Se connecterSamantala, pagkapasok ni Drake sa loob ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na mamahaling polo at pinalitan ng nakasabit na long sleeves.
Binuksan niya ang bintana at akmang ihahagis sa basurahan ang nasirang polo nang pigilan siya ng driver niya. “Boss, sayang naman! Akin na lang po. Tatahiin lang iyan ng misis ko.” sabi nito. Tahimik niya iyong iniabot dito. “Salamat, bossing! Ang ganda pa naman nito. Mukhang bago pa. Saan mo nabili?” usisa nito habang sinusuri ang tela. “I bought it in Madrid last week,” kaswal niyang sagot habang muling isinasara ang bintana. Napailing na lamang ang driver. “Imported pala! Salamat talaga, boss.” Hindi na sumagot si Drake. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata at isinandal ang ulo sa upuan. Ngunit imbes na ang sunod-sunod na problema sa kumpanya ang pumasok sa isip niya, mukha ng babaeng nakaengkwentro kanina ang nasa isip niya. Muli niyang naalala ang nabaling takong ng sapatos nito. Napabuntong-hininga siya. Hindi naman talaga niya intensyong pagbuntungan ito ng inis. Nagkataon lamang na ito ang unang taong nakausap niya matapos ang walang kwentang meeting na halos sumira sa buong araw niya. Nakaramdam siya ng pagka-guilty. Ngayon niya pinagsisisihan ang ginawang pagsusungit sa babae. He couldn’t sit still after what happened. He had always been the kind of man who hated hurting other people’s feelings especially women. Ini-start na ng driver ang sasakyan nang mapadako muli ang tingin niya sa labas. Naroon pa rin ang babaeng pinagsungitan niya kanina. At ngayo’y pilit na naglalakad kahit halatang hirap dahil sa sirang sapatos. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita itong napapangiwi habang nakapaa na ang isang paa sa semento. “Baka matunaw ’yung babae, boss. Pero ibang klase rin taste n’yo ah, maganda na, sexy pa,” kantiyaw ng driver. Hindi niya ito pinansin. Tahimik lamang niyang pinagmasdan ang babae. Kahit mukha na itong stressed at mukhang inis na inis na, hindi pa rin maitago ng babae ang natural nitong ganda. There was something strangely charming about her. She wasn’t the overly polished or elegant type. In fact, her hair was slightly messy and she looked utterly exhausted. Pero may kung anong buhay sa ekspresyon nito na hindi niya maipaliwanag. Nagbuntong hininga siya, inalis niya sa isipan ang mga bagay na iyon, wala siyang panahon para pumuri at ituon ang atensyon sa mga bagay na walang kinalaman sa pag uwi niya ngayon sa bansa. Siguro para maalis ang nararamdaman niyang guilty. Kailangan niyang bumawi na lang sa babae. May inabot siya mula sa likod ng sasakyan at iniabot iyon sa driver. “Ano ito, boss? Pasalubong mo sa’kin?” nakangising tanong nito. Umiling siya at itinuro ang babae sa labas. Naguguluhang binuksan naman nito ang kahon at nang makita ang laman ay agad na napangisi nang makahulugan. “Ibang klase ka rin dumiskarte sa babae, boss. Bilis ah. Kukunin ko na rin ba ang pangalan at cellphone number niya?” Muli siyang umiling. “Just give it to her,” malamig niyang sabi. “And don’t tell her it came from me.” Sa totoo lang, pasalubong sana niya iyon kay Arlee, ang nakababatang kapatid ng kaibigan niyang si Koen Legazpi. Designer heels iyon mula sa isang luxury brand sa Spain. Hindi pa nga iyon nagagamit. Pero nang makita niya ang babaeng hirap na hirap maglakad dahil sa sirang sapatos, bigla na lamang niyang naisip na baka mas mapakinabangan nito iyon. “Sigurado ka, boss? Mukhang mamahalin ito ah.” Hindi siya agad sumagot. Tahimik lamang niyang pinagmasdan ang babae sa labas ng bintana pagkatapos ay tumango siya. “She needs it more.” Bahagyang natahimik ang driver dahil sa seryosong tono niya. Tumango na lamang ito bago bumaba ng sasakyan at naglakad papalapit sa babae. Samantala, nanatiling nakamasid si Drake mula sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang makita ang magiging reaksyon ng babae.Nagulat si Kianna nang bigla na lamang siyang itinulak palabas ng pinto ng lalaki. "Wala akong panahon para dyan, humanap ka ng ibang lalaking tutulong sa problema mo." pagkasabi ay isinara nito ang pinto. Narinig pa niya ang pag lock nito sa pinto. Inis na inis naman siya sa lalaki. "Bwusit ka!" gigil na gigil na sigaw niya. Hindi pa siya nakuntento, pinagbabayo pa niya ang pinto sa labas at nagsalita. "Ang yabang mo! walang magkakagusto sa isang katulad mo na ubod ng yabang! Baliw!" sigaw niya. Inis na inis pa rin siya habang hinahampas ang labas ng pinto nang bigla na lamang bumukas iyon. Bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng lalaki at ang nakapagkit na nakakalokong ngiti sa mga labi. "Excuse me! You're disturbing our celebration, will you please stop that and go home, crazy woman." pang aasar nito, at animo asong gala siyang pinapalayas sa harap ng pinto. Tuluyan na siyang sumabog. Gigil na tinadyakan niya ang binti nito. "Wala kang kuwenta! You're only a host
