LOGIN"Ang kapal naman talaga ng mukha mong pagbintangan akong namboso no? Excuse me lang ah! Ikaw kaya itong bastos at walanghiyang lumabas ng kwarto mo na n*******d!"
An amused grin escaped from his mouth. Naku naman at hindi pa yata ako sineseryoso. "Oh! Hindi ba ay pabor pa 'yon sa iyo? Or..." Nangunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. "Miss..." "Ano?!" "Virgin ka pa no?" Agad na nalaglag ang aking panga. Ang bastos niya, grabe! "Anyway, nandito pala ako para sunduin ka. Kanina pa kitang hinahanap, e," aniya sabay kamot ng kanyang batok. Nangunot ang aking noo. At bakit naman daw niya ako hahanapin? "Bakit?! Wala naman akong atraso sa iyo ah?!" "Ang cute mo kapag nagagalit," natatawang komento niya. Damn! Napairap ako't mabilis na nag iwas ng tingin sa kanya. Ayaw kong binibiro ako ng ganyan. Jusko! Mabilis pa naman akong kiligin! "Bilisan mo na d'yan at magtungo ka na sa opisina ng boss niyo." Nangunot agad noo ko kasabay ng paglaki ng aking mga mata. Oh my gosh! May kinalaman ba siya kaya ako pinapatawag? Dahil ba doon sa pagsampal ko sa kanya? Tatanggalin na ba ako sa trabaho? Jusko naman! Kung saan kailangan na kailangan ko ng pera, e! Lumingon ako sa gawi niya upang sana ay magtanong pero wala na pala siya roon sa pintuan kung saan siya nakatayo kanina. Napabuntonghininga ako at agad na lamang nagmadali para makapunta na sa office ni Mr. Buenaventura. Tatlong katok ang iginawad ko sa pintuan ng office ni Mr. Buenaventura bago ako tuluyang pumasok. Agad na tumama sa akin ang matalim niyang mga mata pagkapasok ko. Ang madilim na ekspresyon ng kanyang mukha ay nagsasabi sa aking may nagawa nga akong mali kaya niya ako pinatawag. At isa pa hindi naman siya laging nandito. Paminsan-minsan lang talaga iyang napupunta dito sa office niya. Madalas ay sa conference room ang kanyang tungo kapag may meeting siya na dito gaganapin sa hotel. Mas busy si Mr. Buenaventura sa ibang kompanya niya kaya hindi talaga siya naglalagi dito. Sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang kaibigan kong si Lumina. Ngayon na lang ulit. At mukhang ako pa yata ang magiging dahilan. Nang lumingon ako sa kaliwang parte kung nasaan ang mga couch ay nakita ko ang bastos na lalake na nakaupo roon. Nakasandal at nakaakbay ang kanyang dalawang kamay sa sandalan. Agad siyang ngumisi nang nagtagpo ang aming mga mata. "G-good morning, M-mr. Buenaventura..." Nauutal ako. Ghad! "Good morning, Ms. Loyola. I have received a complaint from one of our guests. Nanampal ka raw kagabi." Nanlaki agad ang aking mga mata. Nakapagsumbong na nga siya agad! Humanda sa akin iyang lalakeng iyan kapag natanggal ako. Mas masakit pa sa sampal ang ibibigay ko sa kanya. "S-sir... Hindi ko naman po iyon sinasadya. Nagulat lang po ako kasi-" "Shh!" pagpuputol sa akin ni Mr. Buenaventura. Nagawa niya pang itaas ang isang hintuturo niya. "Ang lalakeng sinampal mo, Miss Loyola ay isa sa board member ng kompanya kung saan ka nagtatrabaho. Aware ka ba doon?" Napasinghap ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa tingin ko naman ay wala akong nagawang mali. Sinampal ko siya kasi nakita ko siyang n*******d sa harapan ko. Pambabastos iyon para sa akin. Pero dahil trabahante lang ako dito at amo sila. Anong magagawa ko? Ang hirap talaga kapag mahirap. "M-mr. Buenaventura, h-huwag niyo po akong tanggalin. Kailangan na kailangan ko po itong trabahong ito." Inilingan ako ni Mr. Buenaventura habang nakatingin siya sa akin. "Wala na sa akin ang desisyon, Ms. Loyola. Nasa kay Mr. Zoren Russell na," sabay lahad niya ng palad niya sa kung saan ang direksyon no'ng manyak na lalake na nagngangalang Zoren. Napabuntonghininga ako bago ko kinagat ng mariin ang aking labi. Saka ako lumingon sa gawi ni Zoren. Pinagtaasan niya agad ako ng kilay. Tuloy ay agad ang aking naging pag irap. "You know what, I can sue you by slapping me so hard last night. Harassment iyon. At pwede ka ngang matanggal dito. Pero dahil mabait naman ako kaya hindi na kita