LOGIN“Miss!”
Agad na napalingon si Kianna sa lalaking tumawag sa kanya. “Ano?!” matalim niyang sagot. Bahagyang napaatras ang lalaki, tila nagulat sa taas ng boses niya, parang handa siyang manakmal ng kahit sino. Pero wala siyang pakialam. Sira na nga ang araw niya, nadagdagan pa ng kayabangan ng lalaking nakilala niya kanina lang. “Pasensya na po sa istorbo, Miss,” naiilang na sabi ng lalaki. Hindi siya sumagot. Mas lalo pa siyang nagulat nang may iniabot itong kahon sa kanya. “Ano ’to?” nag-aalangan niyang tanong. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon, at agad na napaawang ang labi niya sa gulat nang makita ang isang pares ng pulang sapatos. Bago iyon, makintab at halatang mamahalin. Ngumiti ang lalaki at itinuro ang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan. Tinted ang mga salamin kaya hindi niya makita kung sino ang nasa loob. “Galing iyan sa boss ko,” sabi nito bago tuluyang umalis. Hindi na niya naitanong ang pangalan ng boss nito, ni ang dahilan, ni kung bakit siya binigyan ng ganoong klaseng sapatos. Ah, baka naman naawa siya sa’kin dahil sa itsura ko ngayon… Napabuntong-hininga siya habang tinititigan ang kahon. Siguro may mabubuti pa ring tao sa mundo. Salamat sa kung sino man siya. Tahimik niyang sinundan ng tingin ang papalayong sasakyan, habang nananatiling palaisipan sa kanya kung sino ang boss na iyon. ---- “I’m sorry, babe… alam kong nagtatampo ka.” Napabuntong-hininga si Kianna habang hawak ang telepono. Lunch break niya iyon, at nasa office siya habang kausap ang nobyo. “Hindi ko talaga maiwan ang trabaho. Marami pa akong kailangang asikasuhin sa kumpanya. Lalo na at darating ang anak ni big boss, baka magkaroon pa ng surprise audit si Boss DJ. Kapag hindi ko ito naayos, baka ako pa ang mapahamak.” Tahimik lang siyang nakikinig habang nakatitig sa pumpon ng bulaklak at kahon ng tsokolate na pinadala nito. “Alam kong naiintindihan mo ako, Kianna. I love you, babe. Kailangan ko na ulit bumalik sa trabaho, marami pa akong gagawin.” Napasimangot siya. Kahit lunch break, trabaho pa rin ang inuuna nito. “Okay. Wala naman akong magagawa,” malungkot niyang sagot. “Bawi ako sa’yo bukas, dinner tayo sa favorite restaurant natin. I love you. I miss you!” Biglang nagbago ang mood niya. Para bang lahat ng tampo ay nawala agad. “I love you too, babe! See you tomorrow!” Pagkababa ng tawag ay agad niyang niyakap ang bulaklak, kinikilig na parang batang binigyan ng simpleng lambing. Ganito talaga siya, madaling mapawi ang tampo sa simpleng effort lang ng mahal niya. “Ang saya mo ngayon, ah,” puna ng katrabaho niyang si Gigi. Nasa Pharmaceutical company si Kianna, at isa siya sa HRD staff. “Oo! Bati na kami ni Preston. Ang saya ko talaga,” masiglang sagot niya. Kumislap ang mga mata ni Gigi. “Ikaw rin mukhang masaya ah?” komento niya. Tumango ito. “Oo. Sa wakas, nabigyan na rin ako ng oras ni Calvin. Alam mo naman, mas matindi pa trabaho niya kaysa boyfriend mo.” “Talaga? Ano ang ginawa mo?” curious niyang tanong. Napangiti ang kaibigan. “Simple lang. Nag-hire ako ng male host, tapos pinapanggap ko na may lihim kaming relasyon.” Napakurap si Kianna. “Male host?” Muling tumango si Gigi, hindi maalis-alis ang ngiti sa labi. “Oo. May bagong host club sa kabilang kanto.” “Ano? May host club dito sa Pilipinas?” gulat niyang tanong. “Meron na. Inspired sa Japan. Last month lang nag-open. Parang bar din siya, may drinks, food, disco… pero ang main attraction, mga lalaking nag-e-entertain ng customers.” Lalong lumaki ang mga mata ni Kianna. “Wait… binili mo talaga ’yung male host?” hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango