เข้าสู่ระบบ
“Kunin mo na ang walang silbi mong medical report at umalis ka na rito! Wala kaming kailangan sa isang inahing hindi man lang makapangitlog. Nakabalik na si Leslie, at nitong mga nakaraang araw ay magkasama sila ni Nathan. Have some self-awareness!”
Pagkasabi ni Medela, marahas nitong ibinagsak sa mesa ang medical report na nagsasabing infertile si Serenity.
Tuluyang natigilan si Serenity. Tahimik niyang tiniis ang bawat mapanlait na salitang ibinato ng kanyang biyenan hanggang sa tuluyan itong umalis.
Pagkasara ng p***o, iisang pangungusap na lamang ang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya.
Nakabalik na si Leslie.
Ibig sabihin... sa huli, ito pa rin ang pinili ng lalaki.
Naupo siyang mag-isa sa loob ng silid. Hindi niya namalayang lumipas ang mga oras habang nakatulala lamang siya, hanggang sa tuluyang dumilim ang gabi.
Bandang alas otso ng gabi, umalingawngaw sa bakuran ang tunog ng papasok na sasakyan.
Alam agad ni Serenity kung sino ang dumating.
Si Nathan.
Ilang sandali lang ang lumipas, bumukas ang p***o ng silid. Kasabay ng mahinang tunog ng pagsara nito ay bumukas din ang ilaw.
Pumasok ang lalaki habang nakasabit sa isang braso ang suit jacket niya. Mahahaba ang kanyang mga hakbang, at ang puting polo na suot niya ay bahagyang nakabukas ang dalawang butones sa kuwelyo. Lalong namutawi ang elegante at marangal niyang tindig.
Ngunit taliwas sa kanyang halos perpektong mukha, wala man lang bahid ng emosyon ang kanyang ekspresyon. Malamig at walang pakialam.
Huminto siya sa harap ni Serenity at inilapag ang isang folder sa mesa.
"Sign it when you have time."
Malalim at kaaya-aya ang kanyang tinig, ngunit ni katiting na init ay wala roon.
Matagal nang inihanda ni Serenity ang sarili para sa araw na ito. Pero kahit gaano pa niya ito inaasahan, hindi pa rin niya napigilan ang pagsikip ng kanyang dibdib. Para bang may kamay na unti-unting dumudurog sa kanyang puso.
Napatingin siya kay Nathan at pilit na kumapit sa natitira niyang pag-asa.
"Ikaw rin ba... infertile? Kaya gusto mo na akong hiwalayan?"
Lalong lumamig ang mga mata ni Nathan.
"Serenity," malamig niyang sabi, "don't make this uglier than it already is. Alam mo kung bakit tayo nagpakasal noon."
Natigilan si Serenity.
Oo. Alam na alam niya.
Noong panahong iyon, malubha ang karamdaman ng lolo ni Nathan. Ayon sa paniniwala ng kanilang angkan, kailangan niyang maikasal sa lalong madaling panahon upang magdala ng suwerte at maitaboy ang malas.
At ang orihinal na napiling maging nobya ni Nathan ay si Leslie.
Pagkatapos ng lahat, siya ang kinikilalang anak ng Castro noon. Ngunit bago ang kasal, lumabas sa medical examination na wala pala siyang anumang kaugnayang dugo sa Castro.
Nang malaman iyon ng matanda ng Castro, agad silang nagsagawa ng malawakang paghahanap.
Doon nila natagpuan si Serenity, ang tunay nilang anak na napalayo sa kanila at lumaking mag-isa.
Sa huli, sa kanya napunta ang kasunduang kasal.
Ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal kay Nathan, biglang dumating si Leslie upang guluhin ang seremonya.
Nagkunwari itong nahulog sa hagdan. Nabali ang kanyang binti at ipinadala siya sa ibang bansa upang magpagamot. Dahil sa pangyayaring iyon, agad na naawa ang lahat kay Leslie.
At si Serenity, siya ang naging kontrabida sa kuwento.
Kinamuhian siya ng lahat. Maging ang sarili niyang mga magulang ay tumingin sa kanya na parang isang malupit at mapanirang babae.
Tutal, labing siyam na taon nilang pinalaki si Leslie. Mahinhin ito, edukada, at kinikilalang perpektong dalagang mula sa isang marangyang pamilya.
Samantalang ang tunay nilang anak… Isa raw walang pusong babae.
Naalala ni Serenity ang pang-iinsulto ni Medela kaninang umaga.
Bigla siyang napatawa. Isang mapait na tawang puno ng panunuya. Kung alam lang nila ang totoo. Hindi siya baog.
Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa… Hindi man lang siya kailanman ginalaw ni Nathan. Habang lalo niya iyong iniisip, lalo lamang nanlalamig ang kanyang puso.
Marahil, panahon na talagang bitawan ang isang lalaking kailanman ay hindi siya minahal. Dalawang taon niyang ibinigay ang lahat, ang pagmamahal, pag-aalaga, at katapatan.
Pero para kay Nathan, wala iyong kahit katiting na halaga.
Gayunpaman, ayaw niyang matapos ang lahat nang ganoon lang.
Kaya naisip niya kung bakit siya ang kailangang sumunod sa bawat gusto ng lalaking ito?
Tiningnan niya ang divorce agreement na nasa harapan niya. Unti-unting umangat ang sulok ng kanyang mga labi sa isang mapait ngunit mapanghamong ngiti.
"Nathan," mahina ngunit matatag niyang sabi, "pipirmahan ko ang divorce papers... pero bago iyon, hindi ba dapat tuparin mo muna ang obligasyon mo bilang asawa? Kahit isang beses lang."
"What?"
Halatang nagulat si Nathan. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, tila ba hindi siya makapaniwalang tama ang narinig niya.
Ngunit bago pa siya tuluyang makapag-isip...
Mabilis na inabot ni Serenity ang kuwelyo ng kanyang polo, hinila siya palapit, at walang pag-aalinlangang idinikit ang kanyang mga labi sa labi ng lalaki.
Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Serenity.
"Bakit?" mahina ngunit mapanghamon niyang tanong. "Ayaw mo? Sa loob ng dalawang taon nating pagsasama, ginawa ko ang lahat ng tungkulin ng isang asawa. Inalagaan kita, nanatili ako sa tabi mo, at tiniis ang lahat. Kahit nga isang yaya, may sweldo. Ngayon na humihingi lang ako ng kapalit, unreasonable ba iyon?"
Pagkarinig niyon, agad na nagdilim ang ekspresyon ni Nathan. Kumislap ang malamig na liwanag sa kanyang mga mata.
"Serenity," mariin niyang sabi, "wala ka na bang natitirang hiya? Huwag mong isipin na dahil lang sa pino-provoke mo ako, makukuha mo ang gusto mo."
Hindi natinag si Serenity. Sa halip ay lalo pa siyang ngumiti.
"Talaga bang ayaw mo... o baka naman hindi mo lang kaya?" Bahagya siyang lumapit at tinitigan ang lalaki nang diretso sa mga mata. "O baka totoo pala ang mga tsismis sa labas? Na ang Young Master ng mga Tomas ay gwapo nga... pero hanggang doon lang?"
Isang mapanuyang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. "Looks can be deceiving, right?"
Sa isang iglap, tuluyang napuno ng galit si Nathan. Nagsulputan ang mga ugat sa kanyang noo habang matalim ang tinging ipinukol niya rito.
"Serenity... you're asking for it." Bago pa man siya makapagsalita muli, mahigpit nang hinawakan ni Nathan ang kanyang baba.
Sa sumunod na sandali, mariin siyang hinalikan ng lalaki bilang tugon sa kanyang pang-uudyok.
Lumipas ang magdamag na puno ng tensyon at matinding komprontasyon sa pagitan nilang dalawa. Pagsapit ng madaling-araw, wala nang lakas si Serenity. Dahil sa sobrang pagod, tuluyan siyang nakatulog.
Kinabukasan, maaga siyang nagising. Mahimbing pa ring natutulog si Nathan sa tabi niya. Tahimik siyang bumangon, isa-isang inayos ang kanyang mga gamit, at bago tuluyang umalis ay iniwan niya sa bedside table ang divorce agreement, isang maikling sulat, at isang daang libo na nakalagay sa puting envelope.
Nakasulat ay: "Nathan, Sa totoo lang... disappointing ang performance mo. I'm very dissatisfied. Sa tingin ko, huwag ka nang mag-alok ng serbisyo sa iba. Baka matakot pa ang mga customer. Itong 100,000, bayad ko na sa 'labor' mo kagabi. You're welcome."
***
6 years passed….
Anim na taon ang lumipas, at sa loob ng CYLO Perfumery Institute, abala si Serenity sa research laboratory. Nakatuon ang kanyang pansin sa sunod-sunod na data na nasa computer screen habang paulit-ulit niyang ikinukumpara ang mga formula ng bagong pabango.
Bigla na lamang nag-freeze ang monitor. Kasunod nito ay tuluyang nag-crash ang buong system. Sunod-sunod na nagdilim ang mga screen sa buong research institute, at ilang segundo lang ang lumipas ay bumagsak ang buong network.
