تسجيل الدخول
Humahangos na bumaba ng taxi si Kianna at halos takbuhin na ang gusaling pinagtatrabahuhan niya.
Lunes na lunes ay late na siya. Paano ba naman, buong gabi niyang hinintay ang pagdating ni Preston kahit isang tawag man lang o simpleng paghingi ng sorry, wala. Ni anino nito ay hindi niya nakita. At kahapon pa naman ang anniversary nila. Dahil sa kaiiyak at kaiisip, namugto ang mga mata niya. Mabuti na lamang at may shades siyang suot kaya kahit paano ay natatakpan ang makapal niyang eyebags. Dagdag pa roon ang pagkamalas niya sa nasakyang taxi. Tatlong bloke na lang ang layo sa kumpanya ay na-flat-an pa ito ng gulong. Kaya heto siya ngayon...takbo rito, hila roon sa maikling skirt ng office uniform niya habang pilit inaabot ang oras. Kung alam lang niyang magiging ganito ang araw niya, nag-slacks na lang sana siya para komportable siyang makakatakbo. “Ah, Preston! Kasalanan mo talaga ito,” inis niyang bulong. Dahil sa dami ng iniisip, hindi niya napansin ang nakausling tipak ng bato sa daraanan niya. Huli na nang makita niya iyon. Natapilok siya. At kasabay ng pagkabali ng takong ng sapatos niya ay ang malutong na tunog ng napunit na tela. “Ay, bulate!” gulat niyang bulalas. Kung hindi lang siya nakahawak sa damit ng lalaking nasa harapan niya, siguradong sumubsob na siya sa semento. “What the hell?” madiing sambit nito. Nanlaki ang mga mata ni Kianna. Dahan-dahan siyang napatingin sa napunit na bahagi ng damit nito at agad na nakaramdam ng matinding hiya. “I-I’m so sorry,” mabilis niyang sabi. Ngunit nang mag-angat siya ng tingin, tila tumigil ang mundo niya. Kitang-kita niya ang pagkainis sa mukha ng lalaki subalit kahit bahagyang nakakunot ang noo nito, hindi iyon nakabawas sa nakakasilaw nitong kaguwapuhan. Bigla niyang naalala ang isang linya mula sa paborito niyang Korean drama. “His beauty shines brighter than the midday sun and gentler than the moonlight in the darkest night.” At sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya’y eksaktong-eksakto iyon para sa lalaking kaharap niya. Ngayon lang yata siya nakakita ng ganoong kaguwapong lalaki nang personal. Matangkad ito, matangos ang ilong, matalim ang mga mata, mapula ang labi at napakaputi ng balat para bang hindi tao kundi isang karakter na lumabas mula sa mamahaling magazine o international runway show. Kaya naman hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatitig dito. Ah, Kianna… seryoso ka ba? Sa gitna talaga ng kamalasan mo, nagagawa mo pang mag-daydream? “Finished fantasizing about me?” Natigilan siya. May halong sarkasmo ang boses nito dahilan para agad siyang mamula sa kahihiyan. “I-I’m sorry…” nahiyang sabi niya. Lalong kumunot ang noo ng lalaki. “Stop saying sorry. I don’t need your apology.” Bahagyang nainis si Kianna. Kanina lamang ay halos mabighani siya rito, pero ngayon ay gusto na niya itong sapakin. Akala mo naman kung sino. Oo na, gwapo na siya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay pwede na siyang maging suplado. “Okay. Fine. Kung gusto mo, papalitan ko na lang,” mataray niyang sagot. Tila walang pakialam itong tumingin sa kanya bago malamig na nagsalita. “Forget it. It’s too pricey.” Awtomatikong napaawang ang labi niya. Napakuyom siya ng kamao habang pilit pinipigilan ang sariling sumabog. Ano’ng ibig sabihin no’n? Mukha ba siyang walang pambayad? “Sabihin mo lang kung magkano. Babayaran ko,” madiin niyang saad. Ngunit imbes na sagutin siya, basta na lamang itong tumalikod at naglakad palayo. “Grabe… hari yata ng kayabangan ’yon,” gigil niyang bulong habang pinagmamasdan ang papalayong matangkad na pigura. Sa dami ng naging kamalasan niya ngayong araw, mukhang nadagdagan pa iyon. At oo, aminado siyang gwapo ito pero hanggang