Chapter 24.2: PinasaraDUMATING ang kotse sa harap ng mansyon. Bumusina ang driver ng dalawang beses para ipaalam sa guwardiya na buksan ang gate.Tahimik ang buong bahay dahil tulog na ang mga kasambahay. Pumasok si Jaxon sa sala dala ang regalo ni Skylar."Sir..." Hinabol si Jaxon ng driver mula sa likod habang hawak ang isang lunch box. Tiningnan nito si Jaxon na parang may gustong sabihin. "Y-Yung pagkain po...""Reheat it," maikling sagot ni Jaxon, sabay akyat sa itaas. Pagkapasok sa kwarto, isinara niya ang pinto, ini-lock iyon at saka binuksan ang regalo.Habang binubuksan ang regalo, nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon pero bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay. Pinipilit niyang magpakatatag pero mas lalo lang itong nanginginig.Nasa loob ng kahon ang isang Gucci leather belt. Ang presyo nito, na wala pang isang daang libong piso, ang pinakamurang regalong natanggap niya simula pagkabata. Pero ang saya na dala ng regalo na iyon ay hindi matutumbasan.Tinitigan niy
Chapter 25.1: Don't wait for meGABI na at sa sala ng villa ni Skylar, nakaupo siya sa isang beige na sofa na gawa pa mula sa ibang bansa habang nanonood ng TV. Kitang kita sa kilos niya na malungkot na malungkot siya. Nagpaalam na ang mga helpers ngayong araw kaya siya lang ang nasa malaking villa. Hindi niya alam kung darating si Jaxon ngayong gabi. Gusto na sana niyang matulog sa itaas pero nag-aalala siya na baka dumating si Jaxon at walang mag-asikaso sa asawa niya kaya pinilit niyang maghintay sa sala.Medyo malayo ang opisina ni Jaxon sa bahay ni Skylar, kaya alas-onse y medya na siya nakauwi. Alam niyang wala ang kasambahay ngayon at nang makita niyang bukas pa rin ang ilaw sa sala, naisip ni Jaxon na hinihintay pa rin siya ni Skylar. Pagbaba ng sasakyan, tumayo siya sa tapat ng malaking pinto, naghintay na buksan ito ng asawa niyang nasa loob.Pero kahit gaano katagal si Jaxon na naghintay, walang nagbukas ng pinto. May kaunting lungkot na lumitaw sa malamig niyang mga mata.
Chapter 25.2: Gumagaan ba ang loob moMATAPOS MALIGO, tumitig si Skylar sa salamin nang matagal, nakaramdam ng kaba. Mas naging buo ang hugis ng kanyang dibdib, mas malaki kumpara noong magkasama sila ni Jaxon limang taon na ang nakalilipas. Kahit konserbatibo ang suot niyang pajama, kapansin-pansin pa rin ang kanyang ganda.Pagbalik niya sa kwarto, nakatayo si Jaxon sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng red wine habang pinagmamasdan ang buwan. Dahil glass wall ang naroon, kahit si Skylar ay natatanaw ang dilim sa labas. Nang marinig nitong binuksan niya ang pinto, lumingon ito. Nakasabog ang kanyang mahabang itim na buhok sa balikat, at sa ilalim ng liwanag ng chandelier, nagmistulang perlas ang makinis niyang balat.Sa bawat hakbang niya, bahagyang umaalog ang kanyang dibdib. Ang makinis at mapuputi niyang hita na may patak pa ng tubig mula sa shower ay tila kumikislap sa liwanag. Nakayuko si Skylar, halatang kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Inangat niya ang kamay para ayusi
