分享

Kabanata 4

作者: Shinzanzou
last update publish date: 2026-06-20 12:26:50

“What the fuck?!” pagmumura niya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

Alam ko namang boss ko siya at dapat ay nire-respeto ko siya at hindi basta-bastang sinasampal. Pero hindi naman yata tamang bastusin niya ako. Alam kong may karapatan din naman ako. And I stand for my rights!

“Kapag ako binastos mo ulit... Hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin,” sabi ko at mabilis na naglakad palabas ng suite niya.

“Saan ka pupunta, Melissa?” Tila kulog ang naging boses niya nang isigaw niya iyon kaya naging agaran ang pagtigil ko sa padabog na paglalakad at nanlilisik ang mga mata ko nang lingunin ko siya.

Anong akala niya? Matatakot niya ako sa pasigaw-sigaw niya? No way!

“Uuwi. Mag iimpake ako ng gamit. Alangan namang wala akong gamit dito. Paano ako magbibihis kung walang pamalit?!” sarkastiko kong tugon.

“You don’t have to—”

“Gusto mong masampal ulit?”

Agad niyang itinaas ang dalawa niyang kamay senyales ng pagsuko.

“Easy. You don’t have to be rude. Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang amo mo. Maid kita.”

“Tss!” Pasiring kong inalis ang mga mata ko sa kanya saka ako tuluyang lumabas ng suite.

Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ay agaran ang naging pagbuga ko ng hangin. Pigil pigil ko pala ang hininga ko habang nasa loob ako.

Bumaba ako sa reception at naabutan ko si Julia at Rina roon.

“Si Cathy nakaalis na?” agad na tanong ko.

“Kanina pa. Mami-miss ka namin dito, Mel,” ani Rina.

Umabot agad sa kanila ang balita? Ang bilis naman.

“Nandito pa rin naman ako. Nasa iisang hotel pa rin naman tayo.”

“Sa laki ng hotel na ito?” ani Julia.

“Kayo naman! Kung ang mag ex nga pinagtatagpo kahit na nag abroad iyong isa. Tayo pa kaya? Hindi naman isang buong bansa itong Bluestone Hotel! Ano ba kayo? Ang ne-nega niyo!”

“Paanong hindi mane-nega? E, aalis ka na at iiwan mo kami! Tapos alam mo ba kung sinong kapalit mo? Si Erica!” sabi naman ni Rina.

Nangunot ang noo ko. Matagal na iyong wala dito ah?

“E, hindi ba ay tinanggal na iyon ni—”

“Kinuha ulit ni Mr. Buenaventura,” si Julia.

Napabuga na lamang ako ng hangin.

“Mr. Buenaventura niyo, walang isang salita!” dagdag pa niya.

“Grabe naman kayo! Baka rin kailangan na kailangan ni Erica ng trabaho,” sabi ko.

“Kailangan nga raw. Naghiwalay na sila ng asawa niya at kailangan niyang buhayin ang tatlo nilang anak kaya ayon!” si Rina.

“Iyon naman pala.”

“Ah basta! Hindi ko talaga siya gustong makasama dito sa reception. Masyadong pabida!” sabi pa ni Rina.

Ilang sandali pa kaming nag usap roon bago ako tuluyang nagpaalam. Ayaw ko rin namang magtagal dahil marami pa akong kailangang i-impake sa bahay.

Pagkauwi, as usual tahimik ang bahay. Malamang ay nasa trabaho na si Lumina.

Agad akong nag impake at medyo marami-rami din naman ang mga damit ko kaya dalawang maleta agad ang napuno.

Naligo ako at nagbihis bago nagpasyang babalik na ng hotel. Mag a-alas dos na at hindi pa ako nagla-lunch.

Tulak-tulak ko ang dalawang maleta ko habang palabas ako ng bahay. Habol-habol ko na agad ang hininga ko nang bitawan ko ang mga ito. Tumingala ako upang huminga sana ng malalim pero agad akong natigilan nang dumapo ang mga mata ko sa asul na magarang sasakyan na naka park sa labas ng gate.

Feeling ko ay may bumara sa aking lalamunan kaya napaubo ako. Lalo pa nang nakangising lumabas si Zoren doon. Naka itim na tshirt na siya this time, hindi tulad kaninang umaga. Maliban doon ay may dumagdag ng dogtag at shades sa outfit niya.

Shit! Paano niya natunton ang bahay ko? Stalker ba siya?

“B-b-bakit ka nandito?”

“Ang tagal mo namang lumabas. Kanina pa akong naghihintay sa iyo dito, e!” aniya.

Napailing na lamang ako at saka siya tinalikuran. Ini-lock ko ang pintuan. Pagkalingon kong muli ay nasa harapan ko na siya. Halos mapatalon ako sa gulat at agad na napaatras.

“Sorry,” nakangising sabi niya saka kinuha ang dalawa kong maleta.

“Paano mo natunton ang bahay ko?”

