Chapter 77: Rodriguez's Pharmaceuticals"J-JAXON, h-huwag—"Alam ni Skylar kung ano ang ibig sabihin ni Jaxon tungkol sa salamin, kaya agad siyang tumalikod para tumakas."You're too late, wife. Hindi na ako makakapagpigil."Hinila siya pabalik ni Jaxon at gamit ang dalawang daliri, dahan-dahang hinatak pababa ang suot niyang nightgown."Ah!"Nang makita ang sarili niyang hubàd sa salamin, natakot si Skylar kaya napapikit siya at napasigaw."'Wag kang kabahan." Hinalìkan ni Jaxon ang kanyang mga mata. "Relax ka lang. Tumingin ka sa salamin, ang ganda mo, nakikita mo?"Alam ni Skylar na wala na siyang ligtas. Kahit na matagal na silang magkasama ni Jaxon at ilang beses nang ginawa ito, hindi niya pa rin mapigilan ang hiya niya, lalo na sa ganitong sitwasyon.Ang pinaka-hindi matiis ni Jaxon ay ang mahiyain at namumulang mukha ni Skylar. Hinawakan nito ang mukha ni Skylar saka dinampian ng hàlik mula sa noo, pababa sa ilong, hanggang sa labi. Matagal at mapusok niya itong hinalîkan.Nap
Masaya, makulit at puno ng inspirasyon ang tono ng boses ni Skylar pero nang marinig iyon ni Lito, nakaramdam siya ng lungkot. Alam niyang gusto ni Skylar na matanggap at pagpalain ng lahat ang kasal nila ni Jaxon. Ang dahilan kung bakit natatakot si Jaxon na hindi si Skylar tanggapin ng pamilya nito ay dahil lumaki si Skylar sa hirap at hindi raw bagay sa isang pamilya gaya ng sa Larrazabal. At kasalanan ni Lito iyon. Dahil sa pagiging mahina niya, minamaliit ng iba ang kanyang anak.Napakunot-noo si Lito habang nakatingin sa likuran ni Skylar, ramdam ang pagsisisi at bigat ng loob. Ilang saglit pa, tahimik siyang lumakad palayo, na parang hindi siya bumalik at hindi niya narinig ang sinabi ni Skylar sa puntod ni Alyona.Alam kasi niyang ayaw ni Skylar na malaman nilang na nasasaktan ito. ---Bago ang araw pag-alis ni Jaxon para sa business trip, natapos na nila ng pamilya Lim ang plano nilang pabagsakin ang Rodriguez Family. Kaya nang makabalik si Skylar mula sa sementeryo, nagsim
Chapter 78: Dating kasintahanHINDI inakala ni Skylar na sasagot ito nang ganoon kapilyo. Napatulala siya saglit, tapos biglang namula ang mukha. Napahiya at naiinis, itinulak niya si Jaxon nang malakas. "Lumayas ka diyan! Lalabas ako para kumain ng masarap na pagkain!"Nang makita siyang galit, hindi napigilan ni Jaxon ang tumawa. Itinaas nito ang kamay at pinisil ang malambot na pisngi ni Skylar. "Tanga ka talaga. Nagmadali akong umuwi kasi miss na miss kita."Pero hindi ganoon kadali mawala ang inis ni Skylar. "Nang-aasar ka lang!" Nagpumiglas siya para makawala. "Bitawan mo ako! Wala akong balak kumain kasama ang isang manyak na gaya mo!"Mahigpit na hinawakan ni Jaxon ang kamay niya tapos ngumiti nang makahulugan. "Wife, hindi mo ba alam na kapag tinutukso mo ang isang gutom na manyak, may malaking kapalit ‘yon?"Kumikislap ang malalim nitong mga mata, puno ng saya pero ang tono ng boses niya ay may halong babala.Biglang bumalik sa isip ni Skylar ang nangyari kaninang umaga—kun
