Chapter 87: Pasalamat siya at hindi ka niya nahawakanSANDALING NAG-ISIP muna si Leander habang hawak ang baso ng alak pero mayamaya, ibinaba niya ito nang may konting pagkailang at ngumiti nang pilit. "Anong taon ng alak ang gusto ni Mr. Larrazabal? Magpapadala ako agad."Kung hindi lang dahil sa paulit-ulit na paalala ng tatay niyang mayor na malalim ang koneksyon ni Jaxon at dapat niya itong pakitunguhan nang maayos, baka kanina pa niya ito inupakan."Hindi na, may dala naman laging alak ang boyfriend ko at darating na rin siguro ang magdadala." Kakakasabi pa lang ni Skylar nang biglang may kumatok sa pinto.Dumating na nga ang nagdala ng alak—si Wallace.Pumasok si Wallace habang tinutulak ang isang dining cart at doon nakalagay ang isang lalagyan ng alak."Mr. Larrazabal, Mr. Tecson," magalang niyang binati ang dalawa saka tumingin kay Jaxon at binigyan ito ng kumpirmasyong tingin.Napansin iyon ni Skylar at napangiti siya. Magsisimula na ang palabas.Maingat na kinuha ni Wallace
Ang tinutukoy niyang makuha ay ang kwintas na suot ni Shayla. Kahit pa man ito ay talagang pagnanakaw, hindi man lang nakaramdam ng hiya si Skylar. Wala siyang pakialam dahil ang kwintas na iyon ay original na pag-aari ng kanyang ina."Oo," mahinang sagot ni Jaxon, pero hindi mukhang masaya ang tono."Ano na naman? Sino na naman ang nakapagpasama ng loob mo?" Tanong ni Skylar nang mapansin ang reaksyon niya."Si Leander," sagot ni Jaxon, nakakunot-noo. "Binastos ka niya kanina sa hallway pero ang ginawa ko lang ay lasingin siya. Pakiramdam ko, napakagaan ng parusa niya.""Pfft..." natawa si Skylar. "Ano pang gusto mong gawin? Anak siya ng mayor, hindi mo siya basta-basta mapuputulan ng kamay at paa tulad ng ginagawa mo sa mga walang kwentang lalaki. At isa pa, wala naman akong naging problema, hindi niya ako nahawakan kanina.""Hindi nahawakan?" Napangisi si Jaxon pero malamig ang kanyang titig. "Swerte siya at hindi. Kung ginawa niya 'yon, patay na sana siya ngayon.""Ay, naku! Hubby
Chapter 88: Pagtatago ng katotohananMABILIS NA sumara ang pinto.Nawala sa paningin ni Yannie ang mukha ni Wallace. Pagkasara ng pinto, halos malunod siya sa takot. Sa sandaling iyon, parang nasa bingit siya ng kamatayan.Kinidnap siya.Tatlong minuto bago mangyari iyon, inalalayan siya ng dalawang waiter habang inaasikaso si Leander—pero biglang may isang lalaki na itinutok ang baril sa kanyang ulo, habang ang isa pang kasama nito ay lumabas para magbantay.Dahil sa takot, napasigaw siya kaya nakuha niya ang atensyon ni Wallace.Kaya naman, nagkaroon ng eksena kung saan ang isa sa mga waiter na nagbabantay sa labas ay kumatok sa pinto at ang lalaking may hawak sa kanya ay pinilit siyang magsinungaling, na nadapa lang siya kaya siya napasigaw.Nang bahagyang bumukas ang pinto, nakita niya ang isa pang tao sa labas maliban sa lalaking humahawak sa kanya. Pero hindi siya naglakas-loob humingi ng tulong—may baril ang kriminal. Alam niyang kapag sumigaw siya, baka siya ang unang mabaril
