LOGIN“Oy, grabe ka naman. Baka kung ano na naman ang iniisip mo,” natatawang sabi ni Gigi. Sinansala kaagad ang namumuong ideya sa isipan niya.
“Pinagpanggap ko lang naman siyang nobyo ko para pagselosin si Calvin.” dagdag nito. "Puwede iyon?" manghang tanong niya. Bahagya itong tumawa sa reaksyon niya. “Actually kinulit ko lang talaga siya, noong una ayaw pa nga niya. Bawal daw sa rules and regulations nila iyon. Alam mo naman, ibang usapan kapag lumabas na ng club ang male hosts, tanging sa loob lang sila pwedeng mag-entertain ng customers.” patuloy nito. “Pero napakiusapan ko siya… at dahil naawa siya sa akin, tinulungan niya ako.” Sa narinig, biglang may kumislot na interes sa dibdib ni Kianna. “Wait… so what happened? Effective ba yung ginawa mo?” curious na tanong niya. Tumango si Gigi, nakangiting parang naaalala ang tagumpay. “Super effective, Kianna. Nang malaman ni Calvin na may nakaka-date akong iba, nag-panic siya.” malapad ang mga ngiti nitong sabi. Nanlaki ang mga mata niya. “Then?” “Then…” humagikhik si Gigi, “sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng atensyon. Tapos dumating si Hyde, siya yung host na nakuha ko, binigay niya lahat ng oras at atensyon na hindi ko nararanasan noon.” Napakurap siya habang nakikinig. “Sinabi mo talaga yon sa kanya?” Tumango si Gigi, natatawa pa rin. “Oo. At hindi naman siya nagalit. Mas naging guilty pa siya kasi alam niyang may pagkukulang talaga siya. Kaya nag-sorry siya… humingi ng isa pang chance.” Sandaling huminto si Gigi, tila kinikilig. “At siyempre, yon naman talaga ang gusto ko, yung oras niya. Yung atensyon niya. Ngayon, ramdam na ramdam ko na ulit na mahal niya ako.” Nagliwanag ang mga mata nito habang nagkukwento. “And take note, may lunch date kami ngayon. First time yon na nangyari in ages.” may pagmamalaking sabi nito. Hindi pa nakakapagsalita ulit si Kianna nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napalingon silang dalawa. Isang lalaking nakangiti ang pumasok, gwapo, maayos ang porma, at may dalang puting rosas. Lumapit ito kay Gigi at iniabot ang bulaklak. “Hi, hon,” malambing nitong bati bago hinalikan si Gigi sa pisngi. “Ready ka na?” Tumango si Gigi habang hindi maitago ang saya sa mukha. “Yes, kanina pa ready. Maiwan ka muna namin, Kianna. Mag lunch lang kami ni honey pie ko.” paalam nito. Napangiti siya kahit may kung anong kirot sa dibdib niya. “Go ahead,” mahina niyang sagot. Pagkaalis ng dalawa, nanatili siyang nakaupo. Tahimik at malalim ang iniisip. Nakatingin siya sa hawak niyang pumpon ng mga bulaklak mula sa nobyo niya. Pero ngayon, hindi na ganoon kalakas ang dating ng kilig sa kanya. Sa halip, may pumalit na kakaibang bigat sa dibdib niya. Dahan-dahan siyang napasandal sa upuan, tila hinahabol ang hininga na hindi niya namamalayan na nawala. Hiniling niya sa isip niya na sana bumalik na rin ang dating init ng pagmamahal ni Preston sa kanya. Sana hindi na ito palaging abala sa trabaho, sana hindi na puro dahilan ang mga natatanggap niya tuwing tatawag ito. Sana mabigyan ulit siya ng oras at atensyon, yung simpleng presensya lang nito na dati ay sapat na para mapasaya siya buong araw. Ilang mahahalagang okasyon na rin ang nakaligtaan nito. Anniversaries na dapat pinagsasaluhan nila, mga simpleng date na nauuwi sa paghihintay niya, at mga pangakong paulit-ulit na “bawi next time” pero laging nauudlot. Kahit nga ang kaarawan niya ay hindi na nito matandaan dahil sa sobrang abala sa trabaho. At sa bawat palampas na sandali, unti-unting may nababasag sa tiwala niya, kahit pilit niya itong pinipikit at binabalewala. Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang emosyon. “Bakit pakiramdam ko… ako na lang lagi ang naghihintay?”Bitbit ang fruit basket, mabilis na lumabas ng silid si Gabriela.Grabe. Ano ba naman yon?Hindi pa rin siya makapaniwala. Muntik na niyang maabutan ang maling lalaki sa banyo. At ang mas malala pa, nahuli siyang nakatayo sa labas na parang may balak talaga siyang sumilip.This is so embarrassing.Paglabas niya ng silid, agad niyang hinanap si Rhys.“Nasaan si Rhys?”Walang sumagot. Napalingon siya sa veranda. Naroon si Theodore, tahimik na umiinom ng wine habang nakatanaw sa labas.Lihim siyang napasimangot. Ramdam na ramdam niya na hindi siya gusto ng lalaki.So what? The feeling is mutual.Hindi niya kailanman maiisip na magkakagusto siya sa katulad nitong nuknukan ng antipatiko.Oo, mahilig siya sa guwapo pero choosy din naman siya. Kung pipili siya ng makakasama habang buhay, package deal na iyon. Guwapo, mabait, maalaga at mapagmahal, katulad ni Rhys.“Nasaan si Rhys, Theodore?”Tila napilitan lamang itong sulyapan siya.“Why do you keep looking for him?” May iritasyon sa tinig
Nagpalinga-linga muna si Gabriela bago niya binuksan ang pinto ng silid ni Rhys.Kailangan niyang masigurong wala si Theodore sa paligid.Sa lahat ng tao sa bahay, ito talaga ang madalas sumira sa mga plano niya. Masyado itong mapagmasid. Masyadong maraming napapansin. At higit sa lahat, parang may built-in detector ng kalokohan ang lalaki.Nang masigurong wala nga ito, mabilis siyang pumasok sa silid.Bitbit niya ang fruit basket na pasalubong niya kay Rhys.“Rhys?”Walang sumagot. Napatingin siya sa paligid. Wala ang binata pero may narinig siyang malinaw na lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo.Napangiti siya.Ah, nasa loob pala. Biglang may kung anong kalokohan ang pumasok sa isip niya.Hindi naman siguro masama kung sisilip lang siya, di ba? Magpe-pretend akong hindi ko alam na naroon siya.Napakagat siya sa labi para pigilan ang ngiti.Ay, bongga. Gusto ko yon.Inilapag muna niya ang fruit basket sa bedside table bago dahan-dahan na lumapit sa pinto ng banyo. Huminto siya roo
“Tell Mom na baka matagalan pa ako umuwi. I'm at Rhys's house.” Nakasandal si Theodore sa gilid ng hallway ng hospital habang hawak ang cellphone sa isang kamay. Katatapos lang magpatingin ni Rhys kay Vaughn, at ngayon ay hinihintay na lamang nila ang ilang resulta bago sila makauwi. “Oh, si Rhys?” Agad na naging interested ang boses ng nakababata niyang kapatid sa kabilang linya. “Ikamusta mo ako sa kanya, Big Bro!” Theodore chuckled. “Yeah. Actually, nandito nga kami sa hospital because he needed a checkup. Baka lumala ang sakit niya kapag pinabayaan niya.” “Ah, okay.” May ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita si Thea. “Anyway, sabi ni Adam may bagong contract daw kayong sisimulan next month?” “Yeah.” “Then instead of spending your free time joining those races, magpunta ka na lang sa beach house natin. Magbakasyon ka naman doon, Big Bro.” Napailing si Theodore. Pareho talaga ang kapatid at ina niya. Whenever they thought he was working too much or r
Natigilan sa paglabas ng bahay si Gabriela nang marinig niya ang tinig ni Rhys. “Gabby, where are you going?” Lumingon siya. Napansin niyang nakabihis ito, mukhang may lakad din ang binata kahit halatang hindi pa rin maganda ang pakiramdam nito. “Magkikita kami ng best friend ko,” sagot niya. “May usapan kasi kami ni Angelo.” “Ah, okay.” Saglit siyang nag-isip bago siya napatingin dito. “Ikaw? Mukhang may lakad ka. May date ka?” Napangiti si Rhys. “No. I'm going to see a doctor. I don't usually go for checkups, but Theo insisted.” So, may concern din naman pala siya. “Good,” sabi niya. “At least someone is forcing you to take care of yourself.” Rhys chuckled. “If you want, you can come with us. Where are you meeting your friend?” “Sa mall lang.” “We can drop you off there. Theo and I are heading to the hospital anyway.” Napangiti siya. Napakabait talaga ng papa Rhys niya. No wonder she liked him so much. “Sure.” Bago pa sila makalakad, narinig niya