bibigyan pa ng parusa," aniya. At duda ako doon. Sa ngising aso pa lang na nakaplaster sa mukha niya ay malakas na ang kutob kong may iba siyang nais ipagawa sa akin. "Ipapatanggal kita as receptionist dito sa hotel. But... I want you to be my personal maid." "Ano?!" agad na naibulalas ako. "Promotion," kibit-balikat niya. "Mag i-improve ang salary mo." Pasinghal at sarkastiko akong natawa. "At sa tingin mo makukuha mo ako sa paganyan mo?" "Dwayne..." agad na tawag ni Zoren kay Mr. Buenaventura. "Ms. Loyola..." sabi naman ng amo kong mukhang sunod-sunuran na yata sa board member na ito. "Mr. Buenaventura, ayaw ko po-" "How about 35k a month?" singit ni Zoren. "Excuse me! 30k ang buwanang sahod ko dito tapos limang libo lang ang idadagdag mo? Huwag na lang." Mabilis na humagalpak ng tawa si Zoren. "Zoren, why can't you just tell her that you like her," sabi naman ni Mr. Buenaventura sa matigas na englis. Ano raw? Like? Me? Zoren like me? Tumigil agad si Zoren sa pagtawa at agad na tumayo. Diretso ang titig sa akin. "I don't like her. I was just amused at gusto ko siyang parusahan sa ginawa niyang pagsampal sa akin kagabi. I have never slapped by anyone before. Kailangan niyang magbayad. So, Ms. Loyola 70k a month, take it or you leave the Bluestone Hotel," sabi niya at muling sumalampak sa couch. Seventy- 70k a month? Hindi na rin masama. Hinding-hindi talaga masama! Gosh! Sa isang taon ko magkakaroon ako ng... Seventy times twelve... 840k. Malapit na iyon sa isang milyon. "May 13th month pay at bunos ba iyang offer mo?" diretsong tanong ko. Halos magkasabay sila ni Mr. Buenaventura na humagalpak ng tawa. "13th month pay and 100k bunos then," aniya. Malawak ang naging pagngisi ko. Isang milyon sa isang taon! "Deal!" nakangiting sabi ko. Sarkastiko akong nginitian ni Zoren. "Deal." "Babae lang pala uubos sa yaman mo," sabi ni Mr. Buenaventura at agad nang tumayo. "Aalis na ako. Marami pa akong trabaho sa Pubhouse."ZOREN KEYDEN RUSSELL“Focus na focus tayo sa cellphone ah? Ano 'yan? Porn 'yan no?” sabay halakhak ni Roiden. Sinubukan pa niyang silipin ang cellphone ko pero agad ko ring inilayo.“Gago! Hindi ako nanonood ng porn!” sabay tapon ko ng unan.“Hindi daw. E sa porn ka nga natuto. Gago!” singit naman ni Art.Kapag talaga nandito sila sa suite ko ay ang gugulo nila. Napakaingay at laging ako ang ginagawang clown.“Wala ba kayong mga trabaho? Ba't nandito na naman kayo? Sino ba kasing nagpapunta sa inyo dito?” reklamo ko.“Si Art. Brokenhearted daw, e,” sabi ni Neo.Umayos ako ng upo at humarap sa kanila. Si Dwayne ay naglalapag ng mga inumin at pulutan mula sa food cart na kaka-deliver lang. Habang si Art ay nagsisimula ng tumungga sa bote.“Anong problema, Art?” tanong ko.“Nai-inlove na siya do'n sa babaeng pumatay sa fiancee niya,” natatawang sagot ni Neo.Anong nakakatawa doon? Gago talaga! Malaking problema 'yon, tinatawanan pa.“I am not sure yet. And fuck! Kailangan ko itong pigila
“Hindi ko alam kung paano kang kokontakin, Mina. At saka isa pa, ayaw ko na ring ipaalam sa iyo kasi narinig ko no'n mula kay Dwight na umuwi kayong Mindoro upang makaiwas sa gulo ng pamilya nila at no'ng Yvette. Alam kong may pinagdadaanan ka rin, kaya bakit pa ako dadagdag 'di ba?”Sunod-sunod siyang umiling. “Mel, hindi iyon ganun. Dapat ay nagsabi ka sa akin para masandalan mo rin ako. Ang bigat sa dibdib na naroroon ka no'ng nahihirapan ako, pero wala ako sa tabi mo no'ng ikaw naman ang naghihirap.”Ngumiti ako. “Ayos lang ako, Mina. Ayos na ako. Nakaya ko lahat.”“Na mag isa? Mahirap 'yon, Mel! At saka nakokonsensya ako, paulit-ulit kong sinasabi kay Dwayne na ang tanga mo kasi pinakawalan mo pa si Zoren. Ang alam kasi namin ay mahal na mahal ka niya. Sorry, Mel kung naisip kong ang tanga mo para piliing masaktan mag isa at ipagluksa ang pagkawala ng anak mo mag isa. Sorry kung naisip kong ang tanga mo at pinili mong pakawalan si Zoren, na pwede namang dalawa kayo at maging sand
