LOGINNatagpuan ni Kianna ang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada nang walang tiyak na direksyon. Malamig ang hangin ng gabi ngunit hindi niya iyon maramdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit na bumabalot sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hindi lamang siya inabutan ng closing time. Halos apat na oras siyang naghintay doon, umaasang darating si Preston, umaasang sa pagkakataong ito ay pipiliin naman siya nito kaysa trabaho. Pero tulad ng dati… naiwan na naman siyang mag-isa. Naghintay na naman siya sa wala. Marami rin siyang nainom na alak kaya hindi na maayos ang mga hakbang niya habang naglalakad. Pasuray-suray. Walang pakialam kung napapatingin na sa kanya ang mga taong nadaraanan niya. She was crying out loud habang naglalakad sa madilim na sidewalk, tila wala nang pakialam kung mukha man siyang baliw sa paningin ng iba. Masakit, sobrang sakit ng nararamdaman niya. Paano ba naman, matapos ang apat na oras na paghihintay ay isang simpleng text lang ang natanggap niya mula sa nobyo. 'Sorry, babe. I won't be able to make it. Nagkaroon kami ng emergency meeting and I'm still at the company. I hope you understand. I love you.' Napatawa siya nang mapait habang pinapahid ang walang tigil na pag-agos ng luha sa pisngi niya. Understand. Palagi na lang bang ganoon? Palagi na lang siyang kailangang umintindi? May nobyo nga siya pero hindi naman niya maramdaman ang presensya nito bilang boyfriend. Ang gusto lang naman niya ay simpleng oras. Simpleng atensyon. Kahit kaunting pagmamahal lang. Pero bakit pakiramdam niya… sobra-sobra na agad iyong hinihingi niya? Napahinto siya sa paglalakad at napatingala sa madilim na langit. Kung sana madali lang hiwalayan si Preston… Kung sana kayang-kaya lang niyang bumitaw. Pero paano? Paano niya gagawing madali iyon kung mahal na mahal niya ang lalaki? Ito ang unang lalaking minahal niya nang totoo. At sa loob ng ilang taon, ginawa niya ang lahat para manatiling maayos ang relasyon nila. Pero paano kung si Preston mismo ang dahilan kung bakit unti-unti iyong nasisira? Napapikit siya. What should I do? Paano niya maibabalik ang dating Preston? Iyong lalaking sweet, maalaga, thoughtful… Iyong lalaking dati ay hindi kayang lumipas ang isang araw nang hindi siya kinakamusta at hindi siya nakikita. Hindi siya papayag na basta na lamang mawala ang relasyon nila dahil lang sa trabaho. Kailangan niyang gumawa ng paraan para maisalba ang apat na taong relasyon nila. Bigla niyang naalala ang usapan nila ni Gigi kahapon. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. The host club… Iyon lang yata ang natitirang paraan. Kung nagawa ni Gigi na ibalik ang atensyon ng nobyo nito gamit ang isang male host… baka gumana rin iyon para sa kanya. “Yeah… that’s it,” mahina niyang bulong sa sarili. Gagamit siya ng lalaki para pagselosin si Preston. At ayon kay Gigi, sobrang effective daw niyon. Nakita rin naman niya ang naging resulta niyon. Nagbago si Calvin. Naging mas sweet, maalaga at mapagmahal nito. Bakit hindi niya subukan? Para sa relasyon nila. Para sa pagmamahal na unti-unti nang nanlalamig. Para kay Preston. Kahit ano… gagawin niya.Bitbit ang fruit basket, mabilis na lumabas ng silid si Gabriela.Grabe. Ano ba naman yon?Hindi pa rin siya makapaniwala. Muntik na niyang maabutan ang maling lalaki sa banyo. At ang mas malala pa, nahuli siyang nakatayo sa labas na parang may balak talaga siyang sumilip.This is so embarrassing.Paglabas niya ng silid, agad niyang hinanap si Rhys.