Nang matanggap ni Mayor Tecson ang balita, agad niyang inutusan ang mga tauhan na harangan ang buong palapag kung saan matatagpuan ang kwarto ni Leander. Sinabihan din niya ang kanyang sekretarya na ipaalam sa lahat ng bisita sa party na may naganap na pagnanakaw sa accommodation area. Ngunit patay na ang salarin at tuloy pa rin ang kasiyahan kaya’t huwag mag-panic.Pagkatapos noon, kasama ang ilan sa kanyang pinagkakatiwalaang tao, nagtungo siya sa kwarto ni Leander.Narinig din nina Skylar, Jaxon, Audrey, at Jeandric ang putok ng baril kaya’t nagmadali silang pumunta sa kwarto ni Leander.Nagkasalubong sila ng grupo ni Mayor Tecson sa harap ng kwarto.Bukod sa ilang kasamahan niya sa gobyerno, karamihan sa mga kasama ni Mayor Tecson ay mga negosyante.Isa sa mga naroon ay si Abram. Ang dahilan kung bakit nanatili siyang matatag sa Vigan City sa loob ng maraming taon ay dahil sa matibay niyang koneksyon sa mga opisyal ng gobyerno.Sa pagkakataong ito, ngayon lang personal na nakita n
Chapter 89: Matchmaker TINITIGAN ni Skylar si Jaxon nang masama sa loob ng ilang segundo bago pa siya nito lingunin.“O, sige na, huwag ka nang magalit. May kailangan lang akong gawin. Kailangan kong maglaro ng poker kasama si Mayor at ang iba pa. Ikaw naman, pumunta ka sa celebration hall kasama si Audrey. Ikukuwento niya sa’yo ang buong pangyayari.”“Ang hassle naman, kailangan ko na namang makisama sa iba,” reklamo ni Skylar pero habang inaayos ang necktie ni Jaxon, nagbuntong-hininga siya at nag-aalalang sinabi, “Honey, bumaba ka agad ha. Naghihintay pa sa ’tin si Papa para umuwi.”“Sige, pupuntahan kita agad pagkatapos kong tapusin ‘to,” sagot ni Jaxon sabay yuko at magaan na hinalîkan ang noo niya.Napailing si Jeandric at napataas ang balahibo. “Aba, hoy, kayo ha! Ang OA niyo! Sandali lang kayong maghihiwalay para namang forever nang magkakahiwalay!”Si Audrey naman na nakatayo sa tabi ni Jeandric ay nakaramdam ng inggit.Gusto rin niyang maranasan ang ganoong klaseng pagmamah
"Kung gusto mong marinig ang dahilan…” Nakangiting tiningnan ni Audrey si Skylar. “Kung sabihin kong dahil sa’yo, maniniwala ka ba?”“Dahil sa’kin?” Nanlaki ang mata ni Skylar, halatang nagulat. Ilang segundo siyang natahimik bago nagtanong, “Bakit?”“Kasi gusto naming tulungan kang patayin si Abram at bawiin ang Letat Gang.” Ngumiti si Audrey at uminom ng alak.Natulala si Skylar. Alam niyang tutulong si Jaxon na ipatumba si Abram, pero si Audrey…“Oo, kami. Bukod sa ’kin, kasama rin si Jeandric. May alyansa kami sa mga tao ni Mayor Tecson. Plano naming patayin si Abram at si Mayor Tecson na siyang sumusuporta kay Abram.”Napanganga si Skylar. Hindi lang ito simpleng paghihiganti—binabago na nila ang buong Vigan City.Walang pakialam si Audrey sa reaksyon ni Skylar at nagpatuloy, “’Yung lalaking umatake kay Leander kanina, tauhan ni Abram, pero isang utusan lang siya. Pero ayon sa alyado naming si Nico, kung mamatay si Leander sa kamay ng tauhan ni Abram, magagalit si Mayor Tecson at
Chapter 90: Hindi mo ako kilalaHINDI NAMAN bobo si Yannie. Alam niyang ang gusto talagang iparating ng nanay ni Leander ay dapat ang magiging manugang ng pamilya Tecson ay isang babaeng tulad ni Audrey—mayaman, makapangyarihan, maganda at may kakayahan.At siya? Bukod sa mukha niyang pwede pang ipakita sa tao, wala na siyang ibang maipagmamalaki.Bukod pa dun, ang daming magagandang babae sa mundo.“Madam Tecson, ang bait niyo naman,” sagot ni Audrey na nakangiti habang palihim na kumurap kay Skylar, humihingi ng tulong.Agad namang sumalo si Skylar, “Aba, Madam Tecson, masyado niyo namang pinuri si Drey! Mukha lang siyang babae pero sa totoo lang, isa ‘yang tomboy na workaholic. Hindi siya bagay maging asawa! Kung maghahanap kayo ng pwedeng ipares kay Mr. Leander, sa tingin ko mas bagay si Miss Yannie. Bukod sa maganda na, handang isakripisyo ang sarili para kay Mr. Leander noong nasa panganib siya. Ang hirap na makahanap ng babaeng ganun sa panahon ngayon!”Napangiti si Madam Tecs
