Share

The Four Kings and The Ace [SERIES 1]
The Four Kings and The Ace [SERIES 1]
Author: Hangal na Madaming alam.

Chapter 1 : The Ace

Sᴇᴀsᴏɴ 1

                     𝗫𝘆𝗿𝗶𝗻𝗲 𝗝𝗲𝗮𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩

   

              

ASSASSIN. 

HALANG ANG KALULUWA. 

WALANG SINASANTO.

AT HIGIT SA LAHAT,

MAMAMATAY TAO. 

Lahat ng tao ay gan'to ang tingin sa mga katulad namin, pero lingid sa kaalaman nilang lahat. 

MAS MALALA PA KAMI SA INAAKALA NILA.

                            *******

"WAGGG!''

Napatakip ako ng daliri sa kanang tenga ng wala sa oras dahil sa nakabibinging sigaw ng lalaking nasa harapan ko. 

"P-parang awa mo na," naghahalo ang luha at uhog n'yang saad habang nakatingala sa'kin. "Kung sino ka man. B-buhayin mo ako! Pinapangako ko, magbabagong buhay na ako! Kung gusto mo lahat ng yaman ko ibibigay ko sa mga charity, sa mga kapus palad at sa mga—"

"Ayoko ng maingay," tinatamad kong sambit.

"Pakiusap buhayin mo a––"

Agad s'yang napahinto sa pagsasalita ng walang emosyon akong tumingin sa kan'ya. "Anong sinabi ko?" tanong ko sabay hawak sa gatilyo ng hawak kong baril. Sa sobrang tahimik ng paligid kung saan kami naroroon ay halos rinig ko na ang ilang ulit n'yang paglunok.

"Ilang taon 'yung ni-ràpe mo?" 

"W-wala akong n-ni ni ràpe. Pakiusap! maniwala ka. W-wala—AHHH!"

Pumalahaw ang impit n'yang sigaw ng walang alinlangan kong tinutok at pinaputok sa kaliwang binti n'ya ang hawak kong revolver. Napailing na lang ako ng may tumalsik na dugo sa pisngi ko.

"Waaaaah! Putanginà!"

"Ilang taon?" ulit ko habang tinatantya ang natitira kong pasensya. 

Yumuko s'ya saglit na para bang pinag-iisipan n'yang mabuti ang sasabihin n'ya pagkaway tumingala s'ya ulit sa'kin. "l-limang taong gulang," nanginginig n'yang tugon. 

Pakiramdam ko ay kumulo ng husto ang dugo ko sa narinig ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang baril na hawak ko saka ko 'to tinutok sa sintido n'ya.

"Bakit?" 

"A-anong bak—" BANG!

Diniin ko sa sintido n'ya ang noo'y umuusok ko pang baril. "Sa susunod na magtanong ka ulit, sa ulo mo na tatagos ang bala nitong hawak kong baril." Napailing na lang ako ng maramdaman kong may tumulong likido mula sa kan'ya. 

"P-parang awa mo na." Napalunok s'ya ng laway, "b-buhayin mo ako."

Hindi ko na napigilan at napa-arko na ang sulok ng labi ko dahil sa narinig ko. "Parang awa?" sarkastikong ulit. "May gusto akong itanong sa'yo," ngumisi ako pagkaway tumingin ako ng direkta sa mata n'ya. "Anong naramdaman mo habang ginagahasa mo 'yung bata?" nawala ang ngiti ko. "Naawa ka ba?"

Narinig ko s'yang umiyak saglit ngunit napamaang na lang ako nang bigla s'yang humalakhak. "Oo! inaamin ko na! Masaya! ang sarap! iba sa pakiramdam na bata ang katalik! Para akong bumalik sa kabataan ko! Walang kasing sar—"THUG!

Hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin n'ya dahil tuluyan ng nandilim ang paningin ko.

Binitiwan ko ang hawak kong revolver saka ko inihagis sa ere ang katanang nasa likod ko at walang kurap na sinalo ito pagkaway tinagpas ang ulo n'ya.

Pinunasan ko ang tumalsik na dugo sa mukha ko. "Demonyo ka."

Clap clap **

Napatingin ako sa direksyon kung saan may pumalakpak. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kan'ya habang inaayos ang katana ko.

"Pinanood kung paano pumaslang ang pinaka batang Assassin ng Black Brother," ngingiti ngiti n'yang sagot.

"May pinag-kaiba ba kung paano kayo pumatay?"

"Well, halatang may bahid ng emosyon ang pagpatay mo." Napakunot noo ako sa narinig ko. "Bakit mo pinatay 'tong isang 'to? Hindi naman na parte ng misyon natin ang lalaking 'to 'di ba? bakit hindi mo na lang s'ya pinaubaya sa polisya?"

Hinatak ko uli palabas ang katana ko at tinutok 'to sa leeg n'ya. "Dahil may mga hustisya na hindi kayang pairalin sa kulungan lang dahil 'yung iba ay mas maganda kung dinadaan sa pagpaslang." Mariin ko s'yang tinitigan sa mata.

"Woah! Woah! chill lang. Masyado kang highblood para sa isang 19 yrs old eh." Marahan n'yang ibanaba ang katana kong nakatutok sa leeg n'ya. "Teka, kailan ka paba nakabalik sa Pilipinas?"

"Kaninang madaling araw," tipid kong sagot habang binabalik ang katana ko sa laragyanan.

"Why so sudden?"

"Gusto akong kausapin ni uncle."

"Oohh, bakit daw? May bagong misyon?"

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Masyado kang maraming tanong," pagkasabi ko nu'n ay tinalikuran ko na s'ya.

