LOGIN
"Finally!" mahinang sabi ko kasabay ng paghikab at ng aking pag inat ng mga braso.
Quarter to twelve na at tapos na ang shift ko. Actually, dapat ay kaninang alas diyes pa dapat akong umuwi. Pero dahil matagal na pumasok si Cathy kaya nakapag-overtime ako. "Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Cathy na ngayo'y naglalagay pa lamang ng make-up. "Oo. Bilisan mo d'yan baka may biglang dumating na customers." Nagbuga siya ng hangin. "Pasensya na talaga Mel, ah? Pinatulog ko pa kasi ang mga anak ko." "Ano ka ba, Cath! Naiintindihan ko naman iyon." "Baka kasi may date ka tapos hindi natuloy dahil sa akin!" pabiro niyang sabi. Mahina akong natawa. "Gaga! Wala akong date. Single ako no!" "May pinsan iyong asawa ko. Seaman, gwapo, mabait, single, at naghahanap ng syosyotain. Gusto mo ireto kita?" Talagang napahalakhak ako dahil sa tinuran niya. Single nga ako pero hindi pa rin ako available. Wala pa sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Sa ngayon ay ang pagpapagamot kay mama at ang pagbabalak kong mag aral ang priorities ko. "Huwag na no! Baka hindi ko lang din mabigyan ng oras." "Sus! Ikaw pa ba? Multi-tasking is the key." Napailing na lamang ako habang natatawa. Lumabas na ako mula sa reception area. Nagpaalam ako kay Cathy na pupuntang locker area para sa mga gamit ko at didiretso na ako palabas ng hotel para makauwi. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko nang tinatawag ng kung sino ang pangalan ko. "Melissa! Melissa, sandali!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang si Ate Cherry iyon. Ang kitchen manager namin. "Oh, ate Cherry bakit?" Tinakbo niya ang pagitan namin at agad niyang hinawakan ang kaliwang balikat ko habang sapo sapo rin ng isa niyang kamay ang kanyang dibdib. "Mabuti na lang... Naabutan kita," aniya. "Bakit ho? Pauwi na nga po sana ako." "Kasi... Ang daming guests ngayon. Tapos oras na ng midnight snack no'ng isang guest natin. Iyong nakatira sa isa sa mga presidential suite natin?" Tumango tango ako habang naghihintay ng kasunod sa mga sinasabi ni Ate Cherry. "Ayon na nga... Walang maghahatid ng pagkain niya." "Tapos po?" pagmamaang-maangan ko. Alam ko na kasi ang kasunod nito. Ako na naman ang mauutusan para mag room service. Naku naman! Excited na sana akong matulog, e. Ngumuso si Ate Cherry. Naningkit agad ang mga mata ko habang naghihintay sa magiging favor niya. "Baka pwedeng pasuyo. Ikaw na muna maghatid." Umangat ang isang gilid ng aking labi. Sabi ko na nga ba! "Hindi ba ang dami naman natin dito? Ate Cherry naman! Ang layo ng presidential suite!" pagmamaktol ko. "May elevator naman, Mel!" giit niya. "Ugh!" Marahas akong napakamot sa noo ko. Hindi na ito kasali sa trabaho ko pero dahil alangan namang hayaan ko silang maghirap. "Sige na nga!" Agad na napatalon talon sa tuwa si Ate Cherry sabay yakap pa sa akin. "Kaybuti mo talagang bata. Sobrang ganda pa!" "Sus! Binobola niyo na naman ako." Inakbayan ko si Ate Cherry, at nakayakap naman sa likuran ko ang isang braso niya habang naglalakad kami papuntang kitchen. Mas matangkad ako kay Ate Cherry. Medyo pandak si ate at mataba kaya sisiw lang sa akin ang akbayan siya. "Nga pala, Mel. Iyong pamangkin kong si Jon. Iyong sinasabi ko sa iyong nagtatrabaho bilang bartender sa isang bar. Nanghihingi siya ng number mo. Ipinakita ko kasi sa kanya ang picture mo. Ayon at nagandahan sa iyo." Napakamot ako ng ulo. Hindi ko maintindihan kung bakit halos lahat ng katrabaho ko rito ay gusto ng magka-boyfriend ako. As-if naman magkakapera ako sa pagbo-boyfriend na iyan! "Pero siyempre hindi ko binigay ang number mo. Ang sabi ko sa kanya ay magpapaalam muna ako." Umiling ako sabay hikab. Putcha! Inaantok na talaga ako. "Huwag mong ibigay. Hindi po ako interesadong mag boyfriend." "Melissa, sige na." Kinukulit ako ni Ate Cherry habang papasok kami ng kitchen. Kabilaang usok ang agad na bumungad sa akin pagkapasok namin. "Hindi pa ba tapos iyong party?" tanong ko. May engagement party kasing nagaganap dito sa hotel ngayon kaya siguro aligaga ang lahat dito sa kusina. "Hoy, Mel... Narinig mo na ba? Iba raw