Chapter 26: Bayarang babae“SAAN ka pupunta?” Bago pa makabawi sa takot si Skylar, naitulak na siya ni Jaxon sa pader. Ang malamig at mababa nitong boses na may halong amoy ng alak, ay narinig niya mula sa itaas ng kanyang mukha. Naiilang siyang umiwas at lumayo ng bahagya sa mukha niya kay Jaxon. “Tinatanong kita, saan ka pupunta?!” Nang makita ni Jaxon ang pag-iwas ni Skylar, biglang sumiklab ang galit sa itim nitong mga mata at tumaas nang sobra ang tono ng boses. Napayuko si Skylar mula sa lakas ng sigaw ni Jaxon. Napaatras siya at sinubukang maging kalmado. “Tingin ko dapat mag-usap tayo nang maayos.” “Mag-usap?!” Hinawakan ni Jaxon ang kanyang baba at itinaas ang mukha niya para tumingin sa malamig nitong mga mata. “Isa ka lang babae na binabayaran ko para painitin ang kama ko. Anong karapatan mo para magsalita nang ganyan sa akin?” Ang nakakababa nitong mga salita ay lalong tumindi na unti-unting napuno ng luha ang mga mata ni Skylar. Naging malungkot siya pero hindi niya
“Miss Skylar, huwag kang mag-alala. Wala akong masamang intensyon. Gusto lang kitang makausap nang maayos.” “Anong pag-uusapan natin? Hindi kita kilala, kaya bakit kita kakausapin?” prangkang sabi ni Skylar. “Uh…” Nagulat yata ang lalaki sa sagot niya. Sandali itong tumahimik bago siya tinakot, “Kung ayaw mo akong harapin, wala akong magagawa kundi kunin ang kapatid mo.” “Kîdnapping na ang ginagawa mo!” galit na sagot ni Skylar. “Ang lakas ng loob mo, ha?” “Kaya, pupunta ka ba nang kusa o gusto mo bang ipakuha kita sa mga tao ko para sunduin?” “Ang dami mo nang sinabi, paano ako hindi pupunta?” Galit ngunit nagmamadaling lumabas ng villa si Skylar. Bitbit ang kanyang bag, nagmamadali siyang humarang ng sasakyan sa kalsada. Ang napagkasunduang lugar ay ang mismong kwarto ni Terra sa ospital. Hindi alam ni Skylar kung ano ang balak ng lalaking iyon at hindi siya mapakali. Kung magawa nitong maghasik ng gulo sa ospital nang walang takot, tiyak na makapangyarihan ito. Delika
Chapter 27: Kapalit"HARVEY, that's my name, Miss Skylar," dahan-dahang binanggit ng lalaki ang pangalan nito. "Harvey?!" Napakurap si Skylar, iniisip kung tama ba ang narinig niya. "Ikaw ba ang kapatid ni Audrey?" Si Audrey ay isang babaeng anak-mayaman tulad nina Jaxon at Jeandric. Magkaibigan sina Skylar at Audrey noon at nabanggit nito na may kapatid itong nagngangalang Harvey. Dahil sa kakaibang sexual orientation at lifestyle ni Harvey, nanirahan ito ng matagal sa ibang bansa kaya hindi pa ni Skylar nakikita si Harvey kundi ngayon pa lang. Bahagyang tumango si Harvey, sandali siyang tinitigan at saka nagsalita. "Huwag mong isipin na dahil kaibigan mo si Drey, papayag akong kalimutan ang one hundred million na utang ng ama mo." "Imposibleng magkaroon ng utang na one hundred million ang tatay ko. Hindi iyan naaayon sa patakaran ng underworld kasi wala naman siyang kakayahang magbayad ng ganung kalaki, maliban na lang kung sinadya niyong dayain siya," sagot ni Skylar. Alam
Isang malakas na tunog ng kung ano ang narinig mula sa linya ni Jaxon na ikinagulat ng lahat. Maging si Harvey ay napakunot noo at tila natigilan sandali. Blangkong nakatingin naman si Skylar sa cellphone kung saan naririnig ang boses ni Jaxon. Nai-imagine niya ang galit na mukha ni Jaxon - iyong parang handang pumatay para sa kanya dahil sa gulong dala ni Harvey sa kanya. Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil pakiramdam ni Skylar, may pakialam si Jaxon sa kanya. Nang makita ni Harvey na seryosong galit na si Jaxon, inalis nito ang speakerphone at diretsong bumalik sa pakay. "Mr. Larrazabal, hindi mo kailangang magalit ng ganyan. Hindi ko sasaktan si Skylar at hindi ko na rin kailangan ang one hundred million. Pero may pakiusap ako. Sana palayain mo si Quinn dahil pinasara mo ang isa naming casino." Quinn?! Bahagyang napakunot ang noo ni Skylar. Hindi pala siya ang dahilan kaya naroon si Harvey ngayon. Si Quinn na mukhang nakaaway ni Jaxon ang totoong pakay ni Harvey. Pero