“Anong laman nito? Bakit sobrang bigat?” reklamo niya pero kung titingnan ay parang hindi naman siya nabibigatan habang binibitbit ang mga iyon papunta sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan. Nakasunod naman ako sa kanya.

Umawang ang labi ko habang pinapanood kung paanong nag flex ang mga muscles niya sa braso. Bahagya ko pang naitagilid ang ulo ko habang magkalingkis ang dalawa kong braso.

“You’re drooling,” aniya at nakapamaywang na habang nakatingin sa akin.

Agad na lumipad ang isang palad ko sa bibig ko.

“No! I’m not!” sabi ko at nauna na sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Hinabol niya ako at agad na pinigilan sa akma kong pagbubukas sa pintuan. He opened it for me. Nangunot agad ang noo ko.

Bakit niya ginagawa ito? Pwede ba iyon? He’s being a gentleman sa maid niya? Come on! Masyado naman yata siyang mabait.

“Hop in,” aniya.

Tahimik akong pumasok at agad na nag seatbelt. This is not a kdrama! Hindi ko na siya kailangang hintayin para ikabit ang sarili kong seatbelt.

Sa seatbelt ko agad dumapo ang kanyang mga mata pagkapasok niya sa driver’s seat. Nagpigil agad siya ng ngiti at paulit-ulit na binasa ang kanyang labi nang nag iwas siya ng tingin at itinuon iyon sa kalsada.

Tumikhim pa muna siya bago tuluyang binuhay ang makina.

“Have you eaten your lunch?” tanong niya nang sinimulan niyang patakbuhin ang sasakyan.

Nilingon ko siya. “Hindi pa. Pero sa hotel na lang. Balak ko kasi sanang mag lunch muna bago bumalik sa suite mo at magsimula sa trabaho. Uhh... Paano nga pala ang pagkain ko? Pwede ba akong lumabas at sa kitchen na lang makikain o 'di kaya ay sa mga karenderyang nakapila malapit sa Bluestone hotel?”

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang sandaling pag igting ng kanyang panga.

“Bakit ka naman kakain sa karenderya?”

“Bakit? Sanay naman ako doon.”

He shook his head. Ilang sandali pa ang hinintay ko bago niya ako nilingon.

“You’re not going to eat anywhere, Mel. You’ll eat with me... Always.”

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Wakas

    ZOREN KEYDEN RUSSELL“Focus na focus tayo sa cellphone ah? Ano 'yan? Porn 'yan no?” sabay halakhak ni Roiden. Sinubukan pa niyang silipin ang cellphone ko pero agad ko ring inilayo.“Gago! Hindi ako nanonood ng porn!” sabay tapon ko ng unan.“Hindi daw. E sa porn ka nga natuto. Gago!” singit naman ni Art.Kapag talaga nandito sila sa suite ko ay ang gugulo nila. Napakaingay at laging ako ang ginagawang clown.“Wala ba kayong mga trabaho? Ba't nandito na naman kayo? Sino ba kasing nagpapunta sa inyo dito?” reklamo ko.“Si Art. Brokenhearted daw, e,” sabi ni Neo.Umayos ako ng upo at humarap sa kanila. Si Dwayne ay naglalapag ng mga inumin at pulutan mula sa food cart na kaka-deliver lang. Habang si Art ay nagsisimula ng tumungga sa bote.“Anong problema, Art?” tanong ko.“Nai-inlove na siya do'n sa babaeng pumatay sa fiancee niya,” natatawang sagot ni Neo.Anong nakakatawa doon? Gago talaga! Malaking problema 'yon, tinatawanan pa.“I am not sure yet. And fuck! Kailangan ko itong pigila

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 94

    “Hindi ko alam kung paano kang kokontakin, Mina. At saka isa pa, ayaw ko na ring ipaalam sa iyo kasi narinig ko no'n mula kay Dwight na umuwi kayong Mindoro upang makaiwas sa gulo ng pamilya nila at no'ng Yvette. Alam kong may pinagdadaanan ka rin, kaya bakit pa ako dadagdag 'di ba?”Sunod-sunod siyang umiling. “Mel, hindi iyon ganun. Dapat ay nagsabi ka sa akin para masandalan mo rin ako. Ang bigat sa dibdib na naroroon ka no'ng nahihirapan ako, pero wala ako sa tabi mo no'ng ikaw naman ang naghihirap.”Ngumiti ako. “Ayos lang ako, Mina. Ayos na ako. Nakaya ko lahat.”“Na mag isa? Mahirap 'yon, Mel! At saka nakokonsensya ako, paulit-ulit kong sinasabi kay Dwayne na ang tanga mo kasi pinakawalan mo pa si Zoren. Ang alam kasi namin ay mahal na mahal ka niya. Sorry, Mel kung naisip kong ang tanga mo para piliing masaktan mag isa at ipagluksa ang pagkawala ng anak mo mag isa. Sorry kung naisip kong ang tanga mo at pinili mong pakawalan si Zoren, na pwede namang dalawa kayo at maging sand

