Chapter 367Huli na sina Santi at Alvaro. Nang tumakbo sila papunta sa kalsada, nakaalis na ang sasakyan nina Winona at Quilla.“Hah... Anong balak mo, ha?!” hingal na hingal si Alvaro, pawisan at pagod na pagod.Nakatitig si Santi sa papalayong mamahaling kotse ni Winona. Halatang dismayado sa nawalang pagkakataon para ipakita kay Alvaro ang tunay na kulay ng apo niyang si Winona.“Wala lang. Plano ko lang sanang itulak ka sa harap ng kotse. Gusto ko lang makita kung ililigtas ka ba ni Winona.”Napakunot ang noo ni Alvaro. Na-gets niya ang ibig sabihin ni Santi, at agad siyang nainis.“Bakit ka nakikialam? Kilala ko si Winona. Hindi mo na kailangan pang pakialaman 'yan.”Namutla si Santi. “Eh... baka kasi naloloko ka na, at hindi mo na alam kung sino ang mabuti at masama.”“'Ikaw ang naloloko!”Galit na tinalikuran siya ni Alvaro.Alam niyang maraming tao ang nagsasabing paborito niya si Winona. Alam din niyang hindi ganoon kabait ang puso ni Winona gaya ni Skylar. Pero para sa mga t
Chapter 366Si Alvaro ay labis na nadismaya.Hindi pa man siya nakakalaro ng matagal bilang “misteryosong old man,” nahalata na agad ni Jaxon ang tunay niyang pagkatao.Alam na niya ang susunod, ipapahuli siya at muling ibabalik sa ilalim ng pangangalaga nina Santi at Yorrick, kung saan araw-araw siyang babad sa gamot at mga pagsusuri. Pagod na pagod na siya sa ganung klaseng buhay."Grandpa, please sit down," malambing na alok ni Jaxon habang iginiya siya sa upuan ng pinuno sa mesa. Naka-ngiti pa ito at puno ng paggalang.Lumingon si Alvaro at tiningnan si Jaxon ng masama, halatang nagmamakaawa ang mata 'apo ko sa tuhod, pwede bang palayain mo na ako?'Ngumiti lang si Jaxon at yumuko para hilahin ang silya niya. Sa tonong naririnig lang nila, bulong niya, “Don’t worry, Skylar thinks I’m just playing along.”Wala nang nagawa si Alvaro kundi umupo, saka lihim na sinulyapan si Skylar.Gulat na gulat ang mukha ng dalaga habang nakatingin kay Jaxon. Malinaw na hindi ni Skylar pinagdududah
Chapter 365Naalala ni Alvaro na nung bata pa si Winona, napakabait nito. Mahilig sa mga aso, at nagpatayo pa ng shelter para sa mga napabayaan o iniwang alagang hayop. Bilang apo, masipag ito sa negosyo at matapang humarap sa kalaban.Dati, tingin ni Alvaro, tama lang ang pagiging matigas ni Winona, kailangan sa mundo ng negosyo.Pero nang makita niya ngayon si Skylar na walang pag-aalinlangang iniligtas ang isang aso, at si Winona na pagkatapos mabangga ito ay umalis nang parang walang nangyari... doon siya biglang nadismaya.Hindi man sinabi ni Skylar, pero halatang nalungkot ito. Galing sa puso ang pagkilos niya kanina. Hindi niya na pinuntahan ang aso, dahil nauna na ang isang street cleaner na kumuha sa katawan nito.Tahimik nilang iniwan ang lugar ng aksidente.---Sa parking lot ng Shangri-La Hotel, nasa magkabilang gilid ni Skylar sina Alvaro at Xalvien habang papunta sila sa elevator.“Saka mo na isama si Grandpa kumain pagkatapos niya makaligo at makapagpalit,” bilin ni Sky
Chapter 364Hindi inakala ni Mary Quilla na makakasalubong niya si Skylar at lalong hindi niya inaasahang ipagtatanggol nito ang isang mukhang pulubi sa lansangan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Alam niyang hindi basta-basta nakikialam si Skylar sa ibang tao. Malamang, galit ito sa kanya at sinadya siyang pagtulungan.“Mrs. Larrazabal, how can I possibly accept your money?” pakunwaring ngiti ni Mary Quilla. “Wala naman kayong relasyon ng matandang ‘yan. Nagbibiro lang ako, he obviously can’t afford 1 million.”Alam ni Quilla kung gaano kamahal si Skylar ni Jaxon, kaya hindi siya makalaban nang direkta. Sinubukan na lang niyang paliitin ang gulo.Pero alam ni Skylar kung gaano kabastos si Quilla. Matagal na siyang may galit dito. Bukod sa lantaran ang paghanga ni Mary Quilla kay Jaxon kahit alam niyang may asawa na ito, ang ina pa nito ay nakikipagkutsaba kay Yorrick, at halos ikamatay pa ni Yorrick ang resulta ng pakikialam niya.Isang ina gustong agawin si Yorrick, isang anak gusto
Chapter 363Oo, matandang lalaki nga ito na may malalim na plano.Hindi rin nagkamali ang lalaki nang tawagin niyang “apo” si Skylar kanina, dahil siya si Alvaro Leeds, ama ni Yorrick, at lolo ni Skylar. Siya ang pinakamatandang pinuno ng pamilyang Leeds.Tama rin ang unang kutob ni Skylar: si Alvaro ay isang batikang scammer.Noong kabataan niya, nagpanggap siyang nabundol para makuha ang simpatya ng isang babae , na kalaunan ay pinakasalan niya. Nang tumanda, nagkunwari naman siyang malubha ang karamdaman para subukin ang mga anak at alamin kung sino ang tunay na may malasakit. Doon niya pinili ang tagapagmana ng pamilya.At ngayon, nagpapanggap siyang may amnesia, kaawa-awa at kawawa sa harap ni Skylar, para subukin kung karapat-dapat ba itong maging apo niya, kung mabait ba ito at may kakayahang mamuno.Pagkarinig ni Skylar na sinabi nitong sinaktan siya ni Xalvien, napalingon siya agad kay Xalvien. Nakataas pa ang kamao nito, at mukhang handang manakit.Nanlamig ang mata ni Skyla
Chapter 362Kung may isang pangungusap na makakapaglarawan sa itsura nina Skylar at Xalvien sa sandaling iyon, ito ay: “High-energy warning ahead, please stay calm.”May isang taong nakahandusay sa harap ng sasakyan. May mga mantsa ng dugo sa paligid.“Nabunggo ba natin siya?” tanong ni Skylar habang nakakunot ang noo.Pakiramdam niya, may mali. Kung totoong nakabundol sila ng tao, dapat ay may narinig silang malakas na tunog. Pero bukod sa emergency brake ni Xalvien, wala siyang narinig na kahit anong kalabog.“Hindi,” sagot ni Xalvien. “Pagliko ko, bigla ko na lang siyang nakita sa daan. Kung hindi ako nag-preno, baka nasagasaan ko siya.”Napatingin si Skylar sa paligid. Hindi iyon abalang kalsada. May mga tirahan sa magkabilang gilid, at wala halos taong dumaraan. Tahimik ang buong lugar.Kung naroon na talaga ang taong iyon kanina pa, dapat ay napansin na nila.Nag-twitch ang labi ni Skylar.Malinaw ang sagot, modus ito. Malamang peke rin ang dugo sa sahig.“Boss, anong gagawin na