doon lang. Gwapo lang siya. Wala nang ibang redeeming factor. Nang marinig niya ang buzzer mula sa construction site sa tapat, saka lamang niya naalalang late na late na talaga siya. Akma na sana siyang maglalakad muli nang maalala ang nabaling takong ng sapatos niya. “Ay, kainis…” inis na bulong niya.Halatang ayaw siyang painumin ni Sean, ngunit nagpumilit si Rain hanggang sa wala na itong nagawa kundi salinan din ang kopitang hawak niya. Minsan lamang siyang makatikim ng red wine kaya nasarapan siya sa matamis na lasa nito. Hindi niya namalayan na nakailang baso na pala siya. Unti-unti nang umiinit ang kanyang katawan at bumibigat ang kanyang mga talukap. Hindi rin niya napansin na unti-unti nang umaapekto sa kanya ang alak. "Sean..." Nagtatakang sinulyapan siya nito. "Hmmm?" Namumungay na ang mga mata niya, ngunit hindi niya iyon alintana. Ngumiti siya bago nagsalita. "Paano kung ma-in love ka?" tanong niya. Naiiling itong tumingin sa kanya. "Tinanong mo na sa akin ang bagay na yan." "Oo nga, pero hindi mo naman sinagot." Nakalabi siyang tumingin dito. Hindi ito sumagot. Sa halip, sumimsim lamang ito ng wine. "Natatakot kang ma-in love, no?" tukso niya. Hindi niya namamalayan na mas nagiging madaldal na siya sa harap nito. "Natatakot ka kasi hindi mo
Ilang minuto lamang ang lumipas nang tuluyang mapabagsak ni Sean ang baka. Hangang-hanga si Rain habang tahimik na pinapanood ang mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing naririnig ang tawanan ng magkakaibigan. They were so comfortable with one another, and their friendship was clearly unbreakable, nothing could easily tear them apart. Sa kabilang bahagi ng rancho, ilang beses pa ring tinatangkang pabagsakin ni Zander ang baka. "Hawakan mong mabuti, Zander! Iikot mo lang yung ulo, tapos daganan mo!" sigaw ni Ellis na nakaupo sa bakod habang tawa nang tawa. "Ikaw kaya ang bumaba rito!" yamot na sagot ni Zander. "Huwag mo kasing halikan ang baka! Hindi yan mga babae mo!" tukso ni Theodore na lalo pang humagalpak sa tawa. "Shut up!" pikong sigaw ni Zander. "Paano ba yan? Humanda ka nang magsuot ng gown at makeup, Zander," sabad naman ni Hideo na ngiting-ngiti. "Tch! Bakit ba sineseryoso ninyo lahat ng sinasabi ko kanina?" angal nito. "Guwapo ka kasi!" halos sab
Ilang sandaling nakatitig si Rain sa mga litratong nakadisplay sa ibabaw ng narra divider. Habang pinagmamasdan niya ang masasayang mukha ng buong pamilya ni Granny, hindi niya maiwasang maalala ang sarili niyang pamilya. May lungkot sa mga mata niya habang marahan siyang napabuntong-hininga. Iyon na naman siya. Nararamdaman na naman niya ang pag-iisa. "Did you miss your family?" Napakislot siya nang biglang may boses na nanggaling sa likuran niya. Mabilis siyang napalingon. "S-Sean..." anas niya nang makita ang binata. Nakapamulsa ang binata habang kaswal na lumalapit sa narra divider. Saglit nitong pinagmasdan ang mga litrato bago muling ibinaling ang atensyon sa kanya. "Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata mo," komento nito. Muli siyang napabuntong-hininga. "Namimiss ko sila sa tuwing naiisip kong nag-iisa na talaga ako," malungkot niyang sabi. "Hindi ka naman nag-iisa ngayon." Biglang tumahip ang puso niya sa narinig. Naging seryoso ang pagtitig ni Sean sa
