Share

3: Trouble

Napakunot-noo si Hailey, at napatingin sa paligid nila. Pero wala siyang nakitang ni isa na naroon at tanging sila nalang ang natitirang tao sa hallway. "Hindi na po kailangan--"

"You don't have to pretend that you're okay, just let me help you and bring you to the hospital so that your wounds will be treated before it gets worst."

No'ng una ay nagdadalawang-isip si Hailey na tanggapin ang alok nitong tulong, pero sa huli ay tinanggap niya pa rin at hinayaan na tulongan siya ng Supremo.

---

"Hold on to me tight, para hindi ka mahulog." Natural ba talaga na sweet at caring ang Supremo? Ang special niya siguro para personal na tulongan nito noh? Pero shempre jema lang niya 'yun, ayaw niya mag assume. Ang sakit pa naman kapag nag assume ka para sa wala.

Hinayaan niyang ipulupot ang kaniyang mga braso sa leeg nito habang tahimik na binabaybay ang hallway patungo sa elevator at hanggang sa parking lot kung nasaan ang kotse nito.

Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng awkwardness sa katahimikan na meron sila, kaya naman...

"Bakit mo pala ako tinutulongan? Sana hinayaan mo nalang ako doon at parati ko namang natatamasa ang ganitong uri ng kaganapan." Sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

"It's just my duty to help you out."

Malungkot na napapangiti si Hailey, ano ba ang inexpect niya? Na may tatayo sa kaniya from now on everytime na may aapi sa kaniya, gano'n? Na may kaibigan na siya na makakasangga at matatakbuhan niya?

Napaka-imposible ng iniisip niya.

Ang hindi alam ni Hailey ay kanina pa siya pinagmamasdan ng Supremo. He was looking at her mischievously.

"Pero kung tungkolin mo talaga na tulongan ako, bakit ngayon lang?" She couldn't contain the curiousity and asked. "Bakit ngayon lang kung kailan sanay na sanay na akong masaktan at maapi?" Ilang minuto naag nagdaan at ramdam niyang hindi siya sasagutin ng Supremo. She suppress another painful smile. "Tama sila, mahirap ako. 'Yung mama ko ay isang prosti. Nabubuhay kami sa pagsasayaw niya sa club at pati na rin sa pagtitinda niya ng kwek-kwek, tempura at fishball. Pero alam mo ba kung bakit ako nagtiis?" She took a long breath out. "Dahil gusto kong suklian ang mama ko sa lahat ng sakripisyo niya para sa'kin. Gusto kong iahon siya sa kahirapan at ibigay sa kaniya ang karapat-dapat ay sa kaniya." She looked on her wounds and cried silently. Biting her lips in able not to make a evident sobbing. "Itong pasa at mga sugat ko sa katawan? These are all nothing compare to those sacrifices that she bestowed to me unconditionally. Kaya kahit anong lait ang sabihin nila at kung anong uri ng pang-aapi ang gagawin nila. Mananatili akong matatag hanggang sa makapagtapos ako. Isa at kalahating taon nalang naman eh." She chuckled after. "Pasensya na, siguro ay drama queen na rin ako sa paningin mo at pandinig mo. Sadyang hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Masyado ba akong obvious sa pagiging uhaw sa scholarship? Pasensya na ha, at nakikidagdag pa ako sa gastusin ng pamilya mo."

Sa buong biyahe nila ay siya lang 'yung nagsasalita. Expected na 'yun dahil kahit tinulungan siya ng Supremo ay hanggang doon lang 'yun at mananatiling tungkolin nito ang ginawa nitong pagtulong sa kaniya.

Hinatid siya nito sa hospital at binayaran ang bills niya, tiyaka umalis habang nasa treatment pa siya. Pero bago ito umalis...

"Sana ay hindi mo na ako tutulongan pa ulit, mas makakabubuti iyon sa'kin at sa'tin Pres."