“Nasaan si Rhys?”Walang sumagot. Napalingon siya sa veranda. Naroon si Theodore, tahimik na umiinom ng wine habang nakatanaw sa labas.Lihim siyang napasimangot. Ramdam na ramdam niya na hindi siya gusto ng lalaki.So what? The feeling is mutual.Hindi niya kailanman maiisip na magkakagusto siya sa katulad nitong nuknukan ng antipatiko.Oo, mahilig siya sa guwapo pero choosy din naman siya. Kung pipili siya ng makakasama habang buhay, package deal na iyon. Guwapo, mabait, maalaga at mapagmahal, katulad ni Rhys.“Nasaan si Rhys, Theodore?”Tila napilitan lamang itong sulyapan siya.“Why do you keep looking for him?” May iritasyon sa tinig
Nagpalinga-linga muna si Gabriela bago niya binuksan ang pinto ng silid ni Rhys.Kailangan niyang masigurong wala si Theodore sa paligid.Sa lahat ng tao sa bahay, ito talaga ang madalas sumira sa mga plano niya. Masyado itong mapagmasid. Masyadong maraming napapansin. At higit sa lahat, parang may built-in detector ng kalokohan ang lalaki.Nang masigurong wala nga ito, mabilis siyang pumasok sa silid.Bitbit niya ang fruit basket na pasalubong niya kay Rhys.“Rhys?”Walang sumagot. Napatingin siya sa paligid. Wala ang binata pero may narinig siyang malinaw na lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo.Napangiti siya.Ah, nasa loob pala. Biglang may kung anong kalokohan ang pumasok sa isip niya.Hindi naman siguro masama kung sisilip lang siya, di ba? Magpe-pretend akong hindi ko alam na naroon siya.Napakagat siya sa labi para pigilan ang ngiti.Ay, bongga. Gusto ko yon.Inilapag muna niya ang fruit basket sa bedside table bago dahan-dahan na lumapit sa pinto ng banyo. Huminto siya roo
“Tell Mom na baka matagalan pa ako umuwi. I'm at Rhys's house.” Nakasandal si Theodore sa gilid ng hallway ng hospital habang hawak ang cellphone sa isang kamay. Katatapos lang magpatingin ni Rhys kay Vaughn, at ngayon ay hinihintay na lamang nila ang ilang resulta bago sila makauwi. “Oh, si Rhys?” Agad na naging interested ang boses ng nakababata niyang kapatid sa kabilang linya. “Ikamusta mo ako sa kanya, Big Bro!” Theodore chuckled. “Yeah. Actually, nandito nga kami sa hospital because he needed a checkup. Baka lumala ang sakit niya kapag pinabayaan niya.” “Ah, okay.” May ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita si Thea. “Anyway, sabi ni Adam may bagong contract daw kayong sisimulan next month?” “Yeah.” “Then instead of spending your free time joining those races, magpunta ka na lang sa beach house natin. Magbakasyon ka naman doon, Big Bro.” Napailing si Theodore. Pareho talaga ang kapatid at ina niya. Whenever they thought he was working too much or r
Natigilan sa paglabas ng bahay si Gabriela nang marinig niya ang tinig ni Rhys. “Gabby, where are you going?” Lumingon siya. Napansin niyang nakabihis ito, mukhang may lakad din ang binata kahit halatang hindi pa rin maganda ang pakiramdam nito. “Magkikita kami ng best friend ko,” sagot niya. “May usapan kasi kami ni Angelo.” “Ah, okay.” Saglit siyang nag-isip bago siya napatingin dito. “Ikaw? Mukhang may lakad ka. May date ka?” Napangiti si Rhys. “No. I'm going to see a doctor. I don't usually go for checkups, but Theo insisted.” So, may concern din naman pala siya. “Good,” sabi niya. “At least someone is forcing you to take care of yourself.” Rhys chuckled. “If you want, you can come with us. Where are you meeting your friend?” “Sa mall lang.” “We can drop you off there. Theo and I are heading to the hospital anyway.” Napangiti siya. Napakabait talaga ng papa Rhys niya. No wonder she liked him so much. “Sure.” Bago pa sila makalakad, narinig niya