Gagantihan muna ni Kianna ang lalaking iyon bago niya sabihin ang totoong dahilan ng pagpunta niya roon. Tinaasan niya ito ng kilay habang pilit na inaayos ang sarili kahit bahagya nang umiikot ang paningin niya dahil sa alak. “Yes,” sarkastiko niyang saad. “Kung panghuli ka man sa listahan ng lalaking magugustuhan ko, sinasabi ko sa’yo, maubos man ang pambura sa mundo, pipilitin pa rin kitang burahin.” Tumahimik ang paligid sa loob ng ilang segundo pagkatapos ay narinig niya ang mahinang pag-ubo ng isa sa mga male host na halatang pinipigilan ang pagtawa. Yes, success! Hindi umimik ang lalaki ngunit kitang-kita niya ang marahang paggalaw ng panga nito. Nagngangalit ang mga bagang nito sa pagpipigil ng inis. Lihim namang nagdiwang si Kianna. Good. Nakaganti na siya. At ngayong nabawasan kahit papaano ang inis niya rito, oras na para harapin ang totoong dahilan kung bakit siya naroon. Humarap siya sa ibang male hosts na nakatingin sa kanya na para bang isa siyang kakaiban
“So, wala pa rin ba kayong balak na i-entertain ako?” prangkang tanong ni Kianna habang isa-isang sinusulyapan ang mga lalaki. Tahimik na nagkatinginan ang mga ito. At bago pa may makasagot, may kamay na humawak sa kanyang braso. “Sorry, guys. Ako na ang bahala sa kanya.” Mababa at seryoso ang tinig ng lalaking kanina pa nakikialam sa kanya. Hindi na siya nakapalag nang hilahin siya nito palayo sa grupo. Tahimik siyang naupo sa isang mataas na stool malapit sa bar counter habang ang lalaki naman ay may kinuhang tasa. Ilang segundo pa’y inilapag nito sa harapan niya ang isang mainit na black coffee. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. “Ang sabi ko red wine, hindi kape,” iritadong saad niya. Kaswal lamang itong sumandal sa counter. “Naubusan kami ng red wine.” Napasimangot siya. “Ano namang klaseng club to? Nauubusan kayo ng red wine?” reklamo niya. “Ayoko ng kape. Hard drinks na lang.” Padaskol niyang itinulak pabalik ang tasa. Bahagyang natapon ang mainit na kape sa kama
Biglang napuno ng pigil na tawa ang paligid. Halos mapayuko sa kakapigil ng tawa ang ibang male hosts. Samantalang ang lalaking kaharap niya ay tila lalong sumama ang timpla. Mukhang hindi ito sanay na sinasagot-sagot. Inis niya itong tinalikuran at muling hinarap ang ibang lalaki. “Do you have wine?” tanong niya. Agad namang nagsalita ang isang matangkad na lalaki na may magagandang mata at napakaamo ng dating. “Marami kami niyan dito. What do you prefer? White wine or red wine?” nakangiti nitong tanong. “We also have hard drinks,” sabad naman ng isa pang matangkad at maputing lalaki na mukhang Western actor. Mukhang nagsimula nang mag-entertain ang mga ito. Mabuti naman... “Theodore. Rhys. Shut up.” Muli niyang narinig ang malamig na boses ng lalaking nasa likuran niya. Inis niya itong nilingon. “Ikaw ang tumigil diyan,” mataray niyang saad. “At least sila marunong mag-entertain ng guest unlike you. Napakabrusko mo! Akala mo kung sino. Guwapo ka lang naman!” Na
“What's going on here?” Isang malamig at mababang boses ang biglang umalingawngaw mula sa likuran niya. Hindi alam ni Kianna kung bakit tila may kakaibang epekto sa kanya ang boses na iyon. Parang sa isang iglap, bahagyang gumaan ang mabigat niyang pakiramdam. His voice sounded dangerously comforting like medicine to a wounded heart. Dahan-dahan siyang nagbaling ng tingin. Ngunit ang bahagyang paghanga sa kanyang dibdib ay agad ding napalitan ng inis nang tuluyan niyang makita ang mukha ng lalaking nagsalita. Ang mayabang na lalaki! “You?!” gulat ngunit mataray niyang saad sabay turo rito. Biglang nagsalubong ang kilay ng lalaki. So, isa pala ito sa mga male hosts ng lugar na iyon. Ho ho ho… wala na siyang maipagmamayabang ngayon. “Do you know me?” kunot-noong tanong nito habang sumulyap sa mga kasamahan nitong tahimik lang na nakatingin sa kanilang dalawa. Nagkibit-balikat lamang ang mga ito, wari’y sinasabing wala rin silang ideya sa nangyayari. Nainis si K
Hindi pinansin ni Kianna ang lalaking naglakad sa gilid ng gusaling iyon. Sa pag-aakala niyang isa lamang itong ordinaryong customer ng bar, nagpatuloy siya sa paglalakad. Ngunit ilang sandali pa, bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo marahil dahil sa dami ng nainom niya kanina. Huminto siya saglit at sumandal sa itim na sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. She bent her knees slightly, para sulyapan ang sarili sa side mirror ng sasakyan. Namumula ang kanyang mukha. Namumungay ang kanyang mga mata, hindi lang dahil sa alak kundi dahil sa matagal na pag-iyak. Huminga siya nang malalim. She had never been this broken before. Hindi niya akalaing darating siya sa ganitong punto… at dahil lang kay Preston. Isang mabigat na buntong-hininga muli ang pinakawalan niya bago muling tumayo. I just need tonight… I just need to forget. Muli siyang naglakad, pilit na inaayos ang sarili. Sa bawat hakbang, mas bumibigat ang pakiramdam niya, ngunit ipinagpilitan niyang magpatuloy hanggang sa