Chapter 28: MaawainUMUPO si Caridad sa sahig at humagulhol nang malakas. Ang mga tao mula sa ibang ward at pasilyo ay nagtipon-tipon dahil sa komosyon. Nakita nilang nakaupo si Caridad sa sahig, may mga pasa sa mukha at braso na tila dahil sa pambubugbog, kaya agad silang naniwala sa sinasabi nitong kwento at galit na sinita si Skylar. "Ang tigas ng puso mo, hija! Inalagaan ka ng nanay mo nang buong pagsisikap. Madali ba iyon? Imbes na respetuhin mo siya, ginanito mo pa siya. Hindi ka ba natatakot sa karma, ha?" Para sa mga tao, ang pagiging mabuti sa magulang ay pinakamahalaga sa lahat. Sa paniniwala nila, ang mga anak na hindi marunong magpasalamat sa magulang ay dapat maparusahan. Karamihan sa mga nanonood ay matatandang lalaki at babae kaya't masyado silang emosyonal. Galit na hinila ni Skylar ang braso ni Caridad para itayo ito mula sa sahig. "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Hindi kita sinaktan!" Itinulak ni Caridad si Skylar palayo at itinuro ang kalahati ng kanyang mu
Chapter 215: PaghahanapBUMAGSAK ang mga talukap ng mata ni Skylar, kagat ang labi niya habang hirap huminga at masakit ang dibdib. Nalunod siya sa sakit ng pagkadismaya at halos mawalan na ng pag-asa. Ang kabiguang iligtas siya ni Audrey ay tuluyang sumira sa huling pag-asa niya rito. Lumamig at naging mabigat ang hangin sa paligid.Sa kabilang linya ng telepono, hindi na narinig ng butler ang boses ni Skylar kaya napakunot ito ng noo."Hello? Miss Skylar, nandiyan ka pa ba?"Tahimik ang buong kwarto, tanging paghinga lang nila Skylar at Zeyn ang maririnig.Mahigpit na nakapikit si Skylar, hindi niya alam kung ano pa ang dapat sabihin. Tatawagin ba niya ang butler para ipasabi kay Audrey na iligtas siya?Hah... Napangisi siya nang walang tunog.Pasensya na, pero hindi niya kayang gawin ‘yon. Hindi siya papayag na tapakan ang pride at dignidad niya. Hindi pa siya ganoon kababa.Nakita ni Zeyn ang nawalan ng kulay na mukha ni Skylar at alam niyang tuluyan na itong nawalan ng pag-asa ka
Chapter 214: Hindi mahalagaNAHIHILO si Skylar. Pagkagising niya, hindi niya alam kung nasaan siya. Ang naramdaman lang niya ay matinding hilo at panghihina sa buong katawan.Hindi na nakatali ang kamay at paa niya, pero wala pa rin siyang lakas para lumakad. Ang nakita niya ay isang magarang kuwartong may disenyo na parang palasyo sa Europe.Mag-isa lang siya sa kuwarto at walang bantay. Malinaw na kampante si Zeyn na hindi siya makakatakas mula roon.Pinilit niyang lumakad papunta sa bintana. Ilang metro lang ang layo pero pakiramdam niya ay tumakbo siya ng marathon. Sobrang pagod niya, pawis na pawis at hingal na hingal. Inabot niya ang bintana at tinulak nang malakas. Hindi man lang gumalaw. Katulad ng inaasahan niya.May rehas sa labas ng bintana at naka-lock pa ito. Kahit basagin pa niya ang salamin gamit ang mabigat na bagay, hindi pa rin siya makakalabas. Ang tanging daan palabas ay ang pintuan.Nalugmok sa pag-asa si Skylar. Nanginginig sa pagod, kinayod niya ang sarili para