Mula sa labas ng laboratoryo ay nagsimulang marinig ang sunod-sunod na sigawan.
"Oh no! Nagsimula na naman sila!"
"The two little prodigies!"
"Miss Serena! Help us! Please, help!"
Kasabay ng nagkakagulong mga empleyado, umalingawngaw ang isang nakakabinging countdown alarm sa buong gusali.
10... 9... 8... 7...
Alam ng lahat ang ibig sabihin noon. Kapag umabot sa zero ang countdown, mabubura ang lahat ng research data ng institute. Nanlaki ang mga mata ni Serenity. Parang biglang tumigil ang tibok ng kanyang puso.
Walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang cellphone at mabilis na nag-dial ng isang pamilyar na numero. Pagkasagot ng tawag, halos nagmakaawa na siya.
"Baby... please, tama na. Pauwi na si Mommy. I'm on my way home, okay? Please stop attacking the institute's network."
Maya-maya ay narinig sa kabilang linya ang isang batang boses. May halong pang-aasar ang tono nito.
"Oh? Hindi ba't ito ang sikat na doctor at world-renowned perfumer na si Miss Serena? What a surprise. Napatawag ka yata sa akin. May kailangan ka ba?"
Napapikit si Serenity at napabuntong-hininga. Alam niyang wala siyang laban sa batang kausap niya.
"Baby, sorry na. Hindi sinasadya ni Mommy. Iyong latest batch ng perfumes, malapit nang ilabas sa market, pero hindi ko pa rin makuha ang tamang formula. Kaya ilang araw pa akong na-delay." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita, bakas sa boses ang pagsusumamo. "Promise, uuwi na ako ngayon din. Right now. Kaya please... tigilan mo na ang pag-hack sa network ng research institute. Mommy's begging you."
Noong mga panahong natagpuan si Serenity ng pamilyang Castro, agad na nalaman ng mag-asawang Castro na galing siya sa probinsiya. Dahil dito, hindi nila itinago ang kanilang pagkadismaya. Sa halip na matuwa sa pagbabalik ng kanilang tunay na anak, palagi nilang nararamdamang nakakahiya si Serenity at hindi ito karapat-dapat na ipakita sa ibang tao.Para sa mag-asawa, si Leslie ang kanilang pinakamamahal na anak. Sa kanilang paningin, perpekto ito, mahusay mag-aral, maraming alam at kayang gawin, magalang, mahinahon, at higit sa lahat, mabait at maalaga.Kaya naman napakalaki ng agwat ng pagtrato nila kina Serenity at Leslie. Kung si Leslie ay itinuring nilang parang isang prinsesa, si Serenity naman ay halos hindi nila mabigyan ng puwang sa kanilang pamilya.Sa lahat ng iyon, tanging ang dalawang nakatatanda sa pamilya Castro ang hindi sumang-ayon sa kanilang pag-uugali.Para sa dalawang matanda, kahit ano pa ang pinagmulan ni Serenity o gaano man ito kaiba kay Leslie, hindi mababago
Marami talagang dahilan si Danilo kapag may gusto siyang mangyari. At dahil alam ni Serenity na mahirap itong tanggihan kapag nagdesisyon na, sa huli ay wala rin siyang nagawa kundi sumang-ayon.Pagkababa ng tawag, tinapos ni Serenity ang kanyang almusal at agad na naghanda. Gaya ng mga nakaraang araw, ang pangunahing pupuntahan niya ay ang research institute. Ngunit habang nasa biyahe, may naisip siyang tawagan.Ilang sandali lamang ay may sumagot sa kabilang linya. Isang boses ng lalaki ang agad na umalingawngaw, malalim, bahagyang paos, at may nakakarelaks na tono.“Wow, rare 'to. Bakit mo ako tinawagan?”May kakaibang dating ang boses nito. Kahit hindi pa nakikita ang mukha ng nagsasalita, sapat na ang boses upang maisip ng sinumang nakikinig kung gaano ito kagwapo.Ngunit matagal nang pamilyar si Serenity sa boses na iyon. Hindi na siya nag-aksaya ng oras sa pakikipagkumustahan at agad na sinabi ang pakay niya.“Kakabalik ko lang sa Pinas nitong mga nakaraang buwan. May kailangan