ang naging bride to be!" bungad sa akin ni Shyrah, isa sa mga waitresses ng Bluestone Hotel. "Naku ka, Shyrah! Napaka-chismosa mo talagang bata ka!" reklamo ni Ate Cherry sa kanya. "Bakit daw?" interesado ko rin namang tanong. "Ayon na nga raw, iba iyong sumipot!" "Shyrah! Pakihatid mo na ito!" tawag sa kanya ng sous chef namin. Iniwan agad ako ni Shyrah at agad niyang inatupag ang trabaho niya. Eksakto rin namang pagbabalik ni Ate Cherry sa akin habang tulak-tulak ang food cart. "Ito na ba iyon?" tanong ko. Tumango siya at nginitian ako. Tipid na ngiti rin ang pinakawalan ko. "Sige po." Hinawakan ko na ang handle ng cart at saka iyon itinulak palabas ng kitchen. Nagdiretso ako sa elevator at saka pinindot ang 20th floor. Nandoon kasi ang mga presidential suite. Ang nasa 21st floor ay ang penthouse na sa pagkakaalam ko'y tinitirhan ng kakambal ng may ari ng hotel. Pero ilang taon na ako dito sa trabaho kong ito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Siguro ay wala siya dito sa Pilipinas. Huminto ako sa isang pintuan. Makailang ulit ko pang siniguro kung ito na ba iyon bago ako kumatok. Ilang katok ang iginawad ko sa pintuan bago ako nagdesisyong buksan na lamang ang pintuan. Ipapasok ko lang ang cart at aalis na ako agad. Pagkabukas ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko't napatakip ako sa aking bibig. "Ohhh! Ohh! Fuck!" "Ahh... Faster! Malapit na! I'm almost there..." "Shit! Ahh... Ahh... Zoren... Sige pa..." Halinghing at nakakabinging mga ungol ang pumuno sa aking tainga. Naku naman! Bakit ako pa iyong nautusan? E, may nagtatalik naman pala dito. At saka nanghihingi na ba ng midnight snack ang guest dito? Dahan-dahan kong ipinasok ang food cart. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukang huwag makagawa ng ingay. Ayaw kong maka-istorbo! Aalis na sana ako pero agad akong napalingon sa likuran ko nang may biglang tumikhim. Agad akong sinalubong ng mga asul na mga mata at ngising aso. Napalunok ako. Lalo pa nang pagkababa ng aking mga mata ay nakita kong nakatayo at nangungusap sa akin ang kanyang alaga. "My goodness! A-ang laki!" Wala sa sariling naibulalas ko.Pagkalabas ko ng hospital ay dumiretso ako sa pag g-grocery. Tila wala ako sa sarili ko at hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin ang mga pinamili ko kaya ang ending ay napagalitan ako ni Zoren pagkauwi niya kinagabihan."Kaya nga may listahan kang dala 'di ba? What was that fucking for, huh?!"Napayuko ako. Galit na galit siya at mukhang mainit ang ulo. Pagkapasok pa lang niya ay kita ko na 'yon. Mukhang may nangyaring hindi maganda sa trabaho niya tapos dumagdag pa ako."Sorry po. Babalik na lang po ulit ako bukas para bilhin pa 'yong iba. Nagkataon lang po kasing-""I don't need to hear your excuses," sabi niya at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa kusina at tinungo ang refrigerator.Isang simpleng maling pagbili ko ng detergent at shower gel lang ang ikinagagalit niya. At 'yong mga hindi ko pala nabili dahil nakaligtaan ko."What did you do all day? Bakit wala pa tayong dinner?""Uhh..."What did I do all day? Nagmukmok lang. Iyong feeling na masakit ang puso ko. Kaya parang apek
Eksaktong pagkabalik ko ng suite ay gising na si Zoren. Naka-formal attire na din siya na parang may ari ng isang malaking kompanya."Marami akong meetings today so hindi mo na kailangan pang maghanda ng lunch para sa ating dalawa. Uuwi ako by five or six. Make sure by seven makakakain na tayo ng dinner. Gusto ko ng japanese dishes so iyon ang ipahanda mo."Tatango-tango ako habang pinapakinggan ang mga bilin niya."And by the way, kailangan mong mag grocery dahil paubos na ang stocks natin. Nakadikit sa ref ang listahan ng mga bibilhin mo."Bumuga siya ng hangin matapos niyang ayusin ang pagkakatali ng neck tie niya."Wala na po ba?" tanong ko nang tuluyan na siyang nanahimik.He shook his head, "Iyon lang."Tumango ako. "Okay. Breakfast na po tayo," sabay ngiti ko.Wala pa man siyang naging tugon ay tinalikuran ko na siya't nagtungo na ako sa lamesa. Naramdaman ko rin naman ang agad niyang pagsunod sa akin.Pagkatapos ng breakfast ay agad rin siyang umalis. Nagtungo naman ako sa ban