Chapter 213: TulongNATULALA si Audrey sandali at huminga nang malalim. Pinilit niyang kalmahin ang sarili bago magsalita. "Zeyn, huwag mong sasaktan si Skylar. Kung may problema, pag-usapan natin."Pagkarinig nito, pinunasan ni Zeyn ang laway sa mukha niya at ngumiti ng mayabang. "Sa totoo lang, pumunta ako dito sa Pilipinas para bilhin ang mga maliliit na shares ng company. May hawak na 0.03% ang nanay mong si Madison. Matalino ka namang tao, Miss Lim. Kung gusto mo talagang iligtas ang kaibigan mong si Skylar, pumirma ka na ng share transfer letter para sa nanay mo at ipadala mo sa lugar na sasabihin ko."Kumunot ang noo ni Audrey. Ibig sabihin ni Zeyn, hindi sila maghaharap para magpalitan. Medyo dumilim ang mukha niya. "Ibibigay ko sa 'yo ang hinihingi mo, pero dapat magharap tayo. Isang kamay sa tao, isang kamay sa bagay. At bago pa mangyari 'yon, bawal mong saktan si Skylar!"Tahimik ang kotse. Walang ibang nagsalita bukod kay Zeyn. Nasa tabi niya si Skylar, at bahagya niyang n
Chapter 212: KidnappingMUKHANG nagmamadali si Xenara at takot na takot na baka hindi siya samahan ni Skylar.Tumayo siya mula sa kanyang upuan, mabilis na lumapit kay Skylar, hinawakan siya at hinila nang malakas."Bitiwan mo ako!" galit na sigaw ni Skylar at malakas na sinipa si Xenara."Aray!" napasigaw si Xenara sa sakit at napakapit ang kamay, galit na nakatingin kay Skylar habang minumura ito, "Malandi kang Skylar ka! Gusto mo bang patayin kita ngayon din?"Napangisi si Skylar at hindi naniwala na kakayanin ni Xenara na saktan siya nang harap-harapan. Tumayo siya, nakapamaywang, tinaas ang kilay at sinipat si Xenara."Xenara, kung pumunta ka lang dito para makipag-away, umalis ka na. Pero kung talagang gusto mong makipagsabunutan, tatawagan ko si Jaxon para pauwiin siya sa kompanya at sabayan kang makipagbugbugan.""Ikaw—!"Galit na galit si Xenara, kita sa dibdib niya ang mabilis na paghinga. Si Jaxon ang pinaka-mahinang spot niya. At hindi naman talaga siya pumunta para makipa
Chapter 211: SumamaTINITIGAN ni Audrey si Jeandric nang malalim. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya at bigla na lang siyang nagtanong ng ganun.Pagkatapos niyang itanong, parang hindi siya makapaniwala sa sarili niya."Kung minahal mo si Jaxon noon... anong gagawin ko?" Marahang inulit ni Jeandric ang tanong ni Audrey, bahagyang ngumiti ang maninipis niyang labi, pero halatang pilit ang ngiti niya. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko."Tinitigan ni Jeandric si Audrey gamit ang madilim niyang mga mata na parang may bituin. Kahit kalmado si Audrey, hindi niya naiwasang magdilim ang mga mata niya. Huminga siya nang malalim, bahagyang pinikit ang mga mata para iwasang tingnan si Audrey at nagsalita ng malalim ang boses, "Baka patayin ko si Jaxon, baka ikaw, pero ang pinaka-malamang..."Parang biglang nahanap ni Jeandric ang sagot. Agad siyang tumingin ulit kay Audrey at seryoso at tapat ang tingin niya."...Gagawin ko ang lahat para pakasalan ka. Kahit mahal
Chapter 210: SalarinTO KILL your enemy using someone's hand. Ito agad ang unang plano na pumasok sa isip ni Xenara. Pero paano ba manghihiram? Aling kutsilyo ang hihiramin? At siguraduhin din na hindi mapapansin ng hiniram na kutsilyo na ginagamit siya; na hindi rin ganon kadali.Matapos mag-isip-isip si Xenara, sinabi niya, "Kung ako si Audrey, hahanap muna ako ng kutsilyo. Si Barbara na baliw kay Kuya Jaxon limang taon na ang nakalipas ang pinaka-perfect gamitin. Sa ugali ni Barbara noon, hindi na kailangan siyang udyukan pa. Kailangan lang iparating sa kanya na pinaaga ni Kuya Jaxon ang kasal nila dahil buntis si Skylar, tiyak siya na mismo ang kikilos para saktan si Skylar.""Si Audrey ang may gawa niyan." Biglang napagtanto ni Xenara at masayang tumingin kay Yssavel, kumikislap ang mga mata."Noon, hindi naman ipinagsabi ni Kuya Jaxon na buntis si Skylar. Pati nga tayo, nalaman lang natin nung naaksidente na siya. Hindi niya sinabi kahit sa mga kamag-anak natin, paano pa kaya k
