Try ko pa mag-add ng chapter mamaya kapag kaya. Kauuwi lang from taking my exams. Meron pang set B next week huhu anyway, pahinga muna ako then sa ibang novel ko naman ako mag-update. thank you for reading!
Chapter 227: PagkagustoSA pagkakataong 'to, hindi umiwas si Beatrice.Tumama nang diretso sa noo niya ang matigas na tasa, at agad na dumugo ito."Ahhh!"Kasabay ng malakas niyang sigaw, nahulog sa sahig ang tasa, tumama sa tiles at nabasag."Ikaw, ikaw..." Galit na galit si Beatrice, nanginginig ang buong katawan niya habang itinuturo si Skylar."Anong 'ikaw'?!" Yumuko si Skylar at dinampot ang ashtray sa mesa, sabay titig sa kanya, "Aalis ka ba o hindi? Kung ayaw mong umalis, babasagin ko 'to sa ulo mo!""Second Young Madam, huwag po!" Narinig ng katulong ang ingay at dali-daling lumapit para pigilan si Skylar, habang palihim na kumikindat kay Beatrice. "Madam, umalis ka na po muna. Galit po ngayon si Second Young Madam. Kung may gusto kang sabihin, hintayin mo na lang na kumalma siya."Hindi na nagtagal pa si Beatrice. Nakakatakot si Skylar kapag nawawalan ng kontrol. Kahit pa ashtray lang ang hawak niya ngayon, naniniwala siyang kahit kutsilyo pa 'yan, handa siyang manaksak.Hawa
Hindi siya natatakot kay Yssavel, pero magkaibigan talaga sina Jesse at Zedrick.Sige na nga. Pabor na lang kay Jesse.“Papasukin mo.”“Opo.”Napangiti ng kaunti ang katulong at agad lumakad papunta sa pintuan para isama si Beatrice papasok.Naupo si Skylar sa sofa, umiinom ng gatas habang nakatitig lang sa TV. Nagkunwaring walang naririnig habang papalapit si Beatrice.Napatingin si Beatrice sa katulong, halatang alanganin. Nginitian siya ng katulong at dahan-dahang nagsalita.“Second Young Madam, nandito na po si Madam Lim.”“Madam Lim?”Napakunot ang noo ni Skylar, halatang hindi natuwa sa tawag. Ibinaba niya ang baso at malamig na tiningnan ang katulong.“Sino raw si Madam Lim?”Hindi maintindihan ng katulong kung ano ang problema ni Skylar, pero natakot ito sa malamig na tingin niya. Hindi na ito nagsalita. Alam ni Beatrice na gusto siyang hiyain ni Skylar. Tama nga siya. Nagpatuloy si Skylar, at parang tinuturuan ang katulong.“Yung asawa ni Madam Beatrice, patay na, at ang ape
Chapter 226: Totoong may pakanaHINDI sinagot ni Jeandric ang tawag ni Harvey, sa halip ay tinitigan niya lang ang screen ng cellphone nang malamig. Tahimik lang siyang nanood habang paulit-ulit na tinatawagan ni Harvey si Audrey. Mahaba ang kanyang pasensya. Matapos tumawag nang sunod-sunod si Harvey sa loob ng sampung minuto, saka lang pinindot ni Jeandric ang power button para patayin ang cellphone.Bago pa tuluyang namatay ang phone, kumikislap pa rin ang tawag ni Harvey. Parang nakita pa ni Jeandric sa screen ang mukha ni Harvey na puno ng pag-aalala dahil hindi niya makontak si Audrey.Napangisi si Jeandric at nagsimulang manukso. Ganito ang resulta ng pang-aagaw ng mahal niya - mapapraning ka.Matapos patayin ang cellphone, inilagay ni Jeandric ang cellphone ni Audrey sa kanyang bag. Tapos, marahang yumuko si Jeandric para buhatin si Audrey at dinala ito na para bang isang napakahalagang kayamanan.Tulad ng inaasahan ni Jeandric, baliw na sa pag-aalala si Harvey sa mga oras na
Si Jeandric ang pumili ng kanta. Bago ito, at hindi pa naririnig ni Audrey. Pero pagpatugtog ng intro, agad siyang nabighani sa ganda ng melodya.Si Jeandric ang nagsimula. Siya rin ang kumanta ng unang linya.Pagkabigkas niya ng lyrics, parang may tinik na humarang sa lalamunan ni Audrey. Ang bigat sa pakiramdam.“Say something, I'm giving up on you... I'll be the one if you want me to... Anywhere, I would've followed you... Say something, I'm giving up on you.”Halatang ginamit ni Jeandric ang lyrics ng kanta para iparating kay Audrey na dapat na siyang bumitaw kay Jaxon.“...And I will swallow my pride... You're the one that I love... And I'm saying goodbye...”Pagkatapos ni Jeandric kumanta, inalis niya ang mic sa bibig niya at iniabot kay Audrey.Ngumiti si Audrey at umiling. “Hindi, ‘di ko pa narinig ‘tong kanta. ‘Di ko kakayanin.”“E di inom na lang tayo.” Hindi na siya pinilit ni Jeandric. Tumango si Audrey, iniwan ang mic, pero mabigat ang pakiramdam niya dahil sa lyrics ng k