Napangiti si Skylar at tumango. "Oo na, oo na! Hindi ka pa lasing! Iinom pa tayo mamaya!""Haha! Alam ko talagang ikaw ang pinakaloyal sa akin!" tawang-tawa si Audrey, pero dahil sa kalasingan, muntik na itong madapa.Agad itong inalalayan ni Skylar habang patuloy silang naglakad papunta sa sasakyan ni Jeandric."Dahan-dahan." Inalalayan ni Skylar si Audrey papunta sa sasakyan. Dahan-dahan niya itong isinandal sa kotse, habang binuksan naman ni Jeandric ang pinto."Ayos lang ako, talagang ayos lang ako! Skylar, wag kang mag-alala, malinaw pa ang isip ko... ugh—" Hindi pa man natatapos ang sinasabi niya, bigla na lang siyang sumubsob sa pinto ng kotse at nagsimulang sumuka.Nang marinig iyon, agad na bumalik si Jeandric mula sa driver's seat. "Skylar, sumabay ka na sa loko mong asawa. Ako na ang bahala sa kanya.""Sige." Tumango si Skylar at tumalikod para umalis, pero hindi niya inaasahan na hahawakan siya ni Audrey.Halos lumuha ito habang nakikiusap, "Skylar, wag mong agawin ang lal
Chapter 79: KayamananILANG minuto ang lumipas, isang lalaking nasa kalagitnaan ng edad ang dinala mismo ni Wallace papasok sa opisina ni Jaxon."Pasok po kayo." Magalang na binuksan ni Wallace ang pinto at iniabot ang kamay bilang paanyaya.Si Jaxon na kasalukuyang abala sa kanyang trabaho ay hindi sinasadyang napatingin sa direksyon ng pinto.At sa nakita niya—halos hindi siya makapaniwala. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.Nakita ito ni Wallace, kaya hindi nito napigilang takpan ang bibig at tumawa nang mahina.Napagtanto ni Jaxon na masyado siyang nagpakita ng emosyon kaya agad niyang tiningnan si Wallace nang masama. Agad namang umiwas ng tingin si Wallace at sinabing, "Mr. Larrazabal, itong si sir ang nagpakilala bilang dating kasintahan ng girlfriend mo. Ang totoo, matagal mo na rin siyang kilala. Ang pangalan niya ay Linus Theodore Aquino o mas kilala bilang Lito Aquino."Muling sinamaan ng tingin ni Jaxon si Wallace. 'Hindi mo na kailangang ipaalala kung sino siya—hindi
Tahimik lang si Jaxon. Nananatili pa rin ang malamig at kalmadong ekspresyon sa kanyang gwapong mukha pero sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang magtaka. Ano ba talaga ang pakay ni Lito at bakit siya nagbibigay ng ganito kamahal na mga bagay?Makalipas ang ilang minuto, tahimik pang binuksan ni Lito ang ilan pang kahon.Isa-isa itong tiningnan ni Wallace—jade, silver, agate, pearls, mga mamahaling bato..."Diyos ko, puro antique na sobrang mahal!"Muntik nang lumuwa ang mga mata ni Wallace. "Boss, totoo nga, sobrang yaman ng biyenan mo! Super rich!"Nagkikislapan ang kanyang mga mata na parang may mga bituin at pakiramdam niya ay halos mabulag na siya sa kinang ng kayamanan ni Lito.Sino ang mag-aakala? Ang lalaking dating kinukutya bilang isang sugarol na laging walang pambili na kahit briefs dahil sa kakatalo—ito pala ay isang milyonaryo!Kung malalaman lang ito ng mga dating nangaalipusta kay Lito dahil wala ito pera, siguradong mahihimatay sila sa galit. Pinakawalan nila ang isa
Chapter 80: Paghahanap ng peraANG HANGIN SA LOOB ng office ay puno ng tensyon, parang isang laban na walang baril at bala, kundi apoy ng sagupaan sa mga mata nina Jaxon at Lito."Ibalik mo ang mga antique na 'yan." Matapos ang mahabang katahimikan, sa wakas ay nagsalita si Jaxon. Malamig at matalim pa rin ang kanyang mga mata at ang tono ng kanyang boses ay nanatiling matigas at hindi maaaring suwayin—tulad ng nakasanayan bilang isang CEO."Paano mo nagagawang gawin ito? Hindi mo ba mahal si Skylar? Ikaw mismo ang nagsabi na hindi mo hahayaang magdusa siya o dumanas ng anumang hirap. Kinasal na kayo, bakit hindi mo siya bigyan ng isang marangyang kasal?"Galit na galit si Lito, nakakunot ang noo at halos lumipad ang kanyang laway sa sobrang pagsasalita. Talagang nagngingitngit siya sa galit."Huwag kang masyadong magalit. Ang ibig kong sabihin, sapat na ang bride price na tiara at ang wedding gown."Sa malamig ngunit kalmadong boses ni Jaxon, unti-unting humupa ang galit ni Lito. Nan