Ilang beses munang nagpakawala ng malalim na hininga si Gabriela bago kumatok sa pinto ng silid ni Rhys. Pero walang sagot mula sa loob. “Rhys?”Nanatiling walang tugon. Kumunot ang noo niya. Baka hindi talaga nito naririnig. Sa huli, napagdesisyunan niyang pumasok na lang. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at agad siyang natigilan. What the-? Para bang dinaanan ng bagyo ang buong silid. Nagkalat sa sahig ang mga damit na pinagbihisan ni Rhys, may ilang libro at magazines na nakakalat sa carpet, at maging ang isang pares ng sapatos ay nakahandusay sa gilid ng kama. Napailing siya. Mali pala siya. Kahapon pa naman, akala niya si Rhys na ang pinaka-neat at organized na lalaki na nakilala niya. Apparently, she was wrong. Kung bakit bigla niyang naisip ang kabilang silid. Kabaligtaran ito ng lalaking naroon. Mukhang si Theodore ang clean freak. Napailing siya at lihim na sumimangot. So what? Gusto ko pa rin si Rhys kahit makalat siya. Walang epekto sa kanya ang pagiging me
Maagang gumising si Gabriela kinabukasan. Hindi dahil sanay siyang gumising nang maaga kundi dahil may misyon siya. Ngayong may sakit si Rhys, gusto niyang ipakita rito kung gaano siya ka-concerned. Isa pa, magandang pagkakataon iyon para mas mapalapit siya rito. Kaya naman bago pa tuluyang sumikat ang araw, nasa kusina na siya. Suot ang maluwag na pambahay na damit bilang si Gabby, abala siyang naghahanda ng macaroni soup. Habang hinahalo ang niluluto, hindi niya mapigilang mapangiti. “Hmm-hmm-hmm...” Pakanta-kanta pa siya habang tinitingnan ang kumukulong sabaw. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Sa wakas, maaalagaan na rin niya si Rhys. Makakausap niya ito, makakasama at higit sa lahat, magkakaroon siya ng dahilan para palaging nasa paligid nito. From now on, Rhys... you will be mine. Napapikit siya sandali. At dahil gusto niyang siguraduhing hindi masasayang ang effort niya, muli niyang inusal sa isip ang isang love spell na buong gabi niyang sinearch s
Humahangos na bumaba ng taxi si Kianna at halos takbuhin na ang gusaling pinagtatrabahuhan niya. Lunes na lunes ay late na siya. Paano ba naman, buong gabi niyang hinintay ang pagdating ni Preston kahit isang tawag man lang o simpleng paghingi ng sorry, wala. Ni anino nito ay hindi niya nakita.
Natagpuan ni Kianna ang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada nang walang tiyak na direksyon. Malamig ang hangin ng gabi ngunit hindi niya iyon maramdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit na bumabalot sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hind
“Miss!” Agad na napalingon si Kianna sa lalaking tumawag sa kanya. “Ano?!” matalim niyang sagot. Bahagyang napaatras ang lalaki, tila nagulat sa taas ng boses niya, parang handa siyang manakmal ng kahit sino. Pero wala siyang pakialam. Sira na nga ang araw niya, nadagdagan pa ng kayabangan
Samantala, pagkapasok ni Drake sa loob ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na mamahaling polo at pinalitan ng nakasabit na long sleeves. Binuksan niya ang bintana at akmang ihahagis sa basurahan ang nasirang polo nang pigilan siya ng driver niya. “Boss, sayang naman! Akin na lang po. Ta