May kakaibang ngiti sa mga labi ni Kianna nang makasabay ni Rain sa pagbaba ng hagdan upang magtungo sa komedor. Kahit puyat ay maaga siyang nagising, subalit mas nauna pa ring bumangon si Sean. Nang magising siya, wala na ito sa kama. Siniko siya ng kaibigan. “Saan ka natulog kagabi?” tanong nito. “Sa tingin ko, gusto ka rin ni Sean, Best.” “Tumigil ka nga,” aniya, subalit may pumagkit na ngiti sa kanyang mga labi. “Uy! Napapangiti siya!” Patuloy pa rin ang pang-aasar nito. Nakangiting inirapan niya ang kaibigan. “Nakakatawa ka kasi. Ang aga-aga mong mang-asar.” “Ihh! Kunwari ka pa. Kinikilig ka naman.” Siniko lamang niya ito at hindi na pinatulan ang pangbubuska ng kaibigan. Ngunit hindi niya maikakaila ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Kahit ayaw niyang aminin, may bahagi sa kanyang umaasa sa mga sinabi nito. Baka nga gusto rin ako ni Sean? Napailing siya sa sarili. Huwag kang umasa, Rain. Papasok na sila sa loob ng komedor nang marinig nila ang boses
“Bakit hindi mo pa dito sabihin?” Maang na tanong ni Rain.Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin.“Just do what I said.” Napikon nang sabi ni Sean bago tuluyang pumasok muli sa loob ng silid nito.Curious naman siyang lumabas. Lumundag ang kanyang puso nang pagbukas niya ng pinto ng silid ay kaagad na bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng binata. Hindi pa siya nakakarekober sa pagkagulat nang bigla na lamang siyang hilahin nito at dalhin sa silid nito. Lalong nagkagulo ang sistema niya. “Teka, Master. Anong gagawin mo?” gulat pa rin niyang tanong nang paupuin siya nito sa gilid ng kama at patayin ang ilaw.“Forget about any weird thoughts. I won’t do anything to you,” anito habang binubuksan ang malaking TV.Naupo ito sa tabi niya at iniabot sa kanya ang remote.“Hindi ba ang tanging magpapaantok lang sa'yo ay manood ng horror movies?” sabi nito.Obvious ang pagkasorpresa niya. Tumango siya.“Oo, pero paano ka? Ayaw mo ng horror film, hindi ba?”“Sinong nagsabi? Nanonood din nama
Mula sa terrace ng silid na ibinigay kay Rain, pinagmamasdan niya ang napakalawak na lupain ng mansyon. Napakaganda ng tanawin mula roon. Ang mga bituin ay nagmistulang maliliit na dekorasyon sa madilim na kalangitan, habang ang malamig na hangin ng madaling-araw ay marahang humahaplos sa kanyang balat. Hindi siya makatulog. Palibhasa’y unang gabi niya sa mansyon at hindi pa siya sanay matulog sa ibang lugar. Isa iyon sa mga kahinaan niya kapag wala siya sa pamilyar na lugar, nahihirapan siyang makatulog. Nakaupo siya sa isang bakal na upuan, nakataas pa ang dalawang paa habang marahang humihigop ng mainit na gatas. Panay ang buntong-hininga niya. Gusto niyang gisingin ang natutulog niyang kaibigan na kasama niya sa iisang kuwarto, subalit naisip niyang mahihirapan itong makatulog muli. Ayaw niyang makaistorbo pero kailangan niya ng makakausap. Gusto niyang ilabas ang lahat ng saloobin niya. Muli siyang nagbuntong-hininga bago binalingan ang hawak niyang baso. “Mababal
Natagpuan ni Kianna ang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada nang walang tiyak na direksyon. Malamig ang hangin ng gabi ngunit hindi niya iyon maramdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit na bumabalot sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hind
“Oy, grabe ka naman. Baka kung ano na naman ang iniisip mo,” natatawang sabi ni Gigi. Sinansala kaagad ang namumuong ideya sa isipan niya. “Pinagpanggap ko lang naman siyang nobyo ko para pagselosin si Calvin.” dagdag nito. "Puwede iyon?" manghang tanong niya. Bahagya itong tumawa sa reaksyo
“Miss!” Agad na napalingon si Kianna sa lalaking tumawag sa kanya. “Ano?!” matalim niyang sagot. Bahagyang napaatras ang lalaki, tila nagulat sa taas ng boses niya, parang handa siyang manakmal ng kahit sino. Pero wala siyang pakialam. Sira na nga ang araw niya, nadagdagan pa ng kayabangan
Samantala, pagkapasok ni Drake sa loob ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na mamahaling polo at pinalitan ng nakasabit na long sleeves. Binuksan niya ang bintana at akmang ihahagis sa basurahan ang nasirang polo nang pigilan siya ng driver niya. “Boss, sayang naman! Akin na lang po. Ta







