ログイン"Ikaw na ba ang midnight snack ko ngayon?" Malalim ang boses na tanong niya sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at mabilis na dumapo ang isang palad ko sa kanyang pisngi. Ang bastos niya! Ang bastos bastos niya! "Bastos!" sigaw ko sa kanya saka ako nagmamadaling lumabas at tumakbo palayo sa presidential suite na iyon. Humahangos ako at napahawak pa sa aking dibdib pagkapasok ko sa loob ng elevator. Napakamanyakis! Sinong matinong lalake ang lalabas para sa room service ng nakaganoon lang? Siyempre wala! Walang matinong lalake ang gagawa no'n! Hindi siya matinong lalake! Nagdadabog ako papuntang kitchen at agad na hinanap si Ate Cherry. Putcha! Nawala tuloy iyong antok ko dahil doon. Wala si Ate Cherry sa kusina kaya nagpunta ako sa front desk at doon naglabas ng sama ng loob kay Cathy. "Hindi ko alam na may ganoon!" "Edi nakita mo talaga iyong ano ng lalake? Malaki ba?" Agad na kumunot lalo ang noo ko. "Gaga ka talaga!" "Kasimpleng tanong, Mel! Malaki ba? Sa tingin mo, mga ano kayang size?" Humagikhik siya pagkatapos iyon itanong sa akin. Nagbuga ako ng hangin. Kailangan kong sagutin ang tanong niya dahil kapag hindi ay siguradong paulit ulit lang niya akong kukulitin. "Ano na?" Tila nababagot sa sagot kong sabi niya. Nagawa pa niyang hampas-hampasin ng mahina ang countertop. "Hindi ko alam kung anong size, pero mahaba, matambok, at... mamula-mula," sabi ko at agad na nag iwas ng tingin sa kanya. Agad siyang humalakhak pagkatapos kong sabihin iyon. Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay nangamatis na ang pisngi ko sa sobrang pula. "Talagang natitigan niya!" Nagpatuloy si Cathy sa pagtawa. Ako naman ay napapailing iling na lang na tinalikuran siya. "Oy, oy, oy, oy, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag usap!" "Uuwi na. Gusto ko nang matulog. Bye!" Dinaanan ko lang ang mga gamit ko sa locker saka ako nagmadali palabas ng hotel. Paglabas ko ay ang pangmadaling araw na hangin ang agad na sumalubong sa akin. Sinabog nito ang hanggang bewang at natural na wavy kong buhok. Pumara ako ng taxi at agad na nagpahatid sa bahay. Pagkarating ko'y tahimik na at siguradong tulog na si Lumina sa kwarto niya kaya hindi na ako nag abala pang gisingin siya. Nagdiretso ako sa kwarto upang makaligo at makapagpahinga na. Pero habang nakahiga ay hindi mawala-wala sa isip ko ang nakita kong mahaba kanina. Para iyong larawan na paulit-ulit na nag f-flash sa isipan ko. "Aish! Bakit mo pa ba iniisip iyon, Mel?" sabay gulo ko sa buhok ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng alaga. Madalas ay iyong maliliit na pangbata ang nakikita ko. At ngayong nakakita ako ng pangmalaki ay halos hindi na ako patulugin niyon kakaisip. Napabuga ako ng hangin at saka ako lumabas ng kwarto upang magtungo sa kusina para sa isang basong tubig. Bumalik ako sa kwarto para subukang matulog ulit at mukhang epektibo naman ang ginawa kong pag inom at nakatulog agad ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda ng agahan namin ni Lumina. Pero pagkarating ko sa kusina ay naroroon na siya at naghahanda na ng almusal naming dalawa. "Ang aga mo naman yatang nagising?" tanong ko sa kanya habang humihikab pa. "Late kang nagising," aniya. Naupo ako sa upuang nasa harap ng lamesa saka ako muling humikab. "Antok na antok? Alam mo bang alas otso na?" aniya. Inilapag niya sa lamesa ang nilutong piniritong itlog na may sibuyas at kamatis. Natakam pa ako saglit doon bago nagawang i-proseso ng utak ko ang mga salitang binitawan niya. "Shit! Ano?" naibulalas ko at agad na napatayo. Nagpigil siya ng tawa at halos mamura ko siya nang pakawalan niya iyon. Pero wala na akong oras para makipagbangayan sa kanya. Kailangan ko nang maligo. Mabilisang ligo ang ginawa ko at saka ako agad na nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Lumina na nakaabang na sa akin sa sala, bitbit ang isang maliit na tupperware na may pagkain sa loob. "Salamat," sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi at kaagad na akong umalis. Pagkarating sa hotel ay naabutan ko si Cathy na nakabusangot na. "Bakit ang tagal mo?" bungad niya sa akin. "Sorry. Late na kasi ako nakatulog