si Gigi na parang normal lang iyon. “Yep. Desperate times call for desperate measures.”Nag-init ang ulo ni Rain sa huling sinabi ng estranghero. Siya na nga ang bigla na lang pumasok sa ladies' restroom, siya pa ang may ganang sermunan ako?"Oh, talaga?"Mabilis niyang dinampot ang timba sa ilalim ng lababo. Kalahati pa ang laman nitong tubig."Hoy!"Napalingon ang lalaki. Patungo na sana ito sa pinto nang walang pag-aalinlangan niyang ibinuhos ang tubig sa katawan nito."Oh, shit!"Napamura ito nang mabasa ang kalahati ng suot nitong mamahaling polo.Nakapamewang na humarap si Rain dito."Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga ang basta-bastang pumasok sa ladies' room at hinarass ako, ikaw pa ang may lakas ng loob na pagsabihan ako?"Napasinghap siya sa sobrang inis."O baka style mo lang talaga iyan? Kunwari naligaw, pero ang totoo... manyakis ka!"Napangiwi ang lalaki."What?""Tatawag ako ng pulis!"Lalong nagsalubong ang mga kilay nito."Excuse me? Anong kaso ko?""Trespassing!" gigil na sabi niya habang isa-isang itinataas ang mga daliri. "At sexual harassment!""What
"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Sean sa lalaking kaharap niya. "Hindi lang isa ang JM? Dalawa ang lumabas na may parehong initials sa loob ng kumpanya?" Tumango ang lalaki. "Nakumpirma ko po, boss. Bukod sa JM na sinabi ko sa inyo noong nakaraang linggo, may isa pang JM na lumabas sa database." Napatahimik si Sean. That day, he was at Jawkins Corporation—the company owned by his uncle and soon to be managed by his cousin, Drake Jawkins. Hindi siya naroon bilang bisita. Naroon siya para mag-imbestiga. Pagkabalik ni Drake mula sa Paris, France, agad itong humingi ng tulong sa kanya upang alamin ang katotohanan sa likod ng mga anomalya sa kumpanya. At walang pag-aalinlangan niya iyong tinanggap. Investigation had always been his passion. For Sean, every case was a puzzle waiting to be solved. The more dangerous the mission, the more determined he became. He never backed down from a challenge. Because winning wasn't just about closing a case. It was about uncoverin
Sa loob ng Jawkins Corporation... Tuluy-tuloy ang pagta-type ni Rain sa report na ginagawa niya nang biglang tumunog ang telepono sa kanyang mesa. Napatingin siya sa caller ID. Security Control. Kunot-noo niya itong sinagot. "Hello, good morning." "Ms. Hernandez?" "Yes, speaking." "Iko-confirm lang po sana namin kung may kakilala kayong Ms. Kianna?" Bahagyang nagulat si Rain. "Yes, best friend ko siya. Bakit po?" "Nandito po siya sa lobby. Gusto daw niya kayong makausap at hinihintay niya kayo." "Ah, okay. Maraming salamat." Pagkababa ng telepono ay nagtaka siya. Anong ginagawa ni Kianna rito? Hindi naman ito basta-basta dumadalaw sa kumpanya niya. Nagpaalam muna siya sa katabi niyang empleyado bago bumaba sa lobby. Mula pa lamang sa elevator ay nakita na niya ang kaibigan na tahimik na nakaupo sa visitor's area habang may yakap na maliit na box. Napangiti siya at agad itong nilapitan. "Kianna!" Napalingon ang dalaga at kaagad ding ngumiti. "Rain." Mahigpit silang nag
Napangiti si Rain habang bumababa ng hagdan. Kasabay ng bawat hakbang niya ay ang mahinang pag-ugoy ng lumang bahay na minsan nang napuno ng tawanan at ingay. Ngayon, tanging katahimikan na lamang ang sumasalubong sa kanya tuwing umaga. Huminto siya sa sala at dahan-dahang inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Hindi iyon kalakihan. Lumang-luma na rin ang mga dingding, may ilang bahagi ng kisame na kailangang kumpunihin, at kupas na ang pintura. Ngunit para kay Rain, iyon pa rin ang pinakamahalagang lugar sa mundo. Doon nakaukit ang lahat ng alaala ng pamilya nila. Napangiti siya nang maalala kung paano sila dati nagsisiksikan sa maliit na hapag-kainan habang sabay-sabay na kumakain. Ang ama niya ang pinakamalakas tumawa. Si Audrey naman ang pinakamakulit habang si Amira ay iyakin at palaging sumusunod sa kanya. Ngunit sa isang iglap, naglaho ang lahat. Feeling empty, naupo siya sa lumang rattan rocking chair na nakalagay sa sulok ng sala. Regalo iyon ng ama niya sa sarili nito n
