ka gumastos, baka isipin ni ninang ko na hindi mo kayang hawakan ang pera ng pamilya at hindi ka bagay na maging asawa ni Kuya Jax."Wala talagang tatalo sa galing ni Xenara sa pagsasalita.Matagal nang inasahan ni Skylar na gagamitin ito ni Xenara para siraan siya, kaya sinadya niyang utusan si Jun na bumili ng kwintas na higit sa
Chapter 122: Ilusyon ni XenaraPAGKATAPOS ng hapunan, lumabas si Jaxon mula sa Grand Hotel habang hawak ang kamay ni Skylar, handa nang magmaneho papunta sa sinehan."Kuya Jax, Ate Skylar!" Habang hingal, humabol si Xenara dala ang kanyang bag. "Yung ticket niyo ba para sa 7:30 screening ng bagong pelikula ni Ate Audrey?"Bahagyang tinaas ni Jaxon ang kilay.Ngumiti si Skylar at tumingin sa kanya. "Oo, pelikula ni Audrey.""Buti naman! Bumili rin ako ng ticket para sa 7:30 screening." Nagniningning ang mata ni Xenara habang nakatingin kay Jaxon. Lumapit siya at hinawakan ang kanyang pulso. "Kuya Jax, pwede ba akong sumabay sa inyo sa kotse mo?""Bahala ka." Walang emosyon na hinawi ni Jaxon ang kamay ni Xenara sa kanyang pulso, saka kalmadong kinuha ang susi ng sasakyan, naglakad papunta sa driver's seat, binuksan ang pinto at pumasok.May kutob si Xenara na unti-unti siyang iniiwasan ni Jaxon. Napakuyom ang kanyang kamay sa laylayan ng kanyang damit pero nagpanggap siyang walang nang
Chapter 210: SalarinTO KILL your enemy using someone's hand. Ito agad ang unang plano na pumasok sa isip ni Xenara. Pero paano ba manghihiram? Aling kutsilyo ang hihiramin? At siguraduhin din na hindi mapapansin ng hiniram na kutsilyo na ginagamit siya; na hindi rin ganon kadali.Matapos mag-isip-isip si Xenara, sinabi niya, "Kung ako si Audrey, hahanap muna ako ng kutsilyo. Si Barbara na baliw kay Kuya Jaxon limang taon na ang nakalipas ang pinaka-perfect gamitin. Sa ugali ni Barbara noon, hindi na kailangan siyang udyukan pa. Kailangan lang iparating sa kanya na pinaaga ni Kuya Jaxon ang kasal nila dahil buntis si Skylar, tiyak siya na mismo ang kikilos para saktan si Skylar.""Si Audrey ang may gawa niyan." Biglang napagtanto ni Xenara at masayang tumingin kay Yssavel, kumikislap ang mga mata."Noon, hindi naman ipinagsabi ni Kuya Jaxon na buntis si Skylar. Pati nga tayo, nalaman lang natin nung naaksidente na siya. Hindi niya sinabi kahit sa mga kamag-anak natin, paano pa kaya k
Chapter 209: NinangMULING napaiyak si Skylar at nasaktan naman ang puso ni Jaxon. Bahagya niyang pinikit ang malalalim niyang mata, at mula sa mga singit nito ay lumabas ang malamig na liwanag na parang espada ng yelo, na agad tumarak kay Barbara.Lahat ng tao ay hindi pa kailanman nakita siyang ganoon kabagsik at nakakatakot, kaya nanindig ang balat nila sa takot.Sa sobrang takot ni Barbara, napaurong ang mga paa niya at dali-daling tumakbo papunta kay Yssavel habang sumisigaw."Mrs. Larrazabal, iligtas mo ako!"Walang magawa si Yssavel kundi hawakan ang noo niya at hindi pansinin ang paghingi nito ng tulong.Hindi makapaniwala si Xenara habang nakatitig sa eksena sa harap niya. Hindi niya inakala na si Barbara pala ang totoong may sala sa pagkakunan ni Skylar limang taon na ang nakalipas. Dati kasi, ang akala niya ay si Audrey ang may kagagawan.Tahimik na pinanood ni Audrey si Barbara na nagtatakbo para sa buhay niya habang hinahabol ni Jaxon. Kung iisa lang ang pwedeng gamitin p