Nagpaalam naman ito at ayus lang sa kaniya iyon. Masaya na siya na nagkaroon siya ng maayos na treatment at ang ginawa nitong pagbayad ng bills niya ay malaking tulong na iyon na kaniyang tatanawin at hindi niya makakalimutan.

---

"Naku, hija. Saan mo ba nakukuha ang mga ito at napakarami?" Nag-aalalang saloobin ng doktor na naglilinis ng kaniyang sugat. "Jusmeyo, naliligo ka ba sa bubog ha?" Hindi lang kasi ang paa at kamay niya ang may sugat, pati binti niya, braso at mga hita niya.

Kagaya ng pagsisinungaling niya sa nanay niya, she acted in front of the doctor at ginawang excuse ang pagkakadapa niya sa napakaraming bubog na daan.

"Magingat ka sa susunod, hija. Mahirap ang ganito at pupwede kang magka-infection. Mabuti nalang at nadala ka kaagad dito ng kasama mo."

Masaya na tumango si Hailey, "Oo nga po, Doc. Ang bait nga niya po at tinulongan ako. Hindi bale at magiingat na ako sa susunod."

Nagtagal ang treatment ng humigit apat na oras. Tanghali na nang siya'y makalabas sa ospital. May bendahe na rin ang kaniyang kaliwang siko at kaliwang ankle niya na nagkaroon ng mild fracture kaya kailangan bendahan. Samantalang ang mga sugat niya ay hindi na masyadong napaghahalataan dahil nalilinisan na ang mga ito at tumigil na rin sa pagdurugo.

Habang siya'y naglalakad sa hallway papunta sa elevator ay panay stretch niya sa kaniyang braso, kahit masakit ay pinilit niyang e stretch iyon para masanay na nakatuwid at hindi halatang injured. Ayaw niya kasing magalala ang ina niya sa nangyari sa kaniya. Mamaya ay tatanggalin niya ang benda bago siya papasok ng bahay.

Papasok siya sa elevator nang may makabangga siya, "Aww!" She groaned and was about to fall nang maagap naman siyang nasalo ng nakabanggaan niya sa bewang.

"Next time, tumingin ka naman sa dinadaanan mo. Stupida!" Anito at iniwanan siya nang maayos na ang kaniyang balanse.

"H-Hoy, ikaw na nga itong nakabangga--sandalii!" Tawag niya pero hindi na siya nito nilingon pa at tumakbo papalayo hanggang sa maglaho ito mula sa paningin niya.

It happened in just a frequent time pero saulo niya na ang mukha ng lalake. Magulo ang buhok nito, may kakapalan at maitim. Maitim din ang mga mata nito at mukhang parati may galit sa mundo. 'Yung kilay ay hindi niya naman nakita dahil sa gulo ng buhok nito. May mapupulang labi, ngunit may dugo sa sulok mukhang may kasuntokan. Tapos, naka v-neck shirt lang kaya kita ang tattoo nitong dragon sa gilid ng leeg nito. May earrings na krus pang kaakibat sa kaliwang tenga nito. Mukha nga itong playboy na tambay na basagulero slash gangster o kaya Mafia dahil sa outfit nitong mayayamanin. Naka trenchcoat ito na hanggang sa lagpas tuhod at may brown na jeans at leather black shoes. Nakakaagaw pansin pa ang mamahalin nitong kuwentas at relo.

Naiiling nalang siyang pumasok sa loob ng elevator at pinindot ang button pababa sa ground floor. Pero bago pa tuloyan na magsara ang elevator ay may biglang humarang na braso sa gitna ng pintuan at marahas na nagpumilit na pumasok. Nanigas si Hailey nang mapansin na mukha itong killer sa dami ng tattoo at piercing, mukhang may naghahabol dito na siyang ikinatakot ni Hailey.

"You goddamn fucker!" Mas napaigtad siya nang may malakas na sumigaw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status