“Miss!” Agad na napalingon si Kianna sa lalaking tumawag sa kanya. “Ano?!” matalim niyang sagot. Bahagyang napaatras ang lalaki, tila nagulat sa taas ng boses niya, parang handa siyang manakmal ng kahit sino. Pero wala siyang pakialam. Sira na nga ang araw niya, nadagdagan pa ng kayabangan ng lalaking nakilala niya kanina lang. “Pasensya na po sa istorbo, Miss,” naiilang na sabi ng lalaki. Hindi siya sumagot. Mas lalo pa siyang nagulat nang may iniabot itong kahon sa kanya. “Ano ’to?” nag-aalangan niyang tanong. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon, at agad na napaawang ang labi niya sa gulat nang makita ang isang pares ng pulang sapatos. Bago iyon, makintab at halatang mamahalin. Ngumiti ang lalaki at itinuro ang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan. Tinted ang mga salamin kaya hindi niya makita kung sino ang nasa loob. “Galing iyan sa boss ko,” sabi nito bago tuluyang umalis. Hindi na niya naitanong ang pangalan ng boss nito, ni ang dahilan, ni kung bakit siya
Dernière mise à jour : 2026-05-17 Read More