Chapter 225: Ang may gawaHABANG gumugulong si Jaxon sa kama habang kayakap si Skylar, si Audrey naman ay nakaupo pa rin sa loob ng kotse ni Jeandric, malungkot na malungkot.Tumatama ang maliwanag na sikat ng araw sa mukha niyang sobrang maputla, na parang walang dugo. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng pagkawala ni Jaxon at Skylar para bang nagyelo ang puso niya at hindi na niya maramdaman ang kahit kaunting init.Nasa driver's seat si Jeandric at siya ang nagmamaneho. Malalim at seryoso ang tingin niya, at parang hindi rin niya alam kung saan siya pupunta. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa rearview mirror para silipin si Audrey. Nang makita niyang parang nawalan na ito ng gana sa buhay, lalo siyang nainis at napakunot ang noo.“Saan tayo pupunta ngayon?” Siguro dahil sa sobrang bigat ng katahimikan, napilitan na rin magsalita si Jeandric para maputol ito.“Ikaw na ang bahala.” Pumikit si Audrey na halatang pagod na, inayos ang upo niya at tumingin sa bintana.Lalo pang uminit ang
Chapter 224: DivorceNANG lumapat ang halik ni Jaxon, kumabog ang dibdib ni Skylar at bahagyang nanginig ang katawan niya.Masayang-masaya si Jaxon sa pagiging sensitibo ng katawan ni Skylar. Bahagyang umangat ang kanyang manipis na labi, lumitaw ang magandang ngiti. Huminto siya sa paghalik at sa malamig pero kaakit-akit na boses ay bumulong sa tenga ni Skylar."Kung ayaw mo akong tulungan maligo, ako na lang ang tutulong sayo."Nagsimula nang maging maloko si Jaxon. Napangiwi si Skylar, bahagyang kumurap ang kanyang mga mata na para bang may banta. Pagkalipas ng mga tatlong segundo, tinaas niya ang paa niya, at buong lakas niya itong ibinagsak sa paa ni Jaxon."Ugh!"Napakunot ang makakapal na kilay ni Jaxon. Kanina lang ay sobrang yabang ng mukha niya, parang siya lang ang may hawak ng sitwasyon, pero biglang namula at nanikip ang mukha niya sa sakit dahil sa mabilis na atake ni Skylar."Skylar, ikaw talaga…" galit na galit niyang sabi."Ikaw na lang ang maghugas niyan!" malamig na
Ngumiti lang si Yssavel at hindi sumagot. Naging sensitibo si Xenara at hindi na nagtanong pa. Tahimik lang siyang nanood habang sumusulat si Yssavel. Maya-maya, naalala niya ang isang bagay. Hindi niya napigilan ang kuryosidad niya kaya maingat siyang nagtanong.“Ninang, pwede po ba akong magtanong?”“Sige, magtanong ka.”“Hindi na si Zeyn at ang tatay niyang si Juan ang namumuno sa Leeds Group ng pamilya Lacson-Leeds. Bakit sila pa rin ang pinili ninyong kakampi, hindi sina Yorrick at Clifford na sila na ang may kapangyarihan?”Pakiramdam ni Xenara, natural lang na makipag-alyado sa mas malakas. Kaya mas logical kung sila ang pinili.Medyo nag-iba ang expression ni Yssavel sa tanong na ito.Kung siya lang ang masusunod, gusto rin niya na sina Yorrick at Clifford ang kakampi. Pero ewan niya ba kung anong problema ng magtiyuhing 'yon. Noong nasa Amerika pa siya, ilang ulit siyang nag-try na makipag-ugnayan sa kanila, pero iniiwasan talaga siya. Kahit noong nagkita na sila sa public eve
Chapter 223: Little fairyMAGANDA at mainit ang sikat ng araw. Nasa balcony si Xenara habang sumasagot ng tawag sa phone. Pagkarinig niya ng balita mula sa spy niya, hindi napigilan ng kanyang mapulang labi ang ngumiti sa tuwa.“Sige, naiintindihan ko na. Ituloy mo lang ang pagmamanman. Tawagan mo agad ako pag may bago.”Masayang pinatay ni Xenara ang tawag, tumingala sa maganda at maaliwalas na tanawin sa hardin sa baba ng balcony, huminga ng malalim at masaya, tapos bumalik sa loob ng bahay.Ito ay ang study room ni Yssavel. Mahilig si Yssavel sa calligraphy. Sa ngayon, nakatayo siya sa harap ng mesa, ginagaya ang calligraphy work ng isang sikat na tao. Dahil sa seryoso at focus niyang itsura, tapos may dating pa siya na parang reyna ng bahay, sa unang tingin, mukha talaga siyang isang malaking artist na bihasa.Pagbalik ni Xenara mula sa balcony, halos paubos na ang tinta sa inkstone ni Yssavel. Agad siyang lumapit at nagsimulang gilingin ang tinta habang nagrereport.“Ninang, sak
Chapter 222: Hindi sinasabiTUMALIKOD si Jaxon at tumingin sa labas ng bintanang salamin sa sala. Nakita niyang nakaupo si Skylar sa sahig, hawak ang ulo, at nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Biglang nanlaki ang mata niya at dali-daling tumakbo papunta sa sala. Pero ilang hakbang pa lang siya, nakita na niya si Jeandric na buhat si Audrey habang papalapit mula sa sala.Masama ang itsura ni Jeandric. Para bang may may utang sa kanya ng daang bilyon na hindi pa nababayaran.Nakapulupot ang mga braso ni Audrey sa leeg niya at nakabaon ang mukha sa dibdib nito. Natatakpan ng buhok niya ang mukha kaya hindi makita ni Jaxon ang itsura niya.Habang palapit si Jeandric sa kanya, napansin ni Jaxon na nanginginig din ang katawan ni Audrey tulad ni Skylar.Doon niya naisip na siguro ay nag-away sina Skylar at Audrey. Pero matalino siya at hindi na nagtatanong kung bakit. Tahimik siyang dumaan sa tabi ni Jeandric na pareho ring seryoso ang mukha.Nang magtagpo sila ni Jeandric, bahagy