Marahan kong inilapag ang isang piraso ng puting tulip sa eksaktong lokasyon kung saan nawala ang anak ko. Tatlong taon na ang nagdaan at hindi ko akalaing magagawa ko ito ngayon nang hindi na naninikip ang dibdib.Sabi nga nila, you have to face your fears, you have to feel the pain and embrace it para tuluyan ka nitong iwan. Hindi man madali ang proseso pero may kaginhawaan sa huli.Tatlong taon na mag isa lang ako. Tatlong taon na pinili kong maging si Melissa Valderama at tuluyang kalimutan si Melissa Loyola. Tatlong taon ang ginugol ko upang mabuo muli ang puso ko pero hanggang ngayo'y hindi ko pa rin mabuo-buo. Tatlong taon at ito pa rin ako . . . Umaasa at naghihintay na mabuo ulit.Isang mahabang pagbuga ng hangin ang ginawa ko nang tumingala ako. Isang ngiti ang pinakawalan ko nang nakita ko ulit ang hugis batang ulap sa asul na kalangitan.At bago pa man tumulo ang mga luha ko ay sumakay na ako sa sasakyan ko at nagtungo sa opisina. This is my daily routine. Dumadaan ako sa
“Anong ginagawa mo dito?” walang ekspresyong bungad ni Clara sa akin. Ni hindi man lang siya umupo at nanatili lamang nakatayo sa aking harapan.“Maupo ka,” sabi ko.Inirapan niya ako nang nag iwas siya ng tingin. Marahas din siyang bumuntonghininga bago nagbalik ng tingin sa akin.“Next time, huwag ka nang mag aksaya ng panahon para bisitahin ako dito because it's not worth it. Ayaw kong tumanggap ng bisita. Lalong lalo na kung isang Valderama.”“Wala ka bang balak humingi ng tawad sa akin? Sa amin? Namatay si Melani, Clara!”“I don't care! At kahit ano pang sabihin mo, hindi ako hihingi ng tawad sa inyo because you're family deserved it all!”Napatayo ako. “Napakawalanghiya mo talaga!”Sarkastiko siyang ngumisi. “Ngayon mo pa na-realize?”Naikuyom ko ang mga kamao ko't nakagat ko ang aking labi. “Mabubulok ka sa kulungan. Sisiguraduhin kong magdudusa ka dito.”Nagkibit-balikat siya. “We'll see. Kasi sa pagkakaalam ko, Dwight's looking for a way for me to get out of here. Paunahan na
“Iiwan mo pa rin ako? Iiwan mo pa rin ako kahit na maayos na ang lahat at nakakulong na si Clara? Zoren, wala nang sagabal sa ating dalawa at alam ko nang hindi ikaw ang dahilan kaya nawala ang anak natin. Kaya bakit mo pa rin nagawang mag desisyon ng ganyan?”Hawak hawak ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Ayaw ko 'yong bitiwan. Pakiramdam ko kapag ginawa ko 'yon ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Na wala ng chance para sa aming dalawa.“I'm sorry, Mel. Mahal kita pero sa tingin ko, kailangan kong lumayo.”Yumuko ako at umiling. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko sa espaltong kalsada kung nasaan kaming dalawa. Ngayon lang kaming dalawa muling nagkita matapos ang isang linggo. Katatapos lang ilibing ni Melani kaninang umaga. Hindi rin siya pumunta sa libing. Ngayon ko lang talaga siya nakita ulit. Ang akala ko ay magiging masaya ako sa sasabihin niya. Excited pa naman akong bumaba nang tawagin ako ni Ena dahil narito nga raw si Zoren. Pero ito pala ang dadatnan ko. Ang pamamaala
“Baby, I'm sorry. I'm sorry for being late.”Panay ang hagulgol ko't halos ayaw ko nang humiwalay mula sa pagkakakapit ko kay Zoren. Wala na akong pakialam kahit pa nagpapalitan na ng bala ang paligid namin.“Ang akala ko . . . Akala ko . . .”“Shhh!”Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kanya.“Si Melani . . . Patay na si Melani.”Hindi sumagot si Zoren bagkus ay inalalayan niya akong makatakbo papunta sa dock at makasakay sa yate.“Stay here.”“Saan ka pupunta?” agad kong habol at hawak sa braso niya nang sinubukan niyang talikuran ako.“Mel . . .” Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Dwight na inaangat ang mga braso para sa akin.Napabuntonghininga ako at agad na tumakbo upang yakapin siya. Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ni Dwight.“Ang hirap niyong hanapin. Sorry. We weren't able to track you as soon as possible.”“Dwight, si Melani. P-patay na siya. Namatay siya kakabugbog ng mga tauhan ni Clara,” pagsusumbong ko.Tumango si Dwight.“Kailangan