Chapter 209: NinangMULING napaiyak si Skylar at nasaktan naman ang puso ni Jaxon. Bahagya niyang pinikit ang malalalim niyang mata, at mula sa mga singit nito ay lumabas ang malamig na liwanag na parang espada ng yelo, na agad tumarak kay Barbara.Lahat ng tao ay hindi pa kailanman nakita siyang ganoon kabagsik at nakakatakot, kaya nanindig ang balat nila sa takot.Sa sobrang takot ni Barbara, napaurong ang mga paa niya at dali-daling tumakbo papunta kay Yssavel habang sumisigaw."Mrs. Larrazabal, iligtas mo ako!"Walang magawa si Yssavel kundi hawakan ang noo niya at hindi pansinin ang paghingi nito ng tulong.Hindi makapaniwala si Xenara habang nakatitig sa eksena sa harap niya. Hindi niya inakala na si Barbara pala ang totoong may sala sa pagkakunan ni Skylar limang taon na ang nakalipas. Dati kasi, ang akala niya ay si Audrey ang may kagagawan.Tahimik na pinanood ni Audrey si Barbara na nagtatakbo para sa buhay niya habang hinahabol ni Jaxon. Kung iisa lang ang pwedeng gamitin p
Chapter 208: Resulta ng imbestigasyonSI SKYLAR na umiiyak na ang mga mata ay nagmamakaawa, dahilan para manikip ang dibdib ni Audrey sa sobrang sakit. Pilit siyang nagsalita pero hindi lumabas ang boses niya, parang isang sirena na naging tao at biglang nawala ang kakayahang magsalita.Nang marinig ni Barbara ang sinabi ni Skylar, biglang nawala ang mapanuksong ngiti sa mukha niya at napalitan ng pangit at galit na itsura.Sumigaw siya, "Skylar, tanga ka ba? Anong silbi ng pagsisinungaling mo sa sarili mo? Mabubura ba niyan ang katotohanan na kasing sama din siya ng pagkatao ko? Na gusto rin niyang masira agad ang relasyon niyo ni Jaxon para siya ang pumalit sa'yo?""Manahimik ka!" sigaw ni Jeandric. Pagkatapos sigawan si Barbara, tumingin siya kay Skylar na nakaluhod sa sahig at nagmamakaawa kay Audrey, tapos nilingon si Audrey at galit na sinabi, "Drey, anong hinihintay mo? Bilisan mo! Magpaliwanag ka! Hindi mo ba nakikita na halos maiyak na si Skylar sa pag-aalala?"Bumagsak ang l
Chapter 207: Aksidente noonNANGINIG ang puso ni Skylar, napaatras siya at nadapa nang umatras ang mga paa niya. May bumangga sa heel niya kaya napaluhod siya nang hindi inaasahan. Nang halos mapahiya siya sa pagkaluhod, may isang malakas at mainit na kamay na sumalo sa baywang niya mula sa likuran.Pagdaka, naramdaman niyang nakaupo na siya sa isang mainit at matibay na kandungan at naririnig ang matatag at malakas na tibok ng puso ng isang tao.Nang itinaas niya ang ulo niya, nakita niya si Jaxon na ilang segundo siyang tinitigan na hindi kumukurap. Pagkatapos ay iniwas nito ang tingin at malamig na sinulyapan ang lahat ng tao sa paligid bago tumigil ang tingin niya kay Barbara. "Kahit pa totoo ang sinasabi mo, kahit pa totoong nagustuhan ako ni Audrey noon, hindi magbabago ang relasyon at nararamdaman namin dahil lang sa nangyari."Malalim ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Jaxon. Para kay Barbara, Xenara, Yssavel at sa iba pa, ang dating ng sinabi niya ay magpapatuloy pa rin ang ma