Nagkunwari munang nag-aalinlangan si Cyler, tila pinag-iisipan kung susunod ba siya sa gusto ng kanyang ama. Ngunit makalipas ang ilang sandali, mariin niyang pinagdikit ang kanyang mga labi at tuluyang tumahimik. Kahit anong gawin ni Nathan, ayaw talaga niyang magsalita.Napansin iyon ni Nathan at hindi niya napigilang bahagyang mapakunot ang noo. Umaasa pa naman siyang maririnig muli ang tinig ng anak. Kaya maingat siyang nagtanong, “Hindi ka ba nagsalita kanina?”Ngunit sa halip na sumagot, lalo lamang yumuko si Cyler. Halatang nalungkot ang bata, kaya unti-unting nawala ang pag-asa sa mukha ni Nathan. Sayang. Akala niya, makakapagsalita ulit ang kanyang anak.Gayunpaman, hindi niya ito pinilit. Marahan niyang hinaplos ang likod ng anak at malumanay na sinabi, “Kung ayaw mong magsalita, okay lang. Hindi ka pipilitin ni Daddy.”Sa sandaling iyon, biglang nakisali si Jordan. “Nagsalita ba talaga si Nathalie kanina?”Halos buong araw niyang kasama ang dalawang bata, kaya nagtataka siy
Napabuntong-hininga si Serenity bago mahina ngunit malinaw na sumagot, "Magta-taxi na lang ako pauwi."Hawak pa rin niya ang cellphone nang makarinig siya ng ilang taong nagrereklamo sa di-kalayuan. "Ang hirap kumuha ng taxi kapag ganitong umuulan. Mahigit isang daan na raw ang nakapila. Gaano kaya katagal bago tayo makasakay?"Napalingon si Serenity sa gilid at nakita ang isang magkasintahang nakatayo malapit sa kanila, parehong bakas sa mukha ang pagkainip habang naghihintay ng masasakyan. Agad niyang binuksan ang ride-hailing app sa cellphone at inilagay ang kasalukuyan niyang lokasyon. Ngunit nang lumabas ang resulta, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang napakahabang pila ng mga booking."Seriously?" mahinang reklamo niya habang ilang beses na nag-scroll sa screen. Hindi niya maiwasang mapailing. Sa ganitong sitwasyon, paano pa kaya siya makakauwi?Napansin ni Nathan ang pagbabago sa kanyang ekspresyon at agad na naunawaan ang problema. Walang emosyon sa mukha nitong nagsalit
Sandaling nag-isip si Cyler bago napakamot sa ulo at mahina lamang na sumagot, “Well… may sarili kaming paraan. Huwag ka nang magtanong nang marami, Tito Jordan. Ang mahalaga ngayon, aalis na si Mommy. Kailangan nating mag-isip ng paraan para manatili siya rito. Tito Jordan, ang talino mo kaya! Bilisan mo at mag-isip ka ng paraan!”Napailing si Jordan, bahagyang natatawa ngunit hindi rin maiwasang malito.Masarap pakinggan na tinatawag siyang matalino ng dalawang bata, at aminado siyang nakakataba iyon ng puso. Pero pagdating sa pag-iibigan at mga ganitong klaseng sitwasyon, ano naman ang maitutulong niya?“Nathaniel, sobra naman ang tiwala mo sa Tito mo,” reklamo niya, sabay buntong-hininga. “Wala akong alam sa mga bagay na ’yan.”Hindi pa rin sumuko si Cielo. Sandali siyang nag-isip bago hinila ang manggas ni Jordan. Pagkatapos, mabilis siyang nag-type ng isang mahabang mensahe sa kaniyang cellphone at nang matapos ay iniabot iyon kay Jordan.“Basta sundin lang ni Tito Jordan ang si
Mag-isang pumasok si Nathan sa loob ng sinehan, habang naghihintay naman sa labas sina Marvin at ang mga bodyguard. Matapos makahanap ng bakanteng upuan, umupo siya at agad na nagsimulang magmasid sa paligid, hinahanap ang dalawang bata. Hindi niya inaasahang sa lugar na iyon ay muli na naman niyang makikita ang babaeng ilang araw pa lamang niyang nakasagutan.Kapwa natigilan sina Serenity at Nathan. Ilang sandali silang nagkatitigan, parehong tila hindi alam kung ano ang sasabihin sa hindi inaasahang pagkikita.Sa huli, si Serenity ang unang nakabawi. Bigla siyang napabangon mula sa kaniyang upuan at hindi napigilang mapasigaw, “Ano’ng ginagawa mo rito?”Tahimik ang buong sinehan kaya agad na napalingon sa kanila ang iilang taong naroon. May isang manonood sa likuran na hindi nasiyahan sa kaniyang lakas ng boses at agad na sumita, “Miss, puwede bang hinaan mo naman ang boses mo?”May isa pa ngang napabuntong-hininga at bumulong, “Normal lang namang makasalubong ang kakilala. Kailanga