Ang lahat ng ginawa ni Jaxon—ang pag-aalaga, pagmamahal, at pagiging tapat—ay parang paputok na sumabog sa kanyang mga mata. Nagningning ito nang husto, pinabilis ang tibok ng kanyang puso, pinainit ang kanyang pisngi, at...Gusto niyang halîkan ito.Bahagyang itiningkayad ni Skylar ang kanyang mga paa upang abutin ang kanyang asawa. Pero bago pa siya makagalaw, si Jaxon na mismo ang yumuko at hinalîkan siya.Isang hàlik na puno ng pagmamahal—parang gusto nitong protektahan at ipaglaban sila habambuhay.Sa hardin na punong-puno ng bulaklak, mahigpit na magkayakap sina Jaxon at Skylar, naghàlikan nang parang wala nang bukas hanggang sa dumilim na ang langit.Parang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Lahat ng nasa paligid nila ay naging parang background lang sa isang napakagandang painting o tula.Hanggang sa maramdaman ni Skylar na nauubusan na siya ng hangin. Saka lang huminto si Jaxon. Mapula ng bahagya ang kanyang mukha at ang madilim niyang mga mata ay kumikislap sa kakaibang ali
Ngumiti lang si Yssavel at hindi sumagot. Naging sensitibo si Xenara at hindi na nagtanong pa. Tahimik lang siyang nanood habang sumusulat si Yssavel. Maya-maya, naalala niya ang isang bagay. Hindi niya napigilan ang kuryosidad niya kaya maingat siyang nagtanong.“Ninang, pwede po ba akong magtanong?”“Sige, magtanong ka.”“Hindi na si Zeyn at ang tatay niyang si Juan ang namumuno sa Leeds Group ng pamilya Lacson-Leeds. Bakit sila pa rin ang pinili ninyong kakampi, hindi sina Yorrick at Clifford na sila na ang may kapangyarihan?”Pakiramdam ni Xenara, natural lang na makipag-alyado sa mas malakas. Kaya mas logical kung sila ang pinili.Medyo nag-iba ang expression ni Yssavel sa tanong na ito.Kung siya lang ang masusunod, gusto rin niya na sina Yorrick at Clifford ang kakampi. Pero ewan niya ba kung anong problema ng magtiyuhing 'yon. Noong nasa Amerika pa siya, ilang ulit siyang nag-try na makipag-ugnayan sa kanila, pero iniiwasan talaga siya. Kahit noong nagkita na sila sa public ev
Chapter 223: Little fairyMAGANDA at mainit ang sikat ng araw. Nasa balcony si Xenara habang sumasagot ng tawag sa phone. Pagkarinig niya ng balita mula sa spy niya, hindi napigilan ng kanyang mapulang labi ang ngumiti sa tuwa.“Sige, naiintindihan ko na. Ituloy mo lang ang pagmamanman. Tawagan mo agad ako pag may bago.”Masayang pinatay ni Xenara ang tawag, tumingala sa maganda at maaliwalas na tanawin sa hardin sa baba ng balcony, huminga ng malalim at masaya, tapos bumalik sa loob ng bahay.Ito ay ang study room ni Yssavel. Mahilig si Yssavel sa calligraphy. Sa ngayon, nakatayo siya sa harap ng mesa, ginagaya ang calligraphy work ng isang sikat na tao. Dahil sa seryoso at focus niyang itsura, tapos may dating pa siya na parang reyna ng bahay, sa unang tingin, mukha talaga siyang isang malaking artist na bihasa.Pagbalik ni Xenara mula sa balcony, halos paubos na ang tinta sa inkstone ni Yssavel. Agad siyang lumapit at nagsimulang gilingin ang tinta habang nagrereport.“Ninang, sak
