Share

4: Fall back

Pumasok ang lalake na nagpumilit kanina, pasimple siya nitong nilingon at sa mga mata pa lang nito na namumula ay napapaatras siya sa sulok. Ngayon at papasara na ulit ang elevator nang may tao na namang humarang sa elevator.

Nahigit niya ang kaniyang hininga nang mapagsino ito.

The good looking guy in a playboy aura appeared, guwapo ito sa malapitan at ngayon ay naalala niyang may kamukha ito na artista sa sokor.

Ayy, tama! Mukha itong si Cha Eun Woo in a dark mode aura! Mag fantasize na sana siya lalo pa't nag slow mo saglit ang pag ikot ng oras niya sa guwapong playboy nang siya'y mapahiyaw dahil sa paghawak ng lalaking kasama nila sa elevator.

"Sige, Troy. Subokan mong lumapit at malilintikan itong babae na 'to!" Tinampal-tampal ni Hailey ang braso ng lalake na nakapulupot sa kaniyang leeg dahil sa hindi siya maayos na nakakahinga.

"B-Bitawan mo a-ako--"

"Manahimik ka!" Sigaw sa kaniya ng lalake malapit sa kaniyang tenga at halos mabingi siya sa lakas ng boses nito. Napapikit na lamang siya, dala na rin ng takot.

Namuo ang luha sa mga mata niya at nagbabadya itong tumulo. Habang pababa at pataas ang elevator ay gano'n ang aksyon. Ano ba ang ginawa niya para madamay sa isang away na wala siyang alam sa dahilan? Gano'n ba talaga siya ka-malas?

Imbes na maggalaw siya at magsalita, sinikap niya nalang na ipunin ang lakas at ituon ang sarili sa pagsagap ng hangin dahil kumikitid na rin ang kaniyang paghinga at hangin na kaniyang nasasagap.

"Mapapatay ko 'tong babae kapag susubokan mong hulihin ako!" Banta ng lalake sa playboy na guwapo, which is nagngangalang Troy according sa kaniyang narinig.

"Come on, Lloyd. You're being weakling again." Cool na wika ni Troy at kunwari'y walang pakealam at nagkukulangot. When in fact, he felt sorry for the girl na dinawit pa talaga ng mokong na si Lloyd.

They're actually playing. Nagpupustahan na animo'y isa lang natural na larong habol-habolan.

Wala talaga siyang maasahan dito at baka mamatay pa si Hailey dahil sa munting bardagulan ng dalawa.

"I don't fvcking care as long as I don't lose the darn game!" At base sa isinigaw ng lalake ay mukhang dahil pa talaga sa laro kung bakit ito naghahabulan.

Like seriously? Sa hospital pa talaga?? Mukha ba itong playground?

Troy bore his eyes lazily to the poor woman, and he seemed to not care about her. "Kahit patayin mo pa itong babae sa harapan ko, alam mong wala akong pakealam."

"Ganiyan ka ba talaga? Walang puso at isang walanghiya?"

Humagikhik at humalakhak ang lalake sabay palakpak. Aliw na aliw sa sinabi ng isang lalake. "Joseph, what do you think is the reason why I am called as a demon?"

Nagtiim bagang ang lalake na nagngangalang Joseph. "Sinasabi mo lang 'yan para mapaniwala mo ako!"

Napahalukipkip si Troy at nag krus ng mga braso sa dibdib. "Ah-huh? Just kill the girl or should I take the video for you, para masaya?"

Mas lalo lang nainis si Joseph at dala ng galit ay hindi nito napansin na masyado ng mahigpit ang pagkakahawak kay Hailey. Kaya bago pa makagawa ng panibagong aksyon si Joseph ay nawalan na ng malay si Hailey.

Before Hailey falls to consciousness, she silently pray na sana pag nawala siya ay aalagaan at gagabayan pa rin ng diyos ang mama niya at hindi ito papababayaan.

"Dimwit, bastard." That was the last words she heard and a loud boom from a raging smash of punch when unconsciousness totally swallowed her.

---

How many ours has it been since she was unconscious? 4 hours?

Nagising siya nang may mabigat na katawan. Napahawak siya sa kaniyang ulo at pinakiramdaman ang mumunting pagtibok nito sa sakit. Daig pa niya yata ang may sakit.

Tumagilid siya ng higa pero agad na napadilat nang maramdaman ang sarili na nakahiga sa isang malambot na higaan.

Nasaan siya?

She squeezed her eyes and roamed her vision around. Laglag ang kaniyang panga nang makitang wala siya sa kaniyang silid sa bahay nila.

Anong nangyari? Papaano siya napunta sa isang napakalaking silid na may mamahaling marmol, gamit at malamig na temperatura?

Maingat at namamangha ngunit nagtataka siyang umahon mula sa kama at binaybay ang bawat sulok ng silid. Una niyang hinanap ang banyo. Unang tingin niya pa lang ay nasososasyalan na siya. Mas malaki pa nga ang banyo na ito kaysa sa kaniyang silid. Matapos mag hilamos at mag ayus ng sarili si Hailey, nagpunta siya sa may sliding door at tumingin sa labas. Kuryuso siya kaya lumabas na rin siya at tsineck ang veranda.

Namilog ang kaniyang mga mata nang makita na isa itong malaking compound! May fountain sa hindi kalayuan at may mga benches o cottages na maari mong pag tambayan. Mayroon ding garden na buhos sa pagaalaga dahil sa napakatingkad nitong pamumulaklak. Sagana rin sa punong kahoy kaya hindi mainit.

Teka, saan nga ba talaga siya?

Pumasok siya sa loob at halos mapatalon nang may nadatnan siyang babae na nakabihis pang katulong. Ala, kaichou wa maid sama ang outfit.

"S-Sino ka?" Nauutal niyang tanong.

Yumukod ito sa kaniya na ikinagulat pa niya lalo. "B-Bakit ka yumukod sa'kin? Hindi mo ako amo at hindi ako ang may-ari nito. Huwag kang gumalang sa'kin dahil hindi ko alam kung papaano ako napadpad dito." Natataranta niyang salawikain at hinanap ang iba pa niyang gamit.

Napakagat-labi siya nang mapansin na hawak ng katulong ang kaniyang uniporme. "Pasensya na po, ma'am. Pero 'yun talaga ang patakaran namin dito. Walang pili kung bisita ka man o boss amo namin. Heto na po pala ang inyung damit at nalabhan ko na. Gusto niyo po bang dito kumain o sa baba nalang po?"

Umiling si Hailey, "Ahh-uhmm... H-Hindi na! Aalis na ko Auntie. Hindi na ako magtatagal dito. Sige po!" At saka siya nagkukumahog na naglakad papunta sa pintuan. Pero siya'y napatalon pabalik nang may lumitaw na Dracula sa kaniyang harapan.

"Ayy petrang kabayo!" Hiyaw niya.

"Kumain ka muna bago ka umalis." Ani ng malagong na boses mula sa taong ito.

Napatingin si Hailey sa lalake at napamulagat nang mapagtanto kung sino ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status