“Ipinagluto ko siya ng menudo kaso hindi nasarapan, e.” “Ha? Paano namang hindi nasarapan? E ang galing mo kayang magluto! Kung pwede ka nga lang i-hire na chef dito ay matagal ko ng ginawa.” “Iyon na nga Ate Cherry, e. Baka hindi niya lang talaga bet 'yong mga gano'n kasarap na klase ng pagluluto,” natatawa kong sabi habang isa-isang isinasalansan ang mga pagkaing madalas raw na ipinapahatid ni Zoren sa kwarto niya. “Iba din taste ng guests na 'yan, e. Pero, Mel ingat ingat ka d'yan kasi fuckboy daw 'yan. Iba-iba 'yong mga putaheng kinakain,” sabay tawa ni Ate Cherry. Bumagsak ang balikat ko kasabay ng pag irap ko. “I know. Kaya nga ako napunta sa posisyon kong 'to 'di ba? Kasi nasampal ko siya no'ng gabing may kachukchakan siya.” Isa-isa kong inilagay sa trolley ang mga pagkain namin ni Zoren para sa dinner. “Bakit mo naman kasi sinampal?” “Hindi ko rin alam. Adrenaline rush yata 'yong nangyari. Nagulat ako sa nakita kong ano kaya ko siya nasampal.” “Anong ano?” sabay tawa n
Ilang oras rin ang itinagal ko sa kitchen. Nagawa ko pang tumulong doon para makipag-chikahan lang sa kanila. Bumalik ako sa suite ni Zoren nang sumapit ang gabi. Kailangan ko siyang tanungin kung gusto ba niya ng pagkain mula dito sa hotel o kung gusto niyang ipagluto ko siya. Pagkarating ko sa suite ay naabutan ko siyang nanonood ng tv. Hindi niya ako nilingon. Kahit pa aware naman siya sa pagdating ko. Dahan dahan at tahimik akong naglakad papunta sa kanya at tahimik akong naupo sa tabi niya. “Ipagluluto ba kita ng dinner? O gusto mong bumaba para kumain sa restaurant?” Ilang sandaling nanatili ang mga titig niya sa pinapanood bago niya ako nilingon. “You can cook, right?” Agad akong tumango. “Of course!” taas noo at nagmamalaki ko pang sabi sa kanya. Sa aming dalawa ni Lumina ay ako ang mas masarap at magaling magluto. “Gusto kitang matikman,” malalim ang mga tinging sabi niya. Natulala ako ng ilang saglit sa kanya bago ko nagawang intindihin ang mga sinabi niya. Nangunot a
Pagkatapos mag lunch ay nagdiretso na kami ni Zoren sa hotel. Lukot na lukot ang mukha ko habang hinahabol ko siya at pilit na inaagaw mula sa kamay niya ang dalawa kong maleta. Ayaw niya talagang ibigay sa akin at nagawa pang makipaghabulan. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga guests at ng mga katrabaho ko.Nalingunan ko pa sina Rina sa desk na nagtatawanan at para bang kinikilig habang nakatingin sa amin."Hindi mo naman na kailangang bitbitin pa ang mga gamit ko. Maid mo ako remember? Nakalimutan mo yata," sabi ko nang nakapasok na kami sa suite.Ibinaba niya ang mga gamit ko malapit sa couch at saka siya naupo. Diretso siyang sumandal at agad na ipinahinga ang ulo niya."Hindi ko nakalimutan. Maid nga kita. But it won't stop me from helping you and for not letting you get tired," pikit ang mga matang sabi niya.Napaawang ang labi ko habang nakatingin ako sa kanya. He's sweating at mukhang wala siyang pakialam doon.Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at agad na akong luma
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya nang sabihin niyang dapat ay kasabay ko siyang kakain palagi. Tahimik ko na lang na pinanood ang nagtataasang mga building sa labas ng aking bintana.Hindi ko alam kung tama bang sumabay ako sa kanya sa tuwing kakain siya. Ayon kasi sa mga teleserye na napapanood ko ay dapat na naroroon ang mga maid at nagsisilbi sa mga amo nila kapag kakain ang mga ito. Hihintayin dapat nilang matapos ito bago sila kakain.“A-ayos lang ba?” Pagkatapos ng ilang sandali na pananahimik ay nilingon ko siya.“Ang alin?” tanong niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.“Iyong ano... Iyong sasabay ako sa iyo na kumain.”Doon lang niya ako nilingon. Bahagya pa niyang naitagilid ang ulo niya habang nakatingin siya sa akin.“Sasabayan mo ako kasi gusto kong dalawa tayong kakain ng pagkaing ihahanda mo para sa akin...”Nag iwas agad ako ng tingin. Ayaw kong kiligin! Wala namang nakakakilig sa mga sinabi niya. Pero bakit ganito na lang mag react ang puso ko?“Para kapa