Chapter 208: Resulta ng imbestigasyonSI SKYLAR na umiiyak na ang mga mata ay nagmamakaawa, dahilan para manikip ang dibdib ni Audrey sa sobrang sakit. Pilit siyang nagsalita pero hindi lumabas ang boses niya, parang isang sirena na naging tao at biglang nawala ang kakayahang magsalita.Nang marinig ni Barbara ang sinabi ni Skylar, biglang nawala ang mapanuksong ngiti sa mukha niya at napalitan ng pangit at galit na itsura.Sumigaw siya, "Skylar, tanga ka ba? Anong silbi ng pagsisinungaling mo sa sarili mo? Mabubura ba niyan ang katotohanan na kasing sama din siya ng pagkatao ko? Na gusto rin niyang masira agad ang relasyon niyo ni Jaxon para siya ang pumalit sa'yo?""Manahimik ka!" sigaw ni Jeandric. Pagkatapos sigawan si Barbara, tumingin siya kay Skylar na nakaluhod sa sahig at nagmamakaawa kay Audrey, tapos nilingon si Audrey at galit na sinabi, "Drey, anong hinihintay mo? Bilisan mo! Magpaliwanag ka! Hindi mo ba nakikita na halos maiyak na si Skylar sa pag-aalala?"Bumagsak ang l
Chapter 207: Aksidente noonNANGINIG ang puso ni Skylar, napaatras siya at nadapa nang umatras ang mga paa niya. May bumangga sa heel niya kaya napaluhod siya nang hindi inaasahan. Nang halos mapahiya siya sa pagkaluhod, may isang malakas at mainit na kamay na sumalo sa baywang niya mula sa likuran.Pagdaka, naramdaman niyang nakaupo na siya sa isang mainit at matibay na kandungan at naririnig ang matatag at malakas na tibok ng puso ng isang tao.Nang itinaas niya ang ulo niya, nakita niya si Jaxon na ilang segundo siyang tinitigan na hindi kumukurap. Pagkatapos ay iniwas nito ang tingin at malamig na sinulyapan ang lahat ng tao sa paligid bago tumigil ang tingin niya kay Barbara. "Kahit pa totoo ang sinasabi mo, kahit pa totoong nagustuhan ako ni Audrey noon, hindi magbabago ang relasyon at nararamdaman namin dahil lang sa nangyari."Malalim ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Jaxon. Para kay Barbara, Xenara, Yssavel at sa iba pa, ang dating ng sinabi niya ay magpapatuloy pa rin ang ma
Chapter 206: Totoong mahalNANG sabihin iyon ni Barbara, nagulat sandali sina Skylar at Jeandric. Sabay silang tumingin kay Audrey, puno ng tanong ang mga mata at iniisip nila. Totoo kaya ito?Inaasahan na ni Audrey na gagawa ng gulo si Barbara. Tiningnan niya ang relo sa kamay niya at ngumiti ng malamig."Barbara, hindi pa nga panahon para magwala ka, bakit parang asong ulol kang nangangagat ng tao? Nasa tabi ko ngayon ang mahal kong si Kris, bulag ka ba't hindi mo makita?"Dahil sa sinabi ni Audrey sa harap ng maraming tao, biglang dumilim ang mukha ni Barbara.Galit siyang sumagot, "Audrey, kung totoo 'yang sinasabi mo, may lakas ka ba ng loob na manumpa sa harap nina Jaxon at Skylar? Mangako ka na kung hindi talaga si Jaxon talaga ang mahal mo, sabihin mo yan sa harap namin. Kung hindi, hindi magiging ligtas ang anak nila Skylar at Jaxon.""Barbara, tama na!" galit na galit na sabi ni Skylar sabay hampas sa mesa.Kasabay nito, biglang nanliit ang mga mata ni Jaxon at naglabas ng m
Chapter 205: Nahuli naMAKALIPAS ang dalawang oras, lumabas si Skylar mula sa banyo na nakabalot lang sa tuwalya. Nakita niya si Jaxon na nakatayo sa harap ng bintana, may hawak na baso ng red wine at pinagmamasdan ang liwanag ng buwan. Galit na galit siya. Sinabi niya na nga na buntis siya kaya dapat dahan-dahan lang at huwag masyadong madalas. Pero parang nagwala si Jaxon na parang lalaking ilang daang taon nang hindi nakatikim ng 'karne'. Kahit mas magaan na ang pwersa niya kumpara noon, doble naman ang tagal, kaya masakit ang bewang at likod ni Skylar at nangangatog ang mga binti niya. Mas grabe pa kaysa dati."Itong lalaking 'to!"Masamang tiningnan ni Skylar si Jaxon at pabulong na minura siya sa isip. Hawak-hawak ang masakit niyang bewang, binuksan niya ang kumot at humiga sa kama. Pagkahiga pa lang niya, tumunog ang cellphone sa tabi ng kama.May Telegràm message mula kay Julia. "Sky."Nakapikit si Skylar at napakunot ang noo. Gusto sana niyang sabihin kay Julia na ang hinaha