Chapter 222: Hindi sinasabiTUMALIKOD si Jaxon at tumingin sa labas ng bintanang salamin sa sala. Nakita niyang nakaupo si Skylar sa sahig, hawak ang ulo, at nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Biglang nanlaki ang mata niya at dali-daling tumakbo papunta sa sala. Pero ilang hakbang pa lang siya, nakita na niya si Jeandric na buhat si Audrey habang papalapit mula sa sala.Masama ang itsura ni Jeandric. Para bang may may utang sa kanya ng daang bilyon na hindi pa nababayaran.Nakapulupot ang mga braso ni Audrey sa leeg niya at nakabaon ang mukha sa dibdib nito. Natatakpan ng buhok niya ang mukha kaya hindi makita ni Jaxon ang itsura niya.Habang palapit si Jeandric sa kanya, napansin ni Jaxon na nanginginig din ang katawan ni Audrey tulad ni Skylar.Doon niya naisip na siguro ay nag-away sina Skylar at Audrey. Pero matalino siya at hindi na nagtatanong kung bakit. Tahimik siyang dumaan sa tabi ni Jeandric na pareho ring seryoso ang mukha.Nang magtagpo sila ni Jeandric, bahagy
Chapter 221: Friendship overNARAMDAMAN ni Audrey ang matinding sakit sa puso niya.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Skylar, "Kasi, ang mahal niya, hindi ikaw. Ako iyon."Parang kutsilyo ang bawat salita, mas masakit pa kaysa sa sampal na tinanggap niya mula kay Skylar.Matagal na niyang hindi kayang maglakas-loob na umamin kay Jaxon dahil alam niya sa sarili niya na ang mahal talaga ni Jaxon ay si Skylar. Takot siyang mabigo, takot siyang tanggihan, at higit sa lahat, takot siyang tuluyang mawala si Jaxon.Tama si Skylar, isa siyang duwag. Mas duwag pa kina Xenara at Barbara.Pag-isip niya nang ganito, namasa ang mga mata ni Audrey. Tapos, ngumiti siya nang pakunwari at tumingin kay Skylar na parang may hamon."Hindi ka naman si Jaxon, paano mong nasabing hindi niya ako gusto?"Tumingin si Skylar sa kanya, walang emosyon, pero may bahid ng pagmamayabang."Sinabi niya sa akin mismo. Noong birthday ni Yssavel, nung sinabi ni Barbara sa harap ng lahat na gusto mo si J
Chapter 220: Simula't sapulMADALAS sinasabi ng mga tao na dapat maging tapat at prangka tayo, lalo na sa pamilya at mga kaibigan. Kasi, bawat pagkakataon na magsisinungaling ka, kahit pa puting kasinungalingan lang, kailangan mo ng maraming kasinungalingan para maitago ito. Sa proseso ng pagtatakip, makakaranas ka ng sobrang hirap at sakit na mahirap maintindihan ng ibang tao.Ganoon si Audrey. Para maitago ang sikreto na matagal na niyang gusto si Jaxon, araw-araw siyang umaarte. Parang siyang spy araw-araw, laging tense ang utak, natatakot na baka hindi niya sinasadyang maipakita ang sikreto niya.Gaya ngayon, hindi siya naging maingat at nahalata siya ni Skylar.Maganda na rin ito.Simula ngayon, hindi na niya kailangang magpanggap araw-araw.Naalala niya ito kaya napabuntong-hininga si Audrey, saka hinarap si Skylar nang kalmado ang mukha. Parang nag-iba siya bigla, tumindi ang dating niya, bahagyang ngumiti at tumingin kay Skylar."Fair competition? Ang ganda naman pakinggan. Ha
Chapter 219: PagtatagoSHE'S jealous of Skylar's husband. Gustong gusto ni Audrey si Jaxon.Alam niyang si Jaxon, si Skylar lang ang nasa puso, pero hindi pa rin siya nagdalawang-isip na magnasa sa kaibigan. Tama, limang taon na ang nakalipas, si Audrey, katulad ni Barbara, nakita rin ang eksena kung saan itinulak si Skylar para maaksidente sa kotse.Nang magsinungaling si Barbara kay Jaxon at sinabi nitong sinadya ni Skylar ang aksidente, doon lumabas ang demonyo sa puso niya.May boses sa loob niya na nagsusumigaw, huwag niyang ibunyag ang kasinungalingan ni Barbara. Mahal na mahal ni Jaxon si Jelly beans. Kapag nalaman ni Jaxon na si Skylar ang dahilan ng aksidente, kaiinisan niya si Skylar at makikipaghiwalay dito. Sa ganoon, magkakaroon siya ng pagkakataon.Kaya nagsinungaling siya, binago ang konsensya niya at umayon kay Barbara. Sinabi niyang nakita rin niya si Skylar na sinadya ang pagbangga ng kotse.Nagalit si Jaxon. Sumugod siya sa kwarto ni Skylar sa ospital, sinumbatan s