Bahagyang tumango si Yannie, maputla ang mukha bago siya tumalikod at umalis.Napasimangot si Skylar at tumingin kay Audrey. Ang nanay talaga ni Leander, nakakainis! Kung ayaw niyang guluhin ng babaeng ‘to ang anak niya, bakit hindi na lang niya sabihin nang diretsahan? Bakit kailangang paikot-ikutin pa at paulit-ulit si Yannie saktan sa ibang paraan?Nang makaalis na si Yannie, tuloy lang ang kwentuhan ni Audrey at ng nanay ni Leander. Panay naman ang puri nito kay Audrey—ang ganda, ang talino, at kung paano siya ang bagay sa anak niyang si Leander.Ayaw talaga ni Skylar sa mga taong mahilig umakyat sa taas habang tinatapakan ang mahihina. Nagsimula siyang antukin sa kakapakinig kaya naghanap siya ng dahilan para makaalis.Pero kakaalis pa lang niya sa booth at hindi pa gaanong nakakalayo nang biglang lapitan siya ng isang waiter."Miss Skylar, sandali lang po. May isang babaeng nagngangalang Ms. Feliciano sa labas ng celebration hall na gustong makipagkita sa inyo."Miss Feliciano?
Ngumiti lang si Yssavel at hindi sumagot. Naging sensitibo si Xenara at hindi na nagtanong pa. Tahimik lang siyang nanood habang sumusulat si Yssavel. Maya-maya, naalala niya ang isang bagay. Hindi niya napigilan ang kuryosidad niya kaya maingat siyang nagtanong.“Ninang, pwede po ba akong magtanong?”“Sige, magtanong ka.”“Hindi na si Zeyn at ang tatay niyang si Juan ang namumuno sa Leeds Group ng pamilya Lacson-Leeds. Bakit sila pa rin ang pinili ninyong kakampi, hindi sina Yorrick at Clifford na sila na ang may kapangyarihan?”Pakiramdam ni Xenara, natural lang na makipag-alyado sa mas malakas. Kaya mas logical kung sila ang pinili.Medyo nag-iba ang expression ni Yssavel sa tanong na ito.Kung siya lang ang masusunod, gusto rin niya na sina Yorrick at Clifford ang kakampi. Pero ewan niya ba kung anong problema ng magtiyuhing 'yon. Noong nasa Amerika pa siya, ilang ulit siyang nag-try na makipag-ugnayan sa kanila, pero iniiwasan talaga siya. Kahit noong nagkita na sila sa public eve
Chapter 223: Little fairyMAGANDA at mainit ang sikat ng araw. Nasa balcony si Xenara habang sumasagot ng tawag sa phone. Pagkarinig niya ng balita mula sa spy niya, hindi napigilan ng kanyang mapulang labi ang ngumiti sa tuwa.“Sige, naiintindihan ko na. Ituloy mo lang ang pagmamanman. Tawagan mo agad ako pag may bago.”Masayang pinatay ni Xenara ang tawag, tumingala sa maganda at maaliwalas na tanawin sa hardin sa baba ng balcony, huminga ng malalim at masaya, tapos bumalik sa loob ng bahay.Ito ay ang study room ni Yssavel. Mahilig si Yssavel sa calligraphy. Sa ngayon, nakatayo siya sa harap ng mesa, ginagaya ang calligraphy work ng isang sikat na tao. Dahil sa seryoso at focus niyang itsura, tapos may dating pa siya na parang reyna ng bahay, sa unang tingin, mukha talaga siyang isang malaking artist na bihasa.Pagbalik ni Xenara mula sa balcony, halos paubos na ang tinta sa inkstone ni Yssavel. Agad siyang lumapit at nagsimulang gilingin ang tinta habang nagrereport.“Ninang, sak