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 93

    Marahan kong inilapag ang isang piraso ng puting tulip sa eksaktong lokasyon kung saan nawala ang anak ko. Tatlong taon na ang nagdaan at hindi ko akalaing magagawa ko ito ngayon nang hindi na naninikip ang dibdib.Sabi nga nila, you have to face your fears, you have to feel the pain and embrace it para tuluyan ka nitong iwan. Hindi man madali ang proseso pero may kaginhawaan sa huli.Tatlong taon na mag isa lang ako. Tatlong taon na pinili kong maging si Melissa Valderama at tuluyang kalimutan si Melissa Loyola. Tatlong taon ang ginugol ko upang mabuo muli ang puso ko pero hanggang ngayo'y hindi ko pa rin mabuo-buo. Tatlong taon at ito pa rin ako . . . Umaasa at naghihintay na mabuo ulit.Isang mahabang pagbuga ng hangin ang ginawa ko nang tumingala ako. Isang ngiti ang pinakawalan ko nang nakita ko ulit ang hugis batang ulap sa asul na kalangitan.At bago pa man tumulo ang mga luha ko ay sumakay na ako sa sasakyan ko at nagtungo sa opisina. This is my daily routine. Dumadaan ako sa

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 92

    “Anong ginagawa mo dito?” walang ekspresyong bungad ni Clara sa akin. Ni hindi man lang siya umupo at nanatili lamang nakatayo sa aking harapan.“Maupo ka,” sabi ko.Inirapan niya ako nang nag iwas siya ng tingin. Marahas din siyang bumuntonghininga bago nagbalik ng tingin sa akin.“Next time, huwag ka nang mag aksaya ng panahon para bisitahin ako dito because it's not worth it. Ayaw kong tumanggap ng bisita. Lalong lalo na kung isang Valderama.”“Wala ka bang balak humingi ng tawad sa akin? Sa amin? Namatay si Melani, Clara!”“I don't care! At kahit ano pang sabihin mo, hindi ako hihingi ng tawad sa inyo because you're family deserved it all!”Napatayo ako. “Napakawalanghiya mo talaga!”Sarkastiko siyang ngumisi. “Ngayon mo pa na-realize?”Naikuyom ko ang mga kamao ko't nakagat ko ang aking labi. “Mabubulok ka sa kulungan. Sisiguraduhin kong magdudusa ka dito.”Nagkibit-balikat siya. “We'll see. Kasi sa pagkakaalam ko, Dwight's looking for a way for me to get out of here. Paunahan na

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 91

    “Iiwan mo pa rin ako? Iiwan mo pa rin ako kahit na maayos na ang lahat at nakakulong na si Clara? Zoren, wala nang sagabal sa ating dalawa at alam ko nang hindi ikaw ang dahilan kaya nawala ang anak natin. Kaya bakit mo pa rin nagawang mag desisyon ng ganyan?”Hawak hawak ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Ayaw ko 'yong bitiwan. Pakiramdam ko kapag ginawa ko 'yon ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Na wala ng chance para sa aming dalawa.“I'm sorry, Mel. Mahal kita pero sa tingin ko, kailangan kong lumayo.”Yumuko ako at umiling. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko sa espaltong kalsada kung nasaan kaming dalawa. Ngayon lang kaming dalawa muling nagkita matapos ang isang linggo. Katatapos lang ilibing ni Melani kaninang umaga. Hindi rin siya pumunta sa libing. Ngayon ko lang talaga siya nakita ulit. Ang akala ko ay magiging masaya ako sa sasabihin niya. Excited pa naman akong bumaba nang tawagin ako ni Ena dahil narito nga raw si Zoren. Pero ito pala ang dadatnan ko. Ang pamamaala

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 90

    “Baby, I'm sorry. I'm sorry for being late.”Panay ang hagulgol ko't halos ayaw ko nang humiwalay mula sa pagkakakapit ko kay Zoren. Wala na akong pakialam kahit pa nagpapalitan na ng bala ang paligid namin.“Ang akala ko . . . Akala ko . . .”“Shhh!”Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kanya.“Si Melani . . . Patay na si Melani.”Hindi sumagot si Zoren bagkus ay inalalayan niya akong makatakbo papunta sa dock at makasakay sa yate.“Stay here.”“Saan ka pupunta?” agad kong habol at hawak sa braso niya nang sinubukan niyang talikuran ako.“Mel . . .” Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Dwight na inaangat ang mga braso para sa akin.Napabuntonghininga ako at agad na tumakbo upang yakapin siya. Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ni Dwight.“Ang hirap niyong hanapin. Sorry. We weren't able to track you as soon as possible.”“Dwight, si Melani. P-patay na siya. Namatay siya kakabugbog ng mga tauhan ni Clara,” pagsusumbong ko.Tumango si Dwight.“Kailangan

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status