Chapter 218: Ano nga bang ginawa"SECOND Young Madam?"Nakita ng kasambahay na nakaupo lang si Skylar, hindi gumagalaw at tila nag-iisip nang malalim kaya tinawag niya ulit ito, may halong pag-aalangan sa boses."Ah, nasaan siya?" Inilapag ni Skylar ang baso niya at tumingala sa kasambahay."Nasa hardin po sila ng Second Young Master. Pinapapunta po ako ng Second Young Master para sabihing ganoon."Naintindihan ni Skylar na sinadya ni Jaxon ito para bigyan siya ng oras na pag-isipan kung paano niya haharapin si Audrey bago ito pumasok. Dapat ba na ihinto na nila ang pagkakaibigan o makinig muna sa paliwanag ni Audrey?"Okay, naiintindihan ko na. Pwede ka nang bumalik."Pinauwi na ni Skylar ang kasambahay at hindi niya naiwasang tumingin sa may malaking bintana.Yung malaking bintana sa hall ay nakaharap sa direksyon ng hardin.Pag-angat niya ng tingin, nakita niya agad sina Audrey at Jaxon na nakatayo sa hardin. Nakikita niya kung paano gumagalaw ang labi ni Audrey habang nagsasalita
Chapter 217: AbortionNAMUMUO ang luha sa maliwanag at madilim na mga mata ni Audrey. Talagang malungkot siya at labis ang pagkadismaya niya kay Harvey.Ayaw niyang makasamaan ng loob si Skylar. Kung magkaaway sila ni Skylar, mawawala rin sa kanya si Jaxon.Lumaki si Audrey sa ilalim ng mata ni Harvey. Sa buong mundo, siya ang nakakakilala kay Audrey nang pinakabuti. Kaya paano niya hindi malalaman ang iniisip ni Audrey ngayon? Matagal niyang tinitigan ang basang mga mata ni Audrey at lalo siyang nainis."Drey, hindi mo naman talaga iniintindi si Skylar. Ang iniintindi mo, si Jaxon. Natatakot kang mawala si Jaxon kapag nasira ang relasyon niyo ni Skylar."Walang pakundangang sinabi ni Harvey ang tunay na iniisip ni Audrey."Kung mabuhay o mamatay si Skylar, hindi mo naman talaga iniintindi. Noong kinidnap siya ni Zeyn, may tinig sa puso mo na sumisigaw na 'Wag mo siyang iligtas, pabayaan mo siyang mamatay sa kamay ni Zeyn.' Sa totoo lang, hindi ka naiiba kina Xenara at Barbara. Gusto
Chapter 216: Castration"JAXON, huwag mo siyang barilin!"Bumaba si Skylar mula sa itaas kasama ang special assistant ni Clifford, hingal na hingal.Nang marinig ni Jaxon ang mahina at halos walang lakas ni Skylar na boses, agad siyang lumingon. Nakita niyang namumutla si Skylar at kailangan pang alalayan para makababa ng hagdan. Biglang nagbago ang itsura niya, mabilis na ibinaba ang baril at nagmadaling lumapit."Anong nangyari?"Kinuha ni Jaxon si Skylar mula sa special assistant ni Clifford, tapos ay binuhat niya ito sa bewang.Yumakap si Skylar sa leeg niya at isinandal ang ulo sa balikat nito habang sumasagot."Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nang magising ako, bigla na lang akong nanlambot. Siguro pinainom ako ni Zeyn ng gamot, pero hindi ko alam kung ano yung pinainom niya sa akin at kung makakaapekto ba ito sa baby."Nang marinig ito ni Clifford, biglang sumiklab ang galit sa mga mata niya. Pero para hindi mahalata ni Zeyn na may espesyal siyang pakialam kay Skylar