Ilang beses munang nagpakawala ng malalim na hininga si Gabriela bago kumatok sa pinto ng silid ni Rhys. Pero walang sagot mula sa loob. “Rhys?”Nanatiling walang tugon. Kumunot ang noo niya. Baka hindi talaga nito naririnig. Sa huli, napagdesisyunan niyang pumasok na lang. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at agad siyang natigilan. What the-? Para bang dinaanan ng bagyo ang buong silid. Nagkalat sa sahig ang mga damit na pinagbihisan ni Rhys, may ilang libro at magazines na nakakalat sa carpet, at maging ang isang pares ng sapatos ay nakahandusay sa gilid ng kama. Napailing siya. Mali pala siya. Kahapon pa naman, akala niya si Rhys na ang pinaka-neat at organized na lalaki na nakilala niya. Apparently, she was wrong. Kung bakit bigla niyang naisip ang kabilang silid. Kabaligtaran ito ng lalaking naroon. Mukhang si Theodore ang clean freak. Napailing siya at lihim na sumimangot. So what? Gusto ko pa rin si Rhys kahit makalat siya. Walang epekto sa kanya ang pagiging me
Maagang gumising si Gabriela kinabukasan. Hindi dahil sanay siyang gumising nang maaga kundi dahil may misyon siya. Ngayong may sakit si Rhys, gusto niyang ipakita rito kung gaano siya ka-concerned. Isa pa, magandang pagkakataon iyon para mas mapalapit siya rito. Kaya naman bago pa tuluyang sumikat ang araw, nasa kusina na siya. Suot ang maluwag na pambahay na damit bilang si Gabby, abala siyang naghahanda ng macaroni soup. Habang hinahalo ang niluluto, hindi niya mapigilang mapangiti. “Hmm-hmm-hmm...” Pakanta-kanta pa siya habang tinitingnan ang kumukulong sabaw. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Sa wakas, maaalagaan na rin niya si Rhys. Makakausap niya ito, makakasama at higit sa lahat, magkakaroon siya ng dahilan para palaging nasa paligid nito. From now on, Rhys... you will be mine. Napapikit siya sandali. At dahil gusto niyang siguraduhing hindi masasayang ang effort niya, muli niyang inusal sa isip ang isang love spell na buong gabi niyang sinearch s
Humahangos na bumaba ng taxi si Kianna at halos takbuhin na ang gusaling pinagtatrabahuhan niya. Lunes na lunes ay late na siya. Paano ba naman, buong gabi niyang hinintay ang pagdating ni Preston kahit isang tawag man lang o simpleng paghingi ng sorry, wala. Ni anino nito ay hindi niya nakita.
“Oy, grabe ka naman. Baka kung ano na naman ang iniisip mo,” natatawang sabi ni Gigi. Sinansala kaagad ang namumuong ideya sa isipan niya. “Pinagpanggap ko lang naman siyang nobyo ko para pagselosin si Calvin.” dagdag nito. "Puwede iyon?" manghang tanong niya. Bahagya itong tumawa sa reaksyo
“Miss!” Agad na napalingon si Kianna sa lalaking tumawag sa kanya. “Ano?!” matalim niyang sagot. Bahagyang napaatras ang lalaki, tila nagulat sa taas ng boses niya, parang handa siyang manakmal ng kahit sino. Pero wala siyang pakialam. Sira na nga ang araw niya, nadagdagan pa ng kayabangan
Samantala, pagkapasok ni Drake sa loob ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na mamahaling polo at pinalitan ng nakasabit na long sleeves. Binuksan niya ang bintana at akmang ihahagis sa basurahan ang nasirang polo nang pigilan siya ng driver niya. “Boss, sayang naman! Akin na lang po. Ta







