Share

KABANATA 18

Anghel's POV

Nang makalabas kami ng ospital nandoon na ang driver na si Mang Ben. Siguro ay inutusan din ito ni Dale na sunduin sina Louelle. Huh. Ganun ba talaga pahalagahan ni Dale ang nobody na ito? Mukhang nagulat naman si Mang Ben ng makita ako.

"Master!" Bati nito at nagbow sa akin. "Pinasundo po sa akin ni Sir Dale sina Nana Celia," paliwanag nito.

Tumango naman ako. "Kunin mo na ang mga gamit nila. Sa akin na sasabay sina Nana Celia," sabi ko.

"Bakit pa? Nandito naman si Mang Ben," pabalang na wika ni Louelle.

"Louelle!" Saway ni Nana Celia na nanlalaki ang mata.

Hmp. Buti nga sa kanya. Sumimangot naman ito. Nakaupo pa ito sa wheelchair kaya para itong batang di napagbigyan.

"Kunin ko lang ang kotse ko," sabi ko at di pinansin ang pagmamaktol ni Louelle.

Mabilis ko lang naman na nakuha ang sasakyan ko. Mukhang nauna na umalis si Mang Ben at naiwan na lang doon sina Nana at Louelle. Nakasimangot naman si Louelle mukhang napagalitan ni Nana Celia. Buti nga sa kanya.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Aessiamae Excija
puro k paliwanag nkakainis
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status