Chapter 222: Hindi sinasabiTUMALIKOD si Jaxon at tumingin sa labas ng bintanang salamin sa sala. Nakita niyang nakaupo si Skylar sa sahig, hawak ang ulo, at nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Biglang nanlaki ang mata niya at dali-daling tumakbo papunta sa sala. Pero ilang hakbang pa lang siya, nakita na niya si Jeandric na buhat si Audrey habang papalapit mula sa sala.Masama ang itsura ni Jeandric. Para bang may may utang sa kanya ng daang bilyon na hindi pa nababayaran.Nakapulupot ang mga braso ni Audrey sa leeg niya at nakabaon ang mukha sa dibdib nito. Natatakpan ng buhok niya ang mukha kaya hindi makita ni Jaxon ang itsura niya.Habang palapit si Jeandric sa kanya, napansin ni Jaxon na nanginginig din ang katawan ni Audrey tulad ni Skylar.Doon niya naisip na siguro ay nag-away sina Skylar at Audrey. Pero matalino siya at hindi na nagtatanong kung bakit. Tahimik siyang dumaan sa tabi ni Jeandric na pareho ring seryoso ang mukha.Nang magtagpo sila ni Jeandric, bahagy
Chapter 221: Friendship overNARAMDAMAN ni Audrey ang matinding sakit sa puso niya.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Skylar, "Kasi, ang mahal niya, hindi ikaw. Ako iyon."Parang kutsilyo ang bawat salita, mas masakit pa kaysa sa sampal na tinanggap niya mula kay Skylar.Matagal na niyang hindi kayang maglakas-loob na umamin kay Jaxon dahil alam niya sa sarili niya na ang mahal talaga ni Jaxon ay si Skylar. Takot siyang mabigo, takot siyang tanggihan, at higit sa lahat, takot siyang tuluyang mawala si Jaxon.Tama si Skylar, isa siyang duwag. Mas duwag pa kina Xenara at Barbara.Pag-isip niya nang ganito, namasa ang mga mata ni Audrey. Tapos, ngumiti siya nang pakunwari at tumingin kay Skylar na parang may hamon."Hindi ka naman si Jaxon, paano mong nasabing hindi niya ako gusto?"Tumingin si Skylar sa kanya, walang emosyon, pero may bahid ng pagmamayabang."Sinabi niya sa akin mismo. Noong birthday ni Yssavel, nung sinabi ni Barbara sa harap ng lahat na gusto mo si J
Chapter 220: Simula't sapulMADALAS sinasabi ng mga tao na dapat maging tapat at prangka tayo, lalo na sa pamilya at mga kaibigan. Kasi, bawat pagkakataon na magsisinungaling ka, kahit pa puting kasinungalingan lang, kailangan mo ng maraming kasinungalingan para maitago ito. Sa proseso ng pagtatakip, makakaranas ka ng sobrang hirap at sakit na mahirap maintindihan ng ibang tao.Ganoon si Audrey. Para maitago ang sikreto na matagal na niyang gusto si Jaxon, araw-araw siyang umaarte. Parang siyang spy araw-araw, laging tense ang utak, natatakot na baka hindi niya sinasadyang maipakita ang sikreto niya.Gaya ngayon, hindi siya naging maingat at nahalata siya ni Skylar.Maganda na rin ito.Simula ngayon, hindi na niya kailangang magpanggap araw-araw.Naalala niya ito kaya napabuntong-hininga si Audrey, saka hinarap si Skylar nang kalmado ang mukha. Parang nag-iba siya bigla, tumindi ang dating niya, bahagyang ngumiti at tumingin kay Skylar."Fair competition? Ang ganda naman pakinggan. Hal
Chapter 219: PagtatagoSHE'S jealous of Skylar's husband. Gustong gusto ni Audrey si Jaxon.Alam niyang si Jaxon, si Skylar lang ang nasa puso, pero hindi pa rin siya nagdalawang-isip na magnasa sa kaibigan. Tama, limang taon na ang nakalipas, si Audrey, katulad ni Barbara, nakita rin ang eksena kung saan itinulak si Skylar para maaksidente sa kotse.Nang magsinungaling si Barbara kay Jaxon at sinabi nitong sinadya ni Skylar ang aksidente, doon lumabas ang demonyo sa puso niya.May boses sa loob niya na nagsusumigaw, huwag niyang ibunyag ang kasinungalingan ni Barbara. Mahal na mahal ni Jaxon si Jelly beans. Kapag nalaman ni Jaxon na si Skylar ang dahilan ng aksidente, kaiinisan niya si Skylar at makikipaghiwalay dito. Sa ganoon, magkakaroon siya ng pagkakataon.Kaya nagsinungaling siya, binago ang konsensya niya at umayon kay Barbara. Sinabi niyang nakita rin niya si Skylar na sinadya ang pagbangga ng kotse.Nagalit si Jaxon. Sumugod siya sa kwarto ni Skylar sa ospital, sinumbatan s