Chapter 204: ResultaTUNGKOL sa aksidente limang taon na ang nakalipas, matagal nang pinaghihinalaan nina Skylar at Jaxon na sinadya ng isang tao ang pagtulak sa kanya sa kalsada para mabangga ng sasakyan. Simula noon, pinahanap at pinaiimbestigahan na nila ang taong iyon.Sa kasamaang palad, wala sa sarili si Skylar noong oras na 'yon kaya hindi niya nakita ang itsura ng nagtulak sa kanya. Ang mga CCTV naman sa magkabilang kalsada, awtomatikong nade-delete ang mga recording tuwing ikapitong araw. Pagkatapos ng limang taon, wala nang natitirang original na video na maaaring gamiting ebidensya. Sina Wallace at Julia ay nakahanap ng ilang saksi noon sa aksidente, pero lahat sila nagsabi na masyado nang matagal at hindi na nila maalala.Ngayon, may isang tao na tila may malinaw na alaala tungkol sa aksidente, kaya biglang nagkaroon ng pag-asa si Skylar. Masaya siyang tumingin palayo sa karatula sa kalsada, ngumiti sa babae, at nilahad ang kamay nang magiliw."Hello, ako si Skylar, boss a
Chapter 203: Dating aksidenteNAGHIHINTAY sina Jaxon at Skylar kay Yssavel sa ward. Pero pagkatapos ng mahabang paghihintay, nakatanggap sila ng tawag mula kay Xalvien na nasa gate ng ospital at nakita niyang tinulungan ni Yssavel si Barbara na makaalis.Pagkababa ng tawag, biglang naging seryoso at madilim ang mukha ni Skylar. Tumingin siya kay Jaxon, diretso sa malalalim niyang mata, at malamig ang boses habang nagsalita."Si Yssavel mismo ang tumulong kay Barbara na makatakas sa ospital. Una si Xenara, tapos ngayon si Barbara, lahat ng gustong pumatay sa akin, kinampihan niya. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Kaya sa susunod na makipagbanggaan ako sa kanya, huwag mo akong pipigilan, kundi makikipag-divorce ako sa'yo."Hindi siya nagbibiro tungkol sa divorce. Seryoso si Skylar. Para sa kanya, kung kakampihan pa rin ni Jaxon si Yssavel, ibig sabihin hindi niya kayang magpakatino at hindi na siya karapat-dapat pagkatiwalaan.Tumingin si Jaxon palabas ng bintana, hindi siya sumagot.Akala
Chapter 202: KapahamakanPAGKAALIS ni Audrey mula sa opisina ni Dr. Leo, hindi siya nag-stay sa labas para makinig sa usapan nila, at hindi na rin siya lumingon pabalik. Nilabas niya agad ang cellphone niya at tumawag habang naglalakad."Sa loob ng kalahating araw, gusto kong malaman kung may anak sa labas si Wallace at sino-sino ang doktor ng nanay ko na nagsagawa para sa private DNA test nitong mga nakaraang araw, pati na rin ang mga resulta ng mga test. Kung hindi niyo mahahanap, mag-empake na kayo at umalis. Hindi ko kailangan ng inutil sa kumpanya ko."Pagkatapos ibigay ang utos sa tauhan niya, sanay na niyang chineck ang mga unread na text message. May 33 lahat, at 32 dito galing kay Jeandric na paulit-ulit humihingi ng tawad dahil muntik nang lumampas sa linya ang nagawa nito kagabi.Mabilis lang na tinignan ni Audrey ang mga messages at pagkatapos ay dinelete lahat nang walang ekspresyon sa mukha.Yung natira, si Xenara ang sender, at isang sentence lang ang laman.Audrey. Na