BLURB: One broken figurine changed her life forever. Isang simpleng pagkakamali lang ang nagawa ni Rain - ang mabasag ang pinakamahal na antigong figurine ng kilalang detective at bilyonaryong si Sean Terible. Akala niya ay kulong ang kahahantungan niya pero mas malala pa pala roon. "You broke it. So you'll work for me until every cent is paid." Sa isang iglap, naging personal maid siya ng pinakasuplado, pinakaistrikto, at woman hater na lalaking nakilala niya. Mortal na kaaway pa naman niya ito dahil sa unang pagkikita pa lang nila ay nagkabangayan na sila kaya hindi niya alam kung kakayanin ba niyang makasama ang lalaki sa iisang lugar. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang nakikilala ang tunay na pagkatao ni Sean, natuklasan niyang may itinatago itong mga sugat na walang sinuman ang nakakaalam. Hanggang sa isang araw... hindi na lang utang ang nagbuklod sa kanila. Kundi ang mga damdaming pareho nilang pilit tinatakasan. _______ CHAPTER 1 ________ Six o'cl
"Kung gusto mo siyang makalimutan agad... I'm willing to be your male host again." patuloy na sabi ni Drake. "And my mission is to make you happy." Mas naging malambot ang boses nito. "Kung... kung gusto mo lang." Natigilan si Kianna sa paglalakad ng marinig ang sinabi ng binata. Napapikit siya. Gusto niyang sumagot at sabihin na... I want you to be my host again but there's no end of service. I want you to be my host forever... ngunit agad niyang itinapon ang ideyang iyon. Ayaw na niyang masaktan pa. "Stop it, Drake." matigas na sabi niya. "Kung ginagawa mo lang iyan dahil iniligtas ko ang buhay mo at nakipagtulungan ako para mahuli si Preston... Huwag mo nang gawin." "No. This is not for payback. I want to help you because—" Pinutol niya ang sasabihin nito. "Because what? Wala ka nang dahilan para tulungan ako. Wala na si Preston para magpanggap kang gusto mo akong tulungan." sabi niya, may hinanakit sa tinig niya. "Nahuli na siya. Wala ka nang dahilan para lumapit pa sa a
"Hey, are you okay?" May pag-aalala sa boses ng lalaki habang marahang niyuyugyog siya. Hindi kasi siya nagsasalita. Hindi maintindihan ni Kianna kung bakit biglang lumundag ang puso niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng lalaki. 'Hinahanap ko lang naman kay Preston ang ganitong klaseng
“Hey.” Muli niyang narinig ang boses ng lalaki sa likuran niya. “Nakaharang ka sa daraanan ko. Puwede bang tumabi-tabi ka?” Halatang kinukuha nito ang atensyon niya ngunit sa halip na sumagot ay mariin niya itong siniko sa tagiliran. “Huwag ka ngang magulo,” asik niya. “Ugh!” Napangiwi
Natagpuan ni Kianna ang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada nang walang tiyak na direksyon. Malamig ang hangin ng gabi ngunit hindi niya iyon maramdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit na bumabalot sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hind
“Oy, grabe ka naman. Baka kung ano na naman ang iniisip mo,” natatawang sabi ni Gigi. Sinansala kaagad ang namumuong ideya sa isipan niya. “Pinagpanggap ko lang naman siyang nobyo ko para pagselosin si Calvin.” dagdag nito. "Puwede iyon?" manghang tanong niya. Bahagya itong tumawa sa reaksyo