Chapter 218: Ano nga bang ginawa"SECOND Young Madam?"Nakita ng kasambahay na nakaupo lang si Skylar, hindi gumagalaw at tila nag-iisip nang malalim kaya tinawag niya ulit ito, may halong pag-aalangan sa boses."Ah, nasaan siya?" Inilapag ni Skylar ang baso niya at tumingala sa kasambahay."Nasa hardin po sila ng Second Young Master. Pinapapunta po ako ng Second Young Master para sabihing ganoon."Naintindihan ni Skylar na sinadya ni Jaxon ito para bigyan siya ng oras na pag-isipan kung paano niya haharapin si Audrey bago ito pumasok. Dapat ba na ihinto na nila ang pagkakaibigan o makinig muna sa paliwanag ni Audrey?"Okay, naiintindihan ko na. Pwede ka nang bumalik."Pinauwi na ni Skylar ang kasambahay at hindi niya naiwasang tumingin sa may malaking bintana.Yung malaking bintana sa hall ay nakaharap sa direksyon ng hardin.Pag-angat niya ng tingin, nakita niya agad sina Audrey at Jaxon na nakatayo sa hardin. Nakikita niya kung paano gumagalaw ang labi ni Audrey habang nagsasalita
Chapter 217: AbortionNAMUMUO ang luha sa maliwanag at madilim na mga mata ni Audrey. Talagang malungkot siya at labis ang pagkadismaya niya kay Harvey.Ayaw niyang makasamaan ng loob si Skylar. Kung magkaaway sila ni Skylar, mawawala rin sa kanya si Jaxon.Lumaki si Audrey sa ilalim ng mata ni Harvey. Sa buong mundo, siya ang nakakakilala kay Audrey nang pinakabuti. Kaya paano niya hindi malalaman ang iniisip ni Audrey ngayon? Matagal niyang tinitigan ang basang mga mata ni Audrey at lalo siyang nainis."Drey, hindi mo naman talaga iniintindi si Skylar. Ang iniintindi mo, si Jaxon. Natatakot kang mawala si Jaxon kapag nasira ang relasyon niyo ni Skylar."Walang pakundangang sinabi ni Harvey ang tunay na iniisip ni Audrey."Kung mabuhay o mamatay si Skylar, hindi mo naman talaga iniintindi. Noong kinidnap siya ni Zeyn, may tinig sa puso mo na sumisigaw na 'Wag mo siyang iligtas, pabayaan mo siyang mamatay sa kamay ni Zeyn.' Sa totoo lang, hindi ka naiiba kina Xenara at Barbara. Gusto m
Chapter 216: Castration"JAXON, huwag mo siyang barilin!"Bumaba si Skylar mula sa itaas kasama ang special assistant ni Clifford, hingal na hingal.Nang marinig ni Jaxon ang mahina at halos walang lakas ni Skylar na boses, agad siyang lumingon. Nakita niyang namumutla si Skylar at kailangan pang alalayan para makababa ng hagdan. Biglang nagbago ang itsura niya, mabilis na ibinaba ang baril at nagmadaling lumapit."Anong nangyari?"Kinuha ni Jaxon si Skylar mula sa special assistant ni Clifford, tapos ay binuhat niya ito sa bewang.Yumakap si Skylar sa leeg niya at isinandal ang ulo sa balikat nito habang sumasagot."Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nang magising ako, bigla na lang akong nanlambot. Siguro pinainom ako ni Zeyn ng gamot, pero hindi ko alam kung ano yung pinainom niya sa akin at kung makakaapekto ba ito sa baby."Nang marinig ito ni Clifford, biglang sumiklab ang galit sa mga mata niya. Pero para hindi mahalata ni Zeyn na may espesyal siyang pakialam kay Skylar