kagabi kaya matagal rin akong nagising." Inismiran niya ako. "Late ka nakatulog kagabi kasi iniisip mo pa iyong nakita mo. Jusko, Mel! Dalaga ka na talaga! Hindi na virgin ang mga mata mo!" natatawang sabi niya. "Loka-loka ka talaga, Cathy! Punta lang ako ng locker room sandali!" Dahan-dahan siyang napapikit. "Bilisan mo lang, ah?" "Oo na!" "Bilisan mo kasi nandito si Mr. Buenaventura. Pinapatawag ka!" Agad akong natigilan sa akmang pag alis. Oh god! Napaisip agad ako kung anong mga nagawa kong mali para ipatawag ako. "B-bakit daw?" Nagkibit-balikat si Cathy. "Hindi ko alam. Bilisan mo na lang." Alanganin pa akong umalis at nanatili pa ang mga tingin ko kay Cathy bago ako tuluyang nagtungo sa locker. Habang nagsasalansan ng gamit ay agad akong natigilan nang naalala ang mga nangyari kagabi. Nanlaki ang mga mata ko't napatakip ako ng bibig. Lagot na! Nasampal ko pala ang guest sa presidential suite kagabi. "Got ya!" agad akong napalingon sa bukana ng locker room nang nakarinig ako roon ng baritono ng isang lalaki. Sandali akong natulala at natigilan nang nakita ang matikas na lalaki na nakasuot ng puting v neck shirt na sobrang hapit sa kanyang katawan. Napataas ang dalawang kilay ko nang napansin ang pagkakabakat ng kanyang abs. Totoo pala talaga ang six-pack abs! Bababa na sana ang tingin ko pero agad kong pinigilan ang aking sarili. Napalunok ako at nagbalik ng tingin sa kanyang mukha. Namamanghang ngisi ang naroroon sa kanyang labi nang datnan ng aking tingin. Nakataas rin ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at saka pinagkrus ang mga braso. "Bumababa talaga ang tingin mo sa tuwing nakikita mo ako no? Am I that hot?" Napasinghap ako. Grabe sa yabang! "Anong ginagawa mo dito? Gusto mong masampal ulit?!" singhal ko. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na nagtaas ng dalawang kamay. "Easy! Wala naman akong ginagawang masama sa iyo ah? Ikaw nga 'yong nanampal kahit na ikaw naman 'yong namboso kagabi." "What?!" Halos maputol ang mga litid ko sa sigaw ko na iyon. "Oh? Bakit? Ako naman talaga 'yong nakitaan mo hindi ba? Tapos ikaw pa iyong nagpasarap sa panonood at ako pa iyong sinampal mo! Ibang klaseng babae!" Ibang klase rin siyang lalaki! Saan niya kinukuha ang kakapalan niya ng mukha?Pagkalabas ko ng hospital ay dumiretso ako sa pag g-grocery. Tila wala ako sa sarili ko at hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin ang mga pinamili ko kaya ang ending ay napagalitan ako ni Zoren pagkauwi niya kinagabihan."Kaya nga may listahan kang dala 'di ba? What was that fucking for, huh?!"Napayuko ako. Galit na galit siya at mukhang mainit ang ulo. Pagkapasok pa lang niya ay kita ko na 'yon. Mukhang may nangyaring hindi maganda sa trabaho niya tapos dumagdag pa ako."Sorry po. Babalik na lang po ulit ako bukas para bilhin pa 'yong iba. Nagkataon lang po kasing-""I don't need to hear your excuses," sabi niya at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa kusina at tinungo ang refrigerator.Isang simpleng maling pagbili ko ng detergent at shower gel lang ang ikinagagalit niya. At 'yong mga hindi ko pala nabili dahil nakaligtaan ko."What did you do all day? Bakit wala pa tayong dinner?""Uhh..."What did I do all day? Nagmukmok lang. Iyong feeling na masakit ang puso ko. Kaya parang apek
Eksaktong pagkabalik ko ng suite ay gising na si Zoren. Naka-formal attire na din siya na parang may ari ng isang malaking kompanya."Marami akong meetings today so hindi mo na kailangan pang maghanda ng lunch para sa ating dalawa. Uuwi ako by five or six. Make sure by seven makakakain na tayo ng dinner. Gusto ko ng japanese dishes so iyon ang ipahanda mo."Tatango-tango ako habang pinapakinggan ang mga bilin niya."And by the way, kailangan mong mag grocery dahil paubos na ang stocks natin. Nakadikit sa ref ang listahan ng mga bibilhin mo."Bumuga siya ng hangin matapos niyang ayusin ang pagkakatali ng neck tie niya."Wala na po ba?" tanong ko nang tuluyan na siyang nanahimik.He shook his head, "Iyon lang."Tumango ako. "Okay. Breakfast na po tayo," sabay ngiti ko.Wala pa man siyang naging tugon ay tinalikuran ko na siya't nagtungo na ako sa lamesa. Naramdaman ko rin naman ang agad niyang pagsunod sa akin.Pagkatapos ng breakfast ay agad rin siyang umalis. Nagtungo naman ako sa ban
“Ipinagluto ko siya ng menudo kaso hindi nasarapan, e.” “Ha? Paano namang hindi nasarapan? E ang galing mo kayang magluto! Kung pwede ka nga lang i-hire na chef dito ay matagal ko ng ginawa.” “Iyon na nga Ate Cherry, e. Baka hindi niya lang talaga bet 'yong mga gano'n kasarap na klase ng pagluluto,” natatawa kong sabi habang isa-isang isinasalansan ang mga pagkaing madalas raw na ipinapahatid ni Zoren sa kwarto niya. “Iba din taste ng guests na 'yan, e. Pero, Mel ingat ingat ka d'yan kasi fuckboy daw 'yan. Iba-iba 'yong mga putaheng kinakain,” sabay tawa ni Ate Cherry. Bumagsak ang balikat ko kasabay ng pag irap ko. “I know. Kaya nga ako napunta sa posisyon kong 'to 'di ba? Kasi nasampal ko siya no'ng gabing may kachukchakan siya.” Isa-isa kong inilagay sa trolley ang mga pagkain namin ni Zoren para sa dinner. “Bakit mo naman kasi sinampal?” “Hindi ko rin alam. Adrenaline rush yata 'yong nangyari. Nagulat ako sa nakita kong ano kaya ko siya nasampal.” “Anong ano?” sabay tawa n
Ilang oras rin ang itinagal ko sa kitchen. Nagawa ko pang tumulong doon para makipag-chikahan lang sa kanila. Bumalik ako sa suite ni Zoren nang sumapit ang gabi. Kailangan ko siyang tanungin kung gusto ba niya ng pagkain mula dito sa hotel o kung gusto niyang ipagluto ko siya. Pagkarating ko sa suite ay naabutan ko siyang nanonood ng tv. Hindi niya ako nilingon. Kahit pa aware naman siya sa pagdating ko. Dahan dahan at tahimik akong naglakad papunta sa kanya at tahimik akong naupo sa tabi niya. “Ipagluluto ba kita ng dinner? O gusto mong bumaba para kumain sa restaurant?” Ilang sandaling nanatili ang mga titig niya sa pinapanood bago niya ako nilingon. “You can cook, right?” Agad akong tumango. “Of course!” taas noo at nagmamalaki ko pang sabi sa kanya. Sa aming dalawa ni Lumina ay ako ang mas masarap at magaling magluto. “Gusto kitang matikman,” malalim ang mga tinging sabi niya. Natulala ako ng ilang saglit sa kanya bago ko nagawang intindihin ang mga sinabi niya. Nangunot a
Pagkatapos mag lunch ay nagdiretso na kami ni Zoren sa hotel. Lukot na lukot ang mukha ko habang hinahabol ko siya at pilit na inaagaw mula sa kamay niya ang dalawa kong maleta. Ayaw niya talagang ibigay sa akin at nagawa pang makipaghabulan. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga guests at ng mga katrabaho ko.Nalingunan ko pa sina Rina sa desk na nagtatawanan at para bang kinikilig habang nakatingin sa amin."Hindi mo naman na kailangang bitbitin pa ang mga gamit ko. Maid mo ako remember? Nakalimutan mo yata," sabi ko nang nakapasok na kami sa suite.Ibinaba niya ang mga gamit ko malapit sa couch at saka siya naupo. Diretso siyang sumandal at agad na ipinahinga ang ulo niya."Hindi ko nakalimutan. Maid nga kita. But it won't stop me from helping you and for not letting you get tired," pikit ang mga matang sabi niya.Napaawang ang labi ko habang nakatingin ako sa kanya. He's sweating at mukhang wala siyang pakialam doon.Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at agad na akong luma
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya nang sabihin niyang dapat ay kasabay ko siyang kakain palagi. Tahimik ko na lang na pinanood ang nagtataasang mga building sa labas ng aking bintana.Hindi ko alam kung tama bang sumabay ako sa kanya sa tuwing kakain siya. Ayon kasi sa mga teleserye na napapanood ko ay dapat na naroroon ang mga maid at nagsisilbi sa mga amo nila kapag kakain ang mga ito. Hihintayin dapat nilang matapos ito bago sila kakain.“A-ayos lang ba?” Pagkatapos ng ilang sandali na pananahimik ay nilingon ko siya.“Ang alin?” tanong niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.“Iyong ano... Iyong sasabay ako sa iyo na kumain.”Doon lang niya ako nilingon. Bahagya pa niyang naitagilid ang ulo niya habang nakatingin siya sa akin.“Sasabayan mo ako kasi gusto kong dalawa tayong kakain ng pagkaing ihahanda mo para sa akin...”Nag iwas agad ako ng tingin. Ayaw kong kiligin! Wala namang nakakakilig sa mga sinabi niya. Pero bakit ganito na lang mag react ang puso ko?“Para kapa