"Tss! walang pinagbago, nga pala..." Napahinto ako sa paglalakad pagkaway lumingon ako sa kan'ya." Lalo kang gumanda," sambit n'ya saka s'ya tumawa.

"Hangal," singhal ko pagkaway naglakad na ako palayo.

Hindi ito ang tamang oras para makipag lokohan dahil may mas importante pa 'kong bagay na dapat asikasuhin.

Oras na para harapin ang impyerno.

   

                       

Napatitig ako sa napakalaking pinto na nasa harapan ko. Ang pinto patungong impyerno — Ang Headquarters ng Black Brother Assassination Group.

Huminga ako ng malalim. "Namiss ko 'to," bulong ko.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay  isang madilim at nakakatakot na aura na agad ang sumalubong sa'kin. Tss. Ano pa nga bang aasahan mo sa Head Quarter ng mga notorious na tulad namin?

Hindi pa ako kumukurap nang maramdaman kong may bagay na paparating papunta sa direksyon ko. 

"Psh! lalo ata silang nag-ingat ngayon."

Napangisi ako habang pinupunasan ang dugo sa pisnge ko. Hindi pa ako nakakatayo nang biglang may tumutok ng kutsilyo sa leeg ko mula sa likod.

"Kamusta kana, XJ?" napaigtad ako ng ibaon n'ya pa sa leeg ko ang hawak n'yang kunai.

Nakaramdam ako ng pagkayamot ng may tumulong dugo mula rito, "Piss off already." Walang emosyon kong utos.

"Ha? ano––ACKK!" THUG!

Hindi ko na s'ya pinatapos magsalita dahil agad ko s'yang binalibag sa sahig.

"XJ!"

Saktong paglingon ko ay may lumipad na naman na kunai sa harapan ko. Napangisi na lang ako ng maramdaman kong may tumulo na namang dugo sa pisngi ko.

"Long time no see, ACE," nakangiting bati nito sa harapan ko.

"Lee?" pagkukumpirma ko. 

"Who else?"

Ha? Tier 1 leader? Naman! Iniinis n'yo akong lahat ha! Magkamatayan na!

Agad kung pinagapang sa binti ko ang tubong malapit sa'kin saka ko 'to sinipa at sinalo sa ere. Patakbo na ako kay kuya Lee ng biglang may humarang na dalawang lalaki sa harapan ko. It's Justin and Ranz.

"Tss!" hindi ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako. "Mga hangal! All of you, Die!" sigaw ko.

Patakbo na ako papunta sa kanila ng biglang bumukas ang kulay gintong pintuan malapit sa'min dahilan para mapahinto kaming lahat.

"Everyone, stop." Automatikong nagbago ang ambiance ng paligid ng lumabas ang isang matandang lalaki mula rito.

It's Him. Ang founder ng Black Brother Assassination Group.

Julyo Guevara.

"Xj, sumunod ka sa'kin," punong autorisado nitong utos dahilan para mapalagok ako ng laway. 

"Masusunod." Wala na akong nagawa kung hindi bitawan ang tubong nasa kamay ko. Nang pumasok s'ya ulit sa opisina n'ya ay bumalik ang atensyon ko sa mga myembro ng Black Brother na nasa likuran ko. "Be thankful, Devils," singal ko sa kanila bago tuluyang sumunod kay Uncle.

"What happened in the US?" bungad n'ya agad sa'kin nang makapasok ako sa office. 

"I failed," taas noo kong sagot.

Napangisi ito ng bahagya. "What happened to the most notorious and youngest female Assassin of my Brotherhood?"

"I was being caught by damn Blue Eagle agent. But, I will make sure I can make it up again."

"Make it up again? or maybe you should need a break?" automatiko akong napatingin sa kan'ya.

"It's been 13 years since you've been part of this assassination. You are just 6 years old back then. I think it is time for you to have a break. Don't you think?"

Napahinto ako. So, it's already been 13 years, huh? Well, tama kayo ng narinig. 6 years old pa lang ay isa na akong Assassin And 13 years had passed and I'm still an Assassin. A Notorious Assassin.

"What are you pointing out?" I finally asked.

"Quit the assassination and get enrolled this school year at Montreal University," he stated without batting an eye.

Bigla akong napatingin sa kan'ya, "W-what?"

Is he joking? I mean, After 13 years of being his Assassin bigla n'yang sasabihin 'to? Is he out of his mind? At Montreal? That's bullshit.

"Why Montreal? He fvcking own that University, you know that! Is this kind of joke or what? are you punishing me? ok, suspend me all you want, but please don't joke around about this kind of stuff!"

"Why does it sound like you still bothered by his name?" He asked with a piercing eyes. "However, It doesn't matter to me if he owns that University. All I want is for you to experience a normal life again."

"Your statement is nonsense.First— Wala akong pakialam sa kan'ya. Second — don't you think that the word normal doesn't fit me? We both knew that it's already this late to have a normal life. No?" 

"Ok, let's have a deal. If one year had passed and you survived. I will accept you again. That is if you still wanted to be an Assassin."

Napamaang ako sa narinig ko. "Kalokohan 'to!" I blurted out of disbelief.

"It's final. Later there's someone who will pick you up and I want you to come with them."

"Pero uncle—"

"You may leave," seryoso n'yang sambit.

Pumikit ako ng mariin saka ako huminga ng malalim. "Fine." Wala na akong nagawa kung 'di sundin s'ya at lumabas ng office.

Assassin? Enrolled? Montreal university? Am I dreaming? I laughed sarcastically.

"Dream on! But that won't ever happen!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status