LOGINI am smiling from ear to ear while driving. Galing ako sa isang toy store para bilhan si Eros ng mga iba't ibang laruan, He will be happy when he saw this I am sure about that, I mean., sumasaya naman ang mga bata sa mga laruan di ba? my friends children are happy when I gave them toys at sigurado akong magiging masaya si
Inayos ko muna ang gamit ng anak ko bago ko ayusin ang gamit ko, tanging mga gamit na dala namin mula laguna ang inempake ko, iniwan ko ang mga gamit na galing sa pamilya nila dahil hindi naman sa amin iyon."Nanay, uuwi na po tayo ng Laguna?"-Bumaling ako sa kanya at ngumiti."Oo anak, at tsaka kailangan mo na mag enrol para sa pasukan."-Sabi ko dito. Lumapad naman lalo ang ngiti niya."Yehey!!"-Tuwang tuwa niyang sabi. Napangiti naman ako sa reaksyon ng anak ko, kung alam ko na ganito lang din pala ang mangyayari sa amin ay hindi na sana kami tumungo dito.Naputol ang usapan namin ng may kumatok sa pinto. Bumukas ito at pumasok ang Mama ni Seb."Emily.. talaga bang aalis na kayo?"-Malungkot na tanong nito sa amin."Opo, sana po maintindihan niyo, para na din po ito sa ikabubuti ng lahat."-Sabi ko."Hindi ba pwedeng dumito na muna kayo kahit ilang linggo lang, aayusin ko ito. I promise that this won't happen again."-Sabi nito. Umiling naman ako."Hindi na po. Ayaw ko po na dumating a
Pilit kong iniwaksi ang mga sinabi ng babaeng kararating lang, itinuon ko ang aking atensyin kay Eros na ngayon ay nasa harap ko."Eros Sebastian., hindi ko gusto ang inasta mo sa harap ng Tatay mo."-Sabi ko dito. Tumungo lamang."Hindi dapat ganon anak, Tatay mo pa din iyon,"-Sabi ko dito. Umiling iling lang siya."Pero bad siya Nay, hinid niya naman tayo mahal e."-Mahina nitong sabi. Hinawakan ako ang mga kamay niya."Anak, mahal ka ni Tatay, hindi mo ba nakikita na bumabawi siya sa iyo? Mahal ka nya kaya nga pinipilit niyang mapalapit sa iyo,"-Sabi ko. Tumingin ito sa akin."Pero gusto ko na mahal ka din niya 'Nay, dapat mahal ka din niya kasi ikaw Nanay ko, asawa mo siya, ganon yung sabi ng Nanay ni Jek, yung kaklase ko, kasi pamilya sila kaya dapat mahal ka din niya."-Sabi pa nito, ngumiti ako sa kanya."Anak, hindi importante kung mahal o hindi ako ng Tatay, ang importante ay mahal ka niya, bigyan mo siya ng pagkakataon na makasama at makilala ka, gusto ka niyang makasama, Eros
Hindi pa din maalis sa isip ko ang nangyari. HInaplos ko ang aking labi na tila ramdam pa din ang malambot at mainit na labi ni Seb. Tila ba nagbalik ang dating kami, ang pakiramdam na mahal na mahal niya ako. Pero alam ko na isang pagkakamali lang ang nangyari. Matapos kasi ng nangyari ay nagpaalam agad ito. Marahil ay na nabigla din ito sa nangyari."Nay, antok na po ako."-Tumingin siya sa anak na kanina lang ay naglalaro. Ngumiti siya at binuhat ito."Ang bigat na ng baby ko ah, nagpagod ka kasi kakalaro anak,"-Sabi ko."Nay, malapit na po ang pasukan."-Sabi nito. Natawa naman siya ng bahagya sa anak. Gustong gusto nitong mag-aral, matalino kasing bata si Eros at ipinagmamalaki niya ito."Alam ko po . Siyempre malilimutan ba naman ni Nanay yon?."-Sabi ko. Bukod kasi sa malapit na ang pasukan, malapit na din ang birthday nito."Sa Laguna po ba ulit ako papasok? Miss ko na po kasi yung mga classmate ko Nay."-Sabi nito. Ngumiti ako sa kanya at hindi sumagot. Naisip ko na din kasi na b
Parang kailan lang nung unang beses dumating sila Emily sa mansyon ng mga Veluz, halos 2 buwan na din pala ang lumipas. Nakangiti niyang tinignan ang anak na masayang naglalaro sa sahig. Sa loob ng 2 buwan ay nanirahan sila sa Mansyon, iyon kasi ang gusto ng mga magulang ni Seb. Naging mabuti namang ama si Seb kay Eros, pero hindi pa din ganon kalapit ang loob ni Eros sa ama, hindi niya nga alam kung bakit pero kahit anong gawing lambing ni Seb sa anak ay kusang lumalayo ito. Maayos din naman ang pakikitungo sa kanya nito. Nalaman na din ng kasintahan nito ang tungkol sa kanila ng anak niya, sa una ay hindi magawang tanggapin ni Angela ang tungkol sa kanila ni Eros pero kalaunan ay naging maayos din ang lahat, pero hindi pa din magawang tignan ng babae si Eros."Nanay, kailan po dadalaw si Papa Aron"-Tinignan nito ang anak at ngumiti. Nakasanayan na din ni Eros na tawagin si Aron na 'Papa', ilang beses na nya sinaway ang bata pero mapilit ito, hindi din naman tumututol si Aron, actual
I am smiling from ear to ear while driving. Galing ako sa isang toy store para bilhan si Eros ng mga iba't ibang laruan, He will be happy when he saw this I am sure about that, I mean., sumasaya naman ang mga bata sa mga laruan di ba? my friends children are happy when I gave them toys at sigurado akong magiging masaya si Eros dito. Nagsabi na din ako kay Stacey na pupuntahan ko si Eros. Malakas din kasi ang saltik ng isang iyon, baka mamaya hindi pa ako papasukin sa unit niya. I was about to turn left when I saw Eros on the Park. I stop my car and park near the Park. I was about to call him when I notice a man walk towards him. Eros seems to know the man because he run towards him and give him a hug. Biglang nakadama ako ng inggit. I wish that Eros would hug me like that. The man gave Eros a ball that he gladly
"Nay, uwi na lang po tayo sa Laguna."-Mahinang sabi ni Eros, tumingin ako sa kanya at hinaplos ang pisngi nito na may bahid ng luha."'Nak, ayaw mo ba dito? Nandito ang Tatay mo, di ba gusto mo makilala si Tatay mo?"-Tanong ko dito. Umiling ito at tumingin sa sahig."Ayaw ko sa kanya, bad sya. Hindi naman dapat ganon ang Tatay di ba Nay? Dapat love niya tayo? Pero siya lagi siyang galit sakin. Ayaw ko sa kanya Nanay."-Sabi nito. Nalungkot ako sa sinabi ni Eros, nasasaktan ang anak ko at mas nasasaktan ako, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana ay nanatili na lang kami sa Laguna."Eros baby, don't say that."-Napatingin naman ako kay Stacey."Papa mo pa din siya, love ka naman nun, kaso kailangan niya lang mauntog ng konti."-Sabi nito."Ayaw ko po."-Sabi ni Eros. Huminga na lang ako ng malalim, dapat na akong kumilos."Gusto mo na ba umuwi sa Laguna?"-tanong ko kay Eros, tumingin ito sakin at tumango."Emily, please...."-Malungkot na sabi ni Stacey